홈 / Romance / My Stepbrother's "BIG" Secret / Chapter 5 : The Missing Signature

공유

Chapter 5 : The Missing Signature

작가: BelleNocturne
last update 게시일: 2026-10-17 01:13:18

Makati City. 11:42 ng umaga.

Malamig ang conference room ng law office sa 28th floor ng Ayala Avenue. Glass ang buong pader, kita sa labas ang mga gusali na nakabilad sa araw. Sa gitna ng mahabang mesa, sampung folder ang nakahanay, makakapal, may color tab at may nakadikit na post-it.

Nasa isang dulo ng mesa si Martha Rivera. Katabi niya si Jayson Villafuerte. Naka white polo si Jayson, nakatupi ang manggas hanggang siko, nakangiti na parang tapos na ang lahat bago pa man magsimula. Sa kabila, nakaupo ang senior lawyer ng Rivera Group, dalawang corporate secretary na may laptop, at ang notary public na nakaabang lang.

Inilapag ng lawyer ang unang folder sa harap ni Martha.

"Mrs. Rivera, ito po lahat ng napag-usapan natin last week. Nandito na lahat ng final drafts," bungad ng lawyer at binuklat ang cover page.

Tumango si Martha at kinuha ang ballpen.

Sumingit si Jayson habang nakatingin sa mga papel, "Wala nang problema dito, Attorney? Malinis na lahat para sa transfer?"

"Based sa initial review ng team, malinis po, Sir Villafuerte. Wala nang kulang."

"Good." Ngumiti si Jayson kay Martha at tinapik ang balikat nito. "Pirmahan mo na. Para matapos na tayo ngayong araw."

Isa-isang pinirmahan ni Martha ang mga dokumento. Special Power of Attorney. Corporate Resolution. Authority to Represent. Board Consent. Mahigit tatlumpung pahina ang dumaan sa kamay niya. Bawat pirma, may pirma din ang secretary bilang witness. Ang ingay lang ng aircon at ng ballpen ang maririnig sa loob.

Pagkatapos ng halos apatnapung minuto, isinara ng lawyer ang huling folder. Tinanggal niya ang salamin at pinunasan ang lente gamit ang panyo. Hindi siya nakangiti kagaya kanina.

"May problema po tayo," pag-amin ng lawyer.

Nawala ang ngiti ni Jayson. Umayos siya ng upo.

"Anong problema? Kanina malinis. Ngayon may problema na?"

Kumuha ang lawyer ng isa pang folder na mas makapal, may tatak na ESTATE FILES sa gilid. Binuklat niya sa gitna at itinulak papunta sa kanila.

"Nireview ng legal at accounting yung huling disposition ng assets ni Mr. Leonardo Rivera, Mrs. Rivera. Standard procedure bago ang final transfer."

Yumuko si Martha para basahin. "Meron ba kayong nakitang mali?"

"Wala pong mali sa documents, Ma'am. Maliwanag po ang lahat."

"Kung walang mali, ano yung problema?" singit ni Jayson, medyo mataas na ang boses.

Huminga ang lawyer bago sumagot, "Majority ng personal assets, lupa, shares, at controlling interest ng Rivera Group, hindi na po nakapangalan sa inyo, Mrs. Rivera."

Natigilan ang buong mesa. Yung dalawang secretary, nagkatinginan.

Martha ang nag-angat ng tingin, "Hindi nakapangalan sa akin? Kanino?"

"Naipasa na po ang karamihan sa iisang legal heir."

"Sinong heir?" tanong ni Martha.

Kinuha ng lawyer ang Certified Asset Register at isa-isang tinuro.

"Hacienda Rivera."

"Rivera Construction Holdings."

"Rivera Aggregates."

"Dalawang commercial building sa Quezon City."

"Pitumpu't dalawang porsiyento ng controlling shares ng buong Rivera Group."

Tinaas ng lawyer ang huling pahina. Malaki ang pangalan sa ibaba.

*CELINE D. RIVERA*

Humigpit ang hawak ni Martha sa ballpen.

"Hindi sinabi sa akin ni Leonardo yan," bulong niya.

"Nakasaad po ito sa Revised Estate Distribution na ginawa niya dalawang taon bago siya pumanaw, Ma'am. Notarized. May pirma po niya at ng dalawang witness," sagot ng lawyer.

