Mabilis ang bawat tibok ng puso ko habang pinagmamasdan kong papalayo si Nikolas. Basang-basa pa rin ang suot niyang polo, at kahit hindi ko gustong aminin, bawat patak ng tubig sa balat niya ay parang paalala ng kahihiyan koâat ng kakaibang kilig na ayaw kong maramdaman.
âMiss LauraâŚââ¨Natauhan ako nang marinig ang mahinang tinig ng matandang babaeâang tagasilbi ni Nikolas. Nakatayo siya sa di kalayuan, may hawak na tuwalya at may pag-aalalang nakapinta sa mga mata. âBaka sipunin kayo, hija. Halina na po, samahan ko kayo sa inyong silid.â
Tahimik akong tumango, at sinundan siya paakyat sa pasilyo ng mansyon. Habang naglalakad kami, ramdam ko pa rin ang lagkit ng tubig sa balat ko, at ang lamig ng hangin na humahaplos sa aking batok. Parang kahit ang mga pader ng bahay na ito, may matang nagmamasid.
Pagkapasok sa kwarto, agad niya akong pinaupo sa tabi ng kama at inabot ang tuwalya.â¨âMagpalit po muna kayo, iha,â wika niya. âMay ipinabigay na kasuotan si Mr. Valente para sa inyo. Ang bilin niyaâisuot niyo raw ito kapag bumalik ako rito.â
Napakunot ang noo ko.â¨âPara saan daw po?â tanong ko, bahagyang kinakabahan.
Ngumiti lang ang matanda, pero may kakaibang ngiti iyonââyung tipong may alam pero hindi dapat sabihin. âHindi niya po sinabi. Basta raw, kailangan niyo iyon dahil⌠may pupuntahan daw kayo pag katapos niyong mag ayos.â
âNgayon? Taka kong tanongâ¨Sa loob-loob ko, parang mas lumamig ang hangin.
Tiningnan ko ang damit na inilabas ng matanda mula sa aparadorâisang kulay dilaw na bestida na tila gawa sa mamahaling tela. Simple pero halata na ang presyo nito ay hindi mumurahin.
Tinitigan ko nang matagal ang bestida.
Ang kulay nito, maliwanag na dilawâhindi bagay sa bigat ng lugar na âto. Parang sinag ng araw sa gitna ng gabi. Pero habang hinahaplos ko ang tela, may kung anong pakiramdam na dumaan sa dibdib ko⌠hindi lang kaba, kundi parang paanyaya.
âIsuot niyo na po, hija,â sabi ng matanda, sabay bitaw ng mahinang buntong-hininga. âBabalikan ko kayo pagkatapos ng ilang sandali.â
Pagkaalis niya, nanatili akong nakatulala. Tahimik ang buong paligid, at tanging tik-tak ng orasan ang naririnig ko.
Huminga ako nang malalim, bago ko dahan-dahang hinubad ang basang damit.
Ang lamig ng hangin ay parang dumidikit sa balat ko, sinusundan ang bawat galaw koâparang may mga matang nanonood kahit wala namang tao.
Pagkatapos kong isuot ang bestida, napatingin ako sa salamin.
Hindi ko halos makilala ang sarili ko.
Ang dating payak kong anyo ay napalitan ng imahe ng isang babae na⌠hindi ko alam kung ako pa ba. Parang nilikha para sa isang gabi ng mga lihim.
Nang bumalik ang matanda, nakangiti siyang tumango.
âBagay sa inyo, hija. Halina na poâhinihintay na kayo ni Mr. Valente.â
Muli kong naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero isang bagay ang siguradoâwala akong kontrol sa kung anong mangyayari.
Sinundan ko ang matanda pababa sa hagdan. Sa bawat yapak, lumalalim ang takot at hiwaga sa dibdib ko.
Hanggang sa bumungad sa akin si Nikolas, nakatayo sa may pinto.
