홈 / Romance / My Stepbrother's "BIG" Secret / Chapter 2 : The Next Victim

공유

Chapter 2 : The Next Victim

작가: BelleNocturne
last update 게시일: 2026-10-16 21:25:06

Pagkaalis ni Jonalyn sa library, hindi bumalik si Allister sa kwarto niya.

Naiwan ang amoy ng pabango ni Jonalyn sa loob ng library. Naiwan ang magulong mesa. Pero si Allister, nakatayo sa tapat ng bintana, nakatingin sa hallway kung saan dumaan si Celine kanina.

Alam niyang may tao sa labas ng p***o. Narinig niya yung mahinang kalansing mula sa vase na muntik mahulog. Narinig niya yung mabilis na yapak palayo.

Hindi niya sinundan.

Kinuha niya ang itim na jacket na nakasampay sa likod ng antigong upuan. Sinara ang laptop na may nakabukas pang files ng Villafuerte Sugar Mills. Kinuha ang flash drive na may kopya ng mga titulo. Sinuksok sa bulsa ng jacket.

Lumabas siya sa maliit na p***o ng library na diretso sa garahe.

Sa garahe, nakaparada ang Ducati Scrambler. Walang plaka. Puro alikabok ang gulong dahil sa daan ng tubuhan.

Sinuot ang helmet at pinaandar.

Hindi siya dumaan sa main gate. Lahat ng gwardya ni Jayson nandoon. Dumaan siya sa likod ng hacienda, sa makitid na daan na napapalibutan ng tubo. Yung daan na puro putik pag umuulan, puro alikabok pag tag-araw. Yung daan na siya lang at si Kuya George ang may alam.

Malakas ang hangin. Malamig. Pero mas malamig ang nasa isip niya.

Labing limang minuto ang takbo. Nakalabas siya ng Hacienda Villafuerte. Diretso sa lumang gilingan ng Moncada. Yung lumang sugar warehouse na sarado na simula nung magsara ang lumang mill. May nakasulat sa labas na malaking letra, BAWAL PUMASOK, PAG-AARI NG VILLAFUERTE SUGAR MILLS. Kaya walang pumapasok na taga-Moncada. Akala nila haunted.

Doon niya ipinasok ang motor. Sa likod ng sirang pader.

Sa loob, may mahinang ilaw galing sa camping lamp. Si Joshua Santana nakaupo sa lumang drum na may takip na kahoy, naka-hoodie, naka-laptop. Sa screen, may mapa ng Hacienda at listahan ng mga bank accounts.

At sa gitna, sa lumang silya na yari sa kahoy ng tubo, nakaupo si Ama. Naka-sando lang kahit malamig, naka-tsinelas, may hawak na brown folder na may tali. Kalbo, may peklat sa kilay na parang hiwa ng kutsilyo.

Pagpasok ni Allister, hinagis niya ang helmet sa mesa na gawa sa lumang p***o.

Joshua hindi man lang lumingon.

"Late ka. Sabi ko alas onse."

Allister hindi sumagot sa sinabi ni Joshua. Dumiretso sa mesa. Kumuha ng tubig sa galon na nasa gilid.

"Pitong taon," sabi ni Allister. Inilagay ang baso sa mesa nang medyo malakas.

Tumingin sa kanya ang tinatawag niyang ama— Si Boy Tigas.

"Pitong taon na akong nagpapanggap na ampon ni Jayson Villafuerte."

Lumakad si Allister papunta sa pader ng warehouse. Doon may nakadikit na mga lumang larawan. Mga larawan ng lumang tulay ng Moncada na sira na ngayon. Mga larawan ng dalawang tao na nakangiti sa harap ng bahay na may tubo sa likod.

"Pitong taon kong tiniis ang tawagin niya akong anak."

Hinawakan ni Allister ang isang larawan. Si Jayson Villafuerte, bata pa, nakangiti, may hawak na titulo ng lupa.

"Pitong taon akong nabubuhay sa ilalim ng bubong ng lalaking pumatay sa pamilya ko. Pitong taon kong naririnig kung paano siya purihin ng buong Moncada bilang mabuting negosyante. Mapagbigay. Mabait."

Lumingon siya sa matanda.

"Araw-araw ko siyang tinatawag na Sir. Habang araw-araw kong gustong ipaalala sa kanya ang apelyidong ninakaw niya sa akin."

Boy Tigas tumayo. Lumapit sa mesa. Inilagay ang brown folder sa gitna.

"May bago."

Binuksan ni Allister ang folder.

