Si Thelma po talaga at si Cherry ang tunay na magnanay. Hahaha
Napansin ni Drake na hindi maganda ang pakiramdam ni Gavin kahit pa pilit itong nagpapakasigla sa harapan nila. Nang matapos na sa isang kanta si Gavin at akmang lilipat sa susunod na pahina, mabilis itong pinigilan ni Drake."Gusto mo bang maglaro tayo ng building blocks?" Tanong ni Drake sabay turo sa bagong bili niyang Lego set na hindi pa niya naibibigay kay Gavin.Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Gavin sa narinig subalit nakaramdam parin siya ng pag-aalangan. Pero nang hawakan ni Drake ang kanyang kamay, hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na sumama sa asawa ng kanyang tiyahin.Bahagyang nasorpresa si Graciella sa pagiging malapit masyado ni Gavin kay Drake at ang mas higit na sumorpresa sa kanya ay ang mahabang pasensya ng asawa niya sa kanyang pamangkin.Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang tiyan. Ganyan din kaya si Drake sa magiging anak nila?Sandaling natulala si Graciella habang pinapanood ang dalawa subalit maya-maya lang ay nahimasmasan na siya at mariin
Nang makaalis ang agent, nilapitan ni Garett si Graciella na kasalukuyang nakaupo sa sofa. "Graciella, may hihilingin sana ako sayo kung ayos lang."Agad namang nag-angat ng tingin si Graciella. "Ano yun, Kuya?""Lilipat kami sa fruitshop ngayong gabi at walang aircon doon o kahit na maliit man lang na electric fan. Nag-aalala ako kay Gavin. Nais ko sanang iwan muna pansamantala si Gavin. Kung okay lang naman sayo—""Ano ka ba naman Kuya. Ayos lang sakin na doon muna siya. Matagal narin naman na hindi kami nakapagbonding. Kunin mo nalang siya sakin kapag maayos na ang lahat," singit niya.Nakahinga naman ng maluwag si Garett. "Maraming salamat Graciella at pasensya na sa abala. Kukunin ko naman siya agad kapag naibenta ko na itong bahay at nakahanap na ako ng bago naming matutuluyan.""Hindi ka nakakaabala sakin. Tsaka relax ka lang. Dapat maibenta mo itong bahay ninyo sa disenteng presyo dahil pinaghirapan mo rin naman ito," payo pa ni Graciella.Matapos nilang makapag-usap ni Garett
Marahan na umiling si Garett. "Ayos lang Graciella. Wala din namang trabaho si Cherry kaya mahihirapan siyang magsimula kung wala siyang pera. Ang nais ko lang ay mawala na siya sa buhay naming mag-ama. Sapat na iyon sakin."Iyon ang unang beses na nakita ni Graciella kung gaano kalugmok ang kapatid niya. Dapat lang talaga na maturuan ng leksyon ang Cherry na iyon pero masyado ng nasaktan ang kapatid niya. At hanggang nakatali pa ito kay Cherry, mas lalo pa itong masasaktan.Huminga siya ng malalim at sakto namang napasulyap sa silid ni Gavin. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakasilip pala ito sa kanila at mukhang narinig ng bata ang lahat ng pinag-usapan nila!Malungkot siyang ngumiti at kinawayan si Gavin. Dahan-dahan naman itong naglakad palapit sa gawi nila ni Garett.Nataranta naman si Garett at pilit na ngumiti. "Bakit ka lumabas? May kailangan ka ba?" Malumanay niyang tanong.Imbes na sagutin siya ay sinugod siya nito ng yakap. "Wag ka na po iyak, Daddy. Nandito nama
Pagkatapos na pakainin ng hapunan ni Garett si Gavin, napagpasyahan niyang mag-impake ng mga gamit nilang dalawa ng anak niya. Hindi niya kayang manatili sa loob ng apartment ngayong gabi. Nandidiri siya sa kaisipang makailang ulit na dinumihan ni Cherry at ng kabit nito ang lahat ng sulok ng bahay.Maya-maya pa'y hinugot niya ang kanyang cellphone at pinadalhan ng mensahe si Cherry. Kailangan magkita sila bukas sa Civils Affairs Bureau para tuluyan ng matapos ang koneksyon niya sa babae!Sumilip naman si Gavin sa loob ng silid kung saan naroon ang kanyang daddy. Nakita niya itong nag-eempake ng mga gamit dahilan para makaramdam siya ng kaba. Dali-dali siyang bumalik sa salas kung saan siya nagbabasa ng libro at tinawagan si Graciella.Ilang sandali lang, narinig na ni Gavin ang malamyos na boses ng kanyang tiyahin sa kabilang linya. "Gavin? Napatawag ka? Hindi ka pa ba natutulog?"Pinahid ni Gavin ang mga luha niyang nag-uunahan sa pagpatak bago nagsalita. "T—tita... Umalis na po si
Mabilis na nakalapit si Auntie Salome kay Garett. "Garett! Huminahon ka! Hindi na ito magandang biro, hijo."Kung kanina nakukuha pa ni Cherry na makipag-angasan kay Garett, ngayon labis na takot na ang nararamdaman niya. Ito palang ang unang beses na nakita niya si Garett na parang baliw. Mukha itong sinaniban ng masamang espiritu!Agad na lumuhod si Cherry sa harapan ni Garett. Wala na siyang pakialam pa sa dignidad niya. "A—alam kong mali ako Garett. W—wag kang mag-alala, hindi na ako manggugulo pa. Wala narin akong hihingin pa sayo na kahit ano. Palayain mo lang ako..." Pagsusumamo niya at nagsimula ng umiyak.Kahit na nakita ni Garett ang pagluhod ni Cherry, walang nagbago sa ekspresyon niya. Noon madalas siya nitong pagalitan. Hindi niya inaakalang kaya pala nitong magpakumbaba.Nakakatawa lang kung isipin!Sinamantala naman ni Auntie Sarah ang pagkakataon at agad na inilayo si Cherry mula kay Garett para paghiwalayin ang dalawa at humupa ang tensyon."Garett, wala kang ibang da
Marahas na tumayo mula sa sofa si Cherry at pinamewangan si Garett. "Dugo't laman ko si Gavin kaya dapat lang na sa akin siya! Kung magmamatigas ka parin, susunugin ko nalang itong pamamahay natin para mamamatay nalang tayong lahat! Kung hindi mapupunta sakin ang anak ko, pwes walang mabubuhay satin!"Madalas ay ganito ang ginagawa niya kay Garett noon. Tinatakot niya at pinagtataasan ng boses. Sumusunod naman ito sa kanya na parang isang mabait na aso at hindi na nakikipagtalo pa!Subalit imbes na sumang-ayon, tumayo din si Garett at sinalubong ng nag-aapoy nitong tingin ang kanyang mga mata. "Balak mong dalhin ang anak ko kasama ang kàbit mo! Sinasabi ko sayo, hinding-hindi mangyayari ang gusto mo—""At bakit hindi? Ako ang nanay. Kahit saang batas pa tayo umabot, ako ang mas may karapatan sa kanya! Wala kang pakialam kung sino ang magiging kasama ko pagkatapos nating maghiwalay at sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si Gavin nang walang pahintulot mula sakin!"Nagpunta sa kusin