홈 / Romance / My Stepbrother's "BIG" Secret / Chapter 3 : The New Student

공유

Chapter 3 : The New Student

작가: BelleNocturne
last update 게시일: 2026-10-16 21:33:26

7:03 ng umaga sa dining hall ng Hacienda Villafuerte.

Amoy ng bagong lutong pandesal at mainit na tsokolate ang bumungad pagbaba ni Celine sa hagdan. Suot niya ang gray hoodie na malaki sa katawan niya, nakatali ang buhok nang magulo, kita sa mata ang kulang sa tulog dahil sa nangyari sa library kagabi.

Sa mahabang mesa na yari sa narra, nakaupo na si Martha. Naka-blazer kahit nasa bahay, may hawak na kape. Katabi niya si Jayson Villafuerte na nakaputing polo, kakagaling lang yata sa tawag sa telepono. Sa kabilang dulo ng mesa, si Allister. Naka-black shirt, naka-maong, may putik pa ang gilid ng bota.

Martha ang unang nakakita kay Celine.

"Oh, hija, halika na. Kumain ka na," tawag ni Martha at tumayo para yakapin ang anak.

Yumakap si Celine, pero ang mata niya, dumapo kay Allister. Pag nagkatagpo ang tingin nila, iniiwas agad ni Celine.

Jayson naman, inakbayan si Allister na parang tunay na anak.

"Allister, hijo," malakas ang boses ni Jayson. "Ito nga pala si Celine. Celine, si Allister. Anak-anakan ko. Pitong taon na siya sa akin simula nung iligtas niya ang buhay ko. Siya na ang bahala sa lahat dito sa hacienda pag wala ako."

Martha ang sumunod, ngumiti kay Allister.

"Allister, ikaw na muna bahala kay Celine ha habang nasa Maynila kami ni Jayson. May aayusin lang kami sa BIR at sa mga abogado ng Rivera Group. Isang linggo lang kami doon."

Celine ang napatingin sa nanay niya.

"Ma, iiwan niyo talaga ako dito?"

"Anak, kailangan eh. Para makapag-adjust ka na rin," sagot ni Martha habang inaayos ang blazer.

Jayson ang tumawa.

"Celine, makinig ka kay Allister. Siya na ang kuya mo dito."

Pagkarinig ni Allister sa salitang kuya, tinaasan niya ng kilay si Celine. Walang salita, pero kita ang asar sa mukha.

Martha ang humarap ulit kay Allister, "Allister, pagpasensyahan mo na kung matigas ang ulo nito ha. Lumaki sa Maynila, spoiled ng daddy niya. At baka pwede makisuyo na rin, ihatid mo na siya sa A.M. International University Foundation mamaya? Nagpa-reserve na ako ng slot doon."

"Ma, kaya ko mag-commute," singit agad ni Celine.

Allister na kanina pa tahimik, kumuha ng pandesal at nilagyan ng keso.

"Kaya mong mag-commute sa daan na puro tubo at walang tricycle pagkatapos ng alas singko? Sige, subukan mo," sagot ni Allister, hindi man lang tumitingin sa kanya.

Namula ang pisngi ni Celine.

"Ano ba, bakit nang-aasar ka agad sa umaga?"

"Hindi kita inaasar. Sinasabi ko lang ang totoo," sagot ni Allister at tumayo. Kinuha niya ang susi sa bulsa ng maong.

Pagkalipas ng ilang minuto, nasa garahe na sina Martha at Jayson, dala ang maleta.

Martha ang humalik sa pisngi ni Celine, "Mag-iingat ka dito, anak. Makinig ka kay Allister."

Jayson ang sumakay na sa van, "Allister, ikaw na bahala sa hacienda."

Umalis ang van. Naiwan ang alikabok sa daan. Sa dining hall, naiwan si Celine na nakasimangot at si Allister na hawak ang susi ng motor.

"Tara na. May van na pinapaiwan si Tito Jayson mo pero motor ang mabilis," aya ni Allister.

"Hindi ako sasakay sa motor mo. Ang bilis mo magpatakbo!" reklamo ni Celine.

"Dalawa lang choice mo, Ms. Rivera. Sumakay ka dito o maiwan ka dito sa hacienda na walang kasama buong araw," sagot ni Allister at inabot ang extra helmet na itim.

Walang nagawa si Celine. Kinuha ang helmet at isinuot. Sumakay sa likod ni Allister. Medyo malayo ang pagitan nila.

"Kapit. Lubak dito," paalala ni Allister.

"Hindi ako kakapit sa'yo!"

"Kapag nalaglag ka, hindi kita babalikan."

Nang paandarin ni Allister ang motor at dumaan sa unang lubak, napakapit si Celine nang mahigpit sa jacket ni Allister. Wala siyang choice.

Dalawampung minuto ang byahe. Puro tubo at palayan ang daan, tapos biglang lumapad at lumabas ang malaking gate ng A.M. International University Foundation. Malaki, kulay itim at ginto, may mga gwardya na nakatayo nang tuwid.

Pagpasok ng motor ni Allister, lahat ng gwardya tumayo nang tuwid at sumaludo.

"Sir Allister, good morning po! Naka-ready na po ang office ni Dean para sa bisita niyo," bati ng head guard.

Celine ang nagtaka. Tinanggal ang helmet at tumingin kay Allister.

"Bakit ka tinatawag na Sir? Akala ko taga-hacienda ka lang?"

Allister ang hindi kumibo. Ipinark niya ang motor sa tapat ng main building, sa slot na may nakasulat na RESERVED - CHAIRMAN.

Pumasok sila sa main building. Maraming estudyante, mamahalin ang mga sasakyan sa labas, naka-uniform na may burda na A.M.

Sa dulo ng hallway, may malaking frame na tanso.

A.M. INTERNATIONAL UNIVERSITY FOUNDATION

Founded by: Engr. Antonio Monteverde

Huminto si Celine sa harap ng frame.

"Monteverde? Akala ko Villafuerte ang may-ari nito? Sabi ni Mama, kay Jayson dati?"

Huminto rin si Allister sa tabi niya, kamay pa rin sa bulsa.

"Dati. Kay Villafuerte dati. Binili na."

"Sino ang bumili?" tanong ni Celine.

Tumingin si Allister sa kanya, diretso, walang ngiti.

"Ako."

Humagalpak ng tawa si Celine. Malakas.

"Ayos ka ah! Anong tinitira mo? Tigilan mo na yan, masama epekto sayo! Ikaw ang bumili? Saan ka kukuha ng pambili ng university, sa tubo?"

Hindi natawa si Allister. Hindi rin nakipagtalo. Naglakad lang siya papunta sa Dean's office.

Sumunod si Celine na natatawa pa rin.

Pagpasok sa Dean's office, tumayo agad ang Dean na babae, naka-formal uniform, may dalang folder.

"Sir Allister, ito na po ang papers ni Ms. Celine Rivera. Business Ad, transferee from Manila. Ilalagay ko na po ba sa block na sinabi niyo?" tanong ng Dean, magalang ang boses, medyo kinakabahan.

"Ilagay mo sa block ko," sagot ni Allister at kinuha ang papel at inabot kay Celine.

Celine ang kumuha ng papel habang nagtataka pa rin.

"Block mo? Nag-aaral ka pala dito? Akala ko taga-bukid ka lang na tagabantay ng hacienda?"

"Business Ad, irregular, top 1 last semester kahit bihira pumasok," singit ng Dean na parang proud na proud kay Allister.

Celine ang napatingin kay Allister, "Top 1 ka? Bihira pumasok pero top 1?"

"Maraming hindi pumapasok dito na may-ari pa rin ng school," sagot ni Allister, mahina lang.

Habang nagpipirma si Celine sa enrollment form, may lumapit na lalaking naka-ROTC uniform at bumulong kay Allister. Hindi narinig ni Celine ang buong sinabi pero malinaw ang huling dalawang salita.

"Supremo, si Ama nasa office niyo na raw po."

Pagkarinig nun, nag-iba ang mukha ni Allister. Kanina kalmado, ngayon seryoso.

Tumingin si Allister kay Celine.

"Tapusin mo yang pinipirmahan mo. Pagkatapos, pumunta ka sa canteen at hintayin mo ako doon. Huwag kang lalabas ng campus hanggat hindi ako bumabalik," utos ni Allister.

"Saan ka pupunta? Kasama pa kita mag-enrol ah?" tanong ni Celine habang hawak pa rin ang ballpen.

"May kailangan lang akong asikasuhin. Importanteng tao ang dumating," sagot ni Allister at naglakad na papunta sa private elevator sa dulo na may nakasulat na FOR CHAIRMAN ONLY. Walang ibang estudyante na gumagamit nun.

Naiwan si Celine sa harap ng registrar habang nakatingin sa elevator na kakasara lang. Ang daming tanong sa isip niya. Tinatawag na Sir ng gwardya. May sariling office. May private elevator na para lang sa Chairman. At lahat ng empleyado, parang takot magkamali pag nasa harap niya.

"Excuse me."

Naputol ang pag-iisip ni Celine nang may dumaan sa tabi niya.

Isa. Dalawa. Tatlo. Magkakaibigan.

