LOGINFIVE YEARS LATER…
Ganoon kabilis lumipas ang taon na parang kahapon lang nangyari ang lahat para kay Selene.
Limang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa at tanging sa video call lang ito nakakausap—madalas, tatlo o dalawang beses lang sa isang buwan.
Hindi na rin naman siya umaasa matapos na matuklasan ang katotohanan na ginamit lang siya ni Lucien. Ilang buwan siyang naging in denial, iniisip na baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.
Ngunit kahit pilit niyang tinatakasan ang realidad ay kusa siyang inilalapit sa totoong estado ng kanilang pagsasama. Wala pang isang buwan matapos umalis ni Lucien ay marami nang kumakalat na balitang may kinakatagpo itong babae.
Sa kabila ng kaalaman ay pilit niyang niloloko ang sarili, sinasabi sa mga nagtatanong na gumagawa lang ng issue ang ibang tao para sirain ang pagsasaama nila ni Lucien kahit matagal na niyang alam.
Paulit-ulit ang ganoong issue sa loob ng ilang buwan pero ni minsan ay hindi man lang ito nagpaliwanag, na para bang pinapamukha talaga sa kanya na nambababae ito.
Hanggang sa napagod na lang siya, gusto na niyang makipaghiwalay para hindi na siya mahirapan.
Pero, isang hindi inaasahang sitwasyon ang nangyari.
"Good evening, Dok Selene! Pauwi na ba kayo?" pagbati ng isang nurse.
Tango at ngiti ang itinugon niya at pagkatapos ay naglakad na palabas ng ospital. Pasakay na siya sa kotse ng tumunog ang cellphone.
Nang tingnan niya kung sinong caller ay awtomatiko siyang ngumiti. Pahagis na nilagay sa passenger seat ang bag saka sinagot ang tawag, "Hello, my baby~" malambing niyang sabi sa linya.
"Mommy!"
Natawa siya ng marinig ang boses ng anak. "Yes, baby. Kumain ka na ba?"
"Finish na!"
"Very good!" sinabayan niya ang pagiging energetic nito.
"Mommy, kailan ka bi-visit sa'kin? Namimiss na kita."
"Tonight, baby. Papunta na 'ko," ani Selene.
"Yehey!" hiyaw ng bata sa kabilang linya.
Muling natawa si Selene habang iniisip na marahil ay nagtatatalon ang anak sa sobrang tuwa. Mag-iisang linggo na rin kasi siyang hindi nakakabisita rito.
Oo, iyon ang set up nilang mag-ina upang maprotektahan ang bata. Itinago niya ito sa katabing siyudad.
Magulo at hindi man angkop na ipinapaalaga niya sa iba ang anak ay iyon ang mainam na paraang naisip niya para sa kanilang dalawa ng anak.
At kung babalik siya sa nakaraan ay iyon at iyon pa rin ang gagawin niya.
Nang mabuntis ay ilang buwan niyang inilihim sa lahat ang totoo sa takot na kapag nalaman ni Lucien na may anak sila ay kunin nito ang bata.
Ang plano niyang pakikipaghiwalay ay hindi natuloy, dahil noong mga panahon na iyon ay wala pa siyang napapatunayan. Kailangan niya munang ma-establish ang sarili para kapag dumating ang panahon ng annulment, mahihirapan itong makuha ang custody ng bata.
Kaya ganoon na lamang ang pag-iingat niya. Bihira lang niyang puntahan ang anak sa katabing siyudad ngunit lagi naman niyang sinusulit. Sinisigurado na everytime na magkasama sila ay hindi nito maiisip na nagkulang o pabaya siyang ina.
MAHIGIT isang oras ang binabiyahe ni Selene marating lang ang katabing siyudad, na kung minsan ay inaabot pa ng dalawa o tatlong oras kung rush hour.
Nakakapagod ngunit sa tuwing nakikita niya ang anak na matiyagang naghihintay sa kanyang pagdating ay agad na napapawi ang kanyang pagod.
Ito ang kanyang pahinga at lakas sa buong araw na pagtatrabaho sa ospital.
Sa condominium building niya pinatira ang anak kasama ng dating Yaya na nag-alaga sa kanya noon at siyang pinagkakatiwalaan niyang lubos.
Pagdating sa tamang palapag, pagkabukas na pagkabukas pa lang ng elevator ay nakita na niya ang anak na naghihintay.
"Mommy!" sigaw ng bata sabay takbo palapit upang salubungin siya ng yakap. "Nandito ka na, Mommy!"
