Share

K-79

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-04-23 03:11:51

CARLA

Matapos ang ilang oras na usapan nina Carla at Isabella, nagpasundo na si Carla sa binatang si Conrad. Ngunit bago pa man siya tuluyang umuwi sa bahay ng binata, binisita niya muna ang kanyang nasunog na bahay. Wala siyang naisalbang kahit anong gamit doon. Durog na durog ang kanyang puso habang nakatingin sa kanyang nasunog na bahay.

"Hindi ko akalaing sa isang iglap, mawawalang parang bula ang bahay na pinaghirapan kong buuin. Pero ganoon talaga, siguro isa ito sa pagsubok ko sa buhay. Isa ito sa pagsubok na lalong magpapatibay sa akin. Hindi ako basta-basta mapapasuko. Aangat akong muli," bulong ni Carla sa kanyang sarili.

"Magpahinga ka na. Doon ka na sa bahay ko tumira. Kahit doon ka na nga habambuhay tumira," biglang sabi sa kanya ni Conrad.

Nilingon niya ang binata at saka tinawanan. "Saglit lang ako titira sa bahay mo. Nahiya ako sa ganda ng bahay mo. Parang mansyon sa ganda. Sana, magkaroon din ako ng ganiyang kagandang bahay."

Seryoso siyang tiningnan ni Conrad. "Hind
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Celeste Destreza
more updates po please
goodnovel comment avatar
Irish Culminas
wow ang ganda.sana Carla mamahalin mo rin si conrad.thank you author.more update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Ninong's Contract Wife   K-94

    CONRAD "Hindi na pala ako ulit sasama sa iyo sa club. Ayokong mag-away pa kami ng asawa ko. Ayokong mawala ng tuluyan ang tiwala niya sa akin," sabi niya sa kaibigan niyang si Mark."Ayos lang. Walang problema. Ikaw naman ang nagyaya sa akin na pumunta doon. Gagó ka rin kasi eh, may asawa ka na tapos sinamahan mo pa iyong first love mo para pakinggan ang problema niya tapos nagsinungaling ka pa. Bakit hindi mo sinabing may asawa ka na? Anong intensyon mo? Balak mo siyang agawin sa asawa niya? Mahal mo pa rin hanggang ngayon si Mia?" mabilis na sabi ni Mark.Umiling si Conrad kasabay ng pagtiim ng kanyang bagang. "Ang laking pagkakamali ng nagawa kong iyon. Maling-mali ang pagsisinungaling ko. Hindi ko na siya mahal. Wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Siguro, nabigla lang ako nang makita ko siya kaya ko nasabi iyon. Pero na-realized kong maling-mali pala ang ginawa kong iyon. Siguradong masasaktan ko ang asawa ko kapag nalaman niya ang tungkol dito."Tinawanan siya ng ka

  • My Ninong's Contract Wife   K-93

    CARLOS "Hindi ko akalain na magkikita tayo dito. Bakit kayong dalawa lang ng anak mo ang nandito? Nasaan ang asawa mo?" tanong ni Carlos kay Mia. Mapait siyang nginitian ng babae. "Wala eh. Cool off muna kami ngayon. Pinaalis ko muna sa bahay. Nai-stress ako sa kanya eh. Pahinga ko muna utak ko kaiisip sa kanya. Gumala kami ng anak ko ngayon para maglibang. Para mawala muna siya sa isipan mo," mabilis na wika ni Mia. Kumunot ang noo ni Carlos. Kasalukuyan silang nasa mall kung saan nakasalubong niya si Mia. Muntik pa nga niyang mabangga ito, mabuti na lang naiwasan siya at nagulat nang makita si Mia. "Nandito ka lang pala nakatira sa lugar na ito pero ngayon lang kita nakasalubong sa mall na ito. Madalas akong nandito eh." Pumiksi si Mia. "Ngayon lang kasi ako ulit lumabas. Madalas lang kasi akong nasa bahay. May trabaho ako at nasa bahay lang din kaya hindi na ako halos lumalabas. Pero dahil gusto kong maglibang, lumabas na muna ako sa lungga ko." Tumango-tango si Carlos. "Tama