Nasa gitna yung matangkad, maputi, mahaba ang buhok na kulot sa dulo, naka-crop top na puti at naka-mini skirt na maong. Halatang sanay na siya ang tinitignan ng lahat.

Pagdaan niya sa lobby, halos lahat ng lalaki napalingon. Pero ngayong umaga, mas maraming mata ang nakatingin kay Celine.

May bumulong sa may bench.

"Siya ba yung bagong transferee?"

"Ang ganda..."

"Parang artista ah."

Nawala ang ngiti ng babaeng nasa gitna. Huminto siya sa paglalakad. Tinitigan si Celine mula ulo hanggang paa, parang sinusukat ang kalaban.

"Trix..." mahinang saway ng kasama niyang si Collete. "Huwag."

Pero huli na.

Lumapit si Trixie kay Celine. Hindi siya nakangiti.

"Ikaw ba yung bagong transferee?" tanong niya, mataas ang boses.

Tumingin si Celine sa kanya. Diretso ang tingin, walang takot.

"Oo."

Lahat ng nasa paligid, nakatingin sa dalawa. Sa likod ni Trixie, nagkatinginan sina Collete at Kaye. Kabisado na nila ang ngiting yun. Alam nila ang ibig sabihin nun.

Ngumiti si Trixie, pero hindi yun ngiti ng isang taong nakahanap ng bagong kaibigan. Lumapit pa siya ng isang hakbang.

"Welcome sa A.M. International University Foundation, Celine Rivera."

Yumuko siya ng bahagya na parang may ibubulong.

"Sana marunong kang lumaban. Kasi dito... walang tumatagal na babaeng mas maganda sa akin."

Tahimik ang buong lobby. Walang nagsalita, dahil alam ng lahat, kapag si Trixie Trinidad ang may pinuntirya, hindi iyon natatapos sa simpleng pang-aasar.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 7 : Unexpected Request

    "Aalis kami ng Mommy mo sa susunod na linggo."Nasa private office pa rin sina Jayson at Allister. Hindi na tulad kanina na mabigat ang hangin. Mas kalmado na. Bukas ang bintana at kita ang tubuhan sa labas. Si Jayson nakaupo sa swivel chair, si Allister nakatayo pa rin sa harap ng mesa na parang ayaw magtagal.Tahimik si Allister."Out of the country," dagdag ni Jayson. Inayos ang isang folder sa mesa. "Switzerland at Italy. Matagal na naming pinaplano ni Martha. Ngayon lang natuloy."Hindi pa rin nagsalita si Allister."Ayokong maiwang mag-isa si Celine," sabi ni Jayson. Tumingin kay Allister. "Bago pa lang siya rito sa Hacienda. Hindi pa niya kabisado ang Tarlac. Hindi pa siya sanay sa mga tao.""May mga kasambahay naman," sagot ni Allister. Maikli."Hindi sapat," sagot ni Jayson. "Bago siya rito. Ikaw ang nakakakilala sa lugar. Ikaw ang pinakamalapit sa edad niya.""May klase rin ako," sabi ni Allister."Hindi ko hinihinging bantayan mo siya," sabi ni Jayson. Ngumiti nang bahagya,

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 6 : A Debt To Collect

    "Kanina ka pa walang imik."Nasa likod ng SUV sina Martha at Jayson. Si Kuya George lang sa unahan, nakatutok sa kalsada ng NLEX. Bukas ang aircon pero mabigat pa rin ang hangin sa likod. Simula pa sa Ayala Avenue, walang nagsasalita. Kanina pa nakatingin si Martha sa labas ng bintana. Hawak ang strap ng handbag na parang may pinipigilan.Napansin ni Jayson ang katahimikan. Hindi ito normal na pagod. May iniisip."May iniisip lang," sagot ni Martha. Hindi lumingon."Tungkol sa nangyari?" tanong ni Jayson.Hindi agad sumagot si Martha. Hinayaan niyang dumaan ang ilang poste sa labas. Nakita ni Jayson sa salamin kung paano gumalaw ang panga niya bago siya nagsalita."Hindi ko lang maintindihan..." sabi ni Martha sa huli.Doon na naging alerto si Jayson. Alam niyang continuation ito ng nangyari sa conference room. Hindi pa tapos ang usapan sa law office."Bakit parang gusto mong matapos agad lahat?" tanong ni Martha. Humarap na siya kay Jayson. Diretso ang tingin. Hindi galit, pero may t