Tuyo na ang buhok niya ngayon, suot ang itim na coat. âYouâre finally ready,â malamig niyang sabi, habang sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
âI didnât expect yellow would look that good on you.â
Napalunok ako. âSaan mo ako dadalhin?â
Ngumiti siyaâisang ngiting hindi ko mabasa. âYouâll see soon enough.â
Bago pa ako makapagtanong muli, inilapit niya ang kamay niya at inalalayan akong lumabas ng bahay.
Sa labas, naghihintay ang itim na kotse.
At habang binubuksan niya ang pinto para sa akin, ramdam ko na kung saan man kami pupunta⌠hindi iyon basta simpleng lakad.
Tahimik akong sumakay sa kotse. Binuksan ni Nikolas ang pinto para sa akin, at saglit kong naamoy ang halimuyak ng mamahaling pabango niyaâmalamig, matalim, at kakaibang nakakabighani. Pagkaupo ko, marahan niyang isinara ang pinto at umikot para sumakay sa kabilang panig.
Pag-andar ng sasakyan, agad kong napansin ang tanawin sa labas.
Mga matatayog na gusali, ilaw na nagkikislapan, at mga kalsadang puno ng sasakyanâlahat ay bago sa paningin ko. Wala ni isa sa mga ito ang pamilyar.
Sanay ako sa probinsyaâsa mga daang maputik, sa mga ilaw ng bahay na galing lang sa lampara, sa katahimikang tanging kuliglig lang ang kasama.
Pero ngayon⌠parang ibang mundo ang nilalakaran ko.
Isang mundong hawak ni Nikolas Valente.
Tumingin ako sa kanya. Tahimik lang siya, nakatingin sa suot niyang mamahaling relo. Sa bawat galaw ng kamay niya, kumikislap ang metal sa ilalim ng ilaw ng sasakyan. Ang mga daliri niyaâmahahaba, malinis, at may bigat ang bawat galaw.
Hindi ko alam kung bakit parang hirap akong huminga tuwing malapit siya.
Ilang minuto kaming walang imikan.
At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nakapagsalita na ako.
âMr. ValenteâŚâ mahina kong wika. âKumusta na po ang⌠papa ko?â
Agad kong napansin ang bigla niyang pagtigil sa paggalaw.
Hindi siya tumingin sa akin.
Ang mga mata niya, nakatuon lang sa labas, sa mga ilaw na mabilis na dumadaan.
Lumipas ang ilang segundo ng nakakabinging katahimikan.
Naalala ko tuloy ang mga sinabi niya noong unang gabiâang mga rules na bawal kong labagin.
Rule number two: Donât ask questions that are not yours to ask.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko, napakagat-labi.
âPasensya na po,â mahina kong sabi, halos pabulong. âHindi ko sinasadyaââ
âHeâs fine,â malamig niyang putol, halos walang emosyon sa boses.
Napatingin ako sa kanya.
âPero,â dagdag niya, âwe no longer have any connection. The contract took care of that.â
Parang biglang nanlamig ang hangin sa loob ng kotse.
Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong mas masakitâang malamig niyang tono, o ang kahulugang nakapaloob sa mga salitang iyon.
No longer have any connection.
Ibig sabihin ba noon⌠kahit ang pagiging mag-ama namin, binura ng kasunduan?
Tahimik lang si Nikolas.
Nakatitig pa rin siya sa kalsadang tinatahak namin, pero ramdam ko sa presensiya niya ang bigat ng mga bagay na hindi niya sinasabi.
Huminga ako nang malalim at ibinaling muli ang tingin sa labas ng bintana.
At sa mga ilaw ng siyudad na patuloy na kumikislap, doon ko unang naramdaman ang totooâ
Na kahit anong ningning ng paligid, walang sinag na kayang tumagos sa dilim ng kasunduang pinasok ko.