Sa loob, isang litrato lang. Pero malinaw. Isang itim na kotse na nakabaliktad sa ilalim ng lumang tulay ng Moncada. Wasak ang harap. May bakas ng putik sa bubong.

"Yan ang kotse ng magulang mo," sabi ni Ama. 2011. Sabi ng police report, brake failure. Lasing ang driver. Nahulog sa tulay."

Allister hawak ang litrato. Yung daliri mahigpit sa gilid ng papel.

"Pero tignan mo ang brake line," turo ni Joshua mula sa laptop. Nagpakita siya ng close-up photo. "Malinis ang putol. Parang ginunting ng cutter. Hindi dahil sa kalawang. Hindi dahil sa aksidente."

Allister isinara ang folder nang dahan pero madiin.

"Hindi pa sapat."

Tumingin siya sa Ama-amahan.

"Hindi ko siya ipapakulong gamit ang litrato lang. Hindi ko siya ipapakulong gamit ang hinala. Lahat ng judge sa Tarlac, kaya niyang bilhin. Lahat ng pulis sa Moncada, may utang na loob sa kanya dahil sa scholarship ng mga anak nila."

Inilagay ni Allister ang folder sa mesa.

"Gusto ko ng ebidensiyang hindi niya mabibili. Gusto ko ng original na titulo na may peke niyang pirma. Gusto ko ng audio kung saan inaamin niya kung paano niya pinutol ang preno. Gusto ko ng mismong tao na gumawa na magsalita sa harap ng buong Moncada."

Tumango ang matanda.

"Mahahanap natin yung driver. Nasa Pampanga na raw nakatira ngayon. Nagtatago. Pero hindi siya magsasalita kung walang kapalit."

"Bigyan ng kapalit," sagot ni Allister.

Joshua huminga nang malalim.

"May isa ka pang problema, boss."

Allister lumingon sa kanya.

"Anong problema?"

Joshua pinihit ang laptop para makita ni Allister. Sa screen, litrato ng babaeng bumababa ng van sa harap ng Hacienda Villafuerte kaninang hapon. Mahaba ang buhok na medyo magulo dahil sa biyahe, nakasuot ng oversized shirt, may maleta na malaki.

Si Celine Rivera. "Dumating na ang anak ni Martha Rivera," sabi ni Joshua.

Allister tinitigan ang litrato ng babae, hindi nagsalita, pero parang may kung anong umuudyok sa kanyang titigan pa ang maamong mukha ng babae

Boy Tigas kinuha ang pangalawang folder na mas manipis, inuksan niya ito.

"Hindi siya target," sabi ni Boy Tigas.

Joshua sumingit habang kumakain ng biscuit.

"Hindi pa."

Allister kumunot ang noo.

"Anong ibig mong sabihin hindi pa? Akala ko si Martha lang ang pakakasalan ni Jayson."

Boy Tigas nilabas ang papel sa loob ng pangalawang folder. Isang Special Power of Attorney. May pirma ni Martha Rivera sa baba. At sa taas, may pangalan ni Jayson Villafuerte bilang attorney-in-fact.

"Pinapirma na niya ng SPA. Kapag napirmahan yan at napa-notaryo, lahat ng natitirang mana ni Eduardo Rivera, lahat ng shares sa Rivera Group, lahat ng property sa Quezon City, mapupunta sa control ni Jayson bilang asawa ni Martha."

Joshua nagpakita ng isa pang screen. Listahan ng mga bank accounts.

"At alam mo ang pattern niya, boss. Ganyan din ang ginawa niya sa pamilya mo. Kukunin ang pera. Tapos aksidente. Mawawala ang may-ari. Malilipat lahat sa kanya. Malinis."

Tumahimik ang warehouse. Yung hangin sa labas humahampas sa yero ng bubong. Yung camping lamp lang ang gumagalaw.

Allister nakaupo ulit sa drum. Hawak pa rin ang litrato ng kotse ng magulang niya sa isang kamay, at nakatingin sa litrato ni Celine sa laptop sa kabilang kamay.

"Kapag nailipat na kay Jayson ang natitirang ari-arian ni Martha Rivera" Boy Tigas tinitigan si Allister. Seryoso ang mukha. "...wala na silang pakinabang."

Joshua isinara ang laptop nang bahagya.

"Yung driver na kausap natin dati, sabi niya ganyan ang utos sa kanya noon. Pag nakuha na ang pirma, isunod na ang may-ari. Para walang hahabol."

Allister hindi gumalaw.

"Ganyan ang ginawa sa nanay at tatay mo, Allister," sabi ni Boy Tigas, mahina ang boses pero mabigat. "Nakuha ang lupa. Tapos pinutol ang preno."

