Share

CHAPTER 225

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-27 17:35:41

CHAPTER 225

“Po!? A-ano po ang ibig nyong sabihin?” tila naguguluhan pa rin na sabi ni Jillian.

Bahagya naman na natawa si Shirley sa naging reaksyon ng kanyang mga kasama roon.

“Ang sabi ko ay ito ang munting regalo ko para sa inyo. Nabanggit kasi sa akin ni Harold noon na nangungupahan lang nga raw kayo kaya heto… ang bahay na ito ay regalo ko na sa inyo,” pagpapaliwanag na ni Shirley sa mag ina.

Napaawang naman ang bibig ni Jillian dahil sa pagkabigla sa sinabi na iyon ng ina ni Harold.

“H-hindi nyo naman na po kami kailangang regaluhan pa. Sobra sobra na po ang naitulong nyo sa amin,” sagot ni Jillian sa ina ni Harold habang pigil niya ang sarili na maluha.

“O-oo nga naman, Shirley. Baka naman nabibigla ka lang. At isa pa ay hindi simple ang bagay na ito dahil alam ko na mahal ito,” sabat naman ng ina ni Jillian nq gulat na gulat din sa kanyang narinig.

Matamis naman na nginitian ni Shirley ang mag ina at saka niya hinawakan ang kamay ni Jillian.

“Magiging isang pamilya na tayo ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jennifer Aguillon
next po parating na Ang kontrabida
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
subrang swerte mo jillian byanan mo ang bait sana ganyan ang lahat ng byanan
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
aww..ang sweet naman ni mommy Shirley,,,expect ko pa c Harold ang gagawa non,,or kahit ilipat cna Jillian sa condo,,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 368

    CHAPTER 368“Bakit? W-wala naman akong ginawa sa kanya a. Inilayo ko lang siya sa mga manyak na lalaki na yun,” sagot naman ni Jeffrey at muli na namang nabuhay ang inis niya sa lalaking kasayaw kanina ni Rose.“Nagkakasiyahan lang naman kami kanina at isa pa ay kasama naman ako ni Rose kaya wala ka namang dapat na ipangamba. Hindi ko rin naman hahayaan na may mangyaring masama sa kanya,” sagot naman ni April at saka ito uminom ng alak na nasa harapan nila na kanina pa hindi nagagalaw.“Tsk. Kitang kita ko kung paano sya hawak hawakan ng lalaki na yun kanina. Kaya sa tingin mo ba ay mananahimik lang ako habang nakikita ko iyon,” sagot naman ni Jeffrey at saka niya sinamaan ng tungin si April.“Hey dude. Kalma ka lang. Safe naman na si Rose kaya wag ng mainit ang ulo mo r’yan,” sabat naman na ni Harold dahil mukhang umiinit na naman ang ulo ni Jeffrey.“Ang OA mo naman kasing mag react dyan samantalang sinabihan na kita kanina na ligawan mo na lang kung liligawan mo sya. Hindi yung nap

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 367

    CHAPTER 367Bigla namang napaayos ng pagkakaupo niya si Rose at saka siya nag iwas ng tingin kay April.“Ha? Ano naman ang kinalaman nya rito? Hindi no,” sagot naman ni Rose. “Medyo sumama lang talaga ang pakiramdam ko kaya ako pumasok na rito sa ating silid. Dahil na rin siguro sa alak kaya sumama bigla ang pakiramdam ko dahil hindi naman talaga ako sanay mag inom,” pagdadahilan pa niya.“Tsk. Wag mo na ngang lokohin pa yang sarili mo, Rose. Halatang halata ka naman na kaya wag ka ng magkaila pa,” sagot naman ni April na naiiling pa dahil alam naman niya na nagdedeny lang talaga si Rose.Natigilan naman si Rose at saka siya napalunok ng kanyang laway. Nag iisip pa siya ng pwede niyang idahilan kay April dahil ayaw niyang malaman nito ang totoo dahil panigurado na aasarin din siya nito kagaya ni Harold kaya hanggat kaya niya ay wala siyang pagsasabihan na kahit na sinoman tungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Jeffrey.“Alam mo April guni guni mo lang yan. Akala mo lang ang lah

