LOGIN
SHANTALL AGUILAR POV
Nanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ang suot kong black pencil skirt at simpleng white blouse. Humarap ako sa malaking salamin ng restroom dito sa top floor ng Herrera Enterprises. I looked at my reflection. Bakas pa rin sa ilalim ng makapal na foundation ang bahagyang pasa sa may panga ko—ang huling "regalo" ng tatay ko bago ako tuluyang tumakas sa bahay tatlong linggo na ang nakakaraan. Huminga ako nang malalim. “Kaya mo ’to, Talla. Para sa kalayaan mo,” bulong ko sa sarili ko. Para sa isang taong lumaki sa impiyerno, ang makatapak sa mansyon-tulad na building na ito sa Makati ay isang milagro. My parents treated me like a paycheck, an investment, a punching bag. Ginamit nila ang bawat sentimo na kinikita ko noon para sa mga utang nila sa sugal, at nung hindi sapat, binalak pa nila akong ibenta sa isang matandang mayaman na may-ari ng talyer sa probinsya namin. That was the last straw. Tumakas ako sa gitna ng gabi, walang dala kundi ang iilang pirasong damit, ang diploma ko, at ang natitirang lakas ng loob. At ngayon, opisyal na akong nagsisimula bilang bagong Personal Assistant ng pinakakinatatakutang lalaki sa mundo ng negosyo si Kalix Luiz Herrera. "Shantall? Are you in there? Kanina ka pa hinahanap ng CEO," tawag ng HR manager na si Miss Gina mula sa labas ng pinto. "O-Opo, lalabas na po!" Dali-dali kong binuksan ang gripo, naghugas ng kamay, at lumabas na may pilit na ngiti. "Bilisan mo, Talla. Ayaw ni Sir Kalix ng pinaghihintay siya. He is very strict, bossy, and short-tempered. Kapag sinabi niyang ngayon, dapat limang minuto nakaraan pa nagawa," paalala ni Miss Gina habang mabilis kaming naglalakad papunta sa dulo ng hallway kung saan matatagpuan ang double mahogany doors ng opisina ng CEO. Lalong kumaba ang dibdib ko. I've heard rumors about him. He's a billionaire at twenty-nine, a corporate shark, intensely handsome but brutally cold. At higit sa lahat, wala pa raw PA ang tumatagal sa kanya ng higit sa isang buwan dahil sa sobrang sungit nito. Huminto kami sa tapat ng pinto. Kumatok si Miss Gina at nang makarinig ng baritonong "Enter," dahan-dahan niyang itinulak ang pinto. Ang unang pumasok sa sistema ko ay ang amoy ng mamahaling leather, woodsmoke, at panlalaking pabango na sobrang tapang pero napakasarap sa ilong. The office was massive, surrounded by floor-to-ceiling glass windows showing the skyline of Manila. Pero ang tunay na nakakaagaw ng pansin ay ang lalaking nakaupo sa likod ng malaking glass desk. Kalix Luiz Herrera. He was wearing a tailored charcoal gray suit that hugged his broad shoulders perfectly. His dark hair was brushed back, revealing a sharp jawline, high cheekbones, and a pair of obsidian eyes that could pierce right through your soul. Kung titingnan mo siya, mukha siyang isang Greek god na bumaba sa lupa, pero ang aura niya? Napakadilim at napaka-intimidating. "Sir, this is Shantall Aguilar. Your new personal assistant," pormal na pakilala ni Miss Gina. Hindi tumingin si Kalix. Nanatili ang mga mata niya sa mga papeles na pinipirmahan niya. "Leave us," malamig at maawtoridad niyang utos. Mabilis na tumango si Miss Gina at bago lumabas ay binigyan ako ng isang "good luck" look. