Home / Romance / My Stepbrother's "BIG" Secret / Chapter 4 : First Target

Share

Chapter 4 : First Target

Author: BelleNocturne
last update publish date: 2026-10-17 00:10:44

Nasa canteen si Celine. Doon siya iniwan ni Allister.

Mag-isa siya sa isang table na pang-apatan pero wala siyang kasama. Nakaharap sa kanya ang enrollment papers niya, yung extra helmet na hindi niya naibalik, at isang baso ng tubig na hindi pa niya nainom. Pinipilit niyang hindi makinig sa paligid pero ang hirap. Kahit saan siya lumingon, may nakatingin.

Pilit niyang binabasa yung Civil Engineering prospectus na binigay ng registrar pero hindi siya makapag-focus. Ang ingay ng bulungan sa paligid ng canteen. Ramdam na ramdam niya na siya yung topic.

"Siya ba yung bagong transferee?"

"Ang ganda..."

"Kasama ni Allister kanina diba?"

"Pinsa ba niya? O girlfriend?"

"Civil Engr daw siya, transferee from Manila."

"Shhh, baka marinig ka ni Trixie."

Hindi alam ni Celine na bawat bulungan na naririnig niya, mas malakas at mas masakit na naririnig ni Trixie sa kabilang table. Para kay Trixie, hindi lang ingay yun. Insulto.

Sa kabilang table, nakaupo si Trixie Trinidad kasama sina Collete at Kaye. Naka-cross ang legs, hawak ang iced coffee, pero hindi umiinom. Nakatingin lang kay Celine mula ulo hanggang paa. Kanina pa siya nakatitig. Yung klase ng titig na hindi humahanga, kundi nanghuhusga at naghihintay ng mali.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Collete nang mahina. Hinawakan niya ang braso ni Trixie. "Hayaan mo na. Bagong salta lang naman. Civil Engr pa, mahirap subjects nun, baka hindi tumagal."

Hindi sumagot agad si Trixie. Umigpit ang hawak niya sa baso ng iced coffee hanggang sa mamuti ang mga daliri niya.

"Hindi ko gusto yang bagong salta," malamig na sagot ni Trixie sa huli. Hindi siya tumitingin kina Collete. Kay Celine lang. "Dahil sa loob lang ng limang minuto, siya na ang pinag-uusapan. Limang minuto pa lang siya dito, nakalimutan na nila kung sino ako. Limang minuto pa lang siya dito, pati mga lalaking alaga ko, sa kanya na nakatingin. Civil Engr pa daw siya. Tingnan natin kung gaano siya kagaling sa math at kung tatagal siya sa CE."

"Selosa ka na naman," bulong ni Kaye pero natatawa.

"Hindi ako nagseselos. Naiirita ako. May bago na naman tayong paglalaruan," sagot ni Trixie at sa wakas ay ngumiti. Yung ngiting alam nina Collete na delikado. Yung ngiting ibig sabihin ay may gagawin siya.

Habang nagsasalita sila, biglang bumukas ang p***o ng canteen galing sa gym side. Pumasok ang varsity team galing sa practice. Pawis pa, naka-jersey, may bitbit na mga towel at tumbler. Maingay sila, nagtatawanan, nag-aasaran.

Nasa unahan si Raymond Perez. Matangkad. Moreno. Captain ng basketball varsity. Campus crush ng buong A.M. Lahat ng babae kilala siya. Lahat ng lalaki gustong maging siya. Civil Engr din siya, 4th year, kaya kilala niya lahat ng CE students.

Pagpasok pa lang niya sa canteen, napahinto siya nang makita si Celine. Huminto rin yung dalawang kasama niya sa likod. Tinitigan nila yung babaeng mag-isa.

Hindi dahil love at first sight. Kundi dahil sa A.M, kilala niya lahat ng estudyante ng Civil Engr mula 1st year hanggang 4th year. Pero yung babaeng naka-gray hoodie na malaki sa kanya, magulo ang buhok, at mukhang bagong gising pero maganda pa rin — hindi niya kilala. At sa A.M, kapag may hindi ka kilala, ibig sabihin bago.

