FAZER LOGINAzael Limang taon na pala. Limang taon mula noong araw na sinabi ko sa harap ng altar na “I do,” at hanggang ngayon, tuwing naririnig ko ‘yon sa isip ko, parang lagi pa ring bago. Limang taon ng tawa, away, kulitan, at tuloy-tuloy na pagmamahalan. At sa bawat gising ko, una ko pa ring nakikita si Ximena, ang babaeng siyang nagbigay sa akin ng masarap na tulog at patuloy na nagbibigay sa akin ng peace of mind. “Dad! Dad! Si Ava na naman po ang gumamit ng crayons ko!” sigaw ni Asher, ang panganay namin na apat na taong gulang. Sumunod na tumakbo si Ava, tatlong taon, hawak-hawak ang crayon na parang trophy. “Hindi totoo! Si Asher ang nagsimulang mang-asar!” Napailing ako, pero napangiti rin. “Okay, both of you, crayons down, peace sign up.” Sabay silang nagtaas ng kamay, nakangiti na agad pagkatapos ng ilang segundo. Ganito kami halos araw-araw, gulo, ingay, pero puno ng saya. Habang pinagmamasdan ko silang naghabulan sa garden ng mansion ng aking lolo at lola, ramdam kong iba
XimenaHindi ko alam kung kailan huling tumigil ang mundo para lang sa akin.Pero ngayong araw na ito, sa mismong araw ng kasal namin ni Azael ay parang bawat hinga ko ay puno ng saya, takot, at hindi maipaliwanag na kilig.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin ng hotel suite habang inaayos ni Mama ang laylayan ng aking gown. Isang off-shoulder na satin gown, simple pero eleganteng may mahabang train na sinabayan ng diamond pins sa aking buhok. Sa gilid, naroon si Nicolas na hindi mapakali at halatang naiiyak pero pilit nagtatapang-tapangan.“Grabe, Ate,” sabi niya, sabay punas ng mata. “Hindi ako sanay na nakikita kang ganito kaganda. Parang hindi ka na ‘yung ate kong palaging nagrereklamo pag may deadline.”Natawa ako, sabay hampas ng mahina sa braso niya. “Ewan ko sa’yo, Nicolas. Kanina pa akong kabado, tapos pinaiyak mo pa ako.”“Hindi kita paiiyakin, promise. Pero Ate, proud ako sa’yo. Si Kuya Azael, swerte talaga sa’yo,” sabi niya sabay tingin kay Mama.Ang aming ina naman a
XimenaNarinig ko ang ilang shareholders na nagbulungan, may halong gulat at pag-aalala. Pero si Azael? Ni hindi man lang kumurap.“That’s cute,” sabi niya, halos pabulong pero ramdam mo ‘yung kurot ng sarcasm. “You think buying crumbs gives you the right to sit at the table?”Napahawak ako sa aking dibdib. Grabe ‘yung presence niya. Kahit ako, parang gusto kong tumayo at mag-apir sa kanya sa sobrang intense ng aura niya.Ngunit lalong nagalit si Danilo, galit na galit, at tinuro si Azael. “Watch your mouth, boy! You think you can talk to me like that? I have every right—”Hindi pa siya natatapos nang biglang bumukas ang pintuan. Malakas. Parang pumutok ang kulog sa loob ng silid.At doon pumasok ang isang babaeng halos hindi ko inaasahan na makit, si Mrs. Roccaforte, ang ina ni Azael. Nakataas ang ulo, suot ang dark green na dress na halatang mamahalin, pero ang pinaka-nakakakuryenteng bagay ay ang galit sa kanyang mga mata.“Danilo De Luna!” boses niya ay umaalingawngaw sa buong sil
XimenaTahimik ang buong silid. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin ng mga taong nasa harap namin.Ang ilan ay may kumpiyansa, ang iba ay nagtatago ng kaba sa likod ng pormal na ekspresyon. Pero kahit walang nagsasalita, malinaw sa lahat kung sino ang may hawak ng atensyon sa buong kuwarto.Si Azael.Nakatayo siya sa tabi ko, diretso ang likod, malamig ang mga mata, at may aura ng taong hindi mo gugustuhing kalabanin.Hindi siya kailangang sumigaw. Hindi niya kailangang magpaliwanag.Sapat ang presensiya niya para manahimik ang lahat.“Let’s begin,” mahinahon niyang sabi, ngunit may bigat ang bawat salita.Isa-isa niyang tiningnan ang mga shareholder na nakaupo na sa mahabang mesa, walang kahit sinong umiwas sa titig niya, kahit alam kong gusto na nilang umiwas.At doon napako ang tingin niya kay Danilo De Luna. Masasabi ko na mas may dating ang lalaki kaysa sa picture kahit na may edad na ito. Hindi na talaga ako magtataka kung mabaliw man ang ina ni Azael sa kanya. Kaya lang, big tu
Ximena“Ready?” tanong ni Azael sa akin, kaswal pero halatang may halong excitement sa boses niya. Nasa opisina pa kami, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang mga shareholders. Kakalabas lang ni Sir Simon at sinabing, ‘Kumpleto na ang lahat, kayo na lang dalawa ang kulang.’Napataas ako ng kilay. “Bakit ako ang tinatanong mo niyan?” tugon ko, sabay ayos ng suot kong blazer. “Ikaw, ready ka na ba? Baka mamaya, ikaw ‘yung manginig sa meeting, hindi ako.”Ngumisi siya ng pilyo, ‘yung tipong alam mong may binabalak. “I was born ready, baby…” sabi niya, tapos huminga nang malalim, parang actor sa pelikulang paalis na ng eksena.Bago pa siya tuluyang makalabas ng silid, mabilis kong hinawakan ang braso niya. “Wait.”Lumingon siya sa akin, bahagyang naguguluhan. “What?”Ngumiti ako nang bahagya, pinipigilan ang sarili kong hindi kiligin sa titig niya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko papunta sa kanyang necktie. Medyo nakalaylay kasi ito, and being me, hindi ako makakatiis
Ximena“Pwede mo nang padalhan ng invitation ang lahat para sa shareholders’ meeting.”Napangiti ako sa sinabi ni Azael. Finally. Heto na talaga, matapos ang ilang araw naming halos hindi na umuuwi sa kakaplano, sa kakahanap ng butas, at sa countless overtime, panahon na para i-execute ang plano.“Yes, Sir,” sagot ni Sir Simon at kita ko rin sa mukha niya ang confidence. Yung tipong ‘this is it’ look. Kasama siya ni Azael sa buong plano, at siya pa nga ang may pinakamalaking ambag sa pagkuha ng mga ebidensiyang pwedeng sumira sa mga plano ni Danilo bago pa man siya makalusot sa kumpanya.“Baby,” tawag sa akin ni Azael na may halong pag-aalala sa boses, “if ever, ‘wag kang aalis sa tabi ko kapag nagsisimula na ang meeting. Lalo na kung hinahain na namin ni Simon ang mga dapat naming ihain. Ayokong magwala si Danilo at ikaw ang una niyang maabutan.”Napairap ako nang bahagya, pero may ngiti pa rin sa labi. “You don’t have to worry about me. Promise, magtatago agad ako sa likod mo,” tugo







