Share

Marriage for Convenience
Marriage for Convenience
Author: Misa_Crayola

C1: Kristine Del Castillo

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Sa braso ni Evan ko natagpuan ang aking sarili.Napaigik ako nang maramdaman ko ang pagkirot sa pagitan ng aking hita. So, it’s real? I lost my virginity last night. Hindi ko mapigil mangiti at mahiya nang magkasabay.

Sumiksik na lamang ako sa katawan ni Evan. Medyo nabigla rin ako sa paraan ni Evan kagabi hindi ko akalain na iyong boyfriend ko na tahimik at mabait ay wild sa kama. Nag-init ang mukha ko dahil sa naisip ko kung paano ang nangyari sa ‘min kagabi. But it was okay, he’s my two years boyfriend after all.

Ito ang unang beses na may nangyari sa ‘min dahil hindi ko hinahayaan noon na hawakan niya ‘ko nang ganito, o mapag-solo man lamang kami sa iisang kuwarto. Gusto ko talagang i-reserve ‘to para sa isang importanteng okasyon at nangyari nga ‘yon kagabi sa pagdiriwang ng two years anniversary namin. Bukod do’n sa tingin ko siya naman ang tamang tao para sa akin. Siya na rin ‘yong lalaking gusto kong mapangasawa.

Naalala ko na idea ni Andrea na bestfriend ko ang mag-book ako ng suite dito sa Luxord Hotel at siya na ang bahalagang umasikaso. Kinakailangan ko ang kanyang tulong dahil hindi naman ako gaanong pamilyar at willing naman siyang tulungan ako. Excited na rin siya sa aming 2 years anniversary ni Evan.

Halos isang buwang sahod ko ang ginastos ko para lamang dito. Hindi naman sayang ang ginastos ko dahil maganda at memorable ang gabi namin. Hindi ko nga rin alam bakit parang dalang-dala ako ng sitwasyon kagabi. Hindi rin namin nakain ang inihanda ko sanang surprise dinner sa kanya. Paano kahit madilim pa ay hinawakan niya na ako at hinalikan. Gusto ko sana siyang itulak pero desidido na ako ng gabing iyon na ibigay iyon sa kanya. Iniisip ko rin na baka makasira lamang sa aming anniversary ang pagpigil sa kanya.

Maging ang paghalik niya’y kakaiba, masyadong nangangailangan ang pakiramdam. Nabigla rin ako sa kanya pero sa galing niyang h*****k nadala na lamang ako ng sitwasyon.

Nagustuhan niya kaya? Ako, nagustuhan ko kahit masakit ang katawan ko dahil sa ilang beses ding namagitan sa amin. But it was all worth it if it’s for him.

Dahil sa pagkakadikit ngayon ng h***d naming katawan parang may init na namang nagsisimulang mabuhay sa aking katawan.

Marahan kong pinagapang ang kamay ko sa kanyang katawan. Madalas ko siyang makasama pero hindi ko ine-expect na ganito ang kanyang katawan. Harder, lean, and toned body--he’s more muscular than what I expected.

Mukhang naalimpungatan siya.

“Oh, so you woke up, Lena.” Ang braso niyang kinahihigaan ko ang kamay na humawak sa ‘king buhok. “It must be a tiring night for you.”

“Not at all, Evan, I mean I enjoy it very much.” Nag-iinit ang mukha ko sa pag-amin. “Wait, sino si Lena?”

Naitulak ko siya bigla dahil ngayon ko na-realize na iba rin ang kanyang boses. Nagmamadali akong tumayo at hinila ang kumot.

“What the hell is wrong with you?” halatang nagalit siya.

Halos magkandarapa ako para makarating sa bukasan ng ilaw.

Nanlamig ang pakiramdam ko nang makita ko ang isang guwapong lalaki na kauupo lang sa kama at mukhang inaantok pa rin.

“Sino ka?!” malakas na sigaw ko.

Bakit ibang lalaki ang kasama ko? Nasaan si Evan? Prank ba ito?

Nasurpresa rin ang kanyang hitsura pero hindi big deal ang dating no’n sa kanya.

“I thought I was inviting Lena, who are you?” mas kalmado niyang tanong sa ‘kin. “Oh, another woman whoring herself.”

This is not true, right?

Umalis siya sa kama at tumayo. Napaiwas ako ng tingin dahil wala siyang kahit na anong suot.

“What’s the problem?” tanong niya.

“You are not my boyfriend!” galit ko siyang binalingan.

Tiningnan niya ako na tila isang malaking biro ang sinabi ko saka siya natawa at napailing.

“Ofcourse, I am not, miss bed warmer. What the hell is wrong with you?” tatawa-tawa pa siya.

Nag-iinit ang mga mata ko. Hindi ko mapaniwalaan kung ano itong ginawa ko. Bakit ibang lalaki ang kasama ko? Hindi ko rin alam kung dapat ko siyang sugurin o saktan. Hinang-hina ang mga binti ko at tila ba kapag humakbang ako kahit isang hakbang ay babagsak ako.

Iyong iniingatan kong virginity naibigay ko sa isang lalaking hindi ko kilala?

Iyong iniingatan ko buong buhay ko na ibibigay ko lang sa lalaking mapapangasawa ko ay naibigay ko sa katulad niya?

Sino ang lalaking ito? Paano siya nakapasok dito?

Nagbibihis na siya sa ‘king harapan at tuwing titingnan ako ay napapailing siya.

Nang makapagbihis siya’y may kinuha siya sa bulsa ng kanyang jacket suit.

Tuluyan nang bumagsak ang tuhod ko. Mabibilis ang mga luha ko na nagbagsakan.

“Why are acting like that? Gasgas na ‘yan, roleplay lang sa kama ang gusto ko hindi ko naman sinabi kay Lena na gusto ko iyong hanggang paglabas ko ay in-character pa rin.”

“You are pretty nice last night—” dagdag pa niya. “Are you in birth control?”

“Anong ginawa mo sa ‘kin?!” malakas na sigaw ko sa kanya.

Halatang naiirita na siya. “How much?”

“Ang kapal ng mukha mo, hindi ako bayarang babae! Bakit ka narito? Sino ka ba?”

“But I paid this room?” Nangiti pa siya sa akin at muling napailing. Kampon ba ni Satanas ang lalaking ito para ngumiti nang ngumiti sa sitwasyong ito! Hindi niya ako sineseryoso!

May isinulat siya sa hawak niyang cheque.

Nakatitig siya sa ‘kin habang sinusulatan ‘yon.

Parang sasabog ang ulo ko, anong gagawin ko? Paano ko ito ipapaliwanag kay Evan?

Iniabot niya sa ‘kin ang cheque dahil hindi ko ‘yon tinanggap ay ibinagsak niya sa ‘kin.

“Five million for your silence whoever you are. Maayos naman ang gabi natin, uulit sana ako pero hindi ko gusto iyong ganyang arte kaya nga nagbabayad ako ng high-end prostitute para walang att—"

Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko pagtayo para ibalik ang pinulot kong cheque sa kanya. Nabigla pa siya sa aking ginawa.

"What's the problem? I'm paying you millions!" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status