Lumapit siya. Diretso sa table ni Celine. Hindi siya nahihiya. Sanay siya na nilalapitan, kaya sanay din siyang lumapit.

"Hi. Ikaw ba yung transferee?" tanong niya. Yung boses niya yung tipong pang-varsity talaga, malakas pero friendly.

Napatingin si Celine. Medyo nagulat kasi ang laki ng anino niya at biglang tumahimik yung katabing table nang lumapit siya. Lahat nakatingin na sa kanila.

"Oo," sagot ni Celine. Maikli. Hindi siya sanay makipag-usap sa hindi niya kilala, lalo na kapag maraming nakatingin.

Ngumiti si Raymond. Yung ngiting sanay na maraming nagkakagusto at pinapantasyahan.

"Raymond. Raymond Perez. Civil Engr din, pero 4th year na. Captain ng varsity. Kanina ka pa ba dito? Baka maligaw ka rito. Malaki itong campus at mahirap ang CE building. Kung gusto mo, pwede kitang i-tour mamaya. Para hindi ka na mahirapan sa first day mo. Maraming naliligaw na 1st year sa CE eh."

Iniabot niya ang kamay. Gusto niyang makipag-handshake. Professional, friendly.

Bago pa makasagot si Celine at bago pa niya maabot ang kamay ni Raymond —

"Raymond."

Isang malamig na boses ang pumigil. Hindi malakas. Hindi sumisigaw. Pero sapat para marinig ng buong canteen at para patigilin si Raymond. Sapat para kabahan ang mga tao sa paligid.

Si Trixie. Nakataayo na siya sa likod ni Raymond. Hindi na siya nakaupo. Nasa likod na siya mismo, nakatingin sa kamay ni Raymond na nakaabot kay Celine.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong niya kay Raymond. Nakangiti pa rin siya pero iba na ang mata. Malamig.

"Tutulungan ko lang," sagot ni Raymond. Medyo nagulat din siya sa tono ni Trixie. "Bago lang siya. Transferee. CE din. Hindi niya pa alam pasikot-sikot dito."

"Tutulungan?" Tumawa si Trixie. Maikli. Walang saya. Parang nang-aasar. "Ang bilis naman. Kanina lang dumating, tutulungan mo na agad? Kanina ka pa ba naghihintay ng bagong tutulungan, Raymond? Akala ko ba busy ka sa thesis mo sa CE? O may free time ka na pala para sa mga transferee?"

Hindi nagsalita si Raymond. Kita ni Celine ang iritasyon sa mukha ng babae. At kita rin niya kung paano umiwas ng tingin ang ibang estudyante sa canteen. Parang sanay na sila na pag si Trixie Trinidad na ang nagsalita, walang gustong sumabat. Parang may sariling batas si Trixie sa loob ng A.M at ayaw nilang madamay.

Nakatingin lang si Celine kay Trixie. Hindi siya yumuyuko. Hindi rin siya nagsasalita. Pero sa loob-loob niya, alam na niya. Hindi magiging madali ang first day niya bilang Civil Engr transferee.

Samantala...

Sa ikaapat na palapag ng Administration Building. Sa likod ng Chairman's Office.

Tahimik ang hallway. Walang estudyanteng pinapayagang umakyat doon nang walang appointment. May fingerprint scanner sa gilid ng bookshelf na akala ng lahat ay dekorasyon lang. Pagkabukas ng bakal na p***o na nakatago sa likod ng malaking painting ni Engr. Antonio Monteverde, ang founder...

Isa pang elevator ang bumungad. Hindi yung private elevator na sinakyan ni Allister kanina na may nakasulat na FOR CHAIRMAN ONLY at may glass door. Mas luma. Mas tahimik. Walang ilaw sa labas. Walang floor number. Isang button lang ang naroon.

B1

Pagbukas ng elevator... Hindi opisina ang nasa ilalim. Hindi storage.

Isang command center. Malamig ang aircon. Mababa ang ilaw, puro monitor lang ang nagbibigay liwanag. Malalaking monitor sa pader. Mapa ng Moncada, ng buong Tarlac, at ng Maynila. Mga CCTV feed ng Hacienda Villafuerte, ng palayan, ng A.M International University Foundation, at ng Rivera Group building sa Makati.