  • My Ninong's Contract Wife   K-92

    CARLAHindi nakatulog ng maayos si Carla nang gabing iyon. Umaalingawngaw sa isipan niya ang sinabi sa kanya ni Conrad. Kumukulo tuloy ang dugo niya sa inis.'Ang kapal yata ng pagmumukha ng lalaking iyon? Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin iyon! Humanda siya sa akin!' sigaw ni Carla sa isipan.Dalawang oras lang nakatulog si Carla. At dahil nga iyon sa sinabi ni Conrad na talagang hindi niya inasahan. Lumabas na siya ng kanyang kuwarto at saka naghanda ng almusal. Kalmado lang ang itsura niya. Hinintay niyang bumaba ng kuwarto si Conrad dahil hindi niya ito tinabihan. Inis na inis kasi siya. Pero hindi niya ito kinompronta dahil nakainom ito."Good morning mahal kong asawa," nakangiting wika ni Conrad nang magtungo ito sa kusina.Asar na ngumiti si Carla nang harapin niya ang kanyang asawa. Akmang yayakapin pa siya ni Conrad nang bigla niya itong sampalin ng malakas. Nanlaki ang mga mata ni Conrad dahil sa matinding gulat. "Ano? Gising na gising ka na ba? Wala na ba ang tama n

  • My Ninong's Contract Wife   K-91

    CONRAD 'I'm sorry, Carla.... kailangan ko munang samahan si Mia ngayon dahil may problema siya. Pero hindi kita lolokohin. Wala akong gagawing masama,' wika ni Conrad sa kanyang isipan bago pinatay ang kanyang cellphone at saka nagtungo sa kinaroroonan ni Mia. Sa mga oras na iyon, tila nakalimutan ni Conrad na mayroon siyang asawang naghihintay sa kanilang bahay. Para sa kanya, wala naman siyang gagawing masama. Hindi naman niya lolokohin ang kanyang asawang si Carla. Sadyang hindi niya lang matiis si Mia na makitang malungkot at gusto niyang samahan ito. Gusto niyang mapakingan ang hinaing ng babaeng una niyang minahal."Bakit nandito ka pa? Umuwi ka na. Dadating na ang kasama ko... iyong kaibigan ko," wika ni Mia bago nagsalin ng alak sa kanyang baso."Aalis na lang ako kapag dumating na ang kasama mo. Gusto muna kitang samahan dito. Baka mamaya mabastos ka pa ng kung sinong lalaki dito. Babasagin ko talaga ang pagmumukha ng lalaking iyon," gigil na wika ni Conrad.Tinawanan siya

  • My Ninong's Contract Wife   K-90

    CONRAD "M-Mia?" nauutal niyang sabi kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi niya inasahang muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ng unang babaeng kanyang minahal. Hindi pa rin nagbago ang itsura ni Mia. Napakaganda pa rin nito mula noong una niyang masilayan ang dalaga. Parang pinagtatambol ang puso ni Conrad habang nakatingin kay Mia. Para nga siyang mauubusan ng hangin sa katawan habang nakatingin sa babaeng kinabaliwan niya noon. Ang babaeng palagi niyang iniisip. Ang babaeng nagpaamo sa kanya at nagpatigil ng mga kalokohan niya. At ang unang babaeng dumurog ng kanyang puso. Pangalawa lamang si Isabella. Pilit niya kasing inaalis sa isipan niya si Mia at sinasabing hindi niya ito nakilala. Na hindi pumasok sa buhay niya si Mia. "Conrad? Uy! Long time no see! Kumusta ka naman?" masiglang tanong sa kanya ni Mia. Napakurap si Conrad at saka ngumiti ng alanganin. "Ito ayos lang naman ako. Ikaw ba?" Bumuntong hininga si Mia. "Ayos lang din naman. Patuloy pa

  • My Ninong's Contract Wife   K-89

    CARLABumuntong hininga si Carla dahil pagbalik niya sa kanilang bahay, wala pa rin si Conrad. Kagagaling niya lang sa bahay na kanyang pinagagawa at sumaglit din siya sa bahay ng kanyang kaibigan na si Isabella. Gabi na nga siya nakauwi pero wala pa rin ang kanyang asawa."Nasaan na kaya ang lalaking iyon?" kakamot-kamot sa ulo niyang tanong sa sarili.Lumabas siya ng kanilang bahay at nag-abang sa labas. Ilang minuto rin siyang nakatayo doon pero wala pa rin ang anino ni Conrad. Balak na sana niyang pumasok sa loob ng kanilang bahay nang may humintong sasakyan sa kanyang harapan. Lumabas mula doon si Carlos."Magandang gabi sa iyo. Nadiyan ba ang kapatid kong si Conrad?" tanong ni Carlos sa kanya."Wala eh. Hinihintay ko nga rin siya," sagot niya bago luminga-linga.Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Carlos. "Pasensya na sa abala. Ano nga pala ang pangalan mo?""Carla.""Carla. Kay gandang pangalan. Pasensya ka na, Carla sa nangyayari sa amin ng kapatid ko. Wala naman akong iban

