LOGINGORYA
Nagpalit lang ako ng suot ko at balak kong magluto para alukin siya dahil kailangan ko siyang pagsilbihan kahit hindi kami totoong mag-asawa. “Paglabas ko ng p***o saktong lumabas rin si Lucas, bagong ligo siya at nakapagpalit na rin ng damit pero silver suit ang suot niya inaayos pa niya ang relo niya. “Aalis ka?’taka kong tanong. “May tao akong kakausapin.” Sabi niya na hindi man lang ako sinusulypan at nilagpasan na ako. “Pupuntahan mo si Alice?” Sabi ko at napahinto siya sa paglalakad at bahagyang lumingon sa akin. “Have we already talked about how we don't care what each other does?” Hindi ako nakapagsalita dahil tama naman siya pero kakasal palang namin aalis siya agad at kung tama ako na si Alice ang pupuntahan niya, parang hindi ata ako makakatulog. Si Alice ang totoong mahal ni Lucas at girlfriend niya ito since college. Pero tutol ang magulang niya sa relasyon nila at hindi ko alam kung bakit. Bumalik ako sa kuwarto at nawalan na ako ng ganang bumaba, magdamag akong tulala at iniisip ang mga nangyari. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Lucas. Napapikit ako nang mariin ayokong umiyak dahil panghihinaan lang ako ng loob, pinilit kong matulog at bukas gagawa ako ng mga bagay para malapit ko si Lucas sa akin bago ilipat sa pangalan niya ang kompanya at tatlong buwan yun mula ngayon. __ Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko na medyo maliwanag na, mabilis akong nagtungo sa c.r at naghilamos ng mabilis. Inabot ko ang cellphone ko at nagmamadali na bumaba, tiningnan ko ang oras ala sais ng umaga may Kung gusto kong magkaroon ng pagkakataon ang pagsasama namin, kailangan kong magsimula at gumawa ng bagay na maglalapit sa amin. Nagtungo ako sa kusina at mga binati ako ng dalawang kasambahay na naroon sa loob. Yung dalawag tagaluto na mag-asawa, kilala ko na sila dahil binasa ko ang mga resume nila. “Ma’am ano po request niyong breakfast?” Tanong ni Melinda ang tagaluto. “Ano po ba gusto ni sir?” Tanong naman ni Randy ang asawa ni Melinda. “Ma’am coffee po?” Alok na tanong naman ni Gemma ang isa sa kasambahay. “Salamat sa inyo at ako ng bahala, gustong gawin ang tungkulin ko bilang asawa.” Ngiti kong sagot at napangiti sila. “Ang sweet ni ma’am kahit may tao naman na puwedeng magluto.” Nakangiti kong tiningnan si Lorna na nagbabalat ng patatas. “Kung ano naman ang masasaksihan niyo o malalaman sana hindi na ito makarating sa iba lalo na sa magulang namin. Dahil nakahanda akong gawin lahat para sa asawa ko,” nakangiting sabi ko sa kanila. “Makakaasa kayo ma’am at narito kami para sumuporta sa inyo,” Napatinging ako Melinda at nakita ko sa mata niya na parang naiiyak siya, alam kong kahapon palang alam na nila ang sitwasyon namin ni Lucas, pero gusto ko pa rin ipaalam para mas personal. Nagsimulang akong maghanda ng almusal. Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Lucas, kaya gumawa ako ng simpleng breakfast pancakes, eggs, bacon at kape. Nakaalalay sila sa akin. Inayos ko yun lahat sa table at eksaktong seven tapos na at hinubad ko ang apron na suot ko para abangan si Lucas pero hindi na pala dahil nakita ko na siyang pababa ng hagdan. “Good morning.” nakangiti kong bati hindi siya sumagot tiningnan niya lang ako. “I made breakfast.” dagdag ko ng makababa siya. Bahagya siyang napatingin sa dining table. “I'm in a hurry.” “Pero wala ka pang akin, kahit kape lang.” litanya ko dahil tanggap ko na ‘to na posibleng hindi siya kakain. “I don't have time, Gorya.” Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya. “Puwede namang kahit sandali lang.” mahina kong pagakakasabi. Umiling siya. “I said I'm in a hurry.” Inayos niya ang coat na suot niya sabay talikod at tuluyang naglakad papunta sa p***o. Okay lang Gorya, mahaba pa ang araw. Pag-cheer ko sa sarili ko. “Ma’am ayos lang po ‘yun pupusta kami si sir Lucas, mamahalin ka rin.” Napalingon ako si Gemma at Lorna nakangiti sila sa akin at kahit paano gumaan ang dibdib ko at napangiti. “Thanks,” sabi ko at naupo ko para mag-almusal yung iba pinakain ko nalang sa kanila kahit ayaw nila pero sabi ko sayang. At kung anong pagkain na meron may karapatang silang kainin dahil ayoko ng may nasasayang na pagkain. ___ Kinahapunan, dumating ang mga magulang namin para sa isang maliit na dinner. Ngumiti ako nang makita sila. “Mom.” Niyakap ako ng mama ko. “You look happy.” Pinilit kong ngumiti. “I am.” Hindi ko kayang sabihin ang totoo sa kanila dahil ayokong mag-aalala sila. Mayamaya, narinig namin ang pagbukas ng pintuan. Dumating si Lucas. “Sorry I'm late.” sabi niya at humalik sa mama niya bilang pagbati at kay mama rin. Nang mapatingin siya sa akin natigilan ako at akala ko hindi siya babati sa akin dahil nandito pa naman ang magulang namin. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi saglit lang ‘yun pero ang lakas ng epekto sa akin. “Where have you been?” tanong ng mama niya. “Work.” tipid niyang sagot. Hindi ko naman inaasahan na hahawak ang isang kamay ni Lucas sa baywang ko at ganun nalang ang paninigas ng katawan ko at ang paggapang ng ilang libong kuryente sa buong katawan ko. Hindi ko inaasahan iyon pero mabilis akong ngumiti ng makita kong nakatingin sa amin ang mama ko at si papa. “You two look good together,” sabi ni mama. Ngumiti ako. “Thank you mo’m.” Ngunit habang nakangiti ako, naramdaman kong bahagyang yumuko si Lucas. “This is for my parents.” Mahina niyang bulong. Nawala ang ngiti ko dahila alam ko ang tinutukoy niya ang paghalik niya sa pisngi ko at sa paghawak niya sa bewang ko. ___ Nang makaalis ang mga magulang namin, agad na inalis ni Lucas ang kamay niya sa baywang ko. “I have somewhere to go.” “Puwde ko bang malaman?” Lingon kong tanong sa kaniya, nakita ko na kinuha niya ang susi ng kotse niya. “Hindi ko na kailangang sagutin alam mo naman kung bakit.” Malamig ang boses na pagkakasabi niya. “Gusto ko lang malaman dahil magkasama tayo dito, isa pa. Huwag mo rin kalimutan Lucas, hindi ko kasalanan kinasal tayo dahil kagustuan ng parents natin ‘to.” Sabi ko at natigilan siya at humarap sa akin, nakita ko sa sulok ng labi niyang pagngisi. “Tama wala nga, pero pumabor sa’yo at doon ka lamang.” Natigilan ako at napakagat labi ako dahil kuha ko ang ibig sabihin niya, tuloy-tuloy na siyang umalis at sumakay sa kotse ako naman maluha-luhang tumingala at agad kong pinunasan ang luha ko na nagbabadiya ng tumulo.NADIAMahinang natawa ako dahil sa sinabi ni Stella, at tama naman siya boyfriend naman talaga niya. Nilingon ko saglit si Rade, matapos ay iniwanan ko na sila nakita ko kung paano ako tingnan ni Stella.Sakto naman nakita ko si Jace ang perfect lang ng timing niya.