Lumuhod si Selene, pinantayan ang taas ng bata para mas makita niya nang malinaw ang mukha nito. "Ba't gising ka pa, hmm?" aniya, marahang pinisil ang pisngi nito.
"Gusto ka niyang abangan kaya hinayaan ko na," si Rosa, ang yaya ang sumagot.
Tiningnan ni Selene ang oras sa suot na relo. "Pero magte-ten na, dapat natutulog ka na," kausap niya sa anak.
"Hindi pa 'ko antok, Mommy," malambing na sabi ng bata sabay yakap.
Napangiti si Selene saka ito binuhat kahit pa may kabigatan na ang anak, plus—pagod pa siya sa trabaho at mahigit isang oras na pagmamaneho. Naglakad siya papasok sa condo at sumunod naman si Rosa.
"Kumain ka na ba?"
"Tapos na, 'Ya."
"Kung magutom ka, may pagkain sa ref. Initin mo na lang."
Tumango siya saka naupo sa sofa. Si Rosa naman ay nagpunta sa kusina, siniguradong wala ng maiiwang hugasin at dumi sa table saka nagpaalam na magpapahinga na sa gabing iyon.
"Okay, good night po. 'Ya."
"'Wag kayong masyadong magpagabi, lalo ka na. Alam kong pagod ka," paalala pa nito bago tuluyang umalis.
Nang maiwan sila ng anak ay pinaglaruan niya ang malaman nitong pisngi. "Gusto mo bang mag-play tayo?"
Umiling ang bata, nakaakap lang sa kanya pero ilang sandali pa ay napansin niya na tila malalim ang iniisip nito at napapasimangot kaya hinabol niya ang tingin nito.
Pilit naman umiiwas si Alessia sa puntong napapasimangot na ito. "Mommy!" reklamo ng bata.
"Bakit, may problema ba? Mommy will listen," aniya, saka marahang hinahaplos-haplos ang buhok nito.
Umiling ang bata, lalong nagsumiksik sa kanya kaya alam niyang may problema itong gustong itago sa kanya. Sa murang edad ni Alessia, ay nakakamanghang matured na itong mag-isip.
Ngunit sa halip na matuwa ay mas nagwo-worry siya para sa anak. Hindi angkop sa edad nito na ganoon na kung mag-isip, dapat nitong ini-enjoy ang buhay gaya ng karamihan sa mga batang kaedad nito.
Matagal nanahimik ang bata, hindi niya ito pinilit na magsalita. Inuugoy-ugoy lang niya ito habang nasa kandungan niya, upang iparamdam ang concern niya bilang isang ina.
"Mommy…"
"Hmm?"
"Wala ba 'kong Daddy?"
Natigilan si Selene sa tanong nito, bigla siyang kinabahan ngunit hindi niya pinahalata. Nanatiling maaliwalas at may ngiti ang labi.
"Ba't mo natanong, baby?"
Humaba ang nguso ni Alessia, tila nagdadalawang-isip pa sa sasabihin.
Kaya nanghula si Selene. "May umaway ba sa'yo sa school? Kasi wala kang Daddy?"
Umiling ito saka siya tiningnan sa mukha. "'Yung classmate ko, kasama niya Daddy niya. Mommy… gusto ko rin ng Daddy."
Unti-unting napalis ang tuwa sa mukha ni Selene, hindi niya alam kung paano magre-response sa sinabi ng anak.
"M-Manood na lang tayo ng paborito mong cartoon," pag-iiba niya ng usapan sabay kuha sa remote.
Mabilis naman nabaling ang atensyon ng anak sa palabas, pero siya… Iniisip pa rin kung anong dapat niyang gawin.
Kung dapat niya bang sabihin sa bata ang totoo?
Ngunit paano kung hanapin nito ang ama, mangulit na makita ito. Anong gagawin niya?
Hindi niya ito itinago ng ilang taon ang anak para lang ipakita kay Lucien. Hindi niya hahayaang magkrus ang landas ng mag-ama.
Kung kailangan niyang magmukhang masama ay gagawin niya para sa ikabubuti ng bata.
HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masakit pa rin pala talaga kung ipapamukha sa kanya.Ilang sandali siyang tumulala, bago tuluyang kumilos. Sa halip na bag ay kumuha siya ng maleta, ilalagay niya lahat ang mahahalagang gamit dahil hindi siya uuwi ng ilang araw.Ayaw niyang makita si Lucien at makasama sa iisang bubong si Athena. Nang matapos sa ginagawa ay napaisip naman siya ngayon kung saan pansamantalang pupunta.Hindi siya maaaring magtungo sa condo ng anak, dahil baka matuklasan pa ni Lucien ang totoo. Mas doble ingat ang kailangan niyang gawin ngayon.Sumagi sa isip niya ang kaibigan na si Kyla, ito lang ang pinakamalapit niyang mahihingan ng tulong. Iyon nga lang ay apat na oras ang gugugulin niya marating lang ang tirahan
PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na siya sa staff lounge ng bigla niyang namataan ang asawa na papunta sa kanyang opisina. Nanlaki ang mata niya at mabilis na lumiko upang makaiwas. Binilisan niya ang paglalakad para hindi siya makita, umikot pa siya ng daan para lang makarating sa lounge.Pagpasok ay nginitian niya ang kapwa doctor na gising pa ng mga sandaling iyon. "Thesis?"Inalis ng doctor ang suot na eyeglasses sabay tango. "Oo, ikaw ba?" Pagkatapos ay sinuot ulit ang salamin para i-continue ang ginagawa."Magpapahinga lang, ayoko nang bumiyahe pauwi," dahilan niya kahit nasa thirty minutes lang naman ang layo ng ospital sa bahay.Buti na lang talaga at hindi mahilig manghimasok ang mga kapwa niya doctor. Seperate ang wor
KATOK sa pinto ang nagpaangat ng tingin ni Selene, pumasok ang assistant nurse na may dalang clipboard. "Doktora, hindi pa po dumarating si Mrs. Cruz."Tukoy nito sa patient niyang regular na nagpapa-consult. "Gano'n ba? Baka na-traffic lang or pakitawagan kung makakarating ba at baka nakalimutan na naman nitong may follow-up check up siya ngayon," utos niya.Tumango ang nurse at tinawagan si Mrs. Cruz habang siya naman ay niligpit ang ibang record ng mga pasiyenteng natingnan na niya kanina.Hindi bababa sa sampu ang sabay-sabay niyang inasikaso sa umaga lang na iyon kaya medyo nangangalalay na siya. "Lalabas muna ako," pahayag niya sa assistant matapos mag-inat ng katawan.Lumabas siya ng opisina at naglakad patungo sa nurse station. Kapag, stress o pagod ang trabaho ay sumasagap siya ng tsismis, pampawala ng bagot."Good morning, Dok Selene," bati agad ng naka-assign na nurse.Tipid na pagngiti ang tinugon niya, ipinatong ang dalawang braso sa counter sabay bulong, "May bago ba?"N
FIVE YEARS LATER…Ganoon kabilis lumipas ang taon na parang kahapon lang nangyari ang lahat para kay Selene.Limang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa at tanging sa video call lang ito nakakausap—madalas, tatlo o dalawang beses lang sa isang buwan.Hindi na rin naman siya umaasa matapos na matuklasan ang katotohanan na ginamit lang siya ni Lucien. Ilang buwan siyang naging in denial, iniisip na baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.Ngunit kahit pilit niyang tinatakasan ang realidad ay kusa siyang inilalapit sa totoong estado ng kanilang pagsasama. Wala pang isang buwan matapos umalis ni Lucien ay marami nang kumakalat na balitang may kinakatagpo itong babae.Sa kabila ng kaalaman ay pilit niyang niloloko ang sarili, sinasabi sa mga nagtatanong na gumagawa lang ng issue ang ibang tao para sirain ang pagsasaama nila ni Lucien kahit matagal na niyang alam.Paulit-ulit ang ganoong issue sa loob ng ilang buwan pero ni minsan ay hindi man lang ito nagpaliwanag, na para bang pin
KALAHATING oras nang naghihintay si Selene sa asawa, naka-set na lahat ang pagdating na lang nito ang kulang.Sa gabing iyon, naghanda siya ng candlelit dinner dahil sa makalawa na ang alis ng asawa papunta sa New York para i-manage ang bagong branch ng kompanya.Sa pagkakaalam niya ay magtatagal ito ng anim na buwan doon, masyadong matagal—tiyak na mangungulila siya sa pag-alis nito.Habang nasa malalim na pag-iisip ay narinig niyang tumunog ang smart lock ng condo. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ng may ngiti ang asawa."Welcome back!" Hindi na niya ito hinintay na makalapit at nagkusa na siya saka ito niyakap nang mahigpit.Haplos sa buhok ang itinugon ni Lucien, saka kinapa-kapa ang pader sa gilid ng pinto. "Ba't madilim?""Don't!" Pigil agad ni Selene. "M-May surprise ako sa'yo," dagdag niya pa at nautal sa hiya.Unang beses na gagawin niya ito sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama.Napahilot si Lucien sa sintido, wala siyang panahon para sa surprise na iyan dahil pagod s


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




