공유

Kabanata 5

작가: Supremo
last update 게시일: 2025-09-06 21:17:20

Pinilit kong magpanggap na kalmado. Inabot ko ang envelope at inilapag iyon sa mesa niya.

“Sir, here are the documents from HR,” malamig kong sabi, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses.

Tahimik lang siya, nakatitig pa rin sa akin. Parang hindi makapaniwala na nandito ako sa harap niya. Ilang segundo bago niya kinuha ang envelope, saka mahinang nagpasalamat.

“Thank you…”

Tumango ako at agad na nagpaalam. “Babalik na po ako sa department, Sir.”

Pagkalabas ko ng opisina, halos manghina ang tuhod ko. Napasandal ako saglit sa pader ng hallway, pilit humihinga nang malalim. Pakiramdam ko, bumalik lahat ng alaala, ang gabing pinagsaluhan namin, at ang sakit ng umagang iniwan niya ako na parang wala lang.

Bakit ganito? Bakit sa dinami-dami ng kumpanya sa mundo, dito pa ako napunta? At bakit siya pa ang boss?

Kinabukasan. Pinatawag ang department namin para sa isang meeting. Akala ko normal lang, pero sinabi ng supervisor na para raw i-welcome ako. Nagulat ako. Ako lang naman ang bagong empleyado, bakit kailangan i-welcome agad? Hindi ba pwedeng hintayin na lang ang mga bagong iha-hire?

Pagpasok namin sa conference room, naroon na siya. Nakatayo sa harap, naka-suit, seryoso ang ekspresyon. Pero nang magtagpo ang mga mata namin, saglit siyang napatigil. Bumalik siya sa pagiging pormal.

Tahimik ang lahat, tila takot na magsalita.

“Good morning, everyone. Today, we welcome a new member of our growing family. Let’s all give a warm welcome to Miss Bea…”

Napalunok ako nang buo niyang banggitin ang pangalan ko. Hindi niya dinugtungan ng apelyido, parang sinadya niya. Lahat nagpalakpakan, lahat nakangiti sa akin. May nagbiro pa, “Special yata si Bea, may pa-meeting pa agad.”

At hindi lang pala iyon. Pagkatapos ng meeting, in-announce ng HR na magkakaroon ng welcome party para sa akin. Nagulat ang lahat, lalo na’t hindi raw iyon ginagawa para sa rank-and-file employee.

“Grabe, Bea,” bulong ng isa kong officemate. “First time ‘to. Must be nice.”

Napilitan akong ngumiti. “Siguro dahil bago ako.”

Pero sa loob-loob ko, alam kong may kinalaman siya rito. Bumabawi ba siya? Para ano? Makuha ulit ang loob ko?

Still, ayoko ng ganito. Gusto ko lang maging lowkey sa kumpanya. Ayoko ng atensyon. Hindi ganito ang gusto ko.

Kinagabihan, sa party, masaya ang lahat. May food, may drinks, may bandang tumutugtog ng light music. Nagtatawanan ang mga officemates ko habang nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho at sa mga nakakatawang karanasan sa kumpanya. Ako, tahimik lang sa gilid, nakahawak sa baso ng juice. Hindi naman ako umiinom. Nakakalasing 'yon.

Habang pinaglalaruan ko ang baso, nahuhuli kong nakatingin siya sa akin mula sa kabilang mesa. Kapag nagtatama ang mga mata namin, mabilis siyang umiiwas, pero ilang minuto lang, muli ko siyang makikitang nakatingin.

“Bea, halika dito!” tawag ng isang officemate. Lumapit ako, sumali sa usapan. Pilit akong nakitawa, pilit nakisabay, pero sa bawat sandali, ramdam ko ang presensya at paninitig niya.

Ilang saglit pa, siya na mismo ang lumapit sa mesa namin. Ngumiti siya sa lahat, pero alam kong sa akin siya nakatuon.

“I hope you’re all enjoying tonight. This is for Bea, our newest member. Let’s make her feel at home.”

Nagtawanan at nagpalakpakan ang lahat. Ako naman, halos hindi makatingin. “Thank you, Sir,” mahina kong sabi, nahihiya.

"Enjoy, Bea." And by that, I felt my heart skip a beat.

Pagkatapos ng party, umuwi agad ako sa apartment. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Nakahiga ako, nakatitig sa kisame, at paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga titig niya.

Bakit pakiramdam ko wala lang ako sa kanya? Na pagkatapos ng nangyari sa amin, ngayon, parang... hindi na ako iyong babaeng minsan niyang inalagaan.

Naalala ko ang lahat ng sandali sa probinsya. Ang mga ngiti niya, ang mga yakap niya, ang pakiramdam na ako lang ang mundo niya. At ang sakit nang iwan niya ako na parang wala akong halaga.

