Two months have passed since I last saw Ruan and his cold face.
Marami na rin ang nagbago simula nang mangyari ang pag-amin ko. May mga taong laging pumupunta sa ampunan para kausapin sina Inang. At sinabihan ako ni Inang Sica na ililipat nila ako ng paaralan sa susunod na semester. At dahil daw malayo sa ampunan ang bago kong papasukan, kailangan kong tumira sa bahay ng sponsor ko. Libre naman daw lahat at wala na raw akong dapat gawin kundi ang mag-aral ng mabuti.
Gusto kong tumanggi pero alam ko naman na wala akong kakayahang magdesisyon sa mga bagay na iyon. Nakikinabang lang ako kaya dapat sundin ko ang gusto ng sponsor.
"Friend, mamimiss kita! Chat na lang tayo lagi ah." Mahigpit na niyakap ako ni Crystal na naluluha pa.
"'Wag ka ngang umiyak. Hindi naman ako mawawala. Lilipat lang. Tsaka dadalawin ko kayo pag may oras ako."
"Promise mo 'yan ate Twink ah!" Ngayon naman ang mga makukulit na bubwit ang mahigpit na kumakapit sa baywang ko.
"Promise." Umupo ako para mayakap silang lahat.
"Anak, magpakabait ka doon. Saka mag-aral ng mabuti," sabi ni Inang Sica habang hinahaplos ang buhok ko.
"Alam mo naman na lahat ng ginagawa namin ay para sa kabutihan mo, diba?" Lumapit na rin sa amin si Inang Maria. "Sana huwag kang magbago. Alam ko namang mabuti kang bata kaya kampante akong magiging maayos ang buhay mo." Niyakap ako nila Inang habang pinipigilan ko ang luha ko sa pagpatak.
Dapat maging mas matapang pa ako. Dapat kong suklian ang lahat ng kabutihang natanggap ko sa mga taong tumulong sa akin.
"Nandito na pala ang sundo mo, anak. Wala ka namang nakalimutan?" Kumalas na sina Inang sa pagyakap sa akin ng may bumusinang sasakayan.
"Wala na po." Sabi ko sa kanila bago binuhat ang gamit ko. Tinulungan naman ako ng driver na magbuhat para ipasok sa sasakyan ang lahat ng dala ko.
"Maligayang pagdating senyorita!" Bungad na bati ng mga kasambahay pagbukas ko palang ng pinto.
Malaki ang mansyon kaya hindi na ako namangha na marami rin ang kasambahay. Ang kinagulat ko lang ay ang mainit na pagtanggap sa akin ng mga kasambahay na para bang ako ang may-ari.
"Naku, huwag nyo po akong tawaging senorita. Makikitira lang po ako."
"Inutos sa amin na ituring kang bisita. Kaya senorita ang itatawag namin sa'yo. Saka handa na ang kwarto mo kaya ihahatid na kita doon." Lumapit sa akin ang isang babae na kasing edad lang siguro nila Inang at mabilis na pinagdadampot ang mga dala ko at inalalayan ako papasok sa loob ng mansyon.
Sobrang laki at engrande ng mansyon. Halos katulad na nga ito sa mga palasyong nakikita ko lang sa telebisyon. May mataas na hagdan pa itong paikot.
Hindi nagpapakilala ang sponsor sa aming mga bata kaya wala akong ideya na ganito pala kayaman ang nagpapa-aral sa akin.
Iniwan naman ako kaagad ng mga kasambahay para magpahinga. Kakatok na lang daw sila paghanda na ang hapunan. Parang nasa panaginip lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang magiging trato sa akin.
Binuksan ko ang bintana sa kwarto at lumanghap ng sariwang hangin. Lumalamig na ang simoy ng hangin pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan. Para kasing nakakagaan ng pakiramdam ang lamig ng hangin.
Mayamaya ay may kumatok.
"Senorita, handa na ang hapunan. Bumaba na kayo at hinihintay na kayo ng senorito."
"Sandali lang---" Patakbo kong binuksan ang pinto para sana tanungin kung sino ang sinasabi niyang naghihintay pero wala na akong naabutan.
Dahil sa ayaw ko rin namang paghintayin ang may-ari ng bahay ay agad na rin akong bumaba. Tinatakbo ko na ang napakahabang hagdan ng mansyon para lang maging mabilis ako nang mahagip ng paningin ko ang imahe ng lalaking nakatalikod. Nakaupo na siya sa napakalapad na lamesa.
Dahal sa mula pa ako sa pagtakbo ay hindi ko na napigilan ang pagtunog ng sariling yapak kaya napalingon ang nakaupo.
Napatigil ako at sa pagkakataong ito ay naging estatwa ako sa harap ng lalaking naghihintay sa akin.
