تسجيل الدخولVivienne Elise Moreau’s Point of ViewWala sa sarili kong naikuyom ang aking kamay lalo na nang bumilis ang kaniyang paghaplos doon.Ganito ba ‘yong punishment na gusto niya? Ito ba ang ibig niyang sabihin doon?Napaawang ang aking labi nang hawiin na niya ‘yon. Sa gulat ko, naisandal ko ang aking mukha sa kaniyang leeg.Ni hindi ko rin magawang imulat ang aking mga mata lalo na nang kusa kong pinagparte pa lalo ang aking mga hita.“Sir—”“This is your punishment, Tala. Nagawa mo ba namang makipagtitigan sa kaibigan ko, kahit nandito ako kanina?” untag niya, at mas idiniin ang kaniyang daliri sa akin.“Ahh!”Mabilis kong kinagat nang mariin ang aking ibabang labi. Naiinis ako sa sarili ko, dahil nagagawa kong magpadala sa kaniyang ginagawa ngayon.Hindi ba dapat ay ako ang kokontrol sa kaniya? ‘Yong pasimple ko siyang kokontrolin sa paraang alam ko nang sa gayon ay magawa ko nang maayos ang trabaho ko? Bakit hindi ko man lang magawa?Ang masakit pa ay siya mismo ang kumokontrol sa aki
Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewDali-dali akong lumabas ng pinto, dahil iba ang bigat ng kanilang awra. Hindi ko mapigilang mapahawak sa aking dibdib nang maisara ko ang pinto, at napapikit na lamang nang mariin ang aking mga mata.Since wala naman akong ibang gagawin, pinili kong magpunta lamang saglit sa comfort room. Kinailangan kong pakalmahin ang aking puso, dahil kanina pa ‘to kumakalabog.“Ito ang ayaw ko,” sambit ko, at napahawak na lamang sa aking noo. “Hindi pa rin kasi talaga ako sanay na napaliligiran ng mga kagaya nila.”Ibang-iba ang kanilang mga presensya. Sobrang bigat, at halos hindi ako makahinga nang maayos.Kaya ko pang tiisin ‘yong presensya ni Kieran, eh. Pero ‘yong isa? Halos manindig ang aking mga balahibo sa takot.Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin, at hindi mapigilang punahin na mas lalo nga pala akong namutla.“Hindi ko pa rin ma-contact ang mga kasama ko,” sambit ko.Hindi ko alam kung ano ang mayroon dito, pero kung sakali man na mag-day off ak
Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHindi ako nakinig sa sinabi niya. Kaya ngayon ay nakatayo pa rin ako, hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa panggugulo sa akin.“Dessert,” mahinang sambit ni Sir.“Ano pong klaseng dessert?”“Anything. Sila na ang bahala kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.Kaya yumuko na lamang ako para magpaalam, at mabilis na lumabas ng kaniyang study room. Nakita ko nga sa labas ang butler pagkasara ko ng pinto, dahil kaagad siyang lumingon sa akin.“Sir,” bungad ko kaagad, habang nakatingin siya sa akin na may pagtataka s
Vivienne Elise Moreau’s Point of View“Who’s there?” tanong niya kaagad.Napakurap naman ako, at dahan-dahan na isinara ang pinto. Nagawa ko pang mahigit ang aking hininga, pero kaagad din naman akong natauhan kalaunan, at pinakalma ang aking sarili.“Tala po.”“What are you doing here?”Kaagad akong napalingon sa table niya, at napansin na nakaupo pala siya roon. Magulo ang kaniyang buhok, at hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. Para kasing may malalim siyang iniisip, at ang pinagdiskitahan niya ay ang kaniyang buhok.“Baka po may kailangan ka po. Kaya sumunod po ako rito,” magalang kong sambit, habang nanatili lamang sa may bandang pintuan.Nakatitig siya sa akin nang mariin, pero at the same time ay nandoon pa rin naman ang lami
Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHiyang-hiya ako sa sinabi ng boss ko. Nawala kasi talaga sa isipan ko ‘yon! Ang tanging gusto ko lang naman ay ang makainom ng gatas nang sa gayon ay makatulog na ako.Ang kaso lamang ay imbis na makatulog ako, hindi ‘yon nangyari. Nakatitig lang ako sa salamin, hanggang sumikat na ang araw.“Hindi ka ba nakatulog?” pang-uusisa naman sa akin nang isang katulong na parang hindi yata nalalayo sa aking edad“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”“Parang hindi kasi ganiyan ‘yong mga mata mo nang makita kita kahapon,” paliwanag nito sa akin na siyang nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. “Medyo umitim sa ilalim ng mga mata mo.”“Naninibago lang kasi ako rito kaya hindi kaagad ako nakatulog,” paliwanag ko na kahit ang totoo naman ay kasalanan naman ng boss namin.Kung hindi
Vivienne Elise Moreau’s Point of View “Personal maid na siya ni sir,” pahayag ng butler sa head housekeeper. Kaya napalingon siya sa akin, at nagawa pa akong tinitigan. “Akala ko ba ay ayaw ni sir ng personal maid?” tangkang tanong nito, at bahagyang napaisip. “Nagbago na ang isip niya?” “Tingin ko rin,” tugon naman ng butler na siyang ikinayuko ko na lamang. Dapat naman siguro akong maging masaya lalo na’t naririnig ko sa kanila mismo ang bagay na ‘to, hindi ba? Ibig lang sabihin ay hindi na ako mahihirapan pa. Ang problema ko lang talaga ay hindi ko magawang tawagan ang mga kasamahan ko para ibalita sa kanila na kahit papaano ay may progress na talaga ang lahat. Na kahit papaano ay umuusad na rin, at hindi naman ako nahihirapan. “Mas magandang hindi na lang siya tumulong sa inyo.” “Mas mabuti pa nga. Sumama na lang siya sa ‘yo kung sakali.” Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri, habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko lang maiwasang mamangha, pero at the same tim