  • My Ninong's Contract Wife   K-88

    CARLA Hindi pa rin makausap ni Carla ang kanyang asawang si Conrad. At wala siyang lakas ng loob na kausapin ito dahil baka masigawan lamang siya at mag-away pa sila. Kitang-kita niya kasi sa mga mata ng kanyang asawa ang matinding galit. Parang lalamunin siya nito ng buhay kung makatingin. Iniisip niya ang kapatid nito na siyang tumulong sa kanya. Iniisip niya kung talaga bang masama ang ugali nito o baka naman mali lang talaga ang daddy nila. At dahil iyon sa hindi pantay na pagmamahal sa kanilang dalawa. "Aalis na ako," sambit ni Conrad bago tuluyang lumabas ng kanilang kuwarto. Hindi na lang nagsalita si Carla. Iniligpit niya ang kanilang pinaghigaan bago lumabas ng kuwarto. Nakahanda na ang kanila sanang almusal. Pero dahil nagmamadaling umalis ang kanyang asawa, hindi na sila nagkasabay pang kumain. 'Hindi pa rin pala nawawala ang galit ni Conrad sa kapatid niya. Pero iyon lang ba talaga ang dahilan? Ang hindi pantay na pagmamahal ng daddy nila sa kanilang dalawa? O ma

  • My Ninong's Contract Wife   K-87

    CARLA Lumipas pa ang mga araw, inis na inis si Carla nang biglang huminto ang sasakyan niya sa gitna ng kalsada. Papunta siya ngayon sa pinagagawa niyang bahay. Napunta siya doon every other day para bantayan ang mga gumagawa. Ayaw niya kasing makaligtaan iyon dahil baka utakan siya at hindi ayusin ang trabaho ng mga ito. "Ano?! Seryoso ba ito?! Anong katangahan naman ito?!" inis na sambit ni Carla sa sarili. Mahina niyang natampal ang kanyang mukha nang maalalang hindi pala niya nasaksak ang charger ng kanyang cellphone. Low battery ito kaya lalong uminit ang ulo niya sa inis. "Buwisit!" inis niyang sabi bago lumabas ng kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan hanggang sa may humintong magarang sasakyan sa kanyang harapan. "Miss? Kailangan mo ng tulong?" wika ng isang guwapong lalaki. Kumunot ang noo ni Carla dahil tila may kahawig ang lalaki. Lumabas ito ng kanyang sasakyan at saka l

  • My Ninong's Contract Wife   K-86

    CARLA "Gusto mong kumain tayo sa labas? Gusto mong mag-rides tayo? Mag-relax para mas makilala pa natin ang isa't isa? Mas palagay pa ang loob natin sa isa't isa?" Kumunot ang noo ni Carla sa sinabing iyon ni Conrad. Para kasi sa kanya, biglaan iyon at nakakapagtaka. Pero naisip niyang mas mainam nga iyon para lalo pa silang magkakilala ng kanyang asawa. "Oo sige. Walang problema. Ngayon na ba? Hapon na," tugon niya. Ngumiti ng matamis si Conrad. "Mas mainam para hindi na mainit. Rides tayo tapos kain. Masarap mag-rides, promise." Lumabi si Carla bago inirapan ang kanyang asawa. "Mukhang marami ka na yatang babaeng nakasama sa pagra-rides mo na iyan." Mabilis na umiling si Conrad. "Wala pa akong babaeng inaanngkas kapag nagra-rides kami. Mag-isa lang ako. Sa mga barkada ko, ilan din kaming wala pang girlfriend. Iyong iba naman sa amin, may girlfriend na at may asawa na." Umirap si Carla sa hangin. Hindi pa siya nakakasama sa kahit anong rides dahil wala pa naman talaga s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status