Si Jayson, nakaupo pa rin pero kita sa panga niya ang pag-igting. Pinisil niya ang armrest ng upuan.

"Ano ibig sabihin niyan, Attorney?" tanong ni Jayson.

"Ibig sabihin po, Mrs. Rivera can only transfer yung properties na nakapangalan pa sa kanya. Yung mga nasa listahan na yan, hindi po kasama."

"At yung iba?" tanong pa ni Jayson.

"Hindi po maaaring ilipat nang wala ang may-ari."

"Bakit hindi? May SPA naman si Martha."

"Dahil nasa legal age na po si Miss Celine Rivera, Sir. Under the law, kailangan ang personal na pirma niya sa bawat Deed of Assignment at Share Transfer. Hindi po puwede ang SPA ng magulang."

Inilapag ng lawyer ang huling dokumento. Isang blankong pahina na may linya lang sa baba.

*OWNER'S SIGNATURE*

*CELINE D. RIVERA*

Walang pirma. Blangko.

"Kung wala po ang pirma ni Miss Celine, hindi po matatapos ang transfer," dagdag ng lawyer.

Tumayo si Jayson mula sa upuan. Tinulak niya ng bahagya ang mesa.

"Ano sinasabi mong hindi matatapos? Legal requirement?"

"Opo. Requirement po ng SEC at ng Registry of Deeds."

"Hindi ba puwedeng SPA? Anak niya naman si Celine."

"Hindi na po, Sir. Legal age na po si Miss Celine. Twenty-one na po siya. Kailangan personal appearance at personal signature."

"Magkano ang maililipat sa akin kung ganyan?" tanong ni Jayson, diretso na.

Binuklat ng lawyer ang computation sheet.

"Tinatayang dalawampu't walong porsiyento lamang po ng total assets, Sir Villafuerte."

"Ano?" Tumaas ang boses ni Jayson.

"Ang natitirang pitumpu't dalawang porsiyento, mananatili po kay Miss Celine Rivera."

Isang segundo ang lumipas na walang kumibo. Nakatingin lang ang notary sa mesa.

Pagkatapos, kinuha ni Jayson ang crystal paperweight sa gitna at ibinagsak sa sahig.

CRASH!

Tumalsik ang bubog sa tiles. Napatayo ang secretary sa gulat.

"Lahat ng plano natin, masisira dahil lang sa pirma ng babaeng yun?" sigaw ni Jayson, namumula na ang leeg.

Walang sumagot sa mesa.

Humarap si Jayson kay Martha, tinuro ang mga papeles.

"Bakit hindi mo alam to? Bakit hindi mo alam kung kanino nakapangalan ang kumpanya ng asawa mo?"

"Jayson, hindi ko rin alam," sagot ni Martha, nanginginig ang boses.

"Lahat ng taon na magkasama tayo, hindi mo man lang inalam?"

Yumuko si Martha, hawak pa rin ang ballpen. "Naniwala lang ako sa sinabi ni Leonardo noon."

Isinara ni Jayson ang folder ng malakas. Pak!

Napatingin ang lawyer sa kanya.

"Attorney, labas muna kayo," utos ni Jayson, pinipigilan ang galit.

"Yes, Mr. Villafuerte," sagot ng lawyer at mabilis na kinuha ang laptop. Sumunod ang dalawang secretary at ang notary. Isa-isa silang lumabas at isinara ang p***o ng conference room.

Naiwan si Martha at Jayson sa loob. Amoy pa ng kape ang mesa at may bubog pa ng crystal sa sahig.

Lumapit si Jayson sa upuan ni Martha at hinila ang upuan palapit sa kanya.

"Hindi puwedeng ma-delay to," sabi ni Jayson, mahina pero mariin.

Martha ang nagtaas ng kilay, "Bakit? Maayos naman lahat. Tayo naman ang nagpapatakbo ng Rivera Group."

"Gusto ko lang matapos na. Ayoko ng sabit."

"Teka lang." Tinulak ni Martha ng bahagya ang folder palayo. "Bakit ba atat ka na mailipat lahat sa pangalan mo? Tayo naman ang hawak. Hawak pa rin natin ang kumpanya. Kahit nakapangalan kay Celine ang karamihan, anak ko naman siya. Tayo pa rin ang nagpapatakbo ng lahat."

