LOGINWalang pag-aalinlangang pinatay ni Nathalie ang tawag. Wala s’yang pakialam kung sino ang gustong makipagdiborsiyo. Ang mahalaga ay hindi s’ya papayag.
Samantala, halos umusok na sa galit ang mukha ni Joaquin habang nakatitig sa tawag sa cellphone na bigla na lang pinutol ng babae.
Pakiramdam n’ya ay para bang nakasakay s’ya sa isang barkong pampirata at naging bihag dito, tila hindi makatakas.
===
Makalipas ang kalahating oras, isang binatang nakasalamin at may ma
Si Samantha mismo ang tumatawag.“Nathalie, ano ba ang nangyari sa’yo? Bakit naman ngayon ka pa napilay, kung kailan ganito kaimportante ang panahon? Sunod-sunod na ang pangungulit ng Mayari Group tungkol sa proposal. Kung hindi ka makakapasok, magtrabaho ka na lang mula sa bahay. Siguraduhin mong maipasa mo sa’kin ang proposal bago matapos ang araw!”Natanggap na n’ya ang mga proposal mula sa ilan pang empleyado ng departamento ng pagpaplano, pero wala ni isa roon ang nakapukaw sa kan’yang interes. Ni hindi nga n’ya maisip na ipasa ang mga ‘yon sa Mayari Group. Alam ng lahat na napakahigpit at napakapihikan sa trabaho ng presidente ng Mayari Group. Hindi nito pinalalampas ang kahit pinakamaliit na pagkakamali.Naalala ni Nathalie na buti na lang at nadala n’ya ang kan’yang laptop mula sa dati nilang bahay, “Sige po. Gagawin ko ang lahat para maipadala ko ang proposal sa inyo ngayong araw.”Pagkababa ng tawag, binuksan n’ya ang pinto ng silid at nagsimulang magtungo sa labas. Dahil hi
Walang itinago si Don Severino at buong katapatan n’yang ikinuwento kay Don Crisostomo ang tungkol sa biglaang pagpapakasal ng kan’yang anak na si Joaquin sa isang babaeng nagmula sa ordinaryong pamilya.“Alam mo naman ang ugali ni Joaquin. Kahit ako, hindi ko s’ya kayang kontrolin,” dagdag pa n’ya. “pero sa ilalim ng mga kondisyon ko, hindi n’ya ipinaalam sa babae ang tunay n’yang pagkatao. Isang taon muna silang magsasama bilang mag-asawa. Kapag hindi sila nagkasundo, maaari silang maghiwalay anumang oras.”“Sa tingin ko nga, hindi rin naman magtatagal ang pagsasama nilang dalawa,” dagdag pa nito. Hindi talaga nagustuhan ni Don Severino ang manugang na hindi pa n’ya nakikita. Hindi rin s’ya naniniwalang magtatagumpay ang pagsasama ng dalawang taong napakalayo ng agwat sa katayuan sa buhay.Ang totoo, napilitan lamang ang suwail n’yang anak sa sunod-sunod na panggigipit na mag-asawa. Kaya naman, basta na lang ito naghanap ng kung sinong babae at nagpakasal agad bilang pagsuway sa kan
Ilang taon na n’yang sinusundan si Joaquin. Sa buong panahong ‘yon, wala s’yang nakitang ibang babaeng naging malapit dito. At kung meron mang iilang babaeng nagtangkang lumapit sa lalaki, sinisiguro n’yang napapalayo n’ya ang mga ito.Sa mundo ng mayayamang pamilya, matagal nang alam ng lahat ang kasunduang pagpapakasal sa pagitan ng mga pamilyang Wenceslao at Salvador. Kaya naman, kung magpapasya mang mag-asawa si Joaquin, iisa lang ang inaasahang magiging mapapangasawa n’ya—s’ya.Pero ngayon, basta na lang nilang sasabihing may ibang babaeng umagaw sa puwesto n’ya bilang Mrs. Salvador? At hindi pa nagmula ang babaeng ‘yon sa isang mayamang pamilya?Hindi ito matanggap ni Lilian.Hinawakan n’ya ang manggas ng damit ni Sean at marahas itong inalog, “Kuya, sabihin mong hindi ito totoo!”Nang makita ni Sean ang karaniwang masigla at masayahing mukha ng kapatid na ngayo’y halos maiyak na sa sama ng loob, agad s’yang nakaramdam ng matinding awa rito,