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 366

    CHAPTER 366Agad naman na dumiretso si Rose sa kanilang silid ni April at hindi na siya nag abala pa na bumalik sa party dahil nahihiya na rin talaga siyang bumalik doon matapos ng mga nangyari.Pagkapasok niya sa kanilang silid ay agad siyang dumiretso sa banyo at saka niya binuksan ang shower at agad siyang tumapat doon.At nang tuluyan ng umagos ang malamig na tubig sa katawan ni Rose ay hindi na rin niya napigilan pa ang kanyang luha na kanina pa gustong kumawala.Naiiyak siya dahil sa naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa ginawa niya kay Jeffrey. Alam naman niya sa kanyang sarili na mahal na rin niya ang binata pero mas pinili niya na tanggihan ang pagtatapat nito sa kanya. Natatakot kasi siyang magmahal dahil ayaw niyang masaktan ulit dahil minsan na siyang nagmahal at talagang nasaktan siya ng todo dahil sa bigla na lang nawala na parang bula ang kanyang nobyo noon matapos siyang hingan ng pera.Alam naman niya na hindi kayang gawin ni Jeffrey ang ganong bagay pero natatakot

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 365

    CHAPTER 365“Siguro nga ay nasisiraan na ako ng bait dahil sa pagmamahal ko sa’yo Rose,” sagot naman ni Jeffrey at saka siya muling dahan dahan na lumapit kay Rose. “Sana ay bigyan mo naman ako ng pagkakataon na patunayan sa’yo kung gaano kita kamahal,” pagpapatuloy pa niya at saka niya kinuha ang isang kamay ni Rose at saka niya ito hinalikan.Hindi naman makapaniwala si Rose sa pag amin na iyon sa kanya ni Jeffrey at para bang isang panaginip lang iyon sa kanya dahil hindi niya akalain na magkakagusto ang isang katulad nito sa kanya.Agad naman na binawi ni Rose ang kanyang kamay mula sa binata.“Nahihibang ka na talaga. Alam mo pa ba yang mga sinasabi mo, Jeffrey? Nag aadik ka ba at nasasabi mo ang mga yan? Alam mo kung pinagtitripan mo lang ako ay tigil tigilan mo ako dahil hindi gagana sa akin ang mga ganyang trip mo na yan. Humanap ka na lang ng ibang babar na mapapagtripan. Wag ako,” sagot naman ni Rose.“Tsk. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang maniwala ka sa sinasabi

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 364

    CHAPTER 364“Ano ba, Jeffrey? Bitawan mo nga ako,” sabi pa muli ni Rose at pilit niyang hinihila ang kanyang braso na hawak ni Jeffrey.Nang mapansin naman ni Jeffrey na wala na talagang katao tao sa lugar na iyon ay binitawan na niya si Rose pero hindi siya humarap dito at naipikit na lang talaga niya ng mariin ang kanyang mata para pakalmahin ang kanyang sarili.“Ano ba ang problema mo ha? Bakit bigla mo na lang sinuntok yun? Hindi mo ba alam na pwede ka nilang idemanda sa ginawa mong yun?” tila naiinis ng sigaw ni Rose kay Jeffrey.Napabuga naman ng hangin si Jeffrey sa kanyang bibig at nanatili lang siyang walang imik habang nakatalikod kay Rose.“Tsk. Magsalita ka nga r’yan. Ano ba ang naiisip mo at ginawa mo iyon?” muli ay daldal na naman ni Rose.“Bakit kasi nakikipagsayaw ka sa mga ganong klase ng lalaki? Nababastos ka na pero parang wala lang sa’yo. Ganon ka ba talagang klase ng babae ha?” inis naman na sigaw ni Jeffrey nang humarap siya kay Rose at hindi na talaga niya napig

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 363

    CHAPTER 363Tuwang tuwa naman sila Rose at April habang nagsasayaw sila roon at habang nagsasayaw sila ay may hawak hawak pa sila na baso na may lamang alak at dahil talagang napaparami na ang inom ni Rose ay tila ba hindi na nito alam ang ginagawa nito dahil nakikipagsayawan na ito sa mga kalalakihan na naroon.“Woah… Party! Party!” sigaw pa ni Rose habang sumasayaw siya.Todo sayaw din naman si April dahil sanay naman na talaga ito sa mga party na ganito.“Hi miss. Ang sexy mo naman,” sabi ng isang lalaki na bigla na lang lumapit kay Rose.“Oh, thank you,” sabi naman ni Rose. “Let’s dance,” sabi pa niya at saka ito lalong nagsasayaw.Napangisi naman ang lalaki na lumapit kay Rose at sinabayan na rin nito ang pagsayaw ni Rose. At dahil nga may tama na ng alak ang dalaga ay hindi na nito napapansin na nahahawakan na pala siya ng lalaki na iyon.Tuwang tuwa naman ang lalaki na iyon dahil hindi man lang nagrereklamo si Rose lalo na ng hawakan niya ito sa baywang. Kaya naman nagpatuloy l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status