Nanlaki ang mga mata ni Graciella nang makitang ang kanyang ina ang humila sa kanya. Akmang magsasalita sana siya subalit agad nitong sinalpakan ng tela ang kanyang bibig para hindi siya makaimik.Sobrang bait ng kanyang ama kani-kanina lang tapos ngayon bigla nalang itong naging mabangis. At mukhang nagkasundo na ang mga dalawa para pagkaisahan siya.Agad na gumapang ang takot sa kanyang sistema habang pilit siyang kumakawala. Hindi naman siya pinansin ng dalawa.Sigurado si Garry na alam na ni Drake ang sikreto tungkol sa pagkatao ni Graciella. At malamang sa malamang, mag-iimbestiga pa ito. Pero hangga't hawak nila si Graciella at hindi ito matatagpuan ng lalaki, hindi tuluyang mabubunyag ang itinatago nila. Mas lalo pang nadagdagan ang takot sa puso ni Graciella nang walang awa siyang itinali. Ilang sandali pa'y kinuha ng kanyang ama ang trycicle na ginamit nito saka siya walang pag-iingat na itinulak papasok. Kahit na anong iyak niya, hindi natinag ang mag-asawa.Mas malupit pa
Hindi siya makapaniwala habang nakatitig sa matandang Nagamori. Paanong ang isang kagaya ni Graciella ay may koneksyon kay Grandma Hermania?Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "B—baka nagkamali lang po kayo, Grandma. Paanong naging si Hannah si Graciella gayong may mga magulang naman siya?"May mga magulang na walang kwenta!Hindi niya mapigilan ang lihim na mapaismid. Paano kaya nagkagusto si Levine sa isang babae na may ganung klaseng pamilya? Hindi naman pinansin ni Celestina si Beatrice dahil hindi naman siya interesado sa babae at hindi niya rin ito gusto at nadagdagan pa iyon pagkatapos ng ginawa nito noong nakaraang araw para gumawa ng gulo. Kaya naman hinawakan niya ang braso ni Hermania at hinila na ang babae papasok para sila na mismo ang maghanap kay Graciella.Lihim namang napamura si Beatrice. Galit siya kay Graciella dahil nagustuhan ito ni Levine sa kabila ng hindi kaaya-aya nitong family background. Pero kung totoo na si Graciella at Hannah ay iisa, mal
Pumagitna na si Graciella sa dalawa at agad na tinapik ang braso ng kanyang ama. "Pa, tama na. Hindi mo na siya kailangan na patulan pa."Nag-aalala si Graciella na baka totohanin ng kanyang ama ang mga banta nito kay Beatrice. Sigurado siyang hindi iyon palalampasin ng babae kung sakali. Kung siya lang, kayang-kaya naman niya si Beatrice pero ang kanyang ama ang inaalala niya lalo pa't kahit na matapang ito, wala naman itong malakas na koneksyon para lusutan ang mga Inoue...Unti-unti namang kumalma si Garry at tinapik ang braso ni Graciella. "Okay.""Halina po kayo. Hindi niyo na kailangan pang pag-aksayahan ng oras ang mga taong gaya niya," aniya sa lalaki.Mabilis namang napanting ang tenga ni Beatrice sa narinig. "Anong sabi mo? Taong gaya ko? Huh! Ang kapal talaga ng mukha mong maliitin ako. Hindi porket nasa tabi ka ni Levine, ngayon ay magmamataas ka na sakin!" Gigil niyang asik.Hindi naman pinansin pa ni Graciella si Beatrice at tinalikuran na. Kung hindi lang ito anak ng mg
Masyadong nakakatakot ang awra at mga mata ng lalaking bagong dating dahilan para matameme si Beatrice. Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang mukha kasabay ng takot na namayani sa sistema niya habang iniisip ang banta ng lalaki.Ilang sandali pa'y nahimasmasan na siya at nagsimulang maghisterikal. "Sinong nagpapasok sa kanya dito?! Nasaan ba ang security? Bakit nagpapasok kayo ng kung sino-sino lang dito sa loob!" Singhal niya.Habol naman ng security guard ang sarili nitong hininga at ilang beses na humingi ng tawad kay Beatrice. "Pasensya na po kayo Miss Beatrice pero nakapasok po siya dahil tatay po siya ni Miss Graciella," paliwanag ng gwardiya.Agad namang napatingin si Beatrice sa gawi ni Graciella. "Is he really your father?" Paglilinaw niya.Akala niya pinakamasamang nilalang na ang nanay ni Graciella pero hindi niya inaasahan na halos maikukumpara niya sa demonyo ang itsura ng ama nito. Nakakatakot! Ang tapang ng mga mata nito na para bang anumang oras, handa ng pumatay!
Isang kalmadong ngiti ang sumilay sa labi ni Graciella. "Okay. Maybe you're right. But may I just remind you, Beatrice. You are a qualified actress and this movie is an adaptation. Wala tayong binagong kahit ano sa nakasulat sa original book. The heroine is heartbroken by her lover. Hindi niya alam kung sino siya. Wala siyang ibang gusto kundi matapos na ang buhay niya.""Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag susundin ko ang sinabi mo? Don't you know how to identify agony and anger? Mukhang hindi mo yata nakuha ang punto ng character na dinadala mo. Did you just act on your own accord without reading the whole script and the novel itself?" Sarkastiko pang dagdag ni Graciella.Kung magiging actress ka lang naman ng isang script na adapted mula sa isang libro, talagang mainam na basahin muna ang libro para maabsorb ng sino mang gaganap ang katauhan ng bida. Bahagya namang natigilang muli si Beatrice sa mga sinabi ni Graciella. Napansin niya ang pagbigat ng tensyon sa paligid lalo na a
Kinabukasan ay sa Apex Production pumasok si Graciella. Abala siya sa Isolde Pictures nitong mga nakaraang araw kaya sa kabila na naman ang schedule niya ngayon. Kahit paman asawa siya ng nag-iisang Master Levine ng bansa, wala siyang balak na tumigil sa pagtatrabaho. Nais niya paring maging normal ang buhay niya sa kabila ng estado ng lalaking napangasawa niya.Halos wala nga siyang tulog dahil hindi tumigil si Drake sa kakakulit sa kanya na maging engrande ang kasal nila. Nais nitong ipagsigawan sa buong mundo na siya ang napangasawa nito. Hindi niya mapigilan na matawa. Mukhang baliktad yata ang reaksyon nila.Pagdating niya sa set, naabutan niyang naroon na si Beatrice. Ipinagkibit balikat lang naman niya ang presensya ng babae lalo pa't ito ang female lead ng pelikula kaya natural lang na narito ito.Hindi naman natutuwa si Beatrice sa pagdating ni Graciella. Naalala pa niya kung paano siya napahiya nang harap-harapan siyang sinampal ng mga katagang binitawan ng lola ni Drake. Th