Teilen

KABANATA 2

last update Veröffentlichungsdatum: 17.07.2026 10:38:10

LAURA

NAPAKAAGA pa lang pero gising na ako. Kahit halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iyak, pinilit ko pa ring bumangon. Ganoon naman palagi. Kahit mabigat ang dibdib ko, hindi puwedeng pabayaan ko ang asawa ko. Siya pa rin ang una kong iniisip sa tuwing nagigising ako.

Agad akong nagtungo sa kusina upang ihanda ang almusal niya. Nagprito ako ng bacon, gumawa ng scrambled eggs, at iniluto ang paborito niyang garlic fried rice. Nagtimpla rin ako ng mainit na kape dahil alam kong hindi kumpleto ang umaga niya kapag wala iyon.

Habang inaayos ko ang mesa ay hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya. Naalala ko ang mga unang buwan naming mag-asawa. Madalas niya akong yakapin mula sa likod habang nagluluto ako. Minsan pa nga ay siya mismo ang sumusubo sa akin ng pagkain habang nag-aalmusal kami.

Ngayon ay tila alaala na lamang ang lahat ng iyon.

Napabuntong-hininga ako bago ipinagpatuloy ang paghahanda..Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag ni Gray pababa ng hagdan. Nakasuot na siya ng mamahaling suit at mukhang papasok na naman sa opisina. Kahit hindi niya ako pinapansin nitong mga nakaraang linggo, nakagawian ko pa ring ihanda ang lahat ng kailangan niya.

"Good morning," mahina kong bati habang inilalapag ang plato sa harapan niya.

Pero hindi niya ako sinagot. Tahimik lamang siyang naupo at tiningnan ang mga pagkaing nasa mesa. Ngumiti pa rin ako kahit masakit.

"Favorite mo ang niluto ko ngayon.” Tikman mo muna."

Ngunit hindi pa man niya nahahawakan ang kubyertos ay bigla siyang tumayo.

"Rosa!"

Napapitlag ako sa lakas ng boses niya. Mabilis namang lumabas ang isa sa mga kasambahay.

"Yes, sir?"

Malamig ang tingin ni Gray habang nakatitig sa mesa.

"Simula ngayong araw, ayoko nang makakita ng kahit anong pagkain na niluto ng babaeng ito."

Parang may kung anong sumaksak sa dibdib ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Pakiramdam ko ay biglang nawalan ng laman ang buong katawan ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kanya. Para siyang isang mabangis na hayop ngayon sa harapan ko. Bakit naging ganito na talaga ang asawa ko? Mga hindi niya magawang paniwala ng sinasabi ko?

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin kay Gray.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Napakalamig ng kanyang mga mata. Hindi ko na makita ang init ng pagtingin niya sa akin noon.

"Si Rosa na ang magluluto para sa akin. Huwag mo nang pakialaman ang pagkain ko."

"Gray..."

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Bakit? Hindi ba't lahat ng luto ko, gusto mo?”

"Dati."

Iisang salita lang ang isinagot niya ngunit parang libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumusok sa puso ko. Hindi ko napigilang mapaluha.

"Gray, hanggang kailan tayo magiging ganito? Isang buwan na kitang sinusubukang kausapin pero palagi mo lang akong iniiwasan."

Malamig lang siyang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at marahan kong hinawakan ang manggas ng suot niyang coat.

"Please... pag-usapan naman natin ang relasyon natin. Hindi puwedeng araw-araw na lang tayong nagkakasakitan ng ganito. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng bumalik tayo sa dati. Gray…anim na buwan pa lang tayong mag-asawa pero bakit ganito na?”

Mabilis niyang inalis ang kamay ko na para bang ayaw niya akong mahawakan. Mas lalo akong nasaktan sa ginawa niyang iyon.

"Gray... mahal na mahal kita. Kahit isang beses lang, pakinggan mo naman ako. Hindi ako nagloko. Hindi kita kailanman niloko. Iyong nangyari sa hotel…alam kong pakana lamang iyon ng kung sino mang gustong sumira sa atin.”

“At sa tingin mo maniniwala ako sa mga sinasabi mo?”

“Gray…alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko pero totoo. Sa tingin ko may isang taong gumawa nito na kilala mo. Para sirain tayo.”

“Bakit paulit-ulit mong sinasabi sa akin ang palusot mong iyan? Inaakala mo ba na maniniwala ako sa walang kwenta mong palusot? Malandi kang babae, Laura. H****t! Makati! Hindi ka pa nakuntento sa tit3 ko kaya tumikim ka pa ng iba? Ano?! Mas malaki ba ang kanya kaysa sa akin? Mas magaling ba siyang kum4ntot kaysa sa akin? Mas napapatirik ba niya ang mga mata mo? Basang-basa ka ba sa kanya?”

