LOGIN"Tama na 'yan Jayson. Wala na tayong magagawa sa disisyon ni Dad." Mas lalo akong nanghina sa sinabi ni kuya Jackson. Kung ganun, pumapayag siyang ipakasal ako sa kung sino lang? Dahan-dahan ng tumulo ang mga luha ko. "Dad, ayaw ko pong ikasal. Pagbabayarin ko po ang kasalanan ko. Pero ayaw ko po ikasal," mangiyak-ngiyak na pakikiusap ko kay Daddy. Ngunit, sa nakikita ko sa kaniyang itsura ay wala na siyang pakealam. --- Hindi! Hindi ako papayag sa gusto niya! Ipaglalaban ko ang sarili ko at ang pagmamahal ko kay Jeff. Kahit na anong mangyari, hindi ako magpapakasal na lang basta-basta! "Dad, bawiin niyo ang sinabi niyo. Gusto mo ba talaga na mahirapan si Grace? Gusto mo ba talaga na dalhin niya habang buhay ang kalungkutan? Bakit ka ba ganyan Daddy???" pagpipigil ni kuya Jayson sa galit niya. "Jackson, ilabas mo na sila bago pa tuluyan na uminit ang ulo ko," sabay talikod ni Daddy. Kalaunan ay tuluyan kaming inilabas ni kuya Jackson sa kwarto ni Dad. Wala ako sa sarili
"Kuya, nandito ba si dad?" mahinahon kong tanong. Syempre, gusto ko rin makita ulit si Daddy. Kaso lang nahihiya ako. "Kuya, sa tingin niyo ba? Matatanggap pa ba ako ni Dad?" "Bakit naman hindi? Tanggap ka nga namin ng mga kapatid mo, si Dad pa kaya? Of course tanggap ka pa rin ni Dad. Sa totoo nga, hinihintay ka ni Dad na magising. Excited siya na makita ka ulit na maayos ang lagay mo." Dahil sa sinagot ni kuya Jayson lumuwag ang pakiramdam ko. Masaya akong makita si Dad ulit. "Gusto mo bang puntahan natin si Dad?" nakangiting tanong ni kuya Jayson. "Opo, gusto ko siya makita," natutuwang sagot ko. Ngunit, gayunpaman, narito pa rin sa puso ko ang kahihiyan na ginawa ko. "Julian, Liam dito muna kayo. Asikasuhin niyo muna nag mga bata. Kami na muna ang makikipag-usap kay Dad," seryosong utos ni kuya Jackson. "Huh? Bakit? Hindi ba kami pwedeng sumama?" pagtataka ni kuya Julian. Ganun din ako. Bakit hindi pwede? Sila na rin naman nagsabi na maayos na ang lagay namin rito ng mga
Tapos na akong kumain at nakapagpahinga na rin ako. Ngayon ang gusto kong gawin ay makita ang mga anak ko. "Mga kuya, kaya ko na po. Gusto ko na po lumabas dito sa kwarto. Gusto ko ng makita ang mga anak ko," nakangiting pakikipag-usap ko. "Sige, pero nandito lang kami ni kuya Jayson mo sa tabi mo ah." Sabay nila akong inalalayan na tumayo. Kinuha ni kuya Jayson ang isang pang babae na tyenelas na nasa ilalim ng kama at isinuot ito sa akin. Dahan-dahan na akong nagumpisang maglakad. Kahit paano ay nagagawa ko ng kontrolin ang katawan ko. Dahil nagkaroon ako ng lakas matapos kumain kanina. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Nakangiti kong pinagmasdan ang bahay. Walang pinagbago, na miss ko ang bahay na 'to. Hindi ko nga inaasahan na mas maaga akong makakabalik dito. Nang makababa kami. Narinig ko na ang mga boses ng anak ko. Kasama nito ang boses ng kuya Julian ko at may isa pa. Kung hindi ako nagkakamali nandito din si Liam. --- Ang lalaking 'y
