Share

Chapter Twenty Five

Author: Charlie
last update publish date: 2026-04-27 11:44:03

"Jade, nagkataon lang na narinig kita mula sa labas. Hindi ako nakikinig sa usapan niyo. Sino ba sa tingin mo ang kaharap mo?"

Muling sumabog ang galit ni Vince at lalong naging agresibo ang boses nito. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit nakikipag-ugnayan ka pa rin kay Ezekiel!”

"At bakit hindi?" balik na tanong ni Jade habang bakas ang pagkapagod sa boses.

Namula ang mga mata ni Vince sa tindi ng emosyon. "Umaasa ka pa rin ba kay Asher? Fiancee na siya ni Xianne. Narinig mo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Nine

    Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Eight

    Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Seven

    "Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Six

    "Anong dapat irespeto sa taong ginagamit ang edad para mambully ng iba?"Nagpakawala ng malamig na tawa si Jade. "Magalang na nga ang pagtrato ko sa kanya nang ganyan."Naalala niya noon, sinadya siyang ikulong ni Dorothy sa isang storage room at hinayaang magutom at mauhaw buong araw. Nagbalat ang kanyang labi sa dehydration. Pero ang mas masakit ay dahil sa insidenteng yun ay hindi siya nakapunta sa isang mahalagang dance competition—isang pagkakataong hinding-hindi na niya mababawi kailanman.Siyempre ay hindi yun gagawin ni Dorothy nang mag-isa. Tauhan ito ni Xianne at sumusunod lang ito sa utos nito. Pero ang isang sipsip na tulad niya ay kailangang maturuan ng leksyon. Ang sobrang pagtitimpi ay nagbibigay lang ng lakas ng loob sa kanila para maging mas mapangahas.Dati ay naging mabuti si Jade kay Dorothy. Pero nung bumalik si Xianne ay agad itong bumaliktad at naging tau-tauhan ng tunay na anak para pahirapan siya sa bawat pagkakataon.Heh.Sa tuwing naaalala niya ang lahat ay

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Five

    "Jade, nagkataon lang na narinig kita mula sa labas. Hindi ako nakikinig sa usapan niyo. Sino ba sa tingin mo ang kaharap mo?" Muling sumabog ang galit ni Vince at lalong naging agresibo ang boses nito. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit nakikipag-ugnayan ka pa rin kay Ezekiel!” "At bakit hindi?" balik na tanong ni Jade habang bakas ang pagkapagod sa boses. Namula ang mga mata ni Vince sa tindi ng emosyon. "Umaasa ka pa rin ba kay Asher? Fiancee na siya ni Xianne. Narinig mo naman kagabi na magkasama sila. Pinapayuhan kita na sumuko ka na! Wag mong isiping magagamit mo si Ezekiel para makalapit ulit kay Asher." Nagpakawala ng isang mapait at hindi makapaniwalang tawa si Jade. "Mr. Guevarra, nawawala ka na ba sa sarili mo? Bakit ko nanaising makuha ang lalaking nagamit na ni Xianne? Nakakadiri!" "Ikaw! Paano mo nagagawang pagsalitaan nang ganyan si Xianne? Mula ngayon ay lumayo ka kay Ezekiel! Kahit dahil pa yan kay Asher o sa kahit anong rason ay wala kang dapat

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Four

    Hinding-hindi naging mabait na bata si Xianne. Dahil dinukot sya noong bata at lumaki sa dilim ay nasaksihan niya ang pinaka kasuklam-suklam na bahagi ng sangkatauhan. Malayo siya sa pagiging inosenteng dalaga. Ngayong mayaman na siya at maraming oras ay natural lang na pagbigyan niya ang kanyang mga luho. Bukod dito ay hindi na niya kailangang magsilbi at mambola ng iba. Sa halip ay ang mga tao na ang nagkakandarapa para pasayahin siya. Ang mga lalaking nakakasama niya sa kama ay pawang mga high-quality na—malayo sa mga matatandang kailangan niyang tiisin noon para lang mabuhay. Mula nang bumalik siya sa mga Guevarra at makitang protektado si Jade na namumuhay na parang isang malinis na puting tupa ay kinamuhian na niya ito hanggang sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Desidido siyang itulak si Jade sa kailaliman ng bangin para maranasan nito ang parehong hirap na dinadala niya noong nawawala siya. Kinuha ni Xianne ang kanyang phone at binuksan ang bank account para nag-transfer n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status