Share

Kabanata 9

Wala na sa tabi ko si Romeo, pag-gising ko. Pero nag-iwan naman siya ng sticky note na may guhit na wink emoji. Pinatong niya iyon sa black maxi-dress at may paris pang silk undies.

Napangiti na lamang ako. Kaagad akong naligo at nagbihis. Tinanghali pa ako ng gising nakakahiya tuloy sa magulang ni Romeo. Loko-loko din iyon, hindi man lang ako ginising.

Dali-dali akong bumaba matapos mag-ayos ng sarili. Baka magbago pa ulit ang trato ng mga magulang ni Romeo akin dahil ang tagal kong gumising.

"Good morning, Tita guwapa!" masayang bungad ni Michael. Patakbo itong lumapit sa akin nang makita akong pababa ng hagdan.

Agad din naman akong ngumiti at yumuko. Binigyan ko siya ng malutong na halik sa pisngi at mahigpit na yakap. "Good morning, Michael." Pinisil ko ang pisngi ng bibong bata na napangiwi na lang sa ginawa ko at hindi na nagreklamo.

Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting nakatingala sa akin.

"Let's go, Tita guwapa, they are all waiting for you," sabi pa nito, at hinila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Happy silang dalawa sana walang pagsubok na dating sakanilang rilasyon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status