Madilim pa rin nang magising ako.
Walang araw na sumisilip sa bintana, parang pati langit ay tinatamad na magbigay ng liwanag sa bahay na ‘to. Tahimik. Masyadong tahimik, na para bang ang bawat sulok ng kwarto ay may inaalagaang lihim.
Napatingin ako sa kisame. Ilang segundo akong tulala bago ko naalala—
ang lahat ng nangyari kagabi.
Ang bawat halik, bawat haplos, bawat sandaling hindi ko na alam kung takot ba o pagnanasa ang bumabalot sa akin.
Mabilis akong napabangon, parang may humahabol.
“Diyos ko…” bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. “Ano’ng ginawa ko kagabi?”
Napahawak ako sa labi ko, parang gusto kong burahin ang alaala ng init na hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa balat ko.
Hindi dapat nangyari ‘yon. Hindi ko dapat hinayaan.
Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, hindi ko rin maikaila—
may parte sa’kin na huminga sa gitna ng lahat ng kasalanan.
Halos marinig ko pa ang boses niya, ang malamig na bulong ni Nikolas sa tenga ko, “Fear looks good on you, Laura.”
Parang sumpa na paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko.
Agad akong tumayo. Lumapit sa bintana, hinawakan ang kurtina, at mariing hinila.
Sa unang pagkakataon, bumukas ito.
Sumalubong sa akin ang liwanag ng umaga—maputla, malabo, parang ayaw ding pumasok sa loob ng bahay na ito.
Ang hangin ay malamig, pero sa halip na ginhawa, ramdam ko ang bigat.
Ilang sandali akong nakatayo ro’n, nakamasid sa labas.
May mga tauhang nakasuot ng itim sa hardin, tahimik, disiplinado.
At sa gitna nila, nakatayo si Nikolas—suot ang dark suit, hawak ang cellphone, kalmado, pero imposibleng hindi mapansin.
Parang hari sa sariling imperyo ng dilim.
Napaatras ako.
Muling sumikip ang dibdib ko, lalo na nang magtagpo ang mga mata namin.
Oo, tumingin siya. Diretso sa bintana kung saan ako nakatayo—parang alam na alam niya na gising na ako.
At sa halip na umiwas, ngumiti lang siya.
Malamig. Mapanganib.
‘Yong ngiti na parang nagsasabing alam kong nagsisisi ka, pero huli na.
Kumatok ang mahinang tunog sa pinto.
Tatlong beses. Mabagal. Parang bawat katok ay may dalang bigat.
“Miss Laura,” mahinang tawag ng isang boses mula sa labas—ang boses ng isa sa mga tauhan ni Nikolas. “Ipinatatawag po kayo ni Mr. Valente. Gusto raw niyang sabay kayong mag-almusal.”
Napasinghap ako. Sa unang sandali’y gusto kong magpanggap na tulog pa rin ako, pero alam kong walang saysay. Sa bahay na ito, walang nakakatalo sa kagustuhan ng lalaking iyon.
Kaya kahit nanginginig pa rin ang mga kamay ko, tumayo ako, inayos ang sarili, at marahang binuksan ang pinto.
Sumalubong sa’kin ang malamig na hangin mula sa pasilyo—at ang tingin ng lalaking naka-itim na suit na tila nagbabantay ng bawat galaw ko.
“Mauna napo kayong maglakad.”mahina kong sabi.
Tahimik akong naglakad sa kahabaan ng hallway. Lahat ay sobrang tahimik. Ang mga ilaw, ang mga kurtina, pati ang orasan sa dingding—parang lahat ay natigil sa pagitan ng gabi at umaga.
Pagdating ko sa dining hall, naroon siya.
Si Nikolas Valente, nakaupo, kaswal, pero nakakatakot pa rin sa bawat iglap ng tingin niya. Nakasuot siya ng puting long-sleeved shirt, bahagyang nakabukas ang itaas na butones, at sa bawat paggalaw niya ay parang may awtoridad na hindi mo puwedeng kuwestiyunin.
“Sit,” utos niya, malamig at diretso.
Umupo ako sa tapat niya. Sa pagitan namin ay mahabang mesa na puno ng pagkain—mga bagay na ni hindi ko malasahang tingnan. Habang siya’y tahimik na nagbubuhos ng kape, ako naman ay pinipigilan ang bawat paghinga, iniwasan ang titig niya.
Tahimik kaming dalawa.