GRACE POINT OF VIEW Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay maayos na ang katawan ko. Kaso lang sobrang hapdi ng tiyan ko na parang walang laman kahit na kunti lang. Nang dahan-dahan kong binubuka ang mga mata ko. May na aaninag na ako, dahilan na makaramadam ako ng tuwa. Ngunit, may halong kaba ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Wala akong maintindihan. Gayunpaman, tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. Dito na mas tumama sa mata ko ang silaw ng ilaw. Tila'y hindi na ako masyadong nasanay sa maliwanag. Tinakpan ko ang mata ko gamit ang kamay ko. Sumilip lang ako sa mga daliri ko. "Totoo nga? Nakakakita na ako?" gulong-gulo kong wika sa aking sarili. Dahil sa hindi makapaniwala, pinaikot ko nang dahan-dahan ang mata ko. Hanggang sa mas marami na akong nakikita. Kita ko na ang kamay ko, paa ko, katawan. As in lahat. "Pero, na saan ako? Parang familiar yata sa akin ang lugar na 'to?" mahinang tanong ko sa sarili ko. Sinubu
"Itinakda na siyang ikasal. Kaya wala ka ng magagawa pa. Ang ama na niya ang nagdesisyon at wala kang laban doon. Jeff, gusto man kita tulungan ay wala rin akong magagawa. Si Grace ang nawawalang bunsong anak ni Mr. Sison Santiago. Nakikita mo naman sa mga litrato at walang bahid na kasinungalingan 'yan. Kailangan mong tanggapin ang desisyon na 'yon. Layuan mo si Grace habang hindi pa si Mr. Sison ang nag-uutos sa 'yo. Ang totoo nga si Jackson mismo ang nag-utos sa akin na sabihin ito sa 'yo." Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano nangyari 'to. Akala ko ay nasa simpleng pamilya lang si Grace. Pero hindi ko pala siya kayang abutin. "Kung ganun ang nagpakilalang Jack sa akin ay si Jackson?" Tanging tango naman ang isinagot niya. "Gelo, salamat sa mga sinabi mo. Salamat dahil pinaalam mo sa akin. Pero kahit na anong mangyari, hindi ako papayag na ikasal si Grace sa iba. Dahil sa akin siya ikakasal kahit na ano ang mangyari." Wala akong pakealam kung ano ang magiging kahihinatnan ko ka
• • • • • • • • • • Nakangiting lumabas si Lisa sa bahay ni Jeff. "Nang marinig ko ang sinabi ni Jeff. Halos maging masaya ako. Dahil sa wakas ay nagtagumpay din ako. 'Yon lang pala ang magiging sagot para tuluyan siyang mawala dito sa bahay ni Jeff. Hayts, salamat naman sa magaling kong pag-iisip." Ito ang naging saad niya sa isipan niya habang naglalakad siya. "Oii, ang tapang tapang mo talaga. Pinahanga mo na naman ako Lisa. Sino ba ang makakapagtahimik ng bibig mo, huh?" biglang pagsulpot ni Dwane. Natatawa siyang inaasar si Lisa. "Bwesit ka talaga! Anong ginagawa mo huh? Sinusundan mo ba ako huh?" inis na inis na aniya ni Lisa sabay ayos ng buhok niya. Ngunit, tawa lang binigay sa kaniya ni Dwane. "Ano ba? May nakakatawa ba? Ako, hindi ako natatawa, okay?" pagtataray niya. "Alam mo, ikaw ang taray mo. Hindi lang 'yon ah, dahil ang OA mo rin. Alam mo naman na ito ang daan papunta sa labas. Tapos sasabihin mong sinusundan kita? Tsk! Aminin mo na kasi sa akin Lisa. Crush
GRACE POINT OF VIEW Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang
"Sanay na akong pagsabihan mo ng ganyan Jeff. Hindi na ako maaapektuhan sa salita mo. Kasi nga, hindi mo malalabanan ang kasal natin. Kapag tuluyan mong hayaan na mahulog ang loob mo kay Grace. Alam mo kung ano ang mangyayari sa kaniya pati sa mga anak niya! Kaya pag-isipan mong mabuti kung ano ang
JEFF POINT OF VIEW "Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko nang magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggi
Grace Point of view. "Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-