Para akong paulit-ulit na sinaksak sa puso dahil sa mga sinabi niya. Sobrang sakit sa dibdib ng mga katagang binitawan niya. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Mahal na mahal ko siya at siya ang nagpapasaya sa akin. Pero ngayon, siya na ang nagpapaluha sa akin at dumudurog ng puso ko.

“Gray…hindi ko alam kung anong gagawin para maniwala ka sa akin. Pero totoo ang sinasabi ko. Wala akong ibang lalaki.”

Nanatiling nakatitig ang malamig niyang mga mata sa akin.

“Gray…kung gusto mo…pagsisilbihan kita palagi. Kahit gawin mo pa akong alipin o kahit ano pa ang gusto mong gawin ko, susundin ko. Para lang maniwala ka na wala akong ibang lalaki. Ikaw ang mahal ko kaya ikaw ang pinakasalan ko. Ikaw ang nakauna ng lahat sa akin.”

Napasinghap ako dahil parang wala na akong hangin sa katawan. Sobrang bigat ng dibdib ko sa mga oras na ito.

“Gray…tingnan mo ako sa mga mata ko. Sa mata mo makikita kung nagsasabi ba ako ng totoo. Uulit-ulitin ko sa iyo…mahal na mahal kita, Gray. Hindi ko magagawang lokohin ka. Hindi ko magagawang ipagpalit ka.”

Nakatitig lamang siya sa akin na tila may mabigat na iniisip. Akala ko ay magsasalita na siya upang sabihin na naniniwala na siya sa akin.

Ngunit ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang dumurog sa puso ko.

"Laura..."

Huminga siya ng malalim bago malamig akong tiningnan.

"Nang dahil sa nangyari…”

Sandali siyang tumigil na para bang kahit siya ay nahihirapang sabihin ang mga susunod niyang salita.

"I don't even know if I still love you."

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko matapos kong marinig ang mga salitang iyon. Ang lalaking minsang nangakong habang-buhay akong mamahalin, ngayon mismo ang nagsasabing hindi na niya alam kung mahal pa ba niya ako. Hindi ko namalayang tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Habang nananatili lamang siyang nakatingin sa akin nang walang anumang bakas ng awa sa kanyang mga mata.

DALAWANG araw na ang lumipas matapos ang naging pag-uusap namin ni Gray sa kusina. Simula nang sabihin niyang hindi na niya alam kung mahal pa ba niya ako, pakiramdam ko ay lalo pang bumigat ang bawat araw na lumilipas. Halos hindi na niya ako kinakausap sa loob ng bahay. Kapag magkakasalubong kami ay para lamang akong hangin sa paningin niya. Kahit anong gawin kong pag-aalaga at paglapit sa kanya ay tila wala na iyong halaga. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang ganitong sitwasyon. Pero isang bagay lang ang sigurado ako….

Hindi ko kayang sumuko sa asawa ko.

Hindi ko na kinaya ang bigat ng nararamdaman ko kaya nagpasya akong puntahan si Hazel. Siya lang ang taong alam kong mapagsasabihan ko ng lahat ng dinadala ko sa dibdib. Pagkabukas pa lamang niya ng p***o ay agad niyang napansin ang pamamaga ng mga mata ko. Wala na siyang ibang itinanong at mabilis niya akong niyakap.

"Laura, umiiyak ka na naman. Ano na naman ang ginawa ni Gray?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya habang tuluyan na namang tumulo ang mga luha ko.

"Hazel... pagod na pagod na ako."

Inakay niya ako papasok sa bahay at pinaupo sa sofa. Inabutan niya ako ng isang basong tubig bago siya umupo sa tabi ko.

"Sabihin mo sa akin ang nangyari. Hindi puwedeng kinikimkim mo lang lagi ang lahat."

Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako huminga nang malalim.

"Dalawang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang sinabi niya. Sinabi niyang hindi na niya alam kung mahal pa ba niya ako. Tapos ayaw na rin niyang kumain ng kahit anong luto ko. Pakiramdam ko bawat araw na lumilipas ay lalo niya akong itinataboy palayo."

Napailing si Hazel habang nakatingin sa akin.

"Laura... hindi na tama ang ginagawa niya sa iyo."

"Hindi ko siya masisisi. Kung ako rin siguro ang nasa kalagayan niya at may nakita akong ganoong mga litrato, baka mahirapan din akong maniwala."