Ilang minuto lang ang lumipas bago huminto ang sasakyan. Tahimik kong pinagmamasdan si Nikolas na walang imik, nakatingin lang sa labas habang marahan niyang hinuhubad ang suot na gloves. Hindi ko alam kung saan kami dinala, pero sa kakaibang kinis ng kalsada at sa mga ilaw na kumikislap sa paligid, alam kong malayo ito sa mga kalsadang kinalakihan ko.
âGet out,â malamig niyang sabi, bago siya unang bumaba ng kotse.
Kinabahan ako. Parang biglang bumilis ulit ang tibok ng puso ko habang dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Ang unang humaplos sa akin ay malamig na simoy ng hanginâamoy pabango, mamahaling kape, at metal.
At nang tuluyan kong mailabas ang ulo ko, doon ko lang napagtanto kung nasaan kami.
Mga ilaw. Malalaking billboard. Mga taong pawang nakabihis ng magara, may mga bitbit na paper bags at mamahaling cellphone. Sa harap namin ay isang gusaling kasing laki ng simbahanâpero imbes na krus, mga tatak ng tindahan ang nakasabit sa labas.
Isa itong mall.
Hindi basta mallâisa itong mamahaling mall.
âAnong ginagawa natin dito?â tanong ko, halos pabulong.
Hindi siya sumagot.
Binuksan lang niya ang pinto ng kotse sa likod at tiningnan ako nang diretso, parang sinasabing huwag na akong magtanong.
Kaya sumunod na lang ako.
Habang naglalakad kami papasok, ramdam ko ang mga mata ng ibang tao. Si Nikolas ay parang magnet ng atensyonâmatangkad, disente, nakasuot ng itim na coat na halatang mahal pa sa sahod ng kahit sinong taong naroon.
Ako naman, tahimik lang na nakasunod sa likod niya, pakiramdam ko parang hindi ako nababagay sa lugar na âto. Parang isang estrangherang napadpad sa mundong hindi para sa kanya.
Pagkapasok namin, dumiretso siya sa isang boutique na agad kong napansin sa laki at kinang ng mga display. May mga mannequin na naka-suotsuot ng damit na parang gawa sa liwanag mismo, at sa tapat ng pintoâŚ
âŚisang malaking puting karatula na may nakasulat sa gintong letra.
âGâŚGucci,â mahina kong basa, halos kinakain ng kaba ang boses ko.
Hindi ko pa narinig ang brand na âyan noonâpero sa itsura pa lang ng tindahan, alam kong kahit isang butones lang ng mga damit dito, hindi ko kayang bilhin kahit buong taon akong magtrabaho.
Pagpasok namin, agad na lumapit ang tatlong staff. Parang kilalang-kilala nila si Nikolas.
âGood evening, Mr. Valente,â bati ng isa, halos may pagyuko pa. âItâs been a while.â
Bahagyang tumango si Nikolas, malamig pero may presensiya.
âMake sure she gets everything she needs,â sabi niya, sabay lingon sa akin na para bang ako ang proyekto, hindi tao.
Napatingin ako sa kaniya, naguguluhan. âAnong ibig mongââ
Pero hindi ko na natapos ang tanong ko.
Tinapunan lang niya ako ng tingin na parang sinasabing donât argue.
At bago pa ako makapagsalita, may tumapik sa braso koâang babaeng staff na naka-smile pero halatang kinakabahan din sa presensiya ni Nikolas.
âMiss, this way po,â magalang niyang sabi. âWeâll take care of you.â
Nilingon ko ulit si Nikolas.
Nakatayo siya roon, mga kamay sa bulsa, nakatingin sa akin na para bang sinusukat kung hanggang saan ang kayang tiisin ng isang tulad ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero habang lumalayo ako sa kaniya, parang mas lalo akong nakaramdam ng kaba.
Saan niya ba ako dinadala?
At bakit parang⌠mas malalim ang dahilan ng lahat ng ito kaysa sa simpleng pamimili lang?
