LOGINPAGDATING ni Lucien sa bahay ng mga magulang ay tinanong niya ang isang katulong sa malapit, "Si Mommy?""Nasa kwarto niya po, Sir… Ahm, mukhang hindi po maganda ang pakiramdam kaya nasa room lang po matapos lumabas kanina."Napakunot-noo siya, nakaramdam ng pag-aalala. "Lumabas siya? Sa'n galing?""Hindi ko rin po alam, Sir."Bumuntong-hininga si Lucien at pagkatapos ay umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Pagdating sa tapat ng master bedroom ay kumatok siya at nang walang sumagot ay doon na niya tinawag ang ina, "Mommy? Are you awake?"Nang wala pa ring respose ay pinihit na niya ang doorknob saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagsilip ay nakita niyang nakahiga ito sa kama, pikit ang mga mata at tila natutulog.Nag-alangan siyang pumasok, kkmang isasara ang pinto nang mapansin niyang nagmulat ito ng mata.Kaya nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto saka lumapit. "Masama raw po ang pakiramdam mo?" Hahawakan niya sana ang noo nito nang mabilis na tinabig.Bumangon sa kama si Ca
ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos abala siya sa paggawa ng resignation letter kaya nainis na naman siya. "Sabihin mo, wala ako rito," utos niya sa assistant matapos maisip na si Lucien na naman ang naghahanap sa kanya."Pero, Dok… Matandang babae po ang naghahanap sa inyo. Hindi po 'yung asawa niyo."Nag-angat ng tingin si Selene, napaisip kung sino ang tinutukoy nito. "Sinabi pa ang pangalan?""Carmela Montiverde po, Dok."Biglang napatayo si Selene matapos marinig ang pangalan ng biyenan. Mabilis niyang iniwan ang ginagawa saka naglakad patungo sa nurse station.Wala roon ang biyenan niya kaya tinanong niya pa ang naka-assign na nurse kung nasaan ang naghahanap sa kanya.Sasagot pa lang ito nang marinig na niya ang boses ng b
SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed.""Intindihin mo na lang at maselan—""Exactly," putol niya. "Sa sobrang understanding ko nga, umalis na 'ko para 'di makaistorbo sa inyo."Hingang malalim ang ginawa ni Lucien. "Nasa'n ang gamit mo. Bumalik ka na sa bahay.""No… hindi na 'ko babalik sa pamamahay na 'yun." Tiningnan niya ito sa mukha pero agad ring nag-iwas nang hindi matagalan ang titig nito."Kung si Athena ang dahilan. Don't worry, hindi naman siya magtatagal do'n.""Regardless kung siya man ang dahilan o hindi. The mere fact na may pinatira kang ibang babae sa bahay natin ng hindi mo man lang pinapaalam sa'kin ay malaking issue na iyon. What more… buntis pa, kaya congrats. Magiging daddy ka na," sarkastiko niyang sabi.Ku
HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masakit pa rin pala talaga kung ipapamukha sa kanya.Ilang sandali siyang tumulala, bago tuluyang kumilos. Sa halip na bag ay kumuha siya ng maleta, ilalagay niya lahat ang mahahalagang gamit dahil hindi siya uuwi ng ilang araw.Ayaw niyang makita si Lucien at makasama sa iisang bubong si Athena. Nang matapos sa ginagawa ay napaisip naman siya ngayon kung saan pansamantalang pupunta.Hindi siya maaaring magtungo sa condo ng anak, dahil baka matuklasan pa ni Lucien ang totoo. Mas doble ingat ang kailangan niyang gawin ngayon.Sumagi sa isip niya ang kaibigan na si Kyla, ito lang ang pinakamalapit niyang mahihingan ng tulong. Iyon nga lang ay apat na oras ang gugugulin niya marating lang ang tirahan
PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na siya sa staff lounge ng bigla niyang namataan ang asawa na papunta sa kanyang opisina. Nanlaki ang mata niya at mabilis na lumiko upang makaiwas. Binilisan niya ang paglalakad para hindi siya makita, umikot pa siya ng daan para lang makarating sa lounge.Pagpasok ay nginitian niya ang kapwa doctor na gising pa ng mga sandaling iyon. "Thesis?"Inalis ng doctor ang suot na eyeglasses sabay tango. "Oo, ikaw ba?" Pagkatapos ay sinuot ulit ang salamin para i-continue ang ginagawa."Magpapahinga lang, ayoko nang bumiyahe pauwi," dahilan niya kahit nasa thirty minutes lang naman ang layo ng ospital sa bahay.Buti na lang talaga at hindi mahilig manghimasok ang mga kapwa niya doctor. Seperate ang wor
KATOK sa pinto ang nagpaangat ng tingin ni Selene, pumasok ang assistant nurse na may dalang clipboard. "Doktora, hindi pa po dumarating si Mrs. Cruz."Tukoy nito sa patient niyang regular na nagpapa-consult. "Gano'n ba? Baka na-traffic lang or pakitawagan kung makakarating ba at baka nakalimutan na naman nitong may follow-up check up siya ngayon," utos niya.Tumango ang nurse at tinawagan si Mrs. Cruz habang siya naman ay niligpit ang ibang record ng mga pasiyenteng natingnan na niya kanina.Hindi bababa sa sampu ang sabay-sabay niyang inasikaso sa umaga lang na iyon kaya medyo nangangalalay na siya. "Lalabas muna ako," pahayag niya sa assistant matapos mag-inat ng katawan.Lumabas siya ng opisina at naglakad patungo sa nurse station. Kapag, stress o pagod ang trabaho ay sumasagap siya ng tsismis, pampawala ng bagot."Good morning, Dok Selene," bati agad ng naka-assign na nurse.Tipid na pagngiti ang tinugon niya, ipinatong ang dalawang braso sa counter sabay bulong, "May bago ba?"N
FIVE YEARS LATER…Ganoon kabilis lumipas ang taon na parang kahapon lang nangyari ang lahat para kay Selene.Limang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa at tanging sa video call lang ito nakakausap—madalas, tatlo o dalawang beses lang sa isang buwan.Hindi na rin naman siya umaasa matapos na
KALAHATING oras nang naghihintay si Selene sa asawa, naka-set na lahat ang pagdating na lang nito ang kulang.Sa gabing iyon, naghanda siya ng candlelit dinner dahil sa makalawa na ang alis ng asawa papunta sa New York para i-manage ang bagong branch ng kompanya.Sa pagkakaalam niya ay magtatagal i