Hindi kumibo si Jayson. Nakatingin lang sa blankong pirma ni Celine.

"Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" tanong ni Martha, diretso na.

Sandaling hindi kumilos si Jayson. Pagkatapos, ngumiti siya. Yung ngiti na halos isang taon na niyang ginagamit kay Martha tuwing gusto niyang pakalmahin ito.

"Wala. Gusto ko lang maging maayos na lahat para sa inyong mag-ina."

Tinitigan ni Martha ang mukha ni Jayson. Tatlong buwan pa lang mula nang ilibing si Leonardo. Halos isang taon pa lang mula nang maging sila ni Jayson.

Ngayon lang may bumara sa lalamunan niya na hindi niya mapangalanan. Tumango siya, pero hindi na gumaan ang pakiramdam niya.

Habang nakatingin siya sa lalaking katabi niya, isang tanong ang paulit-ulit na umiikot sa isip niya.

Kung kami naman pala ang may hawak ng Rivera Group at walang umaagaw, bakit ganun na lang ito kaatat na ilipat sa pangalan niya?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 7 : Unexpected Request

    "Aalis kami ng Mommy mo sa susunod na linggo."Nasa private office pa rin sina Jayson at Allister. Hindi na tulad kanina na mabigat ang hangin. Mas kalmado na. Bukas ang bintana at kita ang tubuhan sa labas. Si Jayson nakaupo sa swivel chair, si Allister nakatayo pa rin sa harap ng mesa na parang ayaw magtagal.Tahimik si Allister."Out of the country," dagdag ni Jayson. Inayos ang isang folder sa mesa. "Switzerland at Italy. Matagal na naming pinaplano ni Martha. Ngayon lang natuloy."Hindi pa rin nagsalita si Allister."Ayokong maiwang mag-isa si Celine," sabi ni Jayson. Tumingin kay Allister. "Bago pa lang siya rito sa Hacienda. Hindi pa niya kabisado ang Tarlac. Hindi pa siya sanay sa mga tao.""May mga kasambahay naman," sagot ni Allister. Maikli."Hindi sapat," sagot ni Jayson. "Bago siya rito. Ikaw ang nakakakilala sa lugar. Ikaw ang pinakamalapit sa edad niya.""May klase rin ako," sabi ni Allister."Hindi ko hinihinging bantayan mo siya," sabi ni Jayson. Ngumiti nang bahagya,

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 6 : A Debt To Collect

    "Kanina ka pa walang imik."Nasa likod ng SUV sina Martha at Jayson. Si Kuya George lang sa unahan, nakatutok sa kalsada ng NLEX. Bukas ang aircon pero mabigat pa rin ang hangin sa likod. Simula pa sa Ayala Avenue, walang nagsasalita. Kanina pa nakatingin si Martha sa labas ng bintana. Hawak ang strap ng handbag na parang may pinipigilan.Napansin ni Jayson ang katahimikan. Hindi ito normal na pagod. May iniisip."May iniisip lang," sagot ni Martha. Hindi lumingon."Tungkol sa nangyari?" tanong ni Jayson.Hindi agad sumagot si Martha. Hinayaan niyang dumaan ang ilang poste sa labas. Nakita ni Jayson sa salamin kung paano gumalaw ang panga niya bago siya nagsalita."Hindi ko lang maintindihan..." sabi ni Martha sa huli.Doon na naging alerto si Jayson. Alam niyang continuation ito ng nangyari sa conference room. Hindi pa tapos ang usapan sa law office."Bakit parang gusto mong matapos agad lahat?" tanong ni Martha. Humarap na siya kay Jayson. Diretso ang tingin. Hindi galit, pero may t

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 5 : The Missing Signature

    Makati City. 11:42 ng umaga.Malamig ang conference room ng law office sa 28th floor ng Ayala Avenue. Glass ang buong pader, kita sa labas ang mga gusali na nakabilad sa araw. Sa gitna ng mahabang mesa, sampung folder ang nakahanay, makakapal, may color tab at may nakadikit na post-it.Nasa isang dulo ng mesa si Martha Rivera. Katabi niya si Jayson Villafuerte. Naka white polo si Jayson, nakatupi ang manggas hanggang siko, nakangiti na parang tapos na ang lahat bago pa man magsimula. Sa kabila, nakaupo ang senior lawyer ng Rivera Group, dalawang corporate secretary na may laptop, at ang notary public na nakaabang lang.Inilapag ng lawyer ang unang folder sa harap ni Martha."Mrs. Rivera, ito po lahat ng napag-usapan natin last week. Nandito na lahat ng final drafts," bungad ng lawyer at binuklat ang cover page.Tumango si Martha at kinuha ang ballpen.Sumingit si Jayson habang nakatingin sa mga papel, "Wala nang problema dito, Attorney? Malinis na lahat para sa transfer?""Based sa in

