ログイン“Iniimbestigahan pa po namin ang lahat ng posibleng anggulo. Hindi pa namin direktang masasabi kung ito ay sadyang pananagasa o isang hit-and-run, ngunit may mga detalyeng kahina-hinala sa footage na kailangan naming suriin.”Napahawak ako sa aking dibdib. “Anong ibig ninyong sabihin?”Binuksan ni Officer Reyes ang kaniyang dala-dalang folder. “Batay sa aming unang pagsusuri, mabilis ang takbo ng sasakyan bago mangyari ang impact. Pagkatapos mabangga si Mr. Gibson, hindi agad ito huminto sa mismong lugar ng insidente. May ilang segundo pang makikita sa video na tila nagpatuloy pa ito sa pag-andar bago tuluyang huminto sa di-kalayuan.”“At pagkatapos noon?” tanong ni Daddy.“May taong bumaba at lumapit sa sasakyan. Hindi pa namin lubusang matiyak kung siya nga mismo ang nagmamaneho sa mga sandaling iyon, kaya patuloy naming sinusuri ang iba pang kalapit na CCTV.”“May mga nakasaksi ba?” tanong ni Liam.“May ilang sibilyan na nakakita sa pangyayari, at kinukuha na namin ang kanilang mga
Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyang magising si Mommy.Nakita niya agad akong nakaupo sa tabi ng higaan ni Zach, mahigpit na nakahawak sa mainit niyang kamay.“Kimmy?” naging usal niya.Napalingon ako. “Mommy.” Pagkatapos ay itinuro ko ang direksyon ni Zach. “Gising na siya.”Nanlaki ang mga mata ni Mommy. “Talaga, anak?”Tumango ako nang may ngiti. Agad siyang lumapit sa kama. “Zach, anak!”Bahagyang ngumiti si Zach, pilit na binabalanse ang kaniyang boses. “Good morning po, Mom.”Napatakip sa bibig si Mommy, habang namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Thank God... gising ka na.”“Sorry po kung pinag-alala ko kayong lahat.”“Huwag mong sabihin iyan. Ang pinakamahalaga sa amin ngayon ay ang narito ka at unti-unti nang gumagaling.”Lumapit din si Daddy na kakagising lamang. Nang masilayan si Zach na nakadilat na ang mga mata, agad siyang ngumiti nang may pag-alo. “Well, look who's finally awake.”“Good morning po, Dad.”“Kumusta ang pakiramdam mo?”“Medyo masakit pa po a
Hindi ko namalayang tuluyan na pala akong nakatulog habang nakaupo sa tabi ng kama ni Zach.Kanina pa ako nakayuko, nakapatong ang aking ulo sa gilid ng kutson habang mahigpit pa ring hawak ang kaniyang kamay. Balak ko sanang magpahinga lamang ng ilang minuto, ngunit marahil sa matinding pagod at puyat ng mga nakaraang araw, tuluyan akong nilamon ng antok.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na natutulog nang maramdaman ko ang marahang paghaplos sa aking ulo.Dahan-dahan akong napakunot-noo.Akala ko noong una ay si Mommy iyon. Madalas niyang gawin ang ganoong banayad na paraan kapag ginigising niya ako nang hindi ako nagugulat.Ngunit nang maramdaman ko ang muling paghaplos sa aking buhok—isang pamilyar at mainit na galaw—bahagya akong ngumiti nang nakapikit.“Mommy, five more minutes...” bulong ko.Walang sumagot.Sa halip, naramdaman ko ang marahang pagpisil sa aking pisngi.Napakunot ang noo ko at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.“Love...”Napapikit akong muli at natigilan.
Walang sagot.Napatawa ako nang mahina sa sarili ko.“Okay, fine. Matulog ka lang muna diyan. Hindi naman kita pipilitin.”Maya-maya pa ay narinig ko ang pamilyar na boses ni Daddy mula sa kabilang bahagi ng kuwarto.“Nagising na pala ang prinsesa namin.”Napalingon ako. Nasa may maliit na kitchenette siya habang hawak ang isang mainit na tasa ng kape. Si Mommy naman ay abala sa pag-aayos ng mga plato sa dining table.“Opo, Daddy.”“Mas maganda at may buhay na ang kulay ng mukha mo ngayon,” nakangiting pansin niya.“Masarap po kasi ang tulog ko.”“Ten hours,” sabat ni Mommy habang nakatitig sa akin nang may halong pangaral ngunit may lambing. “Hindi na namin alam kung paano ka gigisingin kanina.”Napangiti ako nang pilit. “Sorry po, Mommy.”“Walang kailangang Hingin na sorry. Kailangang-kailangan mo iyon pagkatapos ng lahat.”Lumapit ako sa mesa at naupo sa isa sa mga silya. “Mommy, Daddy, kayo naman po ang magpahinga. Ako na po muna ang magbabantay kay Zach.”Umiling si Daddy. “Nagpa
Hindi ko namalayang sumikat na pala ang araw.Magdamag akong mahimbing na nakatulog, bagama't ang huling naiwan sa aking isipan ay ang mahinang tunog ng mga makinang nakakabit kay Zach, ang boses ng aming mga magulang, at ang marahang paghaplos ni Mommy sa aking buhok bago tuluyang bumigat ang aking mga talukap.Ngunit nang magising ako, kakaiba ang sigla ng aking katawan.Hindi na kasingbigat ng dati ang aking ulo, at nawala na rin ang panginginig ng aking mga kamay. Bagaman may kaunting pananakit pa rin ang aking mga kalamnan dahil sa matagal na pagkakaupo at matinding pagod, ramdam kong nakabawi na ako ng lakas.Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nagpalinga sa paligid.“Zach!”“Anak?”Agad na lumapit sa akin si Mommy na may hawak na baso ng tubig, tila nagulat sa bigla kong paggising at pagbangon. “Easy, Kimmy. Dahan-dahan lang.”“Nasaan si Zach? Gising na ba siya?”Itinuro niya ang kabilang bahagi ng malawak na silid. “Nariyan lang ang asawa mo.”Agad akong napalingon. Nakit
“Sa ngayon, binibigyan pa rin namin siya ng mga gamot upang mapanatili siyang kalmado at hindi makaramdam ng matinding sakit. Unti-unti naming babawasan iyon kapag nakita naming handa at malakas na ang kaniyang katawan. Hindi ko pa maibibigay ang eksaktong oras kung kailan siya magigising, pero patuloy namin siyang susubaybayan.”Tumango ang ina ni Zach. “May posibilidad po bang... hindi na siya magising?”Saglit na natahimik ang doktor bago magalang na sumagot. “Sa ngayon, wala kaming nakikitang dahilan para agad isipin ang ganoong posibilidad. Maayos at matagumpay ang naging operasyon. Kailangan lang nating bigyan ng panahon ang katawan niya upang makabawi. Gusto rin naming obserbahan ang kaniyang neurological response dahil sa lakas ng naging impact ng aksidente.”Napasinghap ako. “Doctor, maaari ko po ba siyang kausapin kahit wala pa siyang malay?”Ngumiti siya nang bahagya. “Oo naman. Maaari ninyo siyang kausapin. Hindi natin masasabing naririnig niya ang lahat, pero mahalaga rin
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul







