LOGIN
KALAHATING oras nang naghihintay si Selene sa asawa, naka-set na lahat ang pagdating na lang nito ang kulang.
Sa gabing iyon, naghanda siya ng candlelit dinner dahil sa makalawa na ang alis ng asawa papunta sa New York para i-manage ang bagong branch ng kompanya.
Sa pagkakaalam niya ay magtatagal ito ng anim na buwan doon, masyadong matagal—tiyak na mangungulila siya sa pag-alis nito.
Habang nasa malalim na pag-iisip ay narinig niyang tumunog ang smart lock ng condo. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ng may ngiti ang asawa.
"Welcome back!" Hindi na niya ito hinintay na makalapit at nagkusa na siya saka ito niyakap nang mahigpit.
Haplos sa buhok ang itinugon ni Lucien, saka kinapa-kapa ang pader sa gilid ng pinto. "Ba't madilim?"
"Don't!" Pigil agad ni Selene. "M-May surprise ako sa'yo," dagdag niya pa at nautal sa hiya.
Unang beses na gagawin niya ito sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama.
Napahilot si Lucien sa sintido, wala siyang panahon para sa surprise na iyan dahil pagod siya sa trabaho. "Sa susunod na lang 'yan, gusto kong magpahinga—"
Biglang tumingkayad si Selene at hinalikan ang asawa sa labi, niyakap niya pa ang batok nito upang madama nito ang kanyang nararamdaman.
Tila may kung anong switch ang biglang nabuhay kay Lucien, mula sa pagod na katawan at isip ay bigla siyang nabuhayan. Binitawan ang hawak na briefcase bag sabay buhat sa asawa upang dalhin sa kwarto.
"Wait, wait!" natatawang sabi ni Selene. "Mag-dinner muna tayo."
Lumamlam ang tingin ni Lucien, kahit malinaw naman niyang narinig ang sinabi nito ay wala nang ibang kumukontrol sa isip niya ng mga sandaling iyon kundi ang makamundong pagnanasa.
Nagpatuloy siya papasok sa kwarto at dinala sa banyo ang asawa. Nilapag niya ito sa sink saka niya mabilisang tinanggal ang necktie, sunod ang pagkakabutones ng damit.
Nasa kalahati pa lang siya nang angkinin niya ang malambot nitong labi. Pumulupot ang braso nito sa kanyang batok kaya mas ramdam niya ang katawan nito sa kabila ng suot na robe.
Inalis niya ang strap sa pagkakabuhol hanggang sa tumambad sa kanya ang suot nito sa ilalim—red lingerie, na halos wala na ngang tinatakpan.
Kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito maging ang pribadong parte. Mas lalong tumaas ang libido niya sa nakikita.
Hinawakan niya ang tuhod ni Selene, marahang hinahaplos-haplos paakyat hanggang sa lumapat ang daliri niya sa sensitibo nitong pagkababae. "Ito na ba 'yung surprise mo sa'kin?" tanong niya dahil unang beses niyang makitang magsuot ng ganito ang asawa.
"Sort of?" hindi tiyak na sagot ni Selene, hindi na siya makapag-isip ng maayos dahil sa sensasyong nararamdaman. Para na siyang mababaliw sa haplos pa lang nito.
Ngumisi si Lucien, natutuwa na kahit hindi pa siya nag-uumpisa ay ganito na ang epektong naibibigay niya sa asawa. Kaya nanggigigil na siya ng mga sandaling iyon, hinalikan muli ang labi ni Selene habang ang kamay ay abala na sa pagkababae nito.
"L-Lucien…"
Ang libre niyang kamay ay inaalis na ang sinturon at hinagis kung saan. Pagkatapos ay lumuhod siya, nilawakan ang pagkakabuka ng hita nito upang hindi siya mahirapan.
Napasinghap si Selene dahil ang pinili niyang lingerie ay open-bottom, kitang-kita ang kanyang pagkababae. Tinangka pa nga niyang takpan ngunit naunahan na siya ng asawa.
Tinikman ni Lucien na parang pagkain, hindi siya tumigil hanggang sa hindi niya naririnig ang ung*l nito.
Napapaarko ang katawan ni Selene, hindi niya malaman kung saan kakapit. May pagkakataong nasasabunutan na niya ang asawa. Habol at kinakapos na siya ng hininga. "Lucien…" humahalinghing niyang sambit sa pangalan nito.
Nang bigla na lang itong tumigil, na ikinadismaya niya dahil malapit na siya sa climax. Tiningnan niya ito nang masama nang bigla ulit siyang buhatin at dinala sa may shower.
Pinihit ni Lucien ang faucet na ikinabigla niya. Napasinghap siya sa lamig ng tubig, inaapula ang nagbabagang init ng katawan. Pagkatapos ay sinandal siya nito sa pader, maayos na pinosisyon at inangkin.
Bagama't marahas at walang ingat ang galaw ni Lucien ay hindi niya iyon alintana. Sa dalawang taon nilang pagsasama, nakasanayan na niya ang pagiging malamig at kawalang lambing nito.
