FAZER LOGINMatapos marinig ang sagot ni Eliana, hindi agad nakapagsalita si Adrian. Para bang gusto niyang tiyakin na tama ang narinig niya. Nang tuluyang mapagtanto na sinabi nga ni Eliana ang mga salitang matagal niyang hinihintay, isang malawak na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang kinuha ang singsing at maingat na isinuot iyon sa daliri ni Eliana. Saglit niyang tinitigan ang singsing na ngayon ay nasa kamay ng babaeng mahal niya, bago siya tumayo at agad itong niyakap. Mahigpit na yumakap si Eliana sa kanya, habang kapwa nila pilit na pinipigilan ang emosyon. Sa wakas, matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, engaged na sila.Tumindi ang palakpakan sa buong venue. Halos lahat ay nakangiti at masayang nakatingin sa bagong magkasintahang engaged na. Sa gitna ng ingay, tumayo si Julio at malakas na pumalakpak. Para kay Adrian, sapat nang makita niyang nakangiti ang kanyang ama. Iyon ang malinaw na tanda na tanggap at aprubado nito ang proposal. Napangiti si Adrian habang nakay
Eliana’s POVNagulat ako sa ginawa ni Adrian. Ilang segundo akong hindi nakagalaw habang nakatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na sa harap ng lahat ng taong narito, sa gitna ng isang napakalaking event, bigla siyang lumuhod sa harapan ko at nag-propose. Parang biglang tumigil ang mundo ko. Naririnig ko ang mga tao sa paligid, ang mahihinang bulungan at mga reaksyon nila, pero parang wala akong maunawaan. Ang tanging malinaw lang sa akin ay si Adrian, nakaluhod sa harapan ko, hawak ang isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Teka lang… Ano ang isasagot ko? Hindi ako handa sa ganito!Napalingon ako sa paligid. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin. May mga nakangiti, may mga halatang nagulat, at mayroon ding tila hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan. Pero sa lahat ng nakita ko, isang tao ang agad kong napansin. Si Scarlet. Nakatayo siya habang nakatitig sa amin, halatang hindi niya inaasahan ang nangyayari. Maging siya ay hindi nakapaghanda sa eksenang ito. Sanda
Ilang araw ang lumipas matapos ang pag-uusap ni Julio at Alessandro, tuluyan nang inihanda ni Julio Cervantes ang kanyang kandidatura bilang Congressman sa darating na election.Isang malaking public event ang isinagawa ng Cervantes Group upang opisyal na ipakilala ang kanyang pagtakbo. Dumalo ang mga businessmen, political figures, investors, employees ng kumpanya, at malalapit na kaibigan ng pamilya.Isa sa mga pinakahuling dumating ay si Mayor Alessandro Salazar.“Mayor Sandro!”“Good evening, Mayor!”Ngumiti si Alessandro at nakipagkamay sa mga sumalubong sa kanya.Samantala, dumating sina Luciana at Donna pati na din si Marco. Ilang sandali pa ay nakita nila si Scarlet, na agad na lumapit sa kanila.“Tita Luciana.”“Scarlet.”Nagbeso-beso silang tatlo.“Ang ganda mo tonight,” sabi ni Scarlet.“Thank you. You look beautiful too.”Ngumiti si Scarlet.“I’ve been looking forward to tonight.”Napatingin si Donna sa kanya.“Really?”“Of course. This is supposed to be an important night
Pagpasok ni Alessandro sa sala, agad napansin ni Julio ang presensya nito sa likuran ni Adrian.Nanlaki ang mga mata niya.For a few seconds, hindi siya nakapagsalita.Hindi niya inaasahan na makikita niya ang Mayor ng Maynila sa mismong loob ng kanyang bahay, lalo na at alam niyang hindi naging maganda ang relasyon niya sa ama ni Alessandro.Matagal nang may alitan ang pamilya nila.Kaya kahit ilang beses nang sumagi sa isip ni Julio na humingi ng tulong kay Alessandro para sa kanyang election campaign, hindi niya ito magawa. Ayaw niyang ilagay ang sarili sa sitwasyon kung saan kailangan niyang makiusap sa anak ng taong may hindi magandang relasyon sa kanya.Akala niya, kahit lumapit siya kay Alessandro, baka tumanggi rin ito.Pero ngayon, naroon mismo ang lalaki sa harapan niya.At higit sa lahat, kasama ito ni Adrian.Agad nagbago ang ekspresyon ni Julio. Ang dating galit na mukha nito ay napalitan ng pagtataka at bahagyang pag-asa.“Mayor Alessandro…”Ngumiti si Alessandro at baha
Habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa kahabaan ng highway, nakatingin lamang si Eliana sa labas ng bintana. Tahimik din si Adrian. Nakahawak siya sa manibela habang paminsan-minsan ay sumusulyap kay Eliana.May kung anong iniisip ang lalaki.Napansin iyon ni Eliana.“May problema ba?” tanong niya.Umiling si Adrian.“Wala. Pero…” Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “Meron pa tayong kailangang ayusin.”Napalingon si Eliana sa kanya.“Ano iyon?”Huminga nang malalim si Adrian bago sumagot.“Kailangan ko ng taong tutulong kay Dad sa pagtakbo niya bilang Congressman.”Bahagyang kumunot ang noo ni Eliana.“Sino naman?”“After everything that happened, kailangan naming magkaroon ng mas matibay na support. Hindi lang para sa campaign niya, pati na rin para maprotektahan ang pangalan ng pamilya.”Sandali siyang tumingin sa daan bago nagpatuloy.“At may isang tao akong naiisip na siguradong makakatulong sa kanya.”“Si Mayor Alessandro Salazar.”Napangiti si Adrian nang bahagya
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagpasya na si Adrian na harapin ang problema.Hindi na niya gustong patagalin pa ang issue tungkol sa kanya at kay Jayson. Habang patuloy na kumakalat ang video sa social media at pinag-uusapan ng mga tao ang nangyari sa resort, lalo lamang nitong nadadamay ang Cervantes Group, pati na rin si Eliana.Kaya sa tulong ni Marco, nagpatawag si Adrian ng press conference.Nasa isang malaking conference room ang ilang reporters mula sa iba’t ibang news outlets. Nakatutok ang mga camera sa harap kung saan nakaupo sina Adrian at Jayson. Sa tabi ni Adrian ay si Eliana, habang si Marco naman ay nakatayo sa likuran, tahimik na nagmamasid sa mga reporters.Hindi komportable si Eliana sa dami ng camera na nakatutok sa kanila. Ngunit nang maramdaman niyang hinawakan ni Adrian ang kamay niya sa ilalim ng mesa, bahagya siyang kumalma.Tumingin si Adrian sa mga reporters.“I called this press conference because I want to put an end to the issue involving me and Mr. Cort







