Share

Chapter 17

Pasado alas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Andrea sa bahay nila matapos nilang kumain ng dinner. Inihatid muli siya ni Martin sa labas ng bahay nila. Nagpasalamat naman siya sa binata sa paghatid ito. Nagpasalamat rin sa kanya si Martin dahil sa pumayag siya na mag-dinner silang dalawa. Mabilis naman na pinaharurot ni Martin ang sasakyan niya paalis sa tapat ng bahay nina Andrea nang masigurado niya na nakapasok na nga ito sa loob.

Namilog ang dalawang mga mata ni Andrea nang pagkabukas niya ng pinto ng kanilang bahay ay ang mukha ng kanyang ina na si Merla ang sumalubong sa kanya. Mabilis naman na nagmano siya sa kanyang ina at pumasok sa loob habang ang kanyang ama ay nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa telebisyon. Lumapit kaagad siya sa ama niya na si Roberto para magmano.

"Ginabi ka ngayon nang uwi," mahinang sabi ni Roberto sa anak niya na si Andrea na umupo naman sa harap ng mga magulang niya. "May ginawa ka pa ba sa opisina n'yo?"

Andrea licked her lips a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status