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng malawak na silid. Ang tanging tunog na naririnig ko ay ang tibok ng sarili kong puso at ang pag-gasgas ng mamahaling pluma niya sa papel. Lumipas ang limang minuto. Nanatili akong nakatayo, magkasalikop ang mga kamay sa harap. Sumasakit na ang mga paa ko dahil sa suot kong takong, pero tiniis ko. Mas malala pa rito ang dinanas ko sa mga magulang ko, kaya maliit na bagay lang ito. Biglang huminto ang kamay niya sa pagpirma. Dahan-dahan niyang ibinaba ang panulat at isinandal ang kanyang likod sa swivel chair. Pagkatapos, itinuon niya ang kanyang mga itim na mata sa akin. Pakiramdam ko ay biglang nawalan ng hangin sa buong kwarto. He didn't just look at me. He scanned me. Mula sa magulo kong buhok na nakapusod, sa simpleng blouse ko, pababa sa hubog ng aking balakang, at sa nanginginig kong mga binti. Tinitigan niya ako na tila ba isa akong karne na sinusuri kung masarap o hindi. Inside those dark eyes, I didn't see professional interest. I saw something dark, heavy, and dangerous. Lust. It was a raw, primal hunger that made my skin flush. "So, you're the replacement," he said, his voice deep and raspy, sending a strange shiver down my spine. "You look... fragile. Sigurado ka bang kakayanin mo ang trabahong 'to? I don't tolerate weak people in my office." Lumunok ako ng laway, pilit na pinatatag ang boses ko. "Yes, Sir. I am hardworking and I can handle any task you give me. Kakayanin ko po." Isang sarkastikong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Tumayo siya mula sa kanyang upuan. He was tall easily 6'2" at dahil maliit lang ako, lalo akong nagmukhang dwarf sa harap niya habang naglalakad siya papalapit sa akin. Huminto siya ilang pulgada lang ang layo sa akin. Sobrang lapit niya na nararamdaman ko na ang init ng katawan niya. "Hardworking?" bulong niya, looking down at me. "We'll see about that, Shantall." "T-Talla na lang po, Sir," awtomatikong pagtatama ko dahil mas sanay akong tinatawag sa palayaw ko. Agad na kumunot ang noo niya, ang mukha ay biglang nagbago, nagbabadya ng bagyong galit. "Did I give you permission to correct me?" masungit na tanong niya. Ang kaninang gutom sa mga mata niya ay napalitan ng dominance at pride. "Inside this room, I am the boss. You speak only when you're told, and you never, ever correct me. Understand?" Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa biglaang pagsusungit niya. Napakabilis magbago ng timpla ng utak niya! "S-Sorry, Sir. Pasensya na po." "Fix your posture. And don't stutter in front of me, it annoys the hell out of me," he snapped, turning his back on me to walk back to his desk. "Gusto ko ng kape. Black, no sugar. Exact temperature should be hot enough to sip but not burn. May coffee maker doon sa pantry sa gilid. Fix it now." "Opo, Sir." Mabilis akong kumilos papunta sa pantry na itinuro niya. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang nagtitimpla. Sabi ko sa sarili ko, okay lang 'to. Kahit masungit siya, kahit napaka-bossy at stubborn niya, basta may sweldo ako at may pambayad sa maliit na boarding house na inuupahan ko, titiisin ko. Ito ang ticket ko para tuluyang makalayo sa impiyerno ng pamilya ko. Pagbalik ko sa opisina niya, maingat kong ipinatong ang tasa ng kape sa gilid ng mesa niya. Habang ginagawa ko 'yun, naramdaman ko ulit ang malagkit niyang tingin sa akin. This time, nakatitig siya sa panga ko kung nasaan ang medyo nag-fade na pasa na tinakpan ko ng makeup. "Anong nangyari sa mukha mo?" biglang tanong niya, cold and calculated. Nabigla ako kaya muntik ko nang mabitawan ang saucer. "Ah... w-wala po, Sir. Nadapa lang po ako nung nakaraang linggo." He scoffed, an expression of disbelief washing over his handsome face. "Sinungaling. Do you think I'm stupid, Shantall? I know a bruise from an assault when I see one." Yumuko ako, pilit na itinatago ang mukha ko. Ang alaala ng bugbog ng tatay ko ay biglang nag-flash sa isip ko, at naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. "Personal na bagay po 'yun, Sir. Hindi po makakaapekto sa trabaho ko." "Look at me when I'm talking to you!" kalmado pero mariin niyang utos. Dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko. Ang mga mata ni Kalix ay nagliliyab sa kakaibang emosyon. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya dahil nagsinungaling ako, o may iba pang dahilan. He leaned forward, taking a slow sip of the coffee I made. Kukurap-kurap akong nag-abang sa reaksyon niya. "Not bad," he murmured, pertaining to the coffee. Pero hindi pinalampas ng mga mata niya ang mukha ko. "From now on, rules are simple. You belong to this office, which means you are under my jurisdiction. Kung anong meron sa labas ng buhay mo, siguraduhin mong hindi haharang sa mga utos ko. clear?" "Yes, Sir Kalix." "Good. Now, kunin mo ang schedule ko para sa buong linggo at i-rearrange mo ang meeting ko kay Miss Lopez. I don't want to see her tomorrow. Move it to Friday." "Miss Anastasia Lopez po?" tanong ko, naalala ang nakasulat sa briefing file na ibinigay sa akin ng HR kanina. Isang sikat na socialite at business partner ng kompanya. "Yes. At huwag kang magtanong kung bakit. Just do it," pagsusungit niya ulit, ibinaba ang tasa at bumalik sa pagbabasa ng laptop niya. "Sige po, Sir." Lumabas ako ng opisina niya at naupo sa PA desk na nasa labas lang ng pinto niya. Bumitaw ako ng isang malalim na buntong-hininga. My first hour with Kalix Herrera felt like walking on a tightrope. Napakasungit, napaka-demanding, at halatang isang stubborn man na sanay na nasusunod ang lahat ng gusto niya. Pero sa kabila ng takot ko, may iba akong naramdaman nung malapit siya sa akin. Isang kakaibang kuryente na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Habang nag-aayos ako ng mga files sa computer, napansin ko ang isang anino na huminto sa tapat ng desk ko. Pag-angat ng mukha ko, isang napakagandang babae ang nakatayo roon. She was wearing a designer red dress, her hair perfectly blown-out, and she possessed an aura of pure luxury. Si Anastasia Lopez. "You must be the new PA," mataray niyang sabi, her eyes looking at me from head to toe with obvious disdain. "I am Anastasia. Is Kalix inside? I need to see him." "Ah, opo, nasa loob po si Sir Kalix, pero kakasabi lang po niya na—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang lagpasan niya ako at pilit na binuksan ang pinto ng opisina ni Kalix. "Kalix, babe! Look what I bought for you—" "Anastasia, get out," narinig kong malamig na boses ni Kalix mula sa loob bago pa man tuluyang sumara ang pinto. Napalunok ako. Mukhang hindi lang pala ako ang nakakatanggap ng pagsusungit ng bilyonaryong 'yon. I turned back to my monitor, trying to focus on my job. Kailangan kong galingan. Kahit anong sungit ni Kalix Herrera, kahit gaano kadilim ang tingin niya sa akin na tila gusto niya akong hubaran sa bawat sulyap niya, titiisin ko. Dahil ang trabahong ito ang tanging pader na naghihiwalay sa akin mula sa mapang-abusong pamilya na gustong sumira sa buhay ko. Ngunit hindi ko alam, ang pagpasok ko sa buhay ni Kalix ay hindi lang magbibigay sa akin ng trabaho. Ito ang magiging simula ng isang mapusok, mapanganib, at makasalanang obsesyon na tuluyang babago sa tadhana ko.SHANTALL AGUILAR POV Mabilis at mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatayo sa tabi ni Kalix sa loob ng private glass elevator paakyat