"Hindi iyon ang punto ko. Ang point ko asawa ka niya. Dapat kahit papaano binibigyan ka niya ng pagkakataong magpaliwanag."

"Sinusubukan ko, Hazel. Araw-araw akong nagsusumamo sa kanya pero parang sarado na ang isip niya."

Napabuntong-hininga si Hazel bago marahang hinawakan ang kamay ko.

"Laura, bilang kaibigan mo, masasaktan ako kung hindi ko sasabihin ang totoong iniisip ko. Sa tingin ko, kailangan mo nang pag-isipan ang divorce."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"Hazel..."

"Huwag ka munang magalit. Pakinggan mo muna ako. Hindi ko sinasabing madali ang gagawin mo pero hanggang kailan mo hahayaan na ganyan ang trato niya sa iyo? Araw-araw kang umiiyak. Araw-araw kang umaasa na babalik siya sa dati. Pero sa nakikita ko, lalo lang siyang lumalayo."

Napailing ako.

"Hindi ko kaya."

"Bakit hindi?"

"Dahil mahal ko siya."

"Laura, minsan hindi sapat ang pagmamahal."

"Sa akin sapat iyon. Ayokong sumuko sa relasyon naming ito. Mahal na mahal ko siya.”

"Pero siya? Sa tingin mo ba sapat pa rin ang pagmamahal niya para sa iyo? Hindi ba ikaw na ang nagsabi na parang wala na siyang pagmamahal sa iyo? Paano kung ikaw na lang ang hinihintay niyang sumuko?”

Hindi ako nakapagsalita. Hindi dahil wala akong maisip na isasagot, kun'di dahil natatakot akong harapin ang tanong niya.

"Hindi ko alam," mahina kong sagot. "Pero ayokong sumuko. Anim na buwan pa lang kaming mag-asawa. Napakaaga pa para tapusin ang lahat."

"Anim na buwan nga lang kayong kasal pero isang buwan ka ng pinapahirapan. Isang buwan ka ng umiiyak. Laura, asawa ka niya. Hindi ka dapat tratuhin na parang kriminal."

"Nasasaktan lang siya. Syempre, masakit sa kanya na isiping nilawayan ng ibang lalaki ang asawa niya.”

"Oo, pero hindi ibig sabihin no'n na puwede ka na niyang durugin araw-araw."

Tahimik lang akong yumuko.

"Isa pa," pagpapatuloy ni Hazel. "Sa ibang bansa naman kayo ikinasal. Kung talagang ayaw na niya sa iyo, mas madali kayong makakapag-file ng divorce. Hindi mo kailangang manatili sa isang relasyong ikaw na lang ang lumalaban."

Mabilis akong umiling.

"Ayoko."

"Laura..."

"Hindi ko kayang makipag-divorce."

"Bakit?"

"Dahil kahit nasasaktan na ako sa ginagawa niya, siya lang ang laman ng puso ko. Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong darating ang araw na maniniwala siya sa akin. Alam kong hindi ako nagloko. Alam kong wala akong ibang lalaki. Kapag nalaman niya ang totoo, sigurado akong babalik din siya sa dati."

Napabuntong-hininga si Hazel.

"Natatakot ako para sa iyo."

"Huwag kang mag-alala. Kakayanin ko ang lahat ng ito. Basta hayaan mo lang akong maglabas ng sama ng loob sa iuo.”

"Hindi iyan ang nakikita ko."

Ngumiti ako kahit mabigat ang dibdib ko.

"Kakayanin ko, Hazel. Kahit gaano katagal, hihintayin kong bumalik ang asawa ko."

Hindi na siya nagsalita. Niyakap na lamang niya ako. Alam kong hindi siya sang-ayon sa desisyon ko pero nirerespeto niya iyon bilang kaibigan.

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ako sa kanya. Inihatid niya ako hanggang sa labas ng bahay at ilang beses pa akong pinayuhang mag-ingat sa pag-uwi. Pagkatapos ay sumakay na ako sa taxi at dumiretso sa mansiyon.

PAGSAPIT ng gabi ay nakarating na rin ako sa bahay. Pagkababa ko pa lamang ng sasakyan ay napansin kong maliwanag pa ang buong sala. Nagtaka ako dahil kadalasan ay nasa opisina pa si Gray sa ganitong oras o kaya naman ay nasa study room niya. Habang papalapit ako sa pintuan ay may narinig akong masayang tawanan mula sa loob ng bahay.

Napahinto ako sandali.