Matagal bago nagsalita si Allister. Tumayo siya. Kinuha ang helmet.

"Ibig mong sabihin..."

"Sila ang susunod," sabi ni Boy Tigas. Diretso. Walang paligoy. "Si Martha at si Celine. Kapag nakuha na ni Jayson ang Rivera, sila na ang next."

Allister sinuot ang jacket nang maayos. Sinara ang zipper hanggang leeg. Kinuha ang dalawang folder. Inilagay sa loob ng jacket.

Lumapit siya sa laptop at tinitigan ng matagal ang litrato ni Celine. Yung babaeng nakita niya sa hallway kagabi na takot na takot na muntik mahulog ang vase.

Isang babaeng galit sa kanya dahil akala suplado siya. Isang babaeng wala pang alam na ang bahay na tinutuluyan niya, yun din ang bahay na pwedeng maging libingan nilang mag-ina.

"Hindi kita kilala," sabi ni Allister. Mahina lang. Parang kausap ang litrato, hindi sina Boy Tigas.

"Pero hindi kita hahayaang maging susunod sa listahan niya."

Isinuot ang helmet. Binuksan ang visor. Lumabas ng warehouse.

Sa labas, madilim ang tubuhan. Pero sa malayo, kita ang ilaw ng Hacienda Villafuerte. Kita ang ilaw ng guest room kung saan gising pa si Celine at hindi makatulog dahil sa nakita niya sa library.

At sa isip ni Allister, habang pinaaandar ang motor pabalik, isang bagay lang ang malinaw.

Nagsimula na ang countdown.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 7 : Unexpected Request

    "Aalis kami ng Mommy mo sa susunod na linggo."Nasa private office pa rin sina Jayson at Allister. Hindi na tulad kanina na mabigat ang hangin. Mas kalmado na. Bukas ang bintana at kita ang tubuhan sa labas. Si Jayson nakaupo sa swivel chair, si Allister nakatayo pa rin sa harap ng mesa na parang ayaw magtagal.Tahimik si Allister."Out of the country," dagdag ni Jayson. Inayos ang isang folder sa mesa. "Switzerland at Italy. Matagal na naming pinaplano ni Martha. Ngayon lang natuloy."Hindi pa rin nagsalita si Allister."Ayokong maiwang mag-isa si Celine," sabi ni Jayson. Tumingin kay Allister. "Bago pa lang siya rito sa Hacienda. Hindi pa niya kabisado ang Tarlac. Hindi pa siya sanay sa mga tao.""May mga kasambahay naman," sagot ni Allister. Maikli."Hindi sapat," sagot ni Jayson. "Bago siya rito. Ikaw ang nakakakilala sa lugar. Ikaw ang pinakamalapit sa edad niya.""May klase rin ako," sabi ni Allister."Hindi ko hinihinging bantayan mo siya," sabi ni Jayson. Ngumiti nang bahagya,

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 6 : A Debt To Collect

    "Kanina ka pa walang imik."Nasa likod ng SUV sina Martha at Jayson. Si Kuya George lang sa unahan, nakatutok sa kalsada ng NLEX. Bukas ang aircon pero mabigat pa rin ang hangin sa likod. Simula pa sa Ayala Avenue, walang nagsasalita. Kanina pa nakatingin si Martha sa labas ng bintana. Hawak ang strap ng handbag na parang may pinipigilan.Napansin ni Jayson ang katahimikan. Hindi ito normal na pagod. May iniisip."May iniisip lang," sagot ni Martha. Hindi lumingon."Tungkol sa nangyari?" tanong ni Jayson.Hindi agad sumagot si Martha. Hinayaan niyang dumaan ang ilang poste sa labas. Nakita ni Jayson sa salamin kung paano gumalaw ang panga niya bago siya nagsalita."Hindi ko lang maintindihan..." sabi ni Martha sa huli.Doon na naging alerto si Jayson. Alam niyang continuation ito ng nangyari sa conference room. Hindi pa tapos ang usapan sa law office."Bakit parang gusto mong matapos agad lahat?" tanong ni Martha. Humarap na siya kay Jayson. Diretso ang tingin. Hindi galit, pero may t