sa top floor. Biyernes ng umaga, at ngayong araw gaganapin ang emergency board meeting na ipinatawag ng kanyang lola na si Donya Victoria.Hindi ko halos naipikit ang aking mga mata kagabi sa penthouse. Habang si Kalix ay abala sa kanyang study room kasama ang legal team at si Tristan Mercado sa pamamagitan ng encrypted video conference, nanatili akong nakatitig sa kisame ng silid. Natatakot ako para sa kanya. Ang pamilya Herrera ay isang higante sa mundong ito ng negosyo, at ang salpukan ng dalawang matitigas na ulo—ang lola niya at siya—ay pwedeng mag-iwan ng matinding pinsala sa lahat.Ngunit nang tingnan ko ang bilyonaryong nakatayo sa tabi ko ngayon, walang kahit anong bakas ng kaba sa kanyang mukha.Suot ni Kalix ang kanyang pinakamahalagang custom charcoal gray suit, nakakabit ang gold tie clip sa kanyang navy blue tie, at nakasuklay pabalik
KALIX LUIZ HERRERA POV Hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa baso ng whiskey habang nakatitig sa salaming bintana ng aking opisina sa Herrera Enterprises. Mula sa rurok ng gusaling ito, ang buong siyudad ay mukhang napakaliit mga tipak ng semento at pawang mga ilaw na madaling tapakan. Subalit sa loob ng silid na ito, nararamdaman ko ang kakaibang pagtaas ng presyon sa aking dibdib. Hindi dahil natatakot ako sa lola ko. Never. A Herrera does not bow to anyone, not even to the matriarch who taught him how to execute a corporate execution. Galit ako dahil nadamay si Shantall. Galit ako dahil ang tanging babaeng nagpatitig sa akin sa totoong buhay—ang nag-iisang taong nakapagpatunaw sa matigas at walang awang bilyonaryo na ginawa ng mundong ito—ay kinailangang makarinig ng mga insulto mula sa sarili kong kadugo. I look back at my desk. Nakaupo doon si Shantall, tahimik na binabasa ang ilang reports para sa nalalapit na board meeting. Suot niya ang isang simpleng cream blouse na ibi
SHANTALL AGUILAR POVPagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ng penthouse pagkatapos ng mahabang byahe mula sa opisina, ramdam ko agad ang kakaibang bigat sa hangin. Ang marangyang fortress sa langit na dating nagbibigay sa akin ng purong kaligtasan ay tila napapalibutan na ngayon ng mga di-nakikitang kalaban. Ang balita tungkol sa ginagawang pagkilos ni Donya Victoria para pyansahan ang aking mga magulang at baligtarin ang kaso ay patuloy na nagpapatakbo ng malamig na kaba sa aking mga ugat.Ibinaba ni Kalix ang kanyang coat sa sofa bago lumapit sa akin mula sa likod. Naramdaman ko ang pagbalot ng kanyang malalaking braso sa aking baywang, ang kanyang baba ay dahan-dahang ipinatong sa aking balikat. Ang kanyang amoy isang timpla ng mahal na perfume, matapang na kape, at ang pamilyar na init ng kanyang balat ay agad na nagbigay ng kaunting ginhawa sa akin."You're thinking too much again, Talla," paos niyang bulong, habang ang kanyang mga labi ay dahan-dahang humahalik sa ibaba
SHANTALL AGUILAR POV Mabilis na dinala ni Karen ang mga huling dokumento sa loob ng opisina. Habang inilalatag niya ang mga papeles sa malawak na mesa ni Kalix, ramdam ko pa rin ang panginginig sa aking mga daliri. Hinawakan ko ang ballpen, ngunit bago ko pa man mailapat ang aking pirma sa ibabaw ng linya, naramdaman ko ang pagbalot ng isang malaki at mainit na kamay sa ibabaw ng sa akin. Inangat ko ang aking tingin. Si Kalix, na nakatayo sa aking tabi, ay matamang nakatitig sa akin. Ang kanyang mga obsidian eyes ay may kakaibang lambot na para sa akin lang niya ipinapakita. "Sign it, Talla. This is the final lock to your freedom," mababa at paos niyang bulong. Huminga ako nang malalim at isinulat ang aking pangalan sa huling pagkakataon sa ilalim ng legal na proteksyon ng Herrera Enterprises. Sa pag-angat ng ballpen, naramdaman ko ang tuluyang paggising ng isang bagong pag-asa sa aking dibdib. Wala na ang mga multo ng probinsya. Wala na ang takot na baka sa bawat paglingon ko ay