Pagkapasok namin sa loob ng tindahan, para akong dinala sa ibang mundo.
Ang sahig ay makintab na parang salamin, at bawat sulok ay kumikislap sa ilalim ng malambot na ilaw. Ang amoy ng mamahaling pabango ay humalo sa lamig ng aircon, at kahit hindi ko aminin, parang nahipnotismo ako ng ganda ng paligid.
Sa kaliwa, mga hanay ng mga bestida na tila hinabi ng liwanag â puro seda, puro kinang.
Sa kanan, mga bag na nakalagay sa salaming estante, bawat isaây may tag na may presyong nakakasakal lang isipin.
Napahinto ako sa harap ng isang bag â kulay puti, may gintong chain, at may logo na hindi ko mabasa nang buo.
Ang liit-liit nito, pero sigurado akong higit pa sa ipon namin ni Papa sa loob ng ilang taon ang halaga nito.
âAng gandaâŚâ mahina kong bulong, halos hindi ko namalayan na hinawakan ko na pala ito.
Ang lambot ng balat, at ang amoy nito ay amoy bago, amoy yaman.
Dahan-dahan kong ibinaba ang bag, pero bago pa man ko mailapag nang maayos, may lumapit agad na babae â isa sa mga staff. Kinuha niya iyon mula sa kamay ko, nakangiti.
âDonât worry, Miss. Weâll add this to the selection.â
Napakunot ang noo ko. âHa? Hindi, hindiâhindi ko bibilhin âyan. Tinitingnan ko lang po. Wala akongââ
Napahinto ako, nahihiyang ngumiti. âWala akong pera.â
Magalang na tumango ang babae, pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya. âWe understand, Miss. Pero sabi po ni Mr. Valente, lahat ng hawakan niyo⌠ipunin namin.â
Parang bigla akong natigilan.
âLahat ng⌠hinahawakan ko?â
Tumango siya. âYes, Miss. Thatâs his instruction.â
Napalunok ako, napatingin sa paligid â sa mga mamahaling damit, sapatos, at bag na tinignan ko kanina.
Paanongâ?
âHindi ko naman sinasadyang hawakan âyung iba,â sabi ko, halos nagmamadaling tono. âSabihin niyo sa kaniyaâhindi ko kailangan ng ganito, ayokongââ
âMiss,â mahina pero magalang na putol ng babae, âwe canât refuse his orders. He was very clear.â
Saglit akong natahimik. Parang biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung matatakot ako o mahihiya.
Muli kong binalikan ng tingin si Nikolas.
Nakatayo pa rin siya sa tapat ng salamin sa may dulo, nakataas ang isang kilay habang tinitingnan ako. Hindi ko alam kung ngiti ba âyon o panunuya ang nasa labi niya.
Parang gusto kong sumigaw na tigilan nila âto, na hindi ako sanay sa ganitong mundoâpero sa tindi ng tingin ni Nikolas, parang nawawala ang boses ko.
Kaya imbes na magsalita, napayuko na lang ako.
Sinundan ko ang staff papunta sa fitting area. Sa bawat hakbang ko, naririnig ko ang mahinang pag-uusap ng mga tao sa paligid.
Lahat sila parang may alam na ako lang ang walang ideya.
At habang isa-isa nilang inilalapit sa akin ang mga damitâmga telang hindi ko kayang bayaran kahit ipagbili ko ang kaluluwa koâisa lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko:
Bakit niya ginagawa âto?
At ano bang plano niya ngayon?
Dinala nila ako sa isang maluwang na fitting room, mas malaki pa yata kaysa sa buong bahay namin sa probinsya.
May malaking salamin sa harap, at mga kurtinang kulay ginto na parang kumikintab sa ilaw.
Sa tabi ko, nakapatong sa upuan ang tatlong damitâlahat mamahalin, lahat imposibleng bilhin ko kahit ilang taon akong mag-ipon.
