Share

Chapter 8

Author: RGA.Write
last update Last Updated: 2025-10-30 14:20:12
“Look,” sabi ni Camila sabay lapag ng folder sa lamesa. Tinignan naman iyon ni Juliette at nagtatakang binuklat. Nasa isang bakanteng silid sila na ginawa niyang mini office sa condo na tinutuluyan nilang mag-iina .

“What about this?” tanong niya.

“Your ex-husband wants to have a meeting with you.”

“I can see that,” tugon ni Juliette na may kasama pang pagkibit ng balikat.

“So, anong plano mo?” tanong pa ni Camila.

“Bakit gusto niya akong makausap?”

“Obviously para sa isang project. Hindi naman niya alam na ikaw ang big boss namin eh.” Inikutan ni Juliette ng mata ang kaibigan.

“Kung ganon kahit hindi ko siya harapin ay okay lang.”

“Anong ibig mong sabihin dyan?”

“Cams, kakarating lang natin at kailangan kong ayusin ang school ng mga bata. Yung kambal ay okay lang dahil 4 years old pa lang naman sila, pero si Gener kailangan na niya agad para hindi siya mapag-iwanan sa klase.”

Sa hinaba-haba ng sinabi ni Juliette ay alam na ni Camila ang ibig mangyari ng kaibigan.

“Ibig bang sabihin a
RGA.Write

Love parin ni Juliette ang mag-aama niya??

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 27

    Huminga nang malalim si Dylan bago muling nagsalita, parang pinipilit buuin ang sarili bago iharap sa kanya ang totoo.“May problema talaga sa kumpanya noon,” sabi niya, mabagal at maingat. “At nagpunta ako sa restaurant para personal na puntahan ang artist. Kung gusto mo, pwede mong i-check. Two years ago, kinuwento na niya ang buong nangyari. Nasa social media na lahat, every detail.”Nanatili ang tingin ni Juliette sa kanya, hindi kumukurap. Pinipilit niyang basahin ang mukha ni Dylan, kung may bahid man lang ng kasinungalingan. At sa isang iglap, naisip niyang… baka nga mali ang narinig niya noon. Baka hindi lahat ng akala niya ay totoo.“What about the other anniversaries?” tanong niya, pinipilit gawing steady ang boses kahit kumikirot ang puso niya.“I admit,” sagot ni Dylan, walang pag-iwas, “talagang hindi ako umuuwi noon. Pero wala akong ibang pinupuntahan. Kumpanya lang.” Nanigas ang panga niya, parang mabigat din iyon para sa kanya. “Alam kong hindi iyon sapat. Alam kong hi

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 26

    “Paano ang kambal?” tanong ni Dylan, halatang may pinipigilang panginginig sa boses. “They really missed you. Hinahanap-hanap ka nila. At matapos ka nilang makita ulit ay hindi na sila natahimik pa. Paulit-ulit nilang sinasabi na gusto ka nilang makasama.”Napalunok si Juliette. May kung anong kumirot sa dibdib niya, isang kirot na pilit niyang hindi pinapansin mula nang umalis siya. Naiintindihan niya si Dylan dahil ganoon din ang nararamdaman niya para sa kambal. Araw-araw. Bawat gabi. At dahil doon, may biglang ideyang sumulpot sa isip niya, isang desisyong matagal na niyang itinataboy.Pero bago pa man siya makahanap ng tamang salita, nagsalita na ulit si Dylan.“Mga bata lang sila,” he continued,

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 25

    Nanatiling tahimik si Dylan matapos magsalita ni Juliette. Para siyang sinakal ng katahimikan—mabigat, nakakabingi. Pilit niyang inangat ang tingin mula sa mesa bago nagsalita, paos, mababa, parang may kinakalaban sa loob.“Is it because of him?” tanong ni Dylan makalipas ang ilang saglit.Kumunot ang noo ni Juliette. “What?” napapailing na sagot niya, halatang hindi inaasahan ang direksiyon ng usapan.“Is it because of Santamena kaya gusto mo ng divorce?” ulit ni Dylan, mas matalim, mas mabigat ang boses ngayon. Kita sa mga mata niya ang halong selos, takot, at pagsisisi—pero nakabalot iyon sa galit na ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya.Hindi makapaniwala si Juliette. Saglit siyang napatitig kay Dylan bago tuluyang natawa—hindi dahil natutuwa, kundi dahil sa sobrang absurd ng akusasyon. Isang mapait, maikling tawa na parang sampal sa ego ni Dylan.“What’s so funny?” dagdag pa ni Dylan. Hindi gumagalaw ang mukha niya, pero halatang hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Juliette. Ku