Mga pangalan na nakapin sa pader na may pulang sinulid na nagkokonekta. Mga litrato. Mga dokumento. Mga titulo ng lupa.

At mga lalaking nakasuot ng itim. Lahat nakatayo nang tuwid. Lahat dating militar, dating NBI, dating scout ranger, dating SWAT. Lahat may tattoo ng puting demonyo sa braso.

Sabay-sabay silang tumayo nang bumukas ang elevator.

"Supremo."

Naglakad si Allister papunta sa gitna. Naroon na si Ama. At si Boy Tigas na kakapasok lang galing sa bukid at amoy araw pa.

"May balita," sabi ni Ama at inilapag ang isang brown folder sa bakal na mesa. Makapal ang folder. May tatak na CONFIDENTIAL.

Binuksan ni Allister. Unang litrato — si Martha Rivera. Kuha kahapon sa BIR office sa Maynila. May kausap na lalaking naka-barong. Nakangiti si Martha pero halatang pagod at problemado.

Kasunod... Isang dokumento. Special Power of Attorney. Transfer of remaining shares. Deed of Assignment of Hacienda. May pirma sa baba. Pirma ni Martha Rivera. Pero hindi pa kumpleto. Kulang pa ng isang pirma at ng notaryo. May schedule na nakalagay. May pirma ng testigo — si Jayson Villafuerte.

Tatlong araw na lang. Sa araw ng pirmahan sa Makati. Kapag natuloy iyon... Lahat ng natitirang ari-arian ng Rivera Group na nakapangalan pa kay Martha at kay Celine... Mapupunta kay Jayson Villafuerte. Legal. Malinis. Walang hahabol dahil may pirma ni Martha.

Tahimik ang buong silid. Tanging ugong lang ng aircon at ng mga computer ang naririnig.

"Supremo," nagsalita ang dating military officer na miyembro ng White Demon. Siya yung intel nila sa Maynila, yung may koneksyon sa BIR at sa mga abogado. "Nakumpirma na rin namin. Kumpirmado ang utos galing sa kabilang kampo."

"Kailan?" tanong ni Allister. Mahina ang boses pero madiin. Yung boses na alam ng lahat na kapag ganyan, galit na siya.

Pagkababa ng tingin ng officer sa isa pang papel na hawak niya.

"Pagkatapos mapirmahan ang lahat..." "...aalisin na rin nila si Martha Rivera."

"Aksidente ang palabas. Tulad ng ginawa nila sa tunay na pamilya ni Supremo noon. Car accident daw sa NLEX pauwi ng Tarlac," dagdag ni Ama. Galit din ang boses niya.

Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Allister. Kita ang paggalaw ng panga niya at pag-igting ng ugat sa leeg niya.

Pitong taon siyang nagtago. Pitong taon siyang nag-ipon ng ebidensiya. Pitong taon niyang pinalawak ang White Demon at tahimik na binuo ang kapangyarihang kailangan niya para pabagsakin si Jayson.

White Demon.

Hindi kami hukom. Hindi kami pulis. At lalong hindi kami santo. Kami ang mga aninong sumusunod sa mga kriminal na hindi kayang abutin ng batas.

Kapag nabigo ang hustisya... kami ang huling katok sa kanilang pintuan.

At ngayon, hindi lang ang isa pang inosenteng buhay ang nakataya.

"At si Celine?" tanong ni Allister. Hindi siya tumitingin sa kahit sino. Nakatingin lang siya sa litrato ni Martha.

Sumagot si Ama. Tumingin muna kay Boy Tigas bago nagsalita. Alam nilang mabigat ang sasabihin niya.

"Hindi pa kasama sa utos."

Tahimik ang lahat. Parang nakahinga ng kaunti.

"Pero..." dagdag ni Ama, "...kapag naroon siya sa oras na mangyari ang lahat... sa bahay o sa sasakyan... walang dahilan para buhayin pa siya. Saksi siya. At tagapagmana. Mas malinis kung dalawa silang mawawala."

Sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon, naramdaman ni Allister na baka hindi lang paghihiganti ang misyon niya. Hindi lang ang pagbawi sa lupa at sa hustisya para sa pamilya niya.

