로그인"Aalis kami ng Mommy mo sa susunod na linggo."Nasa private office pa rin sina Jayson at Allister. Hindi na tulad kanina na mabigat ang hangin. Mas kalmado na. Bukas ang bintana at kita ang tubuhan sa labas. Si Jayson nakaupo sa swivel chair, si Allister nakatayo pa rin sa harap ng mesa na parang ayaw magtagal.Tahimik si Allister."Out of the country," dagdag ni Jayson. Inayos ang isang folder sa mesa. "Switzerland at Italy. Matagal na naming pinaplano ni Martha. Ngayon lang natuloy."Hindi pa rin nagsalita si Allister."Ayokong maiwang mag-isa si Celine," sabi ni Jayson. Tumingin kay Allister. "Bago pa lang siya rito sa Hacienda. Hindi pa niya kabisado ang Tarlac. Hindi pa siya sanay sa mga tao.""May mga kasambahay naman," sagot ni Allister. Maikli."Hindi sapat," sagot ni Jayson. "Bago siya rito. Ikaw ang nakakakilala sa lugar. Ikaw ang pinakamalapit sa edad niya.""May klase rin ako," sabi ni Allister."Hindi ko hinihinging bantayan mo siya," sabi ni Jayson. Ngumiti nang bahagya,
"Kanina ka pa walang imik."Nasa likod ng SUV sina Martha at Jayson. Si Kuya George lang sa unahan, nakatutok sa kalsada ng NLEX. Bukas ang aircon pero mabigat pa rin ang hangin sa likod. Simula pa sa Ayala Avenue, walang nagsasalita. Kanina pa nakatingin si Martha sa labas ng bintana. Hawak ang strap ng handbag na parang may pinipigilan.Napansin ni Jayson ang katahimikan. Hindi ito normal na pagod. May iniisip."May iniisip lang," sagot ni Martha. Hindi lumingon."Tungkol sa nangyari?" tanong ni Jayson.Hindi agad sumagot si Martha. Hinayaan niyang dumaan ang ilang poste sa labas. Nakita ni Jayson sa salamin kung paano gumalaw ang panga niya bago siya nagsalita."Hindi ko lang maintindihan..." sabi ni Martha sa huli.Doon na naging alerto si Jayson. Alam niyang continuation ito ng nangyari sa conference room. Hindi pa tapos ang usapan sa law office."Bakit parang gusto mong matapos agad lahat?" tanong ni Martha. Humarap na siya kay Jayson. Diretso ang tingin. Hindi galit, pero may t
Makati City. 11:42 ng umaga.Malamig ang conference room ng law office sa 28th floor ng Ayala Avenue. Glass ang buong pader, kita sa labas ang mga gusali na nakabilad sa araw. Sa gitna ng mahabang mesa, sampung folder ang nakahanay, makakapal, may color tab at may nakadikit na post-it.Nasa isang dulo ng mesa si Martha Rivera. Katabi niya si Jayson Villafuerte. Naka white polo si Jayson, nakatupi ang manggas hanggang siko, nakangiti na parang tapos na ang lahat bago pa man magsimula. Sa kabila, nakaupo ang senior lawyer ng Rivera Group, dalawang corporate secretary na may laptop, at ang notary public na nakaabang lang.Inilapag ng lawyer ang unang folder sa harap ni Martha."Mrs. Rivera, ito po lahat ng napag-usapan natin last week. Nandito na lahat ng final drafts," bungad ng lawyer at binuklat ang cover page.Tumango si Martha at kinuha ang ballpen.Sumingit si Jayson habang nakatingin sa mga papel, "Wala nang problema dito, Attorney? Malinis na lahat para sa transfer?""Based sa in
Nasa canteen si Celine. Doon siya iniwan ni Allister.Mag-isa siya sa isang table na pang-apatan pero wala siyang kasama. Nakaharap sa kanya ang enrollment papers niya, yung extra helmet na hindi niya naibalik, at isang baso ng tubig na hindi pa niya nainom. Pinipilit niyang hindi makinig sa paligid pero ang hirap. Kahit saan siya lumingon, may nakatingin.Pilit niyang binabasa yung Civil Engineering prospectus na binigay ng registrar pero hindi siya makapag-focus. Ang ingay ng bulungan sa paligid ng canteen. Ramdam na ramdam niya na siya yung topic."Siya ba yung bagong transferee?""Ang ganda...""Kasama ni Allister kanina diba?""Pinsa ba niya? O girlfriend?""Civil Engr daw siya, transferee from Manila.""Shhh, baka marinig ka ni Trixie."Hindi alam ni Celine na bawat bulungan na naririnig niya, mas malakas at mas masakit na naririnig ni Trixie sa kabilang table. Para kay Trixie, hindi lang ingay yun. Insulto.Sa kabilang table, nakaupo si Trixie Trinidad kasama sina Collete at Ka
7:03 ng umaga sa dining hall ng Hacienda Villafuerte.Amoy ng bagong lutong pandesal at mainit na tsokolate ang bumungad pagbaba ni Celine sa hagdan. Suot niya ang gray hoodie na malaki sa katawan niya, nakatali ang buhok nang magulo, kita sa mata ang kulang sa tulog dahil sa nangyari sa library kagabi.Sa mahabang mesa na yari sa narra, nakaupo na si Martha. Naka-blazer kahit nasa bahay, may hawak na kape. Katabi niya si Jayson Villafuerte na nakaputing polo, kakagaling lang yata sa tawag sa telepono. Sa kabilang dulo ng mesa, si Allister. Naka-black shirt, naka-maong, may putik pa ang gilid ng bota.Martha ang unang nakakita kay Celine."Oh, hija, halika na. Kumain ka na," tawag ni Martha at tumayo para yakapin ang anak.Yumakap si Celine, pero ang mata niya, dumapo kay Allister. Pag nagkatagpo ang tingin nila, iniiwas agad ni Celine.Jayson naman, inakbayan si Allister na parang tunay na anak."Allister, hijo," malakas ang boses ni Jayson. "Ito nga pala si Celine. Celine, si Allist
Pagkaalis ni Jonalyn sa library, hindi bumalik si Allister sa kwarto niya.Naiwan ang amoy ng pabango ni Jonalyn sa loob ng library. Naiwan ang magulong mesa. Pero si Allister, nakatayo sa tapat ng bintana, nakatingin sa hallway kung saan dumaan si Celine kanina.Alam niyang may tao sa labas ng pinto. Narinig niya yung mahinang kalansing mula sa vase na muntik mahulog. Narinig niya yung mabilis na yapak palayo.Hindi niya sinundan.Kinuha niya ang itim na jacket na nakasampay sa likod ng antigong upuan. Sinara ang laptop na may nakabukas pang files ng Villafuerte Sugar Mills. Kinuha ang flash drive na may kopya ng mga titulo. Sinuksok sa bulsa ng jacket.Lumabas siya sa maliit na pinto ng library na diretso sa garahe.Sa garahe, nakaparada ang Ducati Scrambler. Walang plaka. Puro alikabok ang gulong dahil sa daan ng tubuhan.Sinuot ang helmet at pinaandar.Hindi siya dumaan sa main gate. Lahat ng gwardya ni Jayson nandoon. Dumaan siya sa likod ng hacienda, sa makitid na daan na napapa







