"One! Two! Three! Four! Five!"
Totoo pala na ang boring ng mansyon na 'to. Walang mga bulilit na maingay at ang kaibigan kong feeling bata. Di ako sanay na ang tahimik.
Kaya naman binibilang ko na lang ang bawat baitang ng mala-stairway to heaven na hagdanan para pampalipas oras. I'm counting every step I take.
"Six. Seven. Eight. Nine. Ten." Patuloy kong pagbibilang.
"Twenty." May sumabay sa pagbibilang ko at nagpatuloy pa rin ako.
"Twenty...twenty!?"
Huminto ako nang magsink-in sa utak ko na mali ang bilang at saka napansin kong may tao na rin sa gilid ko.
"Anong twenty? Hindi ka ba marunong magbilang?" Nakapameywang kong sabi sa kanya.
He's no other than Zooey Ruan Guevarra. Mas cute ang Ruan so I prefer calling him that. Hindi masungit pakinggan.
"Sinabi ko bang nagbilang ako? You should learn by now to never assume unless otherwise stated." Sabi niya habang patuloy sa pagbaba sa hagdanan. At ilang sandali lang ay tumigil siya at humarap sa direksyon ko. "You now have less than twenty minutes to attend your class. Good luck! Sana abutan mo pa ang first class mo." May panunukso sa boses niya.
"Ano!? Anong oras na ba?" Tarantang tanong ko sa kanya pero hindi na niya ako nilingon.
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 6:00 pa naman.
"Ito rin ang oras paggising ko kanina." Tiningnan ko muli ang relo at nakitang hindi na ito gumagalaw. "Ngayon pa talaga niya ako iniwan!"
Patakbo akong lumabas ng mansyon. Hindi ko na pinansin ang gwapong arogante na Ruan nang lagpasan ko siya.
First day ko pa ngayon. Hindi dapat ako gumawa ng late impression sa mga instructors ko.
"Baka naman gusto mo sumakay para mas mabilis diba?" Huminto sa gilid ko ang isang itim na sasakyan.
Nasanay akong maglakad papasok noon kaya hindi ko na naisip na makisakay na rin. Kung ibang pagkakataon ito ay tatanggi ako pero ngayong nasa bingit na ako ng pagiging late hindi ko na ito pakakawalan.
Sumakay ako sa likod katabi ni Ruan. Hinihingal ako sa patakbo kaya hindi ko siya kinibo.
"Dito na lang ako!" Agad na sabi ko sa driver nang makita ang gate ng bago kong papasukan.
"Sa loob mo kami ihatid." Utos naman ni Ruan sa driver.
Teka nga lang. Kami? Alam kong walang kami pero sinabi niyang kami ang ihatid!
Bakit hindi ko rin naisip na papasok ako sa paaralan ng mga Guevarra kaya hindi imposible na dito rin sila nag-aaral?
"Mauna na ako!" Agad akong tumakbo palabas ng sasakyan. Hindi ko kasi makakayang makita ng iba na kasama ang mga Guevarra.
Mga may kaya lahat ng nag-aaral dito. Saka pa balita ko isa rin ito sa pinakamagandang eskwelahan sa bansa. Habang ako isa lang hamak na pinapaaral ng may mabubuting loob. Dapat alam ko kung saan ako lulugar.
"Third floor, Room 386. Ito na nga!" Masaya akong pinalibot ang tingin sa buong palapag bago pumasok. Wala pa namang instructor kaya hindi pa ako late.
Hindi naman ako masyadong mahiyain pero bigla ako nakaramdam ng hiya ng napansin kong halos lahat ng kaklase ko ay nagsitinginan sa direksyon ko.
May dumi ba mukha ko? Napakapa ako sa mukha ko.
"Bago ka rito? Transferee? Dito ka na sa tabi ko umupo." Isang matangkad at maputing lalaki ang biglang tumayo sa harap ko at inalok ako ng upuan. Mukhang friendly naman siya kaya naupo na ako sa upuan katabi niya.
"Thank you pala." Sambit ko nang makaupo. Hindi pa rin ako kumportable sa mga titig ng iba pero sinubukan ko paring ngumiti sa kausap.
"No problem. Saka huwag mo sila intindihin. Ganyan lang talaga sila umasta pag may bagong lipat. Pag tumagal ka na rito, wala na silang paki sa'yo kahit madapa ka pa." Lumapit siya para bumulong. Tunog biro lang ang pagkakasabi niya nito pero parang may kakaiba parin dito.
"Ah, ganun ba. Salamat sa advice." Ngumiti ako pabalik.
"Khian, pala." Nilahad niya ang kamay.
"Twinkleann." Sabi ko naman at tinanggap ang kamay niya.