Ang tanging maririnig lang ay ang paglagitik ng kubyertos at ang tunog ng relo sa dingding.
Nililibot ng mga mata ko ang paligid—ang chandeliers, ang mga mamahaling plato, ang mga bulaklak sa gitna ng mesa—anumang bagay na makakatakas sa bigat ng presensya niya.
At saka siya nagsalita.
Tahimik, mababa, pero matalim.
“Didn’t you like what happened last night?”
Para akong natigilan.
Parang biglang humigpit ang hangin sa paligid.
Tumingin ako sa kanya, dahan-dahan, habang ang puso ko ay parang sasabog. Ang mga mata niyang kulay abo ay diretso lang sa akin, parang sinusuri kung nasaan na ang katinuan ko matapos ang lahat.
Humugot ako ng mahinang hininga.
“Lahat ng nangyari kagabi,” bulong ko, halos pabulong lang, “ginawa ko lang… kapalit ng buhay ng papa ko.”
Sandaling katahimikan.
Walang gumalaw.
Tila pati ang oras ay tumigil.
Ngumiti siya, bahagya lang—isang ngiting walang saya.
“Good,” sabi niya sa malamig na tinig. “At least you remember why you’re here.”
At sa sandaling iyon, alam kong hindi pa tapos ang parusang sinimulan ko.
Tahimik kong sinubukang tikman ang pagkain sa plato ko—pero kahit anong lunok, parang may bara sa lalamunan. Sa kabilang dulo ng mesa, si Nikolas ay kalmado lang, parang walang mabigat na nangyari kagabi. Para bang ang mundo ay laging nasa ilalim ng kontrol niya.
Pero bago pa man ako makapagsalita, may yumuko sa tabi niya—isang lalaki, suot ang itim na suit, at bumulong nang marahan.
Hindi ko marinig nang buo, pero naramdaman ko ang biglaang pagbabago sa hangin.
Ang mga mata ni Nikolas ay lumalim, at ang noo niya’y bahagyang kumunot. Mabilis, seryoso.
May narinig akong ilang salitang pumutol sa katahimikan—“the office… urgent matter…”—at doon ko lang napagtanto na tungkol iyon sa negosyo niya.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan. Mula sa ilalim ng mga pilik-mata ko, sinundan ko siya ng tingin—ang bawat galaw niya ay parang sinukat, mabigat, nakakatakot.
Lumapit siya sa matandang babae na nakatayo sa gilid ng mesa—ang tagasilbi kong halos hindi ko pa kilala.
“You’ll take care of her,” malamig niyang sabi, bago niya ako muling tinapunan ng matalim na tingin.
Yung tinging iyon… parang nag-iwan ng marka sa balat ko. Hindi niya kailangang magsalita pa; sapat na ang isang sulyap para ipaalala kung sino ang may hawak ng tali.
Pagkatapos no’n, tumalikod siya at naglakad palabas ng dining hall. Tahimik. Matikas.
Ang bawat yabag niya ay unti-unting naglaho, pero naiwan sa ere ang bigat ng presensyang iyon—parang kahit wala siya, hindi ako makagalaw nang malaya.
Pagkaalis ni Nikolas, hindi ko alam kung gaano katagal akong tahimik na nakatitig lang sa mesa. Parang wala akong marinig kundi ang tiktak ng orasan at ang marahang paghinga ko. Sa wakas, inilapag ko ang kubyertos at marahang tumayo.
Nandoon pa rin ang matandang babae na tinawag niyang “you’ll take care of her.” Tahimik lang ito, pero mababakas sa mukha niya ang kabaitan na matagal ko nang hindi nararamdaman mula kaninuman sa bahay na ito.
“Uh…” mahina kong simula habang nilalapitan siya. “Pwede ko bang itanong kung… puwede mo akong ilibot kahit sandali lang? Ilang araw na akong nandito, pero… parang wala pa akong alam tungkol sa bahay na ’to.”
Sandaling tumingin sa akin ang matanda, waring nag-aalangan. Pero maya-maya ay tumango rin ito, bahagyang nakangiti.
“Sige, hija. Pero hanggang sa mga lugar lang na pinapayagan ni Mr. Valente, ha?”
Tumango ako agad, kahit ang totoo’y may kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may parte sa akin na gustong maintindihan kung anong klaseng mundo ang ginagalawan ng lalaking iyon.
