Share

Chapter 16

Tila ba naging yelo sa kinauupuan si Alexis nang marinig ang mga sinabi ni Alvin sa kaniya. May kung anong saya syang naramdaman sa puso at hindi nya alam kung ano at saan galing ‘yon.

Nakailang kurap sya bago makabalik sa wisyo. Kinuha nya ang baso sa gilid at ininom iyon. Pinakalma nya ang sarili at huminga ng malalim. Tinignan nya si Alvin at mukhang hindi nga ito nagbibiro. Malamig ang panahon dahil sa malakas na ulan pero tila ba nag-iinit ang kaniyang mukha at kitang kita ni Alvin ang namumula nyang tainga.

“H -huh?” pag-ulit ni Alexis sa mga sinabi ni Alvin sa kaniya. “Ano bang sinasabi mo dyan. Ang aga mo naman magbiro.”

Napangisi si Alvin sa mga nakikitang reaksyon ni Alexis. Natutuwa sya dahil kahit papaano ay nagagawa nya itong pakiligin. Sa kaniyang isipan ay maaaring may chance sya. It’s now or never.

“Seryoso ako,” sagot ni Alvin sa kaniya. “I think I like you, Alexis. Hindi ko alam kung kaialn nagsimula pero iyon ang totoo. And sorry kasi nagsinungaling ako sayo kanina.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status