"Twinkle twinkle little star..." Napakanta pa siya habang nakangiti. Para lang siyang bata na kumakanta. Namiss ko tuloy ang mga bata at si Crystal at ang mga Inang ko.
Maagang natapos ang klase ko at inaya naman ako ni Khian na maglibot. Siya raw ang tour guide ko ngayon. Mabuti rin ito para naman di ako maligaw kung sakali.
"Ang laki pala talaga ng Spentere University! Grabe, parang isang subdivision lang sa dami ng gusali at ang lawak rin ng lugar."
"Malawak nga. Kaya nga may shuttle bus rin dito kasi nasa malayo pa ang ibang building."
"Nalalakad naman diba?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi kaya lang naman lakarin.
"Oo naman. Kung gusto mo naman maglakad ng halos thirty minutes." Natatawang sabi niya.
Hindi naman ako makapaniwala na may building pa pala talaga na ganun kalayo dito. Suwerte naman ako at nasa harapan lang ng gate ang building ko.
"ISAAC KO!"
"SACKY!!"
Napalingon kami pareho ni Khian sa banda kung saan may nagsisisigaw.
Pawang babae lang nakikita namin. Parang may pinagkakaguluhan.
"May nangyari ba dun?" Tanong ko kay Khian na mukhang naiirita.
"Mga Guevarra lang 'yan. Sila lang naman pinagkakaguluhan dito." Buntung-hininga niyang sabi.
"Ah, si Isaac." Sabi ko naman habang natatanaw ang papalapit na Guevarra.
"Kilala mo ang mga Guevarra?" Napabaling ako nang tingin kay Khian.
"Hi-hindi."
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Khian na pinapaaral ako ng mga Guevarra o hindi. Pero ang sinabi ng bibig ko ay hindi. Siguro dapat sundin ko na lang ang instinct ko.
"Hindi mo sila kilala? Nagkalat kaya sa magazines, newspaper at sa television ang tungkol sa kanila."
"Ah, kilala naman. Nakita ko na sila." Kunwari akong ngumiti. Ang assuming ko talaga. Kilala lang tanong niya hindi kung kilala ko sila sa personal.
"O, bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Tanong ni Khian habang sinusundan ang tingin ko.
Nakita ko kasi sa likuran niya na papunta sina Zooey at Tristan sa amin.
"May lalakarin pa pala ako. Mauna na ako sa'yo." Agad akong nagpaalaam sa kanya.
Hindi kami close kaya hindi ako dapat lumalapit sa kanila. Sampid lang ako. Mabuting ako na mismo ang lumayo.
"Nakita ko nga pala ito sa bukana. Sa iyo ba ito, Twinkleann?" Nakita kong hawak ni Erwan ang red shoulder bag ko na ninakaw sa akin."Hinabol ko ang batang naghablot ng bag ko kaya napunta ako doon sa lugar na nawalan ako ng malay. Mukhang akin nga ito," sabi ko nang tingnan ang laman nito.Nasa loob pa rin naman ang lamang mga ID ko. Buti at ang pera lang ang kinuha."Pasensya tiningnan ko ang laman ng bag para makita kung may impormasyon ng may-ari at nakita ko ang ID mo. May nakita rin akong litrato ng isang batang lalaki, kapatid mo ba siya?" Usisa ni Erwan sa akin nang buksan ko ang wallet ko."Ah, ito ba?" Pinakita ko sa kanila ang litrato na nasa loob ng wallet ko. "Baby pic ito ni Ruan, tinago ko nang makita ko ito. Ang cute niya kasi," nahihiya kong amin sa kanila."Kuya Erick, ganito rin ba mukha ko ng bata pa ako? Hindi ko na maalala eh," napakamot sa ulo niya si Erwan habang nagtatanong sa kuya niya."Siguro kong mas maputi ka lang. Pero batang yagit ka lang noon eh kaya m
"Pasenya na, wala. Isang taga-bundok lang ako kaya hindi ko na kailangan ng mga ganyang teknolohiya para mabuhay," mapait na wika ng lalaki sa akin habang nakatalikod pa rin at iniilawan ang mga lamparang nakasabit."Kung ganoon ay wala na akong ibang magagawa. Hihintayin ko na lang dumating ang araw bukas. May kasama ka ba rito? Narinig ko kasing may kausap ka kanina?"I was wondering if he lived with someone else. Sigurado akong may narinig akong kausap niya kanina. Puro boses ng lalaki iyon."Oo pero, bumaba na siya. Pumasok na sa trabaho. Kung nagugutom ka ay pagtiisan mo na lamg muna ang hinanda kong lugaw. Bukas babalik si Erwan at magdadala ng pagkain."Ngayon ay hinarap ako ng lalaking kausap. Kahit na ang ilaw lang sa nakasabit na lampara ang nagliliwanag sa paligid ay kita ko parin ang malaking peklat sa mukha niya. Halos kalahati ng mukha niya ang peklat."Pagpasensiyahan mo na ang mukha ko. Kung natatakot ka ay huwag mo na lang akong pansinin. Kumain ka muna rito at ako ay
