FAZER LOGINAviv POV“Wait lang. Maghintay ka muna rito,” paalam ko sa asawa ko noong paalis na sana kami ng hotel.Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Dire-diretso akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng general manager ng hotel na ito. Nakatayo siya sa gitna ng silid, halatang kanina pa may inoobserbahan sa paligid.Nang makalapit ako sa lalaking manager, agad niya akong binati nang may paggalang.“Good evening po, Mr. Averoné. May nakalimutan po ba kayo?” bungad na tanong niya sa akin habang bahagyang yumuyukod.“Iyong waitress na nag-serve sa mesa namin kanina. Puwedeng pakitawag? May sasabihin lang ako sa kaniya,” ani ko.Agad namang tumango ang manager at binalingan ang isang malapit na waiter. “Roi, pakitawag mo nga si Charlie. May gusto raw sabihin si Mr. Averoné,” utos nito na agad namang tinalima ng waiter.Sinundan ko ng tingin ang waiter at nakita kong mahinahon nitong tinapik ang babaeng abala sa pagse-serve sa isang bagong dating na VIP customer. Itinuro nito ang kinaroroonan
Jane POVBitbit ko ang malaking flower bouquet na ipinadala ng asawa ko kanina. Yakap-yakap ko ito habang mabagal akong naglalakad palabas ng building ng Del Austria Enterprises. Hindi ko mapigilang sumulyap sa mga bulaklak na nag-uumapaw sa ganda at halatang hindi tinipid sa ayos.Pagkarating ko sa labas, agad kong nakita ang pamilyar na nakaparadang sasakyan. Nasa tabi na ng pinto ang driver na si Tope, na mabilis na yumukod at pinagbuksan ako ng pìnto ng kulay itim na BMW. Napangiti ako sa kaniya bago ako dahan-dahang pumasok at umupo sa backseat.“Good evening po, Ma'am Jane. Ihahatid ko na po kayo sa Aurelia Grand Hotel,” maingat at magalang na bati ni Tope bago dahan-dahang pinatakbo ang sasakyan.Napatango ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Habang bumibiyahe ang sasakyan sa gitna ng abalang kalsada ng lungsod, muli kong niyakap nang bahagya ang bouquet at napahinga nang malalim.Gusto ko na talagang iparamdam kay Aviv kung ano na nga ba ang totoong nilalaman ng puso ko.
Aviv POVNang tuluyang makapasok si Jane sa Del Austria Enterprises Building at tuluyan nang makaalis ang sasakyan namin sa harap nito, sandali kong pinagmasdan ang gusali bago ako humarap sa driver.“Feid, pumunta tayo sa Infinite Flower Shop,” malamig kong utos.“Sige po, Boss,” mabilis niyang sagot at iniliko ang sasakyan.Gusto kong siguraduhing hindi na muling makakapagpadala si Kian ng anumang bulaklak para sa asawa ko. Ayaw ko nang maramdaman muli ang matinding selos at inis sa tuwing may dumarating na bouquet sa opisina niya na hindi galing sa akin.Nang banggitin ni Jane kanina na akala niya ay galing sa akin ang mga natatanggap niyang bulaklak at iyon ang dahilan kung bakit niya tinatanggap at dinadala sa mansiyon, tila bahagyang nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Nag-assume lang pala siya. Akala ko pa naman ay alam niyang kay Kian galing ang mga iyon, pero tinatanggap pa rin niya.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko inilabas ang mamahaling folded tabl
Jane POVPagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto, agad niya akong ibinaba mula sa pagkakarga niya sa akin. Dahil nakapaghanda na ako ng malinis na tuwalya at mga damit na susuotin namin bago kami nakisabay sa pag-aalmusal kanina, diretso kong inabot ang tuwalya na nakalapag sa ibabaw ng kama, katabi ng mga damit naming pang-opisina. Ibinigay ko sa kaniya ang isa at pinauna ko na siyang pumasok sa banyo, pero agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila ako papasok.“Sayang ang oras. Magsabay na lang tayo,” aniya.Ayaw ko pa sana, pero wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok ng banyo nang may puwersa.Nang pareho na kaming walang saplot, agad niyang binuksan ang shower sa warm setting. Maingat niyang hinaplos at hinugasan ang katawan ko, tinitiyak na hindi niya masyadong nahahawakan ang mga bahaging may mga kalmot.“Kaya ko na,” alma ko sa ginagawa niya. “Masyado mo naman akong bina-baby.”“Of course! You're my baby,” paboritong banat niya, na ikinatawa ko na lang.Mabil
Mabilis na itinusok ni Jane ang tinidor sa kaharap na steak. “Mukhang matigas pa ang steak na 'to kaya kailangan ko ng puwersa para matusok ko ang karne,” paliwanag niya bago bumalik sa pagkakaupo. Pero alam kong palusot niya lamang iyon. “Bantayan mo nang mabuti ang pusa mo, Kian. Kapag naubusan uli ako ng pasensya, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa kaniya,” matapang niyang wika sa kaniyang ex-fiancé bago muling naitakda ang tingin kay Scarlet, na kanina pa pilit na nagtatapang-tapangan kahit malinaw na nakita ng lahat kung paano siya nanginig nang tutukan siya ni Jane ng tinidor. Saglit na napatulala si Kian sa sinabi ng asawa ko. Halatang naguguluhan din siya bago naibaling ang tingin sa katabi niya. “Kapag nagkamali siya ulit... gawin mo ang gusto mo sa kaniya. Bigyan mo ng leksiyon para magtanda,” ani Kian. “K-Kian...” halos walang boses na sambit ni Scarlet sa pangalan ng kaniyang fiancé. Muling napaawang ang labi ko nang tuluyan kong mapagtanto na hindi liter
Magkahawak ang mga kamay namin ni Jane habang bumababa sa hagdan patungo sa dining hall. Sa kabila ng matinding kirot sa ulo ko dahil sa hangover, nangingibabaw pa rin ang magaan na pakiramdam dahil mukhang ayos na kami ng asawa ko. Pinipigilan kong ngumiti habang nakatitig sa mukha niya. “By the way, baby. Sinong nagdala sa akin sa kwarto?” usisa ko. “Nadatnan kitang lasing na lasing sa wine cellar kaya tumawag na ako sa mga tauhan mo para dalhin ka sa kwarto natin,” aniya, na ikinatango ko. “Paano mo nalaman na naroroon ako sa wine cellar?” “Pinuntahan ako ni Nicole,” tanging sagot niya, may bahagyang ngiting pinasilay. “Ayos ka na ba? Hindi na ba masama ang loob mo sa akin?” Natigilan siya pagkarating namin sa baba, at ganoon din ako. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya bahagyang napakunot noo. “Bakit mo naman nasabi na masama ang loob ko sa’yo?” Maigi kong tinitigan ang kaniyang mukha bago bahagyang ngumiti. “Halata namang masama ang loob mo.” Napabuntong-hininga
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya







