Share

3: HE KISSED ME?

[ Two years later]

Na busy naman ako sa kaka update ng another chapter sa story ko. Everything was fine in the past two years, bihira lang kami kumikibo sa isa’t isa sa bahay minsan din naman ay parang ewan si Cael. Kung sakali ring may invitation kaming natatanggap tulad ng selebrasyon na need naming puntahan ay nagkukunwari kaming masayang couple. Inaakala ng iba na masaya na kaming dalawa sa aming kasal but no, hell no! Hindi kami masaya lalo na ako!

I think nakalimutan niya na rin ang sinabi niya sa akin noon na we will give them time and after that makakapag divorce na kami pero kailan pa ‘yon? Dalawang taon na ang nakalipas, nagka amnesia pa ata siya.

I stretch my arms after kong mag type sa laptop. Inubos ko na rin ang kape sa aking lamesa at saka tinignan ang aking phone. It is still already in five am in morning. Si Cael naman ay natutulog pa rin sa kuwarto niya, hindi na siya nakauwi pa sa bahay nila ni Cassy.

We are now living in our house, malaki siya and there were too many maids inside. Hindi siya katulad sa mansyon ni grandpa but I think this is good for a family. Tumayo na ako para pumunta sa kusina at kumain ng tinapay, nilagyan ko na rin ito ng palaman na paborito ko at saka kinain ito. I am now twenty-three years old while Cael was twenty-four. Isang taon lang naman ang agwat naming dalawa and yes, in our two years relationship as a husband and wife hindi namin binabalak na magkaroon ng baby.

Nalungkot si grandpa sa sinabi namin pero naniniwala raw siya na balang araw ay magkakaroon din siya ng apo sa akin. Not gonna happen, grandpa. Hindi ako magkaka-baby sa lalaking ito! Ni hindi nga namin gusto ang isa’t isa right? Marrying him is enough but having a baby with him? No way, over my dead body, no!

Tumingin naman ako sa gilid ko nang makita ko siyang naglalakad papunta sa ref para uminom ng tubig. He is wearing a white shirt and naka gray shorts lang ito above his knees. Napa buntong hininga na lamang ako, ang aga aga iinom agad ng malamig na tubig.

“My parents want us to go to our mansion. Prepare yourself at aalis tayo mamayang 5 pm, “ sambit niya habang hindi nakatingin sa akin. Binigyan naman siya ng maid ng kape na gusto niya at kinuha ito saka siya umakyat ulit sa taas.

Hindi ko na alam gagawin ko rito sa bahay, kung hindi lang siguro ako naging author ay baka mabaliw na ako sa sobrang bored dito. Si Venice naman ay madalang nalang ang pagpunta niya rito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. Naging mahigpit na rin kasi ang amo nila so I don’t have a choice but to have fun with myself. Sa sobrang saya ko kasama ang sarili ko ay para na akong baliw tumatawa mag-isa lalo na kung nakakaisip ako ng bagong scenario para sa book ko. Iniisip na rin siguro ng mga maids dito ay nababaliw na talaga ako.

I slap my face making the maid in front of me startled. I just say sorry to her and continued what she is doing. Umakyat nalang ulit ako sa kuwarto para mag-sayang ng oras. Nang makita ko sa orasan na mag alas tres na ay agad na akong pumunta sa bathroom.

I take a bath and I think I spend two hours in the bathroom thinking of something, more likely about my story. I couldn’t think of any scenarios for my other chapter.

“Gosh, what a boring life I had,” I just said to myself and get out of the bathroom. I quickly go to my walking closet to find something to wear, I need some decent dress since I will be visiting Cael’s parents. Ano naman kaya ang gagawin namin doon? Ni hindi man lang siya nag-bigay ng clue kung ano ang gagawin namin doon.

Nang matapos na akong magbihis ay agad na akong bumaba at nakita ko namang nakabihis na rin si Cael. He is wearing a white suit and he also tied his hair. Mahaba na rin kasi ang buhok niya hanggang balikat at wala raw siyang balak gupitin ito, bagay lang din naman sa kanya.

I was wearing a peach gown and kitang-kita ang korte ng katawan ko rito. I decided na huwag nang itali ang aking buhok at inayos nalang ng kakaunti. Dala ko rin ang maliit kong bag which is naglalaman lamang ng phone at mga cards.

Nang makita niya akong pababa na ay nauna na siyang pumunta sa kotse, nandoon siya sa driver seat at agad namang pinaandar ang sasakyan. Binuksan ko ang pintuan at saka umupo sa tabi niya. Mahabang biyahe na naman ito.

“Bakit daw tayo pupunta roon?” tanong ko sa kanya. Umabante muna siya para makaalis kami sa bahay at saka roon na siya nag-salita.

“Mom said that our relatives will be there, I don’t know if it is a reunion and for sure my cousins will be there. She wants me to introduce you to them,” sagot niya. Hindi na ako nag-salita pa nang mag drive na siya papunta sa mansyon nila. Sa two years naming pagsasama hindi pa niya ako naipakilala ng pinsan niya maging sa lolo niya.

Dalawang oras din ang biyahe bago kami makarating sa mansyon nila. This is the first time that I got here, hindi ko alam na napakalawak pala nito at maganda. Pumunta na kami sa kung saan ginanap ang event, dito pala sa pool nila ginanap ito.