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 5 : The Missing Signature

    Makati City. 11:42 ng umaga.Malamig ang conference room ng law office sa 28th floor ng Ayala Avenue. Glass ang buong pader, kita sa labas ang mga gusali na nakabilad sa araw. Sa gitna ng mahabang mesa, sampung folder ang nakahanay, makakapal, may color tab at may nakadikit na post-it.Nasa isang dulo ng mesa si Martha Rivera. Katabi niya si Jayson Villafuerte. Naka white polo si Jayson, nakatupi ang manggas hanggang siko, nakangiti na parang tapos na ang lahat bago pa man magsimula. Sa kabila, nakaupo ang senior lawyer ng Rivera Group, dalawang corporate secretary na may laptop, at ang notary public na nakaabang lang.Inilapag ng lawyer ang unang folder sa harap ni Martha."Mrs. Rivera, ito po lahat ng napag-usapan natin last week. Nandito na lahat ng final drafts," bungad ng lawyer at binuklat ang cover page.Tumango si Martha at kinuha ang ballpen.Sumingit si Jayson habang nakatingin sa mga papel, "Wala nang problema dito, Attorney? Malinis na lahat para sa transfer?""Based sa in

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 4 : First Target

    Nasa canteen si Celine. Doon siya iniwan ni Allister.Mag-isa siya sa isang table na pang-apatan pero wala siyang kasama. Nakaharap sa kanya ang enrollment papers niya, yung extra helmet na hindi niya naibalik, at isang baso ng tubig na hindi pa niya nainom. Pinipilit niyang hindi makinig sa paligid pero ang hirap. Kahit saan siya lumingon, may nakatingin.Pilit niyang binabasa yung Civil Engineering prospectus na binigay ng registrar pero hindi siya makapag-focus. Ang ingay ng bulungan sa paligid ng canteen. Ramdam na ramdam niya na siya yung topic."Siya ba yung bagong transferee?""Ang ganda...""Kasama ni Allister kanina diba?""Pinsa ba niya? O girlfriend?""Civil Engr daw siya, transferee from Manila.""Shhh, baka marinig ka ni Trixie."Hindi alam ni Celine na bawat bulungan na naririnig niya, mas malakas at mas masakit na naririnig ni Trixie sa kabilang table. Para kay Trixie, hindi lang ingay yun. Insulto.Sa kabilang table, nakaupo si Trixie Trinidad kasama sina Collete at Ka

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 3 : The New Student

    7:03 ng umaga sa dining hall ng Hacienda Villafuerte.Amoy ng bagong lutong pandesal at mainit na tsokolate ang bumungad pagbaba ni Celine sa hagdan. Suot niya ang gray hoodie na malaki sa katawan niya, nakatali ang buhok nang magulo, kita sa mata ang kulang sa tulog dahil sa nangyari sa library kagabi.Sa mahabang mesa na yari sa narra, nakaupo na si Martha. Naka-blazer kahit nasa bahay, may hawak na kape. Katabi niya si Jayson Villafuerte na nakaputing polo, kakagaling lang yata sa tawag sa telepono. Sa kabilang dulo ng mesa, si Allister. Naka-black shirt, naka-maong, may putik pa ang gilid ng bota.Martha ang unang nakakita kay Celine."Oh, hija, halika na. Kumain ka na," tawag ni Martha at tumayo para yakapin ang anak.Yumakap si Celine, pero ang mata niya, dumapo kay Allister. Pag nagkatagpo ang tingin nila, iniiwas agad ni Celine.Jayson naman, inakbayan si Allister na parang tunay na anak."Allister, hijo," malakas ang boses ni Jayson. "Ito nga pala si Celine. Celine, si Allist

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 2 : The Next Victim

    Pagkaalis ni Jonalyn sa library, hindi bumalik si Allister sa kwarto niya.Naiwan ang amoy ng pabango ni Jonalyn sa loob ng library. Naiwan ang magulong mesa. Pero si Allister, nakatayo sa tapat ng bintana, nakatingin sa hallway kung saan dumaan si Celine kanina.Alam niyang may tao sa labas ng pinto. Narinig niya yung mahinang kalansing mula sa vase na muntik mahulog. Narinig niya yung mabilis na yapak palayo.Hindi niya sinundan.Kinuha niya ang itim na jacket na nakasampay sa likod ng antigong upuan. Sinara ang laptop na may nakabukas pang files ng Villafuerte Sugar Mills. Kinuha ang flash drive na may kopya ng mga titulo. Sinuksok sa bulsa ng jacket.Lumabas siya sa maliit na pinto ng library na diretso sa garahe.Sa garahe, nakaparada ang Ducati Scrambler. Walang plaka. Puro alikabok ang gulong dahil sa daan ng tubuhan.Sinuot ang helmet at pinaandar.Hindi siya dumaan sa main gate. Lahat ng gwardya ni Jayson nandoon. Dumaan siya sa likod ng hacienda, sa makitid na daan na napapa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status