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 24

    “Nandito na tayo.” Nilingon nin Juliette ang nagsalitang si Andrew na nakatingin na rin pala sa kanya. Huminga siya ng malalim at tsaka tumango bago hinawakan ang door handle ng sasakyan para lumabas. “Are you sure kaya mong magi-isa?”Muling tumingin si Juliette sa lalaki at ngumiti. “Anong akala mo sa akin?”“Init ulo agad, nagtatanong lang?” taas ang kilay na tugonn ni Andrew dahilan upang matawa si Juliette at kahit papaano ay narelax ng konti.“You can leave, kaya ko na rin umuwing mag-isa.” Nagtitigan ang dalawa at marahang tumango si Andrew bilang tugon. Alam niya na iyon talaga ang gusto ng kaibigan.Tuluyan ng bumaba si Juliette at naglakad papasok sa building habang nakatanaw sa kanya si Andrew. “Hay naku, Juliette. Sana lang ay makapagdesisyon ka ng tama para maging tuluyan ka ng maging masaya,” hindi naiwasan na sabihin ng lalaki habang patuloy lang niyang hinatid ng tingin ang kaibigan.Si Andrew Santamena ay kuya ni Camila. Malaki ang utang na loob niya kay Don Horacio, a

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 23

    Napaisip si Juliette sa mga salitang iniwan ni Andrew na baka pareho pa rin silang nasasaktan ni Dylan sa parehong dahilan.Matagal siyang nakatulala, nakatitig sa kawalan, habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala.Hindi madali para sa kanya na talikuran ang kambal na anak na ngayon ay nasa poder ni Dylan. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang mga salitang binitiwan ng mga ito, ang malamig na tingin, at ang paglayo ng mga yakap na dati ay sa kanya lamang nakalaan, unti-unti niyang nararamdaman kung paano natatabunan ng sakit ang puso ng isang inang sabik sa sariling mga anak.Isang iglap, lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Gener, ang batang walang ibang alam kundi umunawa. Na kahit hindi sa kanya nagmula ay pinadama naman sa kanya kung paano mahalin ng tunay na anak.Kasunod noon, ang kambal na sina Jamima at Janina na palaging nakayakap sa kanya, sabay-sabay na tumatawag ng “Mommy!” habang nagtatawanan.Ni minsan, hindi niya narinig sa kanila ang salitang “ayaw.” Lagi

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 22

    “What’s this?” malamig pero matalim ang tanong ni Dylan, habang dahan-dahang ibinababa ang dokumentong kanina lang ay hawak niya. Ngunit nang masipat ang heading ng papel, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanigas ang panga, at unti-unting naningkit ang mga mata.“Pinadala po ng abogado ni Mr. Santamena, Sir,” mahinang sabi ni Meynard, halos hindi na makatingin. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang laman ng dokumento.Mabigat ang katahimikang sumunod. Tanging ang mahinang ugong ng aircon ang maririnig.Dahan-dahang iniangat ni Dylan ang tingin, diretso sa assistant niya at sa isang iglap, umapoy ang galit sa mga mata niya.“Pinadala ng abogado ni Santamena?” paulit niyang sabi, halos pabulong pero puno ng poot. “So, humingi pa talaga siya ng tulong sa lalaking ‘yon? Para makipaghiwalay sa akin?”Isang iglap lang ay tumilapon ang mga papel sa hangin nang itapon niya iyon sa mesa. Nagkalat ang mga dokumento sa sahig, at isa-isang bumagsak sa paligid ni Meynard.“Te

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status