"Don't run. Baka mahulog ka pa." He said with a stoic face.
"S-sorry."
Sorry lang talaga ang tangi kong nasabi. Gulat pa rin ako sa mga nangyayari ngayon. At ang mas kinagulat ko pa ay ang malaman na dito pala nakatira si Ruan.
Ibig ba sabihin nito na ang mga Guevarra ang sponsor ko?
"Sit and eat." Pukaw muli niya sa akin na nakatayo parin.
Umupo ako at sinubukang kumuha ng pagkain nang may lumapit na babaeng katulong at siya na mismo ang nag-abot ng pagkain at nilagay sa plato ko.
"Thank you. Pero wag nyo na po akong pagsilbihan." Sabi ko sa babae. Medyo gulat siya pero umalis na rin sa tabi ko nang senyasan ni Ruan na umalis.
Kami na lang dalawa ang naiwan at nanatili ang katahimikan namin. Patapos na ako at umiinom ng tubig nang magsalita siya.
"Make yourself at home. Wala masyadong tao rito maliban sa mga housemaids. Better make your self busy dahil baka mabored ka lang." Sabi niya tapos na rin sa pagkain.
"Ikaw?"
"You don't need to know. Just make your self comfortable here." Huling sabi niya bago umalis at umakyat sa itaas.
Dumaan siya sa kaliwang hagdan. Kung ganoon nasa kaliwa pala ang kuwarto niya habang nasa kanan naman ang akin.
Excited ako na makita siyang muli pero kinakabahan pa rin. Hindi ko kasi maitatago na gusto ko pa rin siya kahit ang lamig ng trato niya. Kahit na hindi niya ako magustuhan, gusto ko pa rin siya. Masaya na akong makikita siya lagi.
"Ang cute naman ng batang Ruan. Mas cute siya pagngumiti kasi lumiliit ang mata niya," natatawang sabi ko sarili habang naglilibot at tinitingnan ang mga litrato nila nang biglang may nagsalita sa likod.
"Isa pang hindi ko gusto ay ang sabihan akong cute. Cute are for babies. Keep that in mind." I saw him drinking a glass of water. Seryoso parin ang mukha.
"Bakit kailangan ko pang tandaan 'yan? Magugustuhan mo ba ako pag hindi kita tinawag na cute?"
Hindi ko maiwasan na magtaray.
"Hindi."
"Then, wala kang magagawa kung sabihin kong cute ka! Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto!" Inirapan ko pa siya.
"You should not mess with me, woman." He smirked before leaving me.
I don't know but I enjoyed teasing him. Siguro dalasan ko pa para hindi ako mabored.
"Nakita ko nga pala ito sa bukana. Sa iyo ba ito, Twinkleann?" Nakita kong hawak ni Erwan ang red shoulder bag ko na ninakaw sa akin."Hinabol ko ang batang naghablot ng bag ko kaya napunta ako doon sa lugar na nawalan ako ng malay. Mukhang akin nga ito," sabi ko nang tingnan ang laman nito.Nasa loob pa rin naman ang lamang mga ID ko. Buti at ang pera lang ang kinuha."Pasensya tiningnan ko ang laman ng bag para makita kung may impormasyon ng may-ari at nakita ko ang ID mo. May nakita rin akong litrato ng isang batang lalaki, kapatid mo ba siya?" Usisa ni Erwan sa akin nang buksan ko ang wallet ko."Ah, ito ba?" Pinakita ko sa kanila ang litrato na nasa loob ng wallet ko. "Baby pic ito ni Ruan, tinago ko nang makita ko ito. Ang cute niya kasi," nahihiya kong amin sa kanila."Kuya Erick, ganito rin ba mukha ko ng bata pa ako? Hindi ko na maalala eh," napakamot sa ulo niya si Erwan habang nagtatanong sa kuya niya."Siguro kong mas maputi ka lang. Pero batang yagit ka lang noon eh kaya m
"Pasenya na, wala. Isang taga-bundok lang ako kaya hindi ko na kailangan ng mga ganyang teknolohiya para mabuhay," mapait na wika ng lalaki sa akin habang nakatalikod pa rin at iniilawan ang mga lamparang nakasabit."Kung ganoon ay wala na akong ibang magagawa. Hihintayin ko na lang dumating ang araw bukas. May kasama ka ba rito? Narinig ko kasing may kausap ka kanina?"I was wondering if he lived with someone else. Sigurado akong may narinig akong kausap niya kanina. Puro boses ng lalaki iyon."Oo pero, bumaba na siya. Pumasok na sa trabaho. Kung nagugutom ka ay pagtiisan mo na lamg muna ang hinanda kong lugaw. Bukas babalik si Erwan at magdadala ng pagkain."Ngayon ay hinarap ako ng lalaking kausap. Kahit na ang ilaw lang sa nakasabit na lampara ang nagliliwanag sa paligid ay kita ko parin ang malaking peklat sa mukha niya. Halos kalahati ng mukha niya ang peklat."Pagpasensiyahan mo na ang mukha ko. Kung natatakot ka ay huwag mo na lang akong pansinin. Kumain ka muna rito at ako ay