Kundi ang iligtas ang isang babaeng wala pang alam na unti-unti na siyang nagiging susunod na target.

Sa parehong oras...

Sa itaas ng gusaling iyon, abala si Celine sa unang araw niya bilang Civil Engineering transferee. Abala siya sa pakikipagtitigan kay Trixie, sa pag-iwas kay Raymond, at sa pag-aalala kung paano siya uuwi sa Hacienda Villafuerte.

Wala siyang ideya na ilang palapag lang ang pagitan nila... May mga taong lihim na gumagawa ng paraan upang mailigtas siya. At mayroon ding mga taong tahimik nang naghahanda para sa susunod na galaw.

Hindi pa alam ni Celine...

Na ang paglipat niya sa Hacienda Villafuerte ang naging simula ng digmaang pitong taon nang hinihintay ni Allister Monteverde."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 7 : Unexpected Request

    "Aalis kami ng Mommy mo sa susunod na linggo."Nasa private office pa rin sina Jayson at Allister. Hindi na tulad kanina na mabigat ang hangin. Mas kalmado na. Bukas ang bintana at kita ang tubuhan sa labas. Si Jayson nakaupo sa swivel chair, si Allister nakatayo pa rin sa harap ng mesa na parang ayaw magtagal.Tahimik si Allister."Out of the country," dagdag ni Jayson. Inayos ang isang folder sa mesa. "Switzerland at Italy. Matagal na naming pinaplano ni Martha. Ngayon lang natuloy."Hindi pa rin nagsalita si Allister."Ayokong maiwang mag-isa si Celine," sabi ni Jayson. Tumingin kay Allister. "Bago pa lang siya rito sa Hacienda. Hindi pa niya kabisado ang Tarlac. Hindi pa siya sanay sa mga tao.""May mga kasambahay naman," sagot ni Allister. Maikli."Hindi sapat," sagot ni Jayson. "Bago siya rito. Ikaw ang nakakakilala sa lugar. Ikaw ang pinakamalapit sa edad niya.""May klase rin ako," sabi ni Allister."Hindi ko hinihinging bantayan mo siya," sabi ni Jayson. Ngumiti nang bahagya,

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 6 : A Debt To Collect

    "Kanina ka pa walang imik."Nasa likod ng SUV sina Martha at Jayson. Si Kuya George lang sa unahan, nakatutok sa kalsada ng NLEX. Bukas ang aircon pero mabigat pa rin ang hangin sa likod. Simula pa sa Ayala Avenue, walang nagsasalita. Kanina pa nakatingin si Martha sa labas ng bintana. Hawak ang strap ng handbag na parang may pinipigilan.Napansin ni Jayson ang katahimikan. Hindi ito normal na pagod. May iniisip."May iniisip lang," sagot ni Martha. Hindi lumingon."Tungkol sa nangyari?" tanong ni Jayson.Hindi agad sumagot si Martha. Hinayaan niyang dumaan ang ilang poste sa labas. Nakita ni Jayson sa salamin kung paano gumalaw ang panga niya bago siya nagsalita."Hindi ko lang maintindihan..." sabi ni Martha sa huli.Doon na naging alerto si Jayson. Alam niyang continuation ito ng nangyari sa conference room. Hindi pa tapos ang usapan sa law office."Bakit parang gusto mong matapos agad lahat?" tanong ni Martha. Humarap na siya kay Jayson. Diretso ang tingin. Hindi galit, pero may t

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 5 : The Missing Signature

    Makati City. 11:42 ng umaga.Malamig ang conference room ng law office sa 28th floor ng Ayala Avenue. Glass ang buong pader, kita sa labas ang mga gusali na nakabilad sa araw. Sa gitna ng mahabang mesa, sampung folder ang nakahanay, makakapal, may color tab at may nakadikit na post-it.Nasa isang dulo ng mesa si Martha Rivera. Katabi niya si Jayson Villafuerte. Naka white polo si Jayson, nakatupi ang manggas hanggang siko, nakangiti na parang tapos na ang lahat bago pa man magsimula. Sa kabila, nakaupo ang senior lawyer ng Rivera Group, dalawang corporate secretary na may laptop, at ang notary public na nakaabang lang.Inilapag ng lawyer ang unang folder sa harap ni Martha."Mrs. Rivera, ito po lahat ng napag-usapan natin last week. Nandito na lahat ng final drafts," bungad ng lawyer at binuklat ang cover page.Tumango si Martha at kinuha ang ballpen.Sumingit si Jayson habang nakatingin sa mga papel, "Wala nang problema dito, Attorney? Malinis na lahat para sa transfer?""Based sa in