“Enjoy your night.” sabi ko pa sa kanila at niyaya ko na si Jace.___Pagdating namin sa pool area ay medyo maingay doon dahil nagkakasiyahan lahat, hindi naman nila ako kilala at wala namang nagtatanong. Nandito ako sa bar nakaupo sa mataas na upuan habang si Jace ay kumukuha ng drinks namin.“Hi, drink?” Napalingon ako sa nagsalita isang lalaki na matangkad at maganda ang pangangatawan, sakto lang mukha niya.“She's taken.” Nagulat naman ako sa biglang pasok ni Rade, wala lang ako sa mood pero muntikan na akong matawa sa itsura ng lalaki dahil kinabahan ng makita si Rade. Syempre makita mo ba naman ang CEO niyo.“So-sorry sir,” hingi agad nito ng paumanhin sabay alis.“Babe let's swim?” Napaikot ang itim kong mata sa
NADIAAng ganda rito sa resorts at maraming empleyado ang sumalubong sa amin, napapalibutan ng dagat at naggandahan na mga cottage. At may mga kubo rin sa paligid pati na ang mamahalin na villa.Sumama ako dito hindi dahil kay Rade, gusto ko rin makapagbakasyon at isa pa ang papa ni Rade. Ayokong mag-isip sila, dahil sa gusto kong ayusin ang marriage life namin. Pero sana hindi magbago ‘yon dahil kapag umurong na ako Rade, hahayaan na kita.“Ang lalim naman ata ng iinisip mo? Ang ganda ng lugar.” Napalingon ako sa gilid ko at nawala sa isip ko na katabi ko pala si Jace, bit-bit niya ang maleta ko. Sa kaniya ako sumabay dahil alam kong kasama ni Rade si Stella, talagang sinama niya pa talaga dito ang babae na yon.Mabuti nalang hindi alam ng ibang mga empleyado na kung may asawa na ba siya o kung sino. Dahil pribado lang ang naging kasal namin noon.“Wala naman masiyado lang akong nagandahan sa lugar.” natatawa kong sagot at saktong nakita ko si Rade nakatingin sa amin.Nawala ang n
NADIA Kinabukasan maagang akong nagising, suot ang white fitted dress ko nandito ako sa dining at inaayos ang mga documents ko na dadalhin. Napansin ko na pababa si Rade pero hindi ko siya nilingon tinuloy ko ang ginagawa ko. “May lakad ka?” tanong nya. “Yeah, meeting.” tipid kong sagot at natapos ko ng ayusin. “Kanino?” muli niyang tanong. “Teka nga, bakit ba interesado kang malaman?” diretsang tanong ko sa mga mata niya. Hindi siya nakasagot kaya tinalikuran ko na siya at natanawan ko na ang kotse ni Jace. Pagdating ko sa tapat lumabas si Jace, suot ang pang-office attire nito. Pinagbuksan ako at pumaso ako sa loob, nkita ko pa si Rade papalapit sa amin. “Ready?” ngiting tanong ni Jace. “Yeah,” sagot ko na nakangiti at nahuli kong nagsalubong ang kilay ni Rade. “Nadia.” Parehong natigilan kami ni Jace, nasa loob na rin si Jace at paalis na sana kami. “Brod, nandiyan ka pala.” bati ni Jace. “Siya kasama mo?” ani ni Rade na mukhang naaasar. “Bakit? Nagpapasama siya