SHANTALL AGUILAR POVNang sa wakas ay sumara ang mabigat na pinto ng opisina ni Kalix pagkaalis ni Donya Victoria, ang katahimikan sa buong silid ay naging nakabibingi. Pakiramdam ko ay doon pa lang bumalik ang hangin sa aking baga. Nanginginig ang aking mga tuhod at halos mapaupo ako sa sahig kung hindi lang ako mabilis na nasalo ni Kalix gamit ang kanyang malalakas na braso."Shantall..."Paos ang kanyang boses, puno ng nagpupuyos na emosyon. Binuhat niya ako at marahang inihiga sa sofa. Agad siyang lumuhod sa tapat ko, ang kanyang malalaking kamay ay humaplos sa aking mukha na tila ba sinisigurong buo pa rin ako pagkatapos ng matinding komprontasyon sa kanyang lola. Ang kanyang mga obsidian eyes ay nagdidilim pa rin sa natitirang galit, ngunit nang tumingin siya sa akin, unt-unti itong napapalitan ng matinding pag-aalala at pagsisisi."I'm sorry. I'm so sorry I let her speak to you like that," bulong niya, ang kanyang panga ay sumasakit pa rin sa tindi ng pagkakakuyom. "I should ha
SHANTALL AGUILAR POVHinihingal ako nang sa wakas ay pakawalan ni Kalix ang aking mga labi. Ang kanyang noo ay sumandal sa aking noo habang ang kanyang mabilis at mainit na paghinga ay humahagupit sa aking mukha. Nakakulong pa rin ako sa pagitan ng kanyang matigas na katawan at ng malamig na pader ng kanyang opisina. Ang kanyang malalaking palad ay nanginginig nang bahagya habang nakahawak pa rin nang mahigpit sa aking baywang, tila ba sinisiguro na wala akong planong lumayo o tumakas sa kanya."Promise me, Talla," paos at basag niyang bulong, ang kanyang mga obsidian eyes ay nakatitig nang diretso sa aking mga mata na tila ba binabasa ang aking kaluluwa. "Promise me that you won't let him, or anyone else, get close to you again. I am going insane just thinking about other men holding your hand or looking at you like they have a right."Naramdaman ko ang kakaibang kirot sa aking dibdib. Ang kanyang possessive nature ay hindi lang basta selos ito ay isang malalim, madilim, at makasalan
SHANTALL AGUILAR POV Ang unang linggo ko bilang personal assistant ni Sir Kalix Luiz Herrera ay masasabi kong isang walang katapusang pagsasanay sa pasensya at tibay ng sikmura. Araw-araw, bago pa sumikat ang araw, nandoon na ako sa tapat ng opisina niya. At araw-araw din, sasalubungin niya ako ng
SHANTALL AGUILAR POV Buong hapon pagkatapos ng engkwentro kay Anastasia Lopez, nanatili akong nakatutok sa aking computer screen. Mas pinili kong lunurin ang sarili ko sa paggawa ng mga liquidation reports, pag-aayos ng mga corporate schedules, at pagsagot sa mga email. Mas gusto ko pang mapagod a
KALIX LUIZ HERRERA POV Da*n it. I slammed my glass of whiskey down on the mahogany desk, not caring kung tumapon ang amber liquid sa mga mamahaling contracts na nakakalat sa harap ko. I rubbed my temples, breathing heavily habang nakatitig sa malaking glass window ng opisina ko. The Makati sky
SHANTALL AGUILAR POV Ang init ng labi ni Kalix sa aking leeg ay parang kuryenteng gumapang sa bawat ugat ko. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko, at kung hindi ko nayakap ang kanyang leeg, baka tuluyan na akong bumagsak sa sahig. My mind was screaming at me to push him away. Boss m