Ngayon, heto na naman ako, gulong-gulo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Ang sigurado lang ako, natatakot akong mahulog ulit, at sa ninong ko pa... ulit.

Mga sumunod na araw. Sinubukan kong umiwas. Kapag may ipapapirma akong dokumento, hindi ako tumitingin sa kanya. Kapag dumadaan siya sa department namin, kunwari abala ako sa computer. Pero kahit anong iwas ko, lagi kong nararamdaman ang mga titig niya.

Isang hapon, habang palabas ako ng opisina, bigla siyang sumabay.

“Bea, wait,” tawag niya.

Nanlamig ako. “Yes, Sir?”

Tumingin siya sa paligid, parang sinisiguradong walang makakarinig. “We need to talk.”

Umiling ako agad. “Wala tayong dapat pag-usapan, Sir.”

“Bea—”

“Please,” putol ko, halos pabulong pero mariin. “Huwag na nating balikan. Tapos na iyon.”

Natahimik siya. Kita ko sa mga mata niya ang bigat ng gusto niyang sabihin, pero hindi ko na hinintay. Tumalikod ako, iniwan siyang nakatayo roon.

Late na akong nakauwi dahil natambakan ako ng trabaho. Hindi ako makatulog. Ang salitang binitawan niya ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko. We need to talk.

Ano ang gusto niyang sabihin? Hihingi siya ng tawad? Ipaliwanag kung bakit siya umalis nang walang paalam? O baka naman… lilinawin lang na wala talagang halaga ang nangyari sa amin noon?

Humigpit ang yakap ko sa unan. Ayokong umasa. Pero bakit, sa kabila ng lahat, umaasa pa rin ako?

Kinabukasan, ipinatawag ako sa office niya. Hawak ko ang isang envelope ng mga papeles, kabadong-kabado. Bago ko pa mabuksan ang pinto, narinig ko ang boses niya mula sa loob, kausap ang isa pang executive.

“Yes, I’ll take care of it. Don’t worry. But make sure no one finds out about Bea.”

Parang may sumabog sa loob ko. Nanlamig ako sa narinig. No one finds out about Bea.

Anong ibig niyang sabihin?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (4)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
mabuti d ka nabuntis
goodnovel comment avatar
Merry Anne Francisco
update na te ilang araw na ako nag hahantay ng upddate
goodnovel comment avatar
Anna Margarita Mabutin Banquilay
more update pa plsss
댓글 더 보기

최신 챕터

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 137

    "R-Ryu?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa basket ng mangga na nilapag niya sa sahig."Delivery," tipid niyang sagot. He ignored me. Sinilip niya kung may tao sa loob. "Ang lolo mo?""Sa a—""Hijo, nandyan ka na pala!" bungad ni Lola na nasa tabi ko na agad. "Naku, mukhang marami-marami ang maibebenta ko niyan. Pasok ka, hijo."Nilipat ni Ryu ang tingin sa akin. "Are you going to stand there? Ipapasok ko 'to."Nakaramdam ako ng hiya. Tumabi agad ako at halos hindi huminga ng pumasok siya. Naamoy ko iyong amoy niya at masasabi kong naligo na siya. He smells so fresh, habang ako... baka amoy isda, or should I say, amoy talagang isda.Huminto siya sandali sa tapat ko bago tuluyang pumasok. "You smell..." Pinasadahan niya ako ng tingin at hindi na itinuloy ang sasabihin saka ako nilampasan.What... was that? Sinasabi ba niyang mabaho ako?Ugh! Nakakahiya, Bea! Dapat naligo na ako kanina pa eh! Hindi ko naman kasi alam na pupunta siya rito para mag

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 136

    Naramdaman kong nanigas si Ryu nang hawakan ko siya sa pulsuhan. Pinadaosdos ko ang kamay ko sa palad niya hanggang sa tuluyan kong mahawakan ang kamay niya at isinabit sa darili niya ang paper ba.Kumabog ng mabilis ang puso ko sa intereaction na 'yon, pero pinili ko pa ring bumitaw."I know you're tired and haven't eaten yet, please accept it," halos pabulong kong sabi sa kanya, tinutukoy iyong pagkain na in-offer ko sa kanya kanina. "M-Mag-iingat ka, Ryu." Na para bang isang kasalanan na banggitin ko ang pangalan.Nahagip ng mata kong tinanggal niya ang kanyang mask, pero naka-sideview lang siya. Hindi na ako nag-abalang pagtuunan ng pansin ang mukha niya at tumalikod na.Alam kong ayaw niyang ipakita ang mukha niya ninuman, pero hindi nakaligtas sa akin iyong peklat niya sa ilalim ng mata.Bago ako tuluyang umalis, tumayo ako sa pampang at kumaway habang siya, papaalis na. Nakita ko rin ang mga kasama niya na nakasunod sa kanya, na kumaway sa akin pabalik.Pagbalik ko sa palengke,