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 4 : First Target

    Nasa canteen si Celine. Doon siya iniwan ni Allister.Mag-isa siya sa isang table na pang-apatan pero wala siyang kasama. Nakaharap sa kanya ang enrollment papers niya, yung extra helmet na hindi niya naibalik, at isang baso ng tubig na hindi pa niya nainom. Pinipilit niyang hindi makinig sa paligid pero ang hirap. Kahit saan siya lumingon, may nakatingin.Pilit niyang binabasa yung Civil Engineering prospectus na binigay ng registrar pero hindi siya makapag-focus. Ang ingay ng bulungan sa paligid ng canteen. Ramdam na ramdam niya na siya yung topic."Siya ba yung bagong transferee?""Ang ganda...""Kasama ni Allister kanina diba?""Pinsa ba niya? O girlfriend?""Civil Engr daw siya, transferee from Manila.""Shhh, baka marinig ka ni Trixie."Hindi alam ni Celine na bawat bulungan na naririnig niya, mas malakas at mas masakit na naririnig ni Trixie sa kabilang table. Para kay Trixie, hindi lang ingay yun. Insulto.Sa kabilang table, nakaupo si Trixie Trinidad kasama sina Collete at Ka

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 3 : The New Student

    7:03 ng umaga sa dining hall ng Hacienda Villafuerte.Amoy ng bagong lutong pandesal at mainit na tsokolate ang bumungad pagbaba ni Celine sa hagdan. Suot niya ang gray hoodie na malaki sa katawan niya, nakatali ang buhok nang magulo, kita sa mata ang kulang sa tulog dahil sa nangyari sa library kagabi.Sa mahabang mesa na yari sa narra, nakaupo na si Martha. Naka-blazer kahit nasa bahay, may hawak na kape. Katabi niya si Jayson Villafuerte na nakaputing polo, kakagaling lang yata sa tawag sa telepono. Sa kabilang dulo ng mesa, si Allister. Naka-black shirt, naka-maong, may putik pa ang gilid ng bota.Martha ang unang nakakita kay Celine."Oh, hija, halika na. Kumain ka na," tawag ni Martha at tumayo para yakapin ang anak.Yumakap si Celine, pero ang mata niya, dumapo kay Allister. Pag nagkatagpo ang tingin nila, iniiwas agad ni Celine.Jayson naman, inakbayan si Allister na parang tunay na anak."Allister, hijo," malakas ang boses ni Jayson. "Ito nga pala si Celine. Celine, si Allist

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 2 : The Next Victim

    Pagkaalis ni Jonalyn sa library, hindi bumalik si Allister sa kwarto niya.Naiwan ang amoy ng pabango ni Jonalyn sa loob ng library. Naiwan ang magulong mesa. Pero si Allister, nakatayo sa tapat ng bintana, nakatingin sa hallway kung saan dumaan si Celine kanina.Alam niyang may tao sa labas ng pinto. Narinig niya yung mahinang kalansing mula sa vase na muntik mahulog. Narinig niya yung mabilis na yapak palayo.Hindi niya sinundan.Kinuha niya ang itim na jacket na nakasampay sa likod ng antigong upuan. Sinara ang laptop na may nakabukas pang files ng Villafuerte Sugar Mills. Kinuha ang flash drive na may kopya ng mga titulo. Sinuksok sa bulsa ng jacket.Lumabas siya sa maliit na pinto ng library na diretso sa garahe.Sa garahe, nakaparada ang Ducati Scrambler. Walang plaka. Puro alikabok ang gulong dahil sa daan ng tubuhan.Sinuot ang helmet at pinaandar.Hindi siya dumaan sa main gate. Lahat ng gwardya ni Jayson nandoon. Dumaan siya sa likod ng hacienda, sa makitid na daan na napapa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status