Bago pa man kami magpakita ay agad nang hinawakan ni Cael ang aking bewang. Siguro pampaano na naman sa kanila para kunwari masaya kaming mag-asawa. Sinakyan ko nalang ‘yung ginawa niya at saka nagpakita, nginitian ko ang mama ni Cael nang lumapit ito sa amin.

“You’re dazzling tonight, Hazel. How are you?” tanong niya habang nakipag beso sa akin.

I smiled at her first and speaks. “I am fine, tita Frey. Kayo po?” tanong ko pabalik sa kanya. Nginitian din naman ako nito at nag-salita.

“Eto, maganda at trying hard maging dalaga ulit. Sabi rin kasi ng asawa ko tumataba na rin daw ako,” sagot niya nang patawa. I just chuckled at what she said. Cael’s parents are very nice people, they always smile whenever they saw me. I don’t know kung totoo man ‘yon or pakitang tao lang but I am sure that Cael’s mom’s smile is genuine.

From holding my waist, Cael instead holds my hand as we walk to greet his cousins. Lahat sila good-looking, mayayaman, at may mga asawa na rin ang iba.

“Cael, bro. It’s been a long time,” one of his cousins greets him I think? Same sila ng mukha e. They both handshakes and then he looks at me. “Wow, asawa mo? You’re very lucky man,” he added. I just smiled at him.

“Yes, she’s Hazel Marcheossa. Hazel, meet my cousin Ecelion,” Cael introduces his cousin. Ecelion reaches his hand to me at tinanggap ko naman ‘yon.

“Nice to meet you, Ecelion,” sambit ko naman habang nakangiti. Hindi ko alam pero kanina ko pa inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin pero mukhang ayaw niya alisin. Sarap naman sipain ng lalaking ito.

Cael holds my waist and pulls me closer to him dahilan para biglang maalis ang kamay naming dalawa ni Ecelion which made me surprised.

“I think the greetings are long enough,” Cael said without showing any emotion. This guy is a cold typical guy, I even didn’t see him smiling. Ecelion just rub his hand and I can see that he was embarrassed.

Pagkatapos akong ipakilala ni Cael sa kanyang mga relatives at mga pinsan ay agad na akong tumungo sa sulok habang umiinom ng wine. Nasa itaas ang swimming pool nila Cael, meron din naman sa baba pero rito sa taas ang pinili ni tita.

Tinitignan ko lamang ang mga taong naglalakad sa kalsada at sunod naman ay tumingin ako sa langit. Napakaraming bituin ngayon ngunit nagtatago ang buwan sa likod ng mga ulap. I drink my wine while looking up until I sense someone standing beside me. It was Cael, ano na naman bang gagawin niya rito?

“Why are you here?” I ask without looking at him.

“Saan pa ba dapat ako pupunta?” tanong niya pabalik sa akin. He is holding a glass na may lamang wine, he is also drinking. Balak ba niyang matulog kami rito sa mansyon nila at magpapakalasing siya? “Don’t worry isa o dalawang shot lang. Hindi naman agad ako malalasing nito,” dagdag pa niya.

Siya bahala, kung parehas kami biglang mamatay ano? Magkakarate talaga mga kaluluwa namin.

Nagulantang naman kami bigla nang marinig namin ang lola ni Cael. She’s already seventy-eight years old, I think? Pero ang lakas pa rin niya dahil nakakatayo pa rin ito, puro gulay lang ata kinakain niya.

“Hi, grandma,” Cael said and nag mano sa kanya. Ganoon din ang ginawa ko, ayaw kasi ng lola ni Cael na walang respeto sa mga nakakatanda ayan ang naririnig ko sa kanya. Na meet ko na rin siya once at nagulat ako na isang tingin palang daw sa akin ay bagay na kami ng apo niya, hindi ko alam kung paano niya nasabi ‘yon. Magaling mag joke si nanay.

“Tagal na rin nang huli ko kayong makita,” grandma said while smiling at us. “Bakit ganyan pa rin ang mukha mo Cael? May asawa ka na ngumiti ka rin naman minsan,” dagdag pa niya. Palangiti ‘yang apo mo nay, sa girlfriend niya nga lang.

Nag-uusap lang ang dalawa habang ako ay nakatayo at tinitignan sila. Mataas ang respeto ni Cael sa lola niya since when he was a child, his lola was the one who take care of him.

“Seems like Hazel is a bit sad.” Nagulat naman ako nang biglang mag-salita si grandma.

“N-no grandma,” I said habang umiiling.

“Nako, huwag ako Hazel ganyan din ako noon pero alam mo kung ano ang nagpapasaya sa akin?” saad niya habang nakatingin sa aming dalawa. “Kiss ng lolo niyo.” Nagulat naman ako nang bigla niyang sinabi sa amin ‘yon.

Hindi ko alam kung tama bang hula ko but I am sure grandma will tell Cael to kiss me here. In front of many people!? But wait, maybe I am just overthinking here, hindi naman siguro sasabihin ni grandma iyon hindi ba?

I look at Cael when he suddenly turns his head to me. May binabalak ba siya? Why is he looking at my eyes? And then to my lips? Wait? Is he planning something?

Hindi na ako nakapag complain pa nang bigla niya akong binigyan ng smack kiss dahilan para kiligin si lola. Tinignan ko lamang ang mga mata niya, hindi ako makapag-salita bakit niya ba ginagawa ‘to? Ganyan ba siya ka masunuring apo!?

“Like this, grandma?” he asks while still staring at my eyes. I couldn’t look away because I don’t know, para bang kumikinang ang mga mata nito. T*ngina, what am I saying? Lasing na ba agad ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status