Bago niya pakasalan ang asawa, ay malinaw na sa kanya ang kawalang emosyon nito. Basta ang mahalaga lang sa kanya ay mahal niya ito at tanging trabaho lang ang inaatupag. Hindi ito gaya ng ibang lalake na kaliwa't kanan ang babae.
Matapos ang mainit na pagtatal*k ay nagkusa naman si Lucien na paliguan ang asawa matapos niyang mapansin ang panghihina nito. Siya na rin mismo ang nagpunas ng basa nitong katawan at nagbihis.
"Thank you," bulong ni Selene nang ilapag niya ito sa kama.
Tumango lang siya at binigay ang towel. "Magpunas ka bago matulog," utos niya sabay talikod para bumalik sa banyo nang hilahin siya nito at halikan sa pisngi.
"I love you, honey."
Tipid na pagngiti ang tinugon ni Lucien at saka bumalik sa banyo para maligo nang mabilisan.
Nang maiwan si Selene habang nagpupunas ng basang buhok ay naalala niya ang candlelit dinner nila. Tiyak na malamig na ang pagkaing hinanda niya.
Kaya lumabas muna siya para balikan ang mga pagkain. Presentable pa rin tingnan ngunit gaya ng inaasahan, malamig na kaya ininit niya muna sa microwave at habang naghihintay ay binalikan niya ang asawa.
"Lucien—"
"I know what I'm doing!"
Napaigtad si Selene sa gulat ng marinig niya ang asawa na sumigaw. Nasa banyo pa rin ito pero may kausap na sa cellphone nang silipin niya.
Nakatalikod ito, hawak ang noo kaya hindi siya nito napapansin. Sa halip na tawagin ay naghintay lang siya sa hamba ng pinto, hinihintay itong humarap para maaya na niyang kumain.
"I won't okay?! Aalis na 'ko sa makalawa at magsi-stay sa New York ng limang taon. Hindi ako uuwi until the contract expires…"
Nabigla si Selene sa narinig, hindi niya alam na iyon ang plano ng asawa. Ang sabi ay ilang buwan lang itong mamamalagi sa ibang bansa at babalik din naman.
Akmang papasok na siya sa loob ng muling magsalita si Lucien, "Seven years lang, okay? After that, makikipaghiwalay na 'ko. Maniwala ka naman sa'kin, ikaw lang ang mahal ko… Pinakasalan ko lang naman si Selene to secure my position dahil siya ang gusto ni Lola."
Natigilan at hindi na makuhang gumalaw ni Selene sa kinatatayuan. Para siyang nabingi sa mga narinig.
Hindi maproseso ng isip niya ang mga binitawang salita ni Lucien.
Gulong-gulo ang isip niya sa mga sinasabi nito.
Ginamit lang siya ni Lucien para sa pansarili nitong interes?
Seven years? Iyon lang ba ang itatagal ng pagsasama nila?
At sinong babae ang kausap nito?
MALAMBING na ngumiti ang doktora saka napatingin kay Lucien. "Ito ba ang asawa mo?"Napalunok ng laway si Selene, sabay tango. Nakikita niya sa gilid ng mga mata ang titig ni Lucien sa doctor. Matapos ay kusang nilahad ang kamay upang magpakilala, "Good day, Mr. Monteverde... Ako nga pala si—"Biglang napatayo si Selene sabay lapit sa Ginang. "Dok, pwede ko po ba kayong makausap saglit?" Matapos ay nauna na siyang naglakad, kailangan niyang mailayo ito kay Lucien.Tumigil siya nang sapat na ang distansiya upang hindi marinig ang anuman pag-uusapan nilang dalawa."Ano 'yun?""Pasensya na po kung kailangan ko kayong ilayo... ang totoo ay hindi niya kasi alam na may anak ako sa... sa unang asawa," pagsisinungaling niya sa huling tatlong salita.Bakas ang pagkabigla sa mukha ng Doctor. "Ay naku, ako dapat ang humingi ng paumanhin. Hindi ko alam na nag-asawa ka ulit. Natatandaan ko, mag-isa ka lang no'ng nanganganak ka at ni isang beses ay 'di mo nabanggit ang asawa mo."Tumango-tango si S
HUMAKBANG palapit si Lucien, nanunuot ang tingin sa asawa. Napaatras naman si Selene, may kaba hindi dahil natatakot siya kundi kabado lang kung anong gagawin nito.Naramdaman ni Selene nagkabungguan ang sapatos nilang dalawa, kahit gusto niyang magbaba ng tingin ay hindi niya magawa. Naka-magnet na ang mata niya kay Lucien na unti-unting pinapantayan ang height niya.Hampas sa balikat ang ginawad niya dahil parang nang-aasar pa ito. "Ano ba?!" Hanggang balikat lang kasi siya nito.Umangat ang gilid ng labi ni Lucien. "You think, nagseselos ako? Sa lalaking 'yun?"Nagtaas ng kilay si Selene, medyo natatawa dahil halatang-halata ang asim ng tono nito. "Yes you are—" Sabay hila sa manggas ng damit nito. "Kumain na nga tayo, gutom na 'ko.""I'm not jealous, okay?" depensa pa rin ni Lucien."Okay, hindi na kung hindi. Kumain na lang tayo." Pinaupo niya ito at sa kabila naman siya nang biglang hawakan ang kamay niya sabay hila.Napaupo siya sa kandungan nito, sa halip na mainis—bigla siyan