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 5 : The Missing Signature

    Makati City. 11:42 ng umaga.Malamig ang conference room ng law office sa 28th floor ng Ayala Avenue. Glass ang buong pader, kita sa labas ang mga gusali na nakabilad sa araw. Sa gitna ng mahabang mesa, sampung folder ang nakahanay, makakapal, may color tab at may nakadikit na post-it.Nasa isang dulo ng mesa si Martha Rivera. Katabi niya si Jayson Villafuerte. Naka white polo si Jayson, nakatupi ang manggas hanggang siko, nakangiti na parang tapos na ang lahat bago pa man magsimula. Sa kabila, nakaupo ang senior lawyer ng Rivera Group, dalawang corporate secretary na may laptop, at ang notary public na nakaabang lang.Inilapag ng lawyer ang unang folder sa harap ni Martha."Mrs. Rivera, ito po lahat ng napag-usapan natin last week. Nandito na lahat ng final drafts," bungad ng lawyer at binuklat ang cover page.Tumango si Martha at kinuha ang ballpen.Sumingit si Jayson habang nakatingin sa mga papel, "Wala nang problema dito, Attorney? Malinis na lahat para sa transfer?""Based sa in

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 4 : First Target

    Nasa canteen si Celine. Doon siya iniwan ni Allister.Mag-isa siya sa isang table na pang-apatan pero wala siyang kasama. Nakaharap sa kanya ang enrollment papers niya, yung extra helmet na hindi niya naibalik, at isang baso ng tubig na hindi pa niya nainom. Pinipilit niyang hindi makinig sa paligid pero ang hirap. Kahit saan siya lumingon, may nakatingin.Pilit niyang binabasa yung Civil Engineering prospectus na binigay ng registrar pero hindi siya makapag-focus. Ang ingay ng bulungan sa paligid ng canteen. Ramdam na ramdam niya na siya yung topic."Siya ba yung bagong transferee?""Ang ganda...""Kasama ni Allister kanina diba?""Pinsa ba niya? O girlfriend?""Civil Engr daw siya, transferee from Manila.""Shhh, baka marinig ka ni Trixie."Hindi alam ni Celine na bawat bulungan na naririnig niya, mas malakas at mas masakit na naririnig ni Trixie sa kabilang table. Para kay Trixie, hindi lang ingay yun. Insulto.Sa kabilang table, nakaupo si Trixie Trinidad kasama sina Collete at Ka

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 3 : The New Student

    7:03 ng umaga sa dining hall ng Hacienda Villafuerte.Amoy ng bagong lutong pandesal at mainit na tsokolate ang bumungad pagbaba ni Celine sa hagdan. Suot niya ang gray hoodie na malaki sa katawan niya, nakatali ang buhok nang magulo, kita sa mata ang kulang sa tulog dahil sa nangyari sa library kagabi.Sa mahabang mesa na yari sa narra, nakaupo na si Martha. Naka-blazer kahit nasa bahay, may hawak na kape. Katabi niya si Jayson Villafuerte na nakaputing polo, kakagaling lang yata sa tawag sa telepono. Sa kabilang dulo ng mesa, si Allister. Naka-black shirt, naka-maong, may putik pa ang gilid ng bota.Martha ang unang nakakita kay Celine."Oh, hija, halika na. Kumain ka na," tawag ni Martha at tumayo para yakapin ang anak.Yumakap si Celine, pero ang mata niya, dumapo kay Allister. Pag nagkatagpo ang tingin nila, iniiwas agad ni Celine.Jayson naman, inakbayan si Allister na parang tunay na anak."Allister, hijo," malakas ang boses ni Jayson. "Ito nga pala si Celine. Celine, si Allist

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 2 : The Next Victim

    Pagkaalis ni Jonalyn sa library, hindi bumalik si Allister sa kwarto niya.Naiwan ang amoy ng pabango ni Jonalyn sa loob ng library. Naiwan ang magulong mesa. Pero si Allister, nakatayo sa tapat ng bintana, nakatingin sa hallway kung saan dumaan si Celine kanina.Alam niyang may tao sa labas ng pinto. Narinig niya yung mahinang kalansing mula sa vase na muntik mahulog. Narinig niya yung mabilis na yapak palayo.Hindi niya sinundan.Kinuha niya ang itim na jacket na nakasampay sa likod ng antigong upuan. Sinara ang laptop na may nakabukas pang files ng Villafuerte Sugar Mills. Kinuha ang flash drive na may kopya ng mga titulo. Sinuksok sa bulsa ng jacket.Lumabas siya sa maliit na pinto ng library na diretso sa garahe.Sa garahe, nakaparada ang Ducati Scrambler. Walang plaka. Puro alikabok ang gulong dahil sa daan ng tubuhan.Sinuot ang helmet at pinaandar.Hindi siya dumaan sa main gate. Lahat ng gwardya ni Jayson nandoon. Dumaan siya sa likod ng hacienda, sa makitid na daan na napapa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status