Matagal ko nang hindi naririnig ang pagtawa ni Gray. Simula nang mangyari ang insidente sa hotel ay palagi na lamang siyang seryoso at malamig sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang p***o at pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko pa lamang ay agad kong nakita si Gray na nakaupo sa sala. Ngunit hindi siya nag-iisa. Katabi niya ang isang magandang babae na nakasuot ng mamahaling puting dress. Nakangiti ito habang may kinukuwento sa asawa ko at paminsan-minsan ay humahawak pa sa braso nito habang tumatawa. Si Gray naman ay nakangiti rin at halatang komportable sa piling ng babae. Nakilala ko agad kung sino siya.

Si Vivian Beaumont.

Anak siya ng isang mataas na opisyal ng gobyerno at isa sa mga kilalang socialite sa bansa. Bata pa lamang sila ni Gray ay malapit na ang dalawang pamilya. Hindi rin lihim sa mga tao sa paligid nila na matagal nang may gusto si Vivian kay Gray. Sa katunayan, siya ang gustong mapangasawa ng biyenan kong si Helena. Dahil naniniwala itong si Vivian lang ang babaeng karapat-dapat para sa anak niyang tagapagmana ng Ashford Group.

Napatigil ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ko akalaing makikita ko si Gray na nakangiti at tumatawa ulit.

Pero hindi ako ang dahilan ng mga ngiting iyon.

“Nandito na pala ang manloloko mong asawa,” nakangising sabi ni Vivian.

Saglit lang na tumingin sa akin si Gray. Wala akong nakita ni katiting na saya sa mga mata niya. Kaagad din niyang ibinalik ang tingin kay Vivian at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap dito na para bang wala lang akong pagdating.

Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko.

“Huwag mong pansinin ang babaeng iyan,” tila iritableng wika ni Gray.

Napasinghap ako at mabagal akong naglakad papunta sa hagdan. Hindi ko na sila ginambala at hindi na rin ako nagsalita. Habang paakyat ako sa ikalawang palapag ay hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Pilit ko iyong pinupunasan para walang makakita, pero habang naririnig ko ang tawanan nilang dalawa mula sa sala… lalo lamang nadudurog ang puso ko ng pino.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 8

    LAURA"Alam mo naman sigurong matagal nang magkalaban sa negosyo ang Sterling Group at Ashford Corporation.""Yes po.”"Dahil pareho kaming kabilang sa iisang industriya, normal na nagkakasama ang mga CEO ng malalaking kumpanya sa mga business conferences, investors' meetings at corporate gatherings. Hindi man kami malapit sa isa't isa, hindi rin maiiwasang may mga napag-uusapan tungkol sa mga kumpanyang kabilang sa industriya."Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung kakalat agad ang balita na naghiwalay na nga kami ni Gray. Hinihintay ko na lang ang approval ng divorce namin."Kapag may malaking nangyari sa isang kilalang pamilya sa business world, mabilis din iyong nakakarating sa amin. Hindi dahil tsismis ang pakay namin, kundi dahil minsan ay naaapektuhan din nito ang negosyo, reputasyon at maging ang galaw ng mga investors."“Yes. Hiwalay na nga kami ng impaktong iyon. Kapal ng pagmumukha ng siraulong iyon. Magsama silang dalawa ng Vivian landi na iyo

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 7

    LAURAMabilis akong sumunod kay Hazel habang naglalakad kami sa mahabang hallway patungo sa executive floor. Habang papalapit kami sa opisina ng CEO, lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinapatawag gayong wala pa nga akong isang oras sa kumpanya. Hindi pa man ako nakakaupo nang maayos sa magiging workstation ko, heto at nasa harapan na agad ako ng pinakamakapangyarihang tao sa buong Sterling Group.Napansin yata ni Hazel ang kaba ko kaya bahagya niya akong siniko."Huwag kang ganyan. Para kang dadalhin sa execution.""Paano ba naman kasi? Unang araw ko pa lang dito. Baka may mali agad akong nagawa.""Imposible. Hindi ka pa nga halos nakakakilos.""Eh bakit kaya ako pinapatawag?"Nagkibit-balikat siya."Ewan ko. Hindi naman sinabi ni Sir Cassian. Ang sabi lang niya, kapag dumating ka na, ihatid daw kita sa opisina niya.""Sana naman walang problema.""Huwag kang mag-overthink. Kilala ko ang boss ko. Hindi siya iyong tipo ng taong nagpapatawa