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 135

    "You..." pabulong na sabi niya, ang boses niya ay mas lalong lumalim.I felt like I was hypnotized."B-Bakit hindi mo tanggalin ang mask mo?" basag ko sa katahimikan, bagama't nanginginig ang boses ko. "Masyadong mainit dito sa palengke. Hindi ka ba nasasakal? Tanggalin mo 'yan para makahinga ka nang maayos."Tinitigan niya ako nang ilang segundo, tila kinikilatis ang bawat parte ng mukha ko. Bahagyang gumalaw ang panga niya, ngunit bago ko pa mahulaan ang iniisip niya, bigla siyang umatras nang isang hakbang at iniwas ang kanyang tingin."No need," matigas at maikli niyang sagot habang inaayos ang kanyang bonnet, saka pinunasan ang pawis sa noo. "I'm used to this."Ipinagpatuloy niya ang pagtanggal ng tinik sa isda, pero napansin ko na mas mabilis na ang galaw niya ngayon, tila ba nagmamadali siyang matapos ang ginagawa niya. Hindi na siya nagsalita pa muli, at ako naman nanatiling nakatayo sa tabi niya, tahimik na nanonood.Matapos ang ilang minuto, malinis na ang tatlong malalaking

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 134

    Bea's POVBinalot kami ng katahimikan habang naglalakad pabalik sa pwesto nina Lola. Mabilis niyang binitawan ang pulsuhan ko nang marealize niyang hawak-hawak niya ako, at kahit nakamaskara siya, ramdam ko ang biglang pagkailang sa pagitan naming dalawa.Normal lang siguro na mailang kasi ngayon lang kami nagkita? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tib0k ng puso ko?Mahina akong umiling. Dapat nagpacheck-up ako sa puso bago tumulak dito, pero ngayon lang naman nangyari 'to. Ano ba 'yan!"Dito ba?" malamig niyang tanong nang makarating kami sa lamesa kung saan nakakalat ang mga bangus at tuna."O-Oo, dito," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.May sira na yata ang puso ko. Kanina no'ng hawakan din niya ako, pakiramdam ko nakuryente ako.Sinuot ko ang apron ko habang si Ryu naman kumuha ng isang malaking bangus. Pumuwesto ako sa tabi niya, as in sobrang lapit. Masyadong maingay ang palengke, may sumisigaw ng presyo ng gulay at isda, may nagtatagistisan n

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 133

    Bahagyang natigilan ang lalaki sa pangalang binanggit ni Bea. Kumunot ang noo nito, bakas ang kalituhan sa kanyang mga mata sa likod ng mask."I'm sorry, what did you call me?" tanong muli ng lalaki, sa parehong baritonong boses na limang taong gabi-gabing naririnig ni Bea sa kanyang mga panaginip. "My name is Ryu, Miss. Are you alright? You look like you've seen a ghost."Napahawak si Bea sa kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso niya—iyong pamilyar na kaba, iyong sakit, at iyong pag-asa na pilit niyang ibinaon, lahat iyon bumalik sa isang iglap. Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit nakamask ito, kahit balot ang ulo, ang boses na iyon... ang mga matang iyon..."Rad... is that really you?" nanghihinang tanong ni Bea, nagsisimula nang manlabo ang paningin dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.Tumingin lang ang lalaki sa kaniya, bakas sa mga mata na hindi siya nito kilala. "I'm afraid you have the wrong person, Miss. Excuse me, I have work to finish."Tumalikod ang lalaki at binuhat

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 132

    THIRD PERSON POVMaraming taon ang lumipas, ngunit bawat sulok ng mansyon ng mga Anaji ay tila nakaukit pa rin sa alaala ng isang lalaking hindi na muling natagpuan. Gayunpaman, sa gitna ng malawak na hardin kung saan dati may isang puting kabayong naglalakad kasama ang alaala ni Radleigh, isang bagong buhay ang nagbigay ng kulay sa bawat umaga."Mama! Look! I caught a butterfly!" sigaw ng isang maliit na bata, puno ng sigla ang boses nito habang tumatakbo patungo kay Bea.Si Rion. Limang taong gulang, may mga matang singkit at mapupungay, at panga na tila ipininta mula sa mukha ni Radleigh. Siya ang buhay na imahe ng lalaking nawala sa dagat, ang consolation prize na tinawag ni Chia noon, na ngayon ay siyang sentro ng mundo ng buong pamilya Anaji.Napangiti si Bea, isang ngiti na bagama't may bahid pa rin ng nakaraan na puno ng pag-asa. Lumuhod siya para pantayan ang anak at pinunasan ang pawis nito sa noo. "Ang galing naman ng baby ko. But you have to let it go, Rion. Butterflies b

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status