LOGINTapos na akong kumain at nakapagpahinga na rin ako. Ngayon ang gusto kong gawin ay makita ang mga anak ko. "Mga kuya, kaya ko na po. Gusto ko na po lumabas dito sa kwarto. Gusto ko ng makita ang mga anak ko," nakangiting pakikipag-usap ko. "Sige, pero nandito lang kami ni kuya Jayson mo sa tabi mo ah." Sabay nila akong inalalayan na tumayo. Kinuha ni kuya Jayson ang isang pang babae na tyenelas na nasa ilalim ng kama at isinuot ito sa akin. Dahan-dahan na akong nagumpisang maglakad. Kahit paano ay nagagawa ko ng kontrolin ang katawan ko. Dahil nagkaroon ako ng lakas matapos kumain kanina. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Nakangiti kong pinagmasdan ang bahay. Walang pinagbago, na miss ko ang bahay na 'to. Hindi ko nga inaasahan na mas maaga akong makakabalik dito. Nang makababa kami. Narinig ko na ang mga boses ng anak ko. Kasama nito ang boses ng kuya Julian ko at may isa pa. Kung hindi ako nagkakamali nandito din si Liam. --- Ang lalaking 'y
GRACE POINT OF VIEW Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay maayos na ang katawan ko. Kaso lang sobrang hapdi ng tiyan ko na parang walang laman kahit na kunti lang. Nang dahan-dahan kong binubuka ang mga mata ko. May na aaninag na ako, dahilan na makaramadam ako ng tuwa. Ngunit, may halong kaba ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Wala akong maintindihan. Gayunpaman, tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. Dito na mas tumama sa mata ko ang silaw ng ilaw. Tila'y hindi na ako masyadong nasanay sa maliwanag. Tinakpan ko ang mata ko gamit ang kamay ko. Sumilip lang ako sa mga daliri ko. "Totoo nga? Nakakakita na ako?" gulong-gulo kong wika sa aking sarili. Dahil sa hindi makapaniwala, pinaikot ko nang dahan-dahan ang mata ko. Hanggang sa mas marami na akong nakikita. Kita ko na ang kamay ko, paa ko, katawan. As in lahat. "Pero, na saan ako? Parang familiar yata sa akin ang lugar na 'to?" mahinang tanong ko sa sarili ko. Sinubu
"Itinakda na siyang ikasal. Kaya wala ka ng magagawa pa. Ang ama na niya ang nagdesisyon at wala kang laban doon. Jeff, gusto man kita tulungan ay wala rin akong magagawa. Si Grace ang nawawalang bunsong anak ni Mr. Sison Santiago. Nakikita mo naman sa mga litrato at walang bahid na kasinungalingan 'yan. Kailangan mong tanggapin ang desisyon na 'yon. Layuan mo si Grace habang hindi pa si Mr. Sison ang nag-uutos sa 'yo. Ang totoo nga si Jackson mismo ang nag-utos sa akin na sabihin ito sa 'yo." Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano nangyari 'to. Akala ko ay nasa simpleng pamilya lang si Grace. Pero hindi ko pala siya kayang abutin. "Kung ganun ang nagpakilalang Jack sa akin ay si Jackson?" Tanging tango naman ang isinagot niya. "Gelo, salamat sa mga sinabi mo. Salamat dahil pinaalam mo sa akin. Pero kahit na anong mangyari, hindi ako papayag na ikasal si Grace sa iba. Dahil sa akin siya ikakasal kahit na ano ang mangyari." Wala akong pakealam kung ano ang magiging kahihinatnan ko ka
• • • • • • • • • • Nakangiting lumabas si Lisa sa bahay ni Jeff. "Nang marinig ko ang sinabi ni Jeff. Halos maging masaya ako. Dahil sa wakas ay nagtagumpay din ako. 'Yon lang pala ang magiging sagot para tuluyan siyang mawala dito sa bahay ni Jeff. Hayts, salamat naman sa magaling kong pag-iisip." Ito ang naging saad niya sa isipan niya habang naglalakad siya. "Oii, ang tapang tapang mo talaga. Pinahanga mo na naman ako Lisa. Sino ba ang makakapagtahimik ng bibig mo, huh?" biglang pagsulpot ni Dwane. Natatawa siyang inaasar si Lisa. "Bwesit ka talaga! Anong ginagawa mo huh? Sinusundan mo ba ako huh?" inis na inis na aniya ni Lisa sabay ayos ng buhok niya. Ngunit, tawa lang binigay sa kaniya ni Dwane. "Ano ba? May nakakatawa ba? Ako, hindi ako natatawa, okay?" pagtataray niya. "Alam mo, ikaw ang taray mo. Hindi lang 'yon ah, dahil ang OA mo rin. Alam mo naman na ito ang daan papunta sa labas. Tapos sasabihin mong sinusundan kita? Tsk! Aminin mo na kasi sa akin Lisa. Crush