Tahimik kong kinuha ang isaâisang kulay kremang bestida na may manipis na sintas.
Habang tinitingnan ko ito, parang naramdaman ko na naman âyung bigat sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot sa ginagawa ni Nikolas.
Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong damit at sinuot ang bestida.
Ang lambot ng tela, parang hinahaplos ang balat ko. Pero sa bawat galaw ko, parang nararamdaman kong mas lalo akong nalulubog sa isang mundong hindi akin.
Habang inaayos ko ang tali sa likod, may narinig akong mga mahihinang boses mula sa labas ng fitting room.
Dalawa, siguro tatlong babae.
Mahina pero malinaw.
Nagtatawanan.
âGrabe, tingnan mo âyung babae,â sabi ng isa, may halong tawa sa boses.
âAng swerte niya, no? I meanâMr. Valente? Come on. Hindi basta-basta nakakakuha ng atensyon âyun.â
âHay naku, halata namang pera lang habol nâun, âdi ba?â sagot ng isa pa, mas pabulong pero may kasamang halakhak.
âKunwari pa siyang mahinhin. Eh kung hindi siya marunong umarte, baka matagal nang tinapon ni Mr. Valente âyan.â
Tahimik akong napahinto.
Parang biglang humigpit âyung bestidang suot ko.
Bawat salita, tumatama sa akin na parang mga patalim.
Hindi ko sila nakikita, pero pakiramdam ko nakatutok sa akin ang mga mata nila kahit may kurtina sa pagitan namin.
May isa pang tumawa, mas mahina pero mas mapanira.
âBaka naman inakit lang niya. Alam mo na, mahina raw si Mr. Valente sa mga simpleng mukha. Tsk. Nakakatawa. Akala mo, inosente.â
Parang biglang nanlamig ang buong paligid.
Ang mga salitang âyonâpera lang habol, kunwaring mahinhinâpaulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo lang doon, nakatingin sa salamin habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko naman ginusto âto.
Hindi ko naman pinili.
Pero bakit parang lahat ng nasa paligid koâŚ
tinitingnan ako na parang kasalanan ko lahat?
Dahan-dahan kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang likod ng kamay.
Hindi ako puwedeng umiyak.
Hindi puwedeng makita nila.
Huminga ako nang malalim, pinilit kong ngumiti sa sarili kong repleksiyonâkahit alam kong pilit at walang buhay.
Pagkatapos, inayos ko ang sarili ko, pinatuyo ang luha sa laylayan ng damit, at marahan kong hinawi ang kurtina.
Tahimik akong lumabas mula sa fitting room, pilit pinapakalma ang sarili.
Ngunit kahit anong ayos ko sa buhok o pilit kong ngiti, ramdam kong bakas pa rin sa mga mata ko âyung pagod at bigat ng nararamdaman.
Nandoon pa rin si Nikolas sa may sofa, nakaupo nang kampante habang kausap ang isa sa mga staff.
Nakahilig siya, mga daliriây magaan lang na nakapatong sa labi, tila ba may sinusuri.
At nang magtagpo ang mga mata namin, para bang nabasa niya agad ang lahat ng iniisip ko.
Isang mabilis na tingin lang, pero sapat para tumigil ang mundo ko.
Parang sinasabi ng mga mata niya: Ngayon mo naiintindihan, hindi ba?
At doon ko lang tuluyang naramdaman ang katotohananâ
na ang lahat ng ito, bawat mamahaling telang pinasuot niya, bawat bag na ipinasok sa kahon, bawat tingin ng mga taoâŚ
âŚay bahagi ng plano niya.
Ngayon ko naintindihan kung bakit niya ako dinala rito.
Hindi lang para bihisan ako.
Hindi lang para ipakita kung gaano siya kayaman.
Kundi para iparamdam sa akin na wala akong dignidad.
Na kaya niyang hubarin hindi lang ang suot ko, kundi pati ang pagkatao ko.