"Suki! Bili ka na ngayon. Tingnan mo ang sariwa ng mga gulay ko. Kakaangkat ko lang nito mula sa nagtatanim." Panay ang sigaw ng nagtitinda sa mga taong dumadaan."Nakabili na ako suki eh. Bukas babalik ako," sagot ng ginang na dumaan.Umaga pa lang ay marami na ang mga tao rito. Maraming nagtitinda sa gilid ng daan at marami na rin ang mga may bitbit ng plastic bag na pinamili. Ganito naman talaga sa palengke. At nataunan pang linggo ngayon kaya maraming namimili.At dahil sa init ng araw ay di mapagkakaila na pawisan na ng mga taong nandito. I can see some men curiously staring at me as I pass by on a small souvenier shop. But they continued their work after taking a glance.This place is just a small village. Siguro magkakakilala lang lahat ng mga tao rito. They can easily tell if someone is a stranger. Although, I am wearing a cap to hide myself, I still look different from them.Dito ang lugar na sinabi nila Isaac kung saan posible namin makita si Ruan. Isa itong palengke sa ibab
It's almost a week now since Ruan and I had a fight. In the first three days, I would purposely avoid bumping into Ruan in the house. Kaya hindi ako lumalabas ng kwarto ko kapag hindi pa umaalis si Ruan ng bahay. While he will just knock on my door once, before leaving. Siguro para ipaalam sa akin na aalis na siya.Habang ako ay nagkukulong lang sa bahay at pinagpapatuloy ang paggawa ko ng mga sketches ko. Marami-rami na rin akong nagawa pero parang hindi ko parin nakukuha na maging kuntento. I want draw more and satisfy myself.Bawat araw ay sobrang busy ko. Hindi ko na napapansin na lagi nang ginagabi ng uwi si Ruan pagdaan ng mga araw.Pagdating ng gabi, habang naghahanda na akong matulog ay saka ko pa naririnig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya na kaharap lang ng kwarto ko. Hindi ko na rin sinusubukan silipin kung ano ang lagay niya dahil sa pagod ko buong araw kakagawa ng mga sketches.Naging ganoon na ang daily routine namin hanggang isang araw. Things just changed so drasti
Ngayong araw ay pinili ko na lang na manatili sa bahay. I want to make use of this time to start sketching drafts for my dream fashion show. I finished my fine arts degree. At panahon na para magamit ko kung ano ang mga natutunan ko.I was sipping my green tea while holding my pencil and still stucked on what theme should I start.Nakaupo ako sa gilid ng bintana at tanaw ko ang mga matatayog na puno ng kahoy. All I can see are green and shades of brown.Aha! Should I try to recreate the trees in my dresses?Binalikan ko ang blangkong sketchpad ko at gumuhit ng katawan ng babae. Sunod na ginuhit ko ay ang mga korte ng dahon na nakapalibot sa bandang dibdib nito.It was a tube dress filled with leaves-like ornaments. It was beautiful and it made me smile.Naisip kong gamitin ang kayumangging kulay sa laylayan ng damit. The lower part of the dress is derived from circle skirt added with flower petal stitches. Using organza cloth on the lower skirt will give it more emphasis.My first dr
Nang makalabas kami sa horror mansion ay umupo kami sa isang bench na nasa harap ng carousel.May eyes are still sore from crying. Naging palpak na naman ang plano ko. Bumigay na naman ang mahinang Twinkle sa loob ko. Kapag lagi na lang ganito, masasanay na siyang laging nakadepende sa tulong ng iba. Ayaw ko na maging ganito na lang lagi.I want a strong and independent Twinkle."I'll get water for you." Tumayo si Ruan. Patalikod na siya nang biglang sinampal siya ng mascot na pikachu. Napahawak siya sa mukha at nilingon ang mascot."Bakit mo ako sinampal?" Ruan angrily asked but the mascot just stand there and pointed at me.Tinuro niya ako bago inilagay ang dalawang kamay sa gilid ng mukha niya at tinuro ng dalawang hintuturo niya ang lupa."What is he saying," Ruan confusedly asked."Hindi ako sigurado...but looking at his actions. Ah!" I now realized what the mascot is trying to say. "Sinampal mo siya kasi akala mo na pinaiyak niya ako?" Tanong ko sa mascot at tumango ito."I don'