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 4 : First Target

    Nasa canteen si Celine. Doon siya iniwan ni Allister.Mag-isa siya sa isang table na pang-apatan pero wala siyang kasama. Nakaharap sa kanya ang enrollment papers niya, yung extra helmet na hindi niya naibalik, at isang baso ng tubig na hindi pa niya nainom. Pinipilit niyang hindi makinig sa paligid pero ang hirap. Kahit saan siya lumingon, may nakatingin.Pilit niyang binabasa yung Civil Engineering prospectus na binigay ng registrar pero hindi siya makapag-focus. Ang ingay ng bulungan sa paligid ng canteen. Ramdam na ramdam niya na siya yung topic."Siya ba yung bagong transferee?""Ang ganda...""Kasama ni Allister kanina diba?""Pinsa ba niya? O girlfriend?""Civil Engr daw siya, transferee from Manila.""Shhh, baka marinig ka ni Trixie."Hindi alam ni Celine na bawat bulungan na naririnig niya, mas malakas at mas masakit na naririnig ni Trixie sa kabilang table. Para kay Trixie, hindi lang ingay yun. Insulto.Sa kabilang table, nakaupo si Trixie Trinidad kasama sina Collete at Ka

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 3 : The New Student

    7:03 ng umaga sa dining hall ng Hacienda Villafuerte.Amoy ng bagong lutong pandesal at mainit na tsokolate ang bumungad pagbaba ni Celine sa hagdan. Suot niya ang gray hoodie na malaki sa katawan niya, nakatali ang buhok nang magulo, kita sa mata ang kulang sa tulog dahil sa nangyari sa library kagabi.Sa mahabang mesa na yari sa narra, nakaupo na si Martha. Naka-blazer kahit nasa bahay, may hawak na kape. Katabi niya si Jayson Villafuerte na nakaputing polo, kakagaling lang yata sa tawag sa telepono. Sa kabilang dulo ng mesa, si Allister. Naka-black shirt, naka-maong, may putik pa ang gilid ng bota.Martha ang unang nakakita kay Celine."Oh, hija, halika na. Kumain ka na," tawag ni Martha at tumayo para yakapin ang anak.Yumakap si Celine, pero ang mata niya, dumapo kay Allister. Pag nagkatagpo ang tingin nila, iniiwas agad ni Celine.Jayson naman, inakbayan si Allister na parang tunay na anak."Allister, hijo," malakas ang boses ni Jayson. "Ito nga pala si Celine. Celine, si Allist

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 2 : The Next Victim

    Pagkaalis ni Jonalyn sa library, hindi bumalik si Allister sa kwarto niya.Naiwan ang amoy ng pabango ni Jonalyn sa loob ng library. Naiwan ang magulong mesa. Pero si Allister, nakatayo sa tapat ng bintana, nakatingin sa hallway kung saan dumaan si Celine kanina.Alam niyang may tao sa labas ng pinto. Narinig niya yung mahinang kalansing mula sa vase na muntik mahulog. Narinig niya yung mabilis na yapak palayo.Hindi niya sinundan.Kinuha niya ang itim na jacket na nakasampay sa likod ng antigong upuan. Sinara ang laptop na may nakabukas pang files ng Villafuerte Sugar Mills. Kinuha ang flash drive na may kopya ng mga titulo. Sinuksok sa bulsa ng jacket.Lumabas siya sa maliit na pinto ng library na diretso sa garahe.Sa garahe, nakaparada ang Ducati Scrambler. Walang plaka. Puro alikabok ang gulong dahil sa daan ng tubuhan.Sinuot ang helmet at pinaandar.Hindi siya dumaan sa main gate. Lahat ng gwardya ni Jayson nandoon. Dumaan siya sa likod ng hacienda, sa makitid na daan na napapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status