Dinala ako ni Dwane sa bar. Napa-sapo ako sa noo ko, anong gagawin namin dito? Tanghaling tapat dito pa niya inisip na dalhin ako? "Walang hiya ka talaga! Umuwi na lang tayo imbis na mag-inom ng ganitong oras. Wala ako sa mood ah para makipagbiruan sa 'yo." Agad kong reklamo sa kaniya subalit tinawanan lang ako. "Para ma-relax ka, ayaw mo ba? Matuwa ka na lang kaya, kasi dinala pa kita dito," pagtatanggol pa niya sa sarili niya. "Baliw ka ba? Iinom talaga tayo ng ganitong oras? Iuwi mo na ako, wala akong oras para diyan. Bwesit ka talaga Dwane. " Napasandal na lang ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata. "Sige na, larga na. Ihatid mo ako sa bahay, gusto ko magpahinga," sabay singhap ko. "Sige na nga. Parang nagbibiro lang naman," sabay tawa niya. "Ang ganda ng biro mo, ang sarap mong sapakin," walang ganang aniya ko ngunit tumawa pa rin siya. Naramdaman ko na Lamangan na umaandar na ulit ang kotse. Hanggang sa hindi ko namamalayan na unti-unti na akong nakakatulog.
JEFF CRUZ POINT OF VIEW Wala ako sa sariling pumasok sa kompanya ko. Kasama ko dito si Dwane. Wala man lang akong salita na masabi. "Tama na nga 'yan bro. Kagabi ka pa nagmumokmok. Alam mo ba pupunta dito mamaya ang lolo mo. Kailangan mo umayos. Masyado kang malungkot at wala sa sarili. Ano na lang ang isipin ng lolo mo sa 'yo? Gusto mo bang isipin niya na mahina ka pa rin? Tsk! Kahit na anong mangyari. Ipakita mo sa kaniya na kaya mo. Babalik pa rin naman sa 'yo si Grace. Kailngan niya lang magpahinga nang maayos at tama ang desisyon ng kuya niya. Mas mabuti pa nga 'yon para sigurado talaga ang kaligtasan niya," mahabang sanaysanay ni Dwane. "Pati ba naman ikaw bro, iniisip mo na nagiging masama lang ang lagay ni Grace sa akin? Kapahamakan lang ba ako sa kaniya?" walang ganang tanong ko. Habang nasa malayo pa rin ang tingin ko. Hindi nga ako maka-upo nang maayos. Mukha akong tanga dito na naghihintay ng kung ano ang darating. Pero si Grace lang talaga ang nasa isip ko pati na ri
PANIBAGONG ARAW Masaya si Grace na nagpapatugtog ng piano. Dahil ramdam niya na masaya ngayon si Jeff. Dalawa lamang sila ang magkasama sa isang silid. Samantalang hindi inaasahan na may mga batang nakasilip sa kanila sa pintuan. Walang iba kundi ang mga anak ni Grace. Lihim na sumunod sina John
GRACE POINT OF VIEW Hindi ko na alam kung saan pumunta ang mga anak ko. Basta dinala lang nila ako rito. Sabi nila dito daw muna ako sa upuan, sa harap ng mesa. Pero alam ko nandito pa rin kami sa park. Tahimik kong nararamdaman ang malamig na paligid. Maya-maya pa, bigla na lamang may boses ng
Hindi ko inaasahan na pagbalik ko sa Sant Hotel wala na si Grace sa room 6. "What do you mean by that? Alam mo ba kung saan lumipat ang babaeng nag-stay dito?" deretsahang tanong ko sa isang babae. Siya ang bagong naka-book dito sa room 6. "Pasensya na sir. Pero pagdating ko dito kanina ay wala
Ilang minuto din kaming natahimik. Kaya naman huminga ako nang malalim upang magkaroon ng lakas para magsalita. "May kailangan ka ba?" deretsahang tanong ko. Pinilit kong hindi manginig ang boses ko. "Ahm, may gusto lang sana akong tingnan. Ayos lang ba sa 'yo na pumasok ako?" Ang boses niya. Hin