"Suki! Bili ka na ngayon. Tingnan mo ang sariwa ng mga gulay ko. Kakaangkat ko lang nito mula sa nagtatanim." Panay ang sigaw ng nagtitinda sa mga taong dumadaan."Nakabili na ako suki eh. Bukas babalik ako," sagot ng ginang na dumaan.Umaga pa lang ay marami na ang mga tao rito. Maraming nagtitinda sa gilid ng daan at marami na rin ang mga may bitbit ng plastic bag na pinamili. Ganito naman talaga sa palengke. At nataunan pang linggo ngayon kaya maraming namimili.At dahil sa init ng araw ay di mapagkakaila na pawisan na ng mga taong nandito. I can see some men curiously staring at me as I pass by on a small souvenier shop. But they continued their work after taking a glance.This place is just a small village. Siguro magkakakilala lang lahat ng mga tao rito. They can easily tell if someone is a stranger. Although, I am wearing a cap to hide myself, I still look different from them.Dito ang lugar na sinabi nila Isaac kung saan posible namin makita si Ruan. Isa itong palengke sa ibab
It's almost a week now since Ruan and I had a fight. In the first three days, I would purposely avoid bumping into Ruan in the house. Kaya hindi ako lumalabas ng kwarto ko kapag hindi pa umaalis si Ruan ng bahay. While he will just knock on my door once, before leaving. Siguro para ipaalam sa akin na aalis na siya.Habang ako ay nagkukulong lang sa bahay at pinagpapatuloy ang paggawa ko ng mga sketches ko. Marami-rami na rin akong nagawa pero parang hindi ko parin nakukuha na maging kuntento. I want draw more and satisfy myself.Bawat araw ay sobrang busy ko. Hindi ko na napapansin na lagi nang ginagabi ng uwi si Ruan pagdaan ng mga araw.Pagdating ng gabi, habang naghahanda na akong matulog ay saka ko pa naririnig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya na kaharap lang ng kwarto ko. Hindi ko na rin sinusubukan silipin kung ano ang lagay niya dahil sa pagod ko buong araw kakagawa ng mga sketches.Naging ganoon na ang daily routine namin hanggang isang araw. Things just changed so drasti
Ngayong araw ay pinili ko na lang na manatili sa bahay. I want to make use of this time to start sketching drafts for my dream fashion show. I finished my fine arts degree. At panahon na para magamit ko kung ano ang mga natutunan ko.I was sipping my green tea while holding my pencil and still stucked on what theme should I start.Nakaupo ako sa gilid ng bintana at tanaw ko ang mga matatayog na puno ng kahoy. All I can see are green and shades of brown.Aha! Should I try to recreate the trees in my dresses?Binalikan ko ang blangkong sketchpad ko at gumuhit ng katawan ng babae. Sunod na ginuhit ko ay ang mga korte ng dahon na nakapalibot sa bandang dibdib nito.It was a tube dress filled with leaves-like ornaments. It was beautiful and it made me smile.Naisip kong gamitin ang kayumangging kulay sa laylayan ng damit. The lower part of the dress is derived from circle skirt added with flower petal stitches. Using organza cloth on the lower skirt will give it more emphasis.My first dr
Nang makalabas kami sa horror mansion ay umupo kami sa isang bench na nasa harap ng carousel.May eyes are still sore from crying. Naging palpak na naman ang plano ko. Bumigay na naman ang mahinang Twinkle sa loob ko. Kapag lagi na lang ganito, masasanay na siyang laging nakadepende sa tulong ng iba. Ayaw ko na maging ganito na lang lagi.I want a strong and independent Twinkle."I'll get water for you." Tumayo si Ruan. Patalikod na siya nang biglang sinampal siya ng mascot na pikachu. Napahawak siya sa mukha at nilingon ang mascot."Bakit mo ako sinampal?" Ruan angrily asked but the mascot just stand there and pointed at me.Tinuro niya ako bago inilagay ang dalawang kamay sa gilid ng mukha niya at tinuro ng dalawang hintuturo niya ang lupa."What is he saying," Ruan confusedly asked."Hindi ako sigurado...but looking at his actions. Ah!" I now realized what the mascot is trying to say. "Sinampal mo siya kasi akala mo na pinaiyak niya ako?" Tanong ko sa mascot at tumango ito."I don'