Marahang tinapik ni Doña Helen Wenceslao ang likod ng asawa upang pakalmahin ito at pigilang magpadala sa emosyon. Pagkatapos ay ibinaling n’ya ang tingin sa kanilang anak, “Sean, mas malapit kayo ni Joaquin sa isa’t isa. May alam ka ba tungkol sa pagpapakasal n’ya?”Si Sean Wenceslao ang panganay na anak na lalaki ng pamilya Wenceslao. Magkababata sila ni Joaquin at maituturing na matalik na magkaibigan.Ibinaba ni Sean ang tasa ng kape at umiling, “Sa pagkakaalam ko, hindi pa rin n’ya nakalilimutan si Carmela kahit ilang taon na ang lumipas. Kaya nga wala pa s’yang naging babae sa tabi n’ya sa loob ng mahabang panahon.”Tuwing napag-uusapan ang anak nilang si Carmela na maagang namatay dahil sa isang aksidente, hindi maiwasang mamula ang mga gilid ng mata ni Doña Helen.“Hayyy... miss na miss ko na rin si Carmela. Kung hindi lang sana kami naging abala ng tatay mo sa trabaho noon, hindi sana s’ya nawala sa atin…”Napatingin si Don Crisostomo sa h
Kinuha ni Nathalie ang papel at nagsimulang magbasa.[Unang Probisyon: Ang unang taon ng pagsasama ay magsisilbing panahon ng pagsubok upang mas makilala nila ang isa't isa. Hindi kailangang magkaroon ng pisikal na relasyon bilang mag-asawa sa loob ng panahong iyon. Pagkalipas ng isang taon, kung parehong nasisiyahan ang magkabilang panig sa kanilang pagsasama, maaari na silang maging tunay na mag-asawa. Ngunit kung hindi naman, ang dalawang panig ay maghihiwalay.]Nagpaliwanag si Joaquin, “Hindi pa natin lubos na kilala ang isa't isa. Kung sakaling hindi magkasundo ang ating mga personalidad at pananaw sa buhay, maaaring mahirap panatilihin ang pagsasamang ito. Sana maintindihan mo.”Sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw ay medyo pinagsisihan na rin n’ya ang padalos-dalos na pagpapakasal. Kahit gaano pa karami ng pagkakaparehas nilang dalawa ng batang babae sa kan’yang nakaraan, hindi pa rin sila iisang tao. Ngunit nangyari na ang lahat. Wal
Binuksan ni Joaquin ang computer sa study room at seryosong nakinig sa ulat ni Lester tungkol sa trabaho. Nang matapos ang pag-uulat, sinulyapan ni Joaquin ang oras.Alas diyes y medya na ng gabi.Bigla n’yang naalala ang paglalarawan sa kan’ya ni Nathalie bilang isang walang pusong kapitalista. Walang anumang emosyon sa mukha s’yang nag-utos sa kan’yang assistant, “Ipagbigay-alam mo ito sa lahat ng departamento. Simula bukas, maliban na lamang kung talagang kinakailangan, wala nang mag-o-overtime.”Halos hindi makapaniwala si Lester sa sarili n’yang narinig.Ano raw?Kung tutuusin, ang presidente nila ang pinakamatinding workaholic na nakilala n’ya. Halos gabi-gabi itong nag-o-overtime hanggang sa dis-oras ng gabi at kadalasan ay s’ya pa ang huling umaalis sa opisina. Hindi lang ‘yon. Hinihikayat din nito ang mga empleyado sa buong kumpanya na mag-overtime. Kaya naman sinisiguro