KATOK sa pinto ang nagpa-angat ng tingin ni Selene. Tiningnan niya ang digital clock sa table, quarter ten ng umaga. Kanina pa tapos ang check up ng pasiyente pero may dalawang hindi nakasipot, tinatawagan nila kanina for confirmation kung makakarating ba pero hindi naman sumasagot.Pagpasok ng assistant nurse, akala niya ay dumating na ang hinihintay pero nabigla siya nang makita ang isang pamilyar na mukha."Doc Selene, may magpapa—""D-Doc Garcia! Anong ginagawa mo rito?" Unti-unti siyang napangiti at tumayo pa sa table para salubungin ito.Kasamahan niya ito sa dating ospital na pinagtatrabahuan. Iyong napag-initan ni Lucien dahil may pagkasuplado rin kasi pero mabait ito sa kanya at tinulungan pa nga siyang makapagtago."Magpapa-check up lang," saad ni Timothy."Ow… gano'n ba." Bahagya siyang na-weirduhan dahil pwede naman itong magpa-check up sa resident hospital pero hinayaan na niya at hindi na nag-isip ng kung ano-ano. Pagkatapos ay tiningnan niya ang assistant nurse na naghi
NAMUTLA bigla si Athena nang marinig iyong sinabi ni Lucien. Gayon pa man ay tinago niya ang kabang nararamdaman ay ngumiti. "L-Lucien, nandito ka pala. 'Di mo naman sinabi." Tumayo siya at nilapitan ito para yakapin ngunit nilampasan lang siya.Si Carmela naman ang nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Anong ibig mong sabihin, Lucien? Hindi iyo ang bata?"Humarap si Athena, hinabol ito at nilingkis ang kamay sa braso nito. "I don't know what he's talking about, Tita." Pagkatapos ay tiningnan niya si Lucien. "Sa'n mo naman nakuha ang ideya na 'di mo anak ang baby natin? All this time ba ay 'yan ang iniisip mo o may ibang…" Napalunok siya ng laway matapos makita ang madilim nitong tingin. "L-Lucien…"Binawi ni Lucien ang braso na hawak nito sabay pagpag na para bang nadumihan. "I have doubts about your prenatal check-up, so I got a second opinion… and guess what? The baby's clearly not eight weeks."Nanlamig si Athena, natameme siya at hindi magawang idepensa ang sarili."Totoo ba?!"
IWAS ang tingin ni Selene habang iniisip kung anong sasabihin niyang dahilan para lang hindi siya masamahan ni Lucien pauwi."Naiilang ka siguro dahil limang taon din tayong 'di nagkasama," ani Lucien.Tumango si Selene. "G-Gano'n na nga, saka… kasama ko kasi sa bahay si Kyla.""Ihahatid na lang kita, I hope it's okay," ani Lucien.Ngumiti si Selene at pagkatapos ay hinanap ang cellphone. "Na sayo ba ang phone ko?"Dumukot sa bulsa si Lucien at nilabas ang kailangan nito. Bago pa man maibigay ay hinablot na ng asawa."M-May tumawag ba o text?""Wala," tipid na sagot, bahagyang naningkit ang mga mata dahil sa kinikilos nito.Samantalang mabilis na tinext ni Selene ang kaibigan, nagpapasundo siya. Hindi niya gustong malaman ni Lucien kung saan siya nakatira.Makaraan ang ilang minuto ay dumating si Kyla. Nabigla pa nga nang makitang si Lucien ang nagbabantay kaya hinila ang braso nito sabay bulong, "Anong ginagawa niya rito? Don't tell me, okay na kayo?""Mamaya ko na ipapaliwanag. Sinab
HINDI agad masagot ni Selene ang tanong, hindi niya alam kung paano ito tatanggihan ng hindi sasama ang loob."Kung 'di ka pa ready, ayos lang… I can wait," ani Lucien. "Let's take it slow."Nakahinga nang maluwag si Selene sa narinig saka niya nginitian si Lucien. Ngumiti rin ito na mas nakapagpagaan ng kanyang loob.Pagkatapos ay nagmaneho na ito patungo sa restaurant na malapit lang sa ospital para hindi sila gaanong gabihin.Habang kumakain ay nag-o-open ng topic si Lucien—mostly, ay tungkol sa trabaho o kung nakapag-adjust na ba siya sa bagong nilipatan na ospital. Nakikinig at sinasagot naman niya ito. Hanggang sa napansin niyang, iniiwasan nitong mabanggit ang problema nila na para bang wala talagang nangyari.Which is, hinihintay niya talagang banggitin nito dahil hindi naman pwedeng kalimutan na lang nila ang lahat na parang wala lang.Kaya nang patapos na silang kumain ay nagtanong na siya, "Pa'no na si Athena at ang anak niyo?"Tumigil sa pagkain si Lucien, nilapag ang hawa
PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na s
ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos aba
SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed."
HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masaki