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 6

    LAURA Dalawang araw ang lumipas matapos ang interview ko sa Sterling Group. Hindi ko maiwasang kabahan sa paghihintay ng resulta. Kahit paulit-ulit akong sinasabihan ni Hazel na huwag akong mag-alala dahil maganda naman ang naging interview ko, hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Alam kong napakalaking kumpanya ng Sterling Group at siguradong maraming aplikanteng mas magaling at mas maraming karanasan kaysa sa akin. Kaya habang hinihintay ko ang magiging desisyon nila, sinubukan kong huwag masyadong umasa para hindi rin ganoon kasakit kung sakaling hindi ako matanggap. Nasa kusina ako nang umagang iyon at tinutulungan si Hazel na maghanda ng almusal, nang biglang tumunog ang notification ng cellphone ko. Wala naman sana akong balak tingnan iyon agad pero napansin kong seryoso ang mukha ni Hazel habang nakatingin sa screen ng cellphone ko na nakapatong sa mesa. "Hoy, Laura. Parang may email ka." Hindi ko agad pinansin iyon. "Mamaya ko na titingnan." "Aba, bakit mamaya? Malay

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 5

    LAURA“Wow! Tunay ba iyan o joke lang?” nakangising tanong sa akin ni Hazel nang makita akong bitbit ang ilang maleta at bag.Dinala ko halos ang lahat ng gamit ko. At ang mga gamit kong sa tingin ko ay hindi na mahalaga, inutos ko kay aling Rosa na sunugin na lamang niya o 'di kaya itapon. Ayokong may maiwan pa akong mga gamit doon. Hindi na ako babalik sa bahay na iyon. Magsama silang dalawa ng babae. Ni minsan hindi ko pa naman siya nahuhuling naglalampungan ng dalawang iyon.Pero sa tingin ko, imposibleng hindi nagk@ntvtan ang dalawang iyon.Malanding babae si Vivian. Noon pa man, gustong-gusto niya ng mapunta sa kanya si Gray. At siya ang gusto ng byenan kong bruha para sa anak niya kasi nga mayaman sila parehas. Well, sige…isaksak niya sa pvki niya si Gray. “Sa tingin mo, joke pa ito? Ngayon ko lang ito ginawa. At ito na rin ang huli. Humihingi na agad ako ng pasensya dahil magiging abala ako dito sa iyo.”“Gaga! Anong magiging abala ka dito? Tuwang-tuwa nga ako dahil ako lang

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 4

    LAURAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako o nakapikit lang buong magdamag. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Gray kagabi. Akala ko hanggang banta lang ang sinabi niyang ipapahanda niya ang divorce papers. Akala ko kapag nagising siya ngayong umaga ay magbabago ang isip niya. Akala ko kahit paano ay may natitira pa siyang pagmamahal para sa akin.Ngunit nagkamali ako.Katatapos ko pa lamang maghilamos nang marinig ko ang katok sa pinto ng kuwarto."Ma'am Laura," mahinahong tawag ng isa sa mga kasambahay. "Pinabababa po kayo ni Sir Gray. Dumating na po ang abogado."Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Hindi ko agad nabuksan ang pinto. Ilang segundo muna akong nanatiling nakatayo habang pilit na tinatanggap ang narinig ko. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay ngumiti sa akin ang kasambahay, ngunit halata sa mukha nito ang pag-aalala."Naroon po sila sa sala. Bumaba na lang po kayo doon, maam.”Tuman

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 3

    LAURAMAKALIPAS ang ilang araw ay ganoon pa rin ang sitwasyon naming dalawa ni Gray. Pagmulat ko ng mga mata ay napansin kong wala na si Gray sa kama. Agad akong bumangon at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng malaking salamin. Nakasuot na siya ng kulay itim na suit. Maayos ang pagkakapulido ng kanyang buhok at nakahanda na rin ang mamahaling relo na isinuot niya sa kanyang kaliwang pulsuhan.Hindi ko mapigilang mapangiti ng tipid. Matagal ko na rin siyang hindi nakitang maghanda habang naroon ako sa kuwarto. Marahan akong lumapit sa kanya."Ang aga mong nagbihis. May importante ka bang pupuntahan?"Hindi niya ako nilingon. Inaayos lang niya ang cuff ng kanyang coat."Business meeting.""Pwede ba kitang ipaghanda ng breakfast bago ka umalis?""Tanga ka ba? Sinabi kong ayoko ng ikaw ang maghahanda ng pagkain ko.”Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Ayaw ko sanang matapos na ganoon lang ang usapan kaya muli akong nagsalita."Anong oras ka uuwi?"Hindi niya sinagot ang tanong ko

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status