تسجيل الدخولLAURA"Alam mo naman sigurong matagal nang magkalaban sa negosyo ang Sterling Group at Ashford Corporation.""Yes po.”"Dahil pareho kaming kabilang sa iisang industriya, normal na nagkakasama ang mga CEO ng malalaking kumpanya sa mga business conferences, investors' meetings at corporate gatherings. Hindi man kami malapit sa isa't isa, hindi rin maiiwasang may mga napag-uusapan tungkol sa mga kumpanyang kabilang sa industriya."Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung kakalat agad ang balita na naghiwalay na nga kami ni Gray. Hinihintay ko na lang ang approval ng divorce namin."Kapag may malaking nangyari sa isang kilalang pamilya sa business world, mabilis din iyong nakakarating sa amin. Hindi dahil tsismis ang pakay namin, kundi dahil minsan ay naaapektuhan din nito ang negosyo, reputasyon at maging ang galaw ng mga investors."“Yes. Hiwalay na nga kami ng impaktong iyon. Kapal ng pagmumukha ng siraulong iyon. Magsama silang dalawa ng Vivian landi na iyo
LAURAMabilis akong sumunod kay Hazel habang naglalakad kami sa mahabang hallway patungo sa executive floor. Habang papalapit kami sa opisina ng CEO, lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinapatawag gayong wala pa nga akong isang oras sa kumpanya. Hindi pa man ako nakakaupo nang maayos sa magiging workstation ko, heto at nasa harapan na agad ako ng pinakamakapangyarihang tao sa buong Sterling Group.Napansin yata ni Hazel ang kaba ko kaya bahagya niya akong siniko."Huwag kang ganyan. Para kang dadalhin sa execution.""Paano ba naman kasi? Unang araw ko pa lang dito. Baka may mali agad akong nagawa.""Imposible. Hindi ka pa nga halos nakakakilos.""Eh bakit kaya ako pinapatawag?"Nagkibit-balikat siya."Ewan ko. Hindi naman sinabi ni Sir Cassian. Ang sabi lang niya, kapag dumating ka na, ihatid daw kita sa opisina niya.""Sana naman walang problema.""Huwag kang mag-overthink. Kilala ko ang boss ko. Hindi siya iyong tipo ng taong nagpapatawa
LAURA Dalawang araw ang lumipas matapos ang interview ko sa Sterling Group. Hindi ko maiwasang kabahan sa paghihintay ng resulta. Kahit paulit-ulit akong sinasabihan ni Hazel na huwag akong mag-alala dahil maganda naman ang naging interview ko, hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Alam kong napakalaking kumpanya ng Sterling Group at siguradong maraming aplikanteng mas magaling at mas maraming karanasan kaysa sa akin. Kaya habang hinihintay ko ang magiging desisyon nila, sinubukan kong huwag masyadong umasa para hindi rin ganoon kasakit kung sakaling hindi ako matanggap. Nasa kusina ako nang umagang iyon at tinutulungan si Hazel na maghanda ng almusal, nang biglang tumunog ang notification ng cellphone ko. Wala naman sana akong balak tingnan iyon agad pero napansin kong seryoso ang mukha ni Hazel habang nakatingin sa screen ng cellphone ko na nakapatong sa mesa. "Hoy, Laura. Parang may email ka." Hindi ko agad pinansin iyon. "Mamaya ko na titingnan." "Aba, bakit mamaya? Malay
LAURA“Wow! Tunay ba iyan o joke lang?” nakangising tanong sa akin ni Hazel nang makita akong bitbit ang ilang maleta at bag.Dinala ko halos ang lahat ng gamit ko. At ang mga gamit kong sa tingin ko ay hindi na mahalaga, inutos ko kay aling Rosa na sunugin na lamang niya o 'di kaya itapon. Ayokong may maiwan pa akong mga gamit doon. Hindi na ako babalik sa bahay na iyon. Magsama silang dalawa ng babae. Ni minsan hindi ko pa naman siya nahuhuling naglalampungan ng dalawang iyon.Pero sa tingin ko, imposibleng hindi nagk@ntvtan ang dalawang iyon.Malanding babae si Vivian. Noon pa man, gustong-gusto niya ng mapunta sa kanya si Gray. At siya ang gusto ng byenan kong bruha para sa anak niya kasi nga mayaman sila parehas. Well, sige…isaksak niya sa pvki niya si Gray. “Sa tingin mo, joke pa ito? Ngayon ko lang ito ginawa. At ito na rin ang huli. Humihingi na agad ako ng pasensya dahil magiging abala ako dito sa iyo.”“Gaga! Anong magiging abala ka dito? Tuwang-tuwa nga ako dahil ako lang
LAURAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako o nakapikit lang buong magdamag. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Gray kagabi. Akala ko hanggang banta lang ang sinabi niyang ipapahanda niya ang divorce papers. Akala ko kapag nagising siya ngayong umaga ay magbabago ang isip niya. Akala ko kahit paano ay may natitira pa siyang pagmamahal para sa akin.Ngunit nagkamali ako.Katatapos ko pa lamang maghilamos nang marinig ko ang katok sa pinto ng kuwarto."Ma'am Laura," mahinahong tawag ng isa sa mga kasambahay. "Pinabababa po kayo ni Sir Gray. Dumating na po ang abogado."Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Hindi ko agad nabuksan ang pinto. Ilang segundo muna akong nanatiling nakatayo habang pilit na tinatanggap ang narinig ko. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay ngumiti sa akin ang kasambahay, ngunit halata sa mukha nito ang pag-aalala."Naroon po sila sa sala. Bumaba na lang po kayo doon, maam.”Tuman
LAURAMAKALIPAS ang ilang araw ay ganoon pa rin ang sitwasyon naming dalawa ni Gray. Pagmulat ko ng mga mata ay napansin kong wala na si Gray sa kama. Agad akong bumangon at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng malaking salamin. Nakasuot na siya ng kulay itim na suit. Maayos ang pagkakapulido ng kanyang buhok at nakahanda na rin ang mamahaling relo na isinuot niya sa kanyang kaliwang pulsuhan.Hindi ko mapigilang mapangiti ng tipid. Matagal ko na rin siyang hindi nakitang maghanda habang naroon ako sa kuwarto. Marahan akong lumapit sa kanya."Ang aga mong nagbihis. May importante ka bang pupuntahan?"Hindi niya ako nilingon. Inaayos lang niya ang cuff ng kanyang coat."Business meeting.""Pwede ba kitang ipaghanda ng breakfast bago ka umalis?""Tanga ka ba? Sinabi kong ayoko ng ikaw ang maghahanda ng pagkain ko.”Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Ayaw ko sanang matapos na ganoon lang ang usapan kaya muli akong nagsalita."Anong oras ka uuwi?"Hindi niya sinagot ang tanong ko