RADEMaaga akong umuwi para kausapin si Nadia, ngunit dumating ito pero hindi na lumabas ng kuwarto niya. Asar na bumalik ako sa silid ko at pinilit kong matulog kahit hirap na hirap ako.Maaga akong nagising naligo at gusto kong makita si Nadia, maayos ang suot ko at hindi ko alam kung bakit ngunit nilingon ko ang itsura ko sa salamin. Saglit lang at napailing ako, lumabas na ako diretso papunta sa hagdan. Tinatanaw ko pa ang paligid baka makita ko siya, pagbaba ko natigilan ako dahil may boses akong naririnig.Tinungo ko ang dining at nakita ko agad si Nadia, nagkakape at may kausap na babae at hindi ko inaasahan na nandito si Stella.“Hi babe!” Hinagkan ako ni Stella sa pisngi at hindi ako nakagalaw dahil sa gulat ko.“Gising na pala si Rade, sige na umalis na kayo.” taboy sa amin ni Nadia.Tiningnan ko naman siya dahil parang wala siyang pakialam, nagkakape at busy sa cellphone at hinayaan niya pa si Stella na magpunta dito.“Bye and thanks.” paalam na hatak sa akin ni Stella.“O
STELLAWake up to see Rade, at sobrang saya ko kahit muntik ko ng wakasan ang buhay ko. Naroon siya sa sofa nakasandal at mukhang nakaidlip na, napangiti ako. Narito kami sa hospital nakahiga.“Stella.” Nagising siya at tumayo, nilapitan ako hinawakan ko siya sa kamay at dinala ko sa pisngi ko.“Is that really you?” kunwaring tanong ko kahit naman na alam kong talagang nandito siya.“Yeah, it's me.” Akmang babangon ako ng awatin niya.“No, don't move.” “Thanks for coming here,” naiiyak at hindi ko sjya tiningnan.“Bakit mo ginawa ‘yan?” hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang pulsuhan ko na hiniwaan ko kanina.Napalingon ako sa kaniya at binaba ko ang mata ko.“I-I… I feel…” nag-shake na ang boses ko at niyakap niya ako bigla.Napangiti ako dahil pakiramdam ko ako ang pinakamasayang babae ngayon, ngunit bigla akong naalarma dahil napansin ko ang cellphone ni Rade sa may table malapit sa amuin. Umilaw at may tumatawag, pasimple ko yun inabot at hinanaan ang sound.“Babe, I'm h
GORYA “What are you doing here?” Tanong agad ni Lucas sa akin pagkaupo ko, nasa tabi ako ni James. Samantalang nasa gilid ko si Michael kasama ang babaeng hindi ko kilala. “Bro, relax. Hayaan mo na siya para naman makapag-enjoy siya.” Sasagot sana ako pero inunahan ako ni James, kaya natahimik na lang ako. “Babe, hayaan mo na si Gorya.” Napatingin ako kay Alice na prenting nakaupo sa tabi ni Lucas, hindi naman inalis ni Lucas ang kamay nito na nakaakbay kay Alice. Pilit kong kinakalma ang isip ko kaya ng makita ko ang baso na may lamang beer dito sa tapat ko ay agad ko yun kinuha at diretsong ininom. “Woah! Hindi ko alam na umiinom ka pala, Gorya.” Hindi makapaniwalang turan ni Michael. “You want more?” Tanong ni James. “Yes,” sagot ko at hindi ko tinitingnan sila Lucas na katapat ko pa naman. “Gusto mo bang sa iba na lang tayo?” Napatingin ako kay Alice habang hawak sa dibdib si Lucas, maisip ko kailan ko kaya magagawa yon? “Puwede naman Alice, para solo niyo lang. Ayo
NADIAWedding dayGinanap ang kasal namin dito sa may garden namin, ayaw pumayag ni Rade na sa simbahan kami ikasal. Isa pa sabi niya hindi raw ako karapat-dapat pakasalan sa simbahan dahil pinikot ko lang ‘daw siya. Yung araw na sinabi niya yon bumuhos talaga ang luha ko kahit hanggang ngayon pigi
NADIANagising ako dahil sa malakas na tunog at umupo, ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si papa at mama. Ang sama ng tingin sa akin, napalingon ako sa gilid ko dahil may gumalaw. Doon ko lang rin napansin na nakahubad at itong lalaki na katabi ko.Sandali? Ano bang nangyayari?"Tumayo na ka