Tahimik kaming naglakad sa mahabang pasilyo. Sa bawat hakbang, naririnig ko ang pagkaluskos ng aming mga paa sa mamahaling sahig na gawa sa marmol. Ang mga pader ay puno ng mga antigong larawan, mga mukha ng taong hindi ko kilala pero may parehong tinging malamig at maringal—parang angkan ni Nikolas.
“Matagal ka na bang naninilbihan dito?” tanong ko, para basagin ang katahimikan.
“Matagal na,” sagot ng matanda. “Simula pa noong bata pa si Mr. Nikolas. Tahimik na bata ’yon… pero alam mong iba siya.”
Hindi ko na nagawang itanong kung ano ang ibig niyang sabihin dahil huminto siya sa isang bahagi ng pasilyo. Sa dulo nito ay may mabigat na pintuang kulay itim, may ukit ng gintong simbolo sa gitna—parang crest ng isang pamilya o organisasyon at familiar saaken na napuntahan kona kaso nong oras na iyon ay madilim kaya nakalimutan ko ang itsura.
“Ano ’to?” tanong ko, halos pabulong.
“’Yan ang opisina ni Mr. Valente,” mahinang tugon ng matanda. “At isa lang ang bilin sa’min… kahit kailan, hindi dapat pumapasok dito.”
Napatitig ako sa pinto. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang may puwersang humihila sa akin papalapit. Parang tinatawag ako ng mga lihim na nakatago sa loob.
“Bakit?” tanong ko, halos bulong.
Ngumiti ang matanda—ngiting may halong kaba.
“Dahil ’pag nakita ka niyang nandiyan, hija… baka hindi na siya ngumiti ulit.”
Tahimik na tumango ang matandang babae matapos sabihin kay Laura ang tungkol sa opisina ni Nikolas—ang silid na mahigpit na ipinagbabawal pasukin ninoman.
“Halika na,Doon naman tayo sa kabilang pasilyo,” mahinahon nitong sabi, sabay alalay sa kanya palayo.
Ngunit habang naglalakad sila, nanatiling nakasunod ang tingin ni Laura sa pinto ng opisina.
Maitim ang kahoy na tila s********p ng liwanag, at sa gitna ng pintuan ay may ukit ng isang sagisag na hindi niya mawari kung anong kahulugan. Parang may kung anong hatak iyon—isang bulong na pilit niyang nilalabanan.
“Bakit bawal?” tanong ng isip niya. “Ano ang itinatago mo, Nikolas?”
Nilibang siya ng matanda sa ibang bahagi ng bahay—ang mahabang pasilyong may nakasabit na mga antigong larawan, ang silid-aklatan na amoy lumang papel, at ang malawak na veranda na tanaw ang hardin. Ngunit kahit saan siya dalhin, ang isip ni Laura ay nananatiling bumabalik sa opisina ni Nikolas.
Kailangan niyang makapasok doon. Kailangang malaman niya kung naroon nga ang kontrata… ang kasulatang naggapos sa kanya kay Nikolas Valente.
Pagkatapos ng paglilibot, nagpaalam siya sa matanda at nagtungo sa hardin.
Tahimik doon—ang hangin ay malamig, at ang mga dahon ay marahang sumasayaw sa bawat ihip ng hangin. Umupo siya sa isang marmol na upuan, pinagmamasdan ang mga rosas na tila mas buhay pa kaysa sa kanya.
Ngunit kahit anong ganda ng paligid, hindi mawala ang bigat sa dibdib niya.
Bakit ba gano’n? Bakit parang may bahagi ng bahay na ayaw siyang paalisin—parang may tinig na humihingi ng kanyang pansin?
Napabuntong-hininga siya. “Pa…” mahina niyang bulong, halos pabulong sa hangin. “Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon.”
Pinikit niya ang mga mata, pilit na pinapawi ang lungkot. Pero sa likod ng kanyang talukap, ang larawang sumulpot ay hindi ang mukha ng kanyang ama… kundi ang malamig na titig ni Nikolas, at ang pinto ng opisinang patuloy siyang tinatawag.
Maya-maya, napatingin ako sa mga bulaklak sa hardin—mga rosas, liryo, at ilang hindi ko kilalang uri na tila masyadong perpekto para lang basta tumubo ro’n. Ang iba’y namumukadkad na, ang iba nama’y tila naghihintay lang ng konting aruga.
Napansin ko ang maliit na patubig sa gilid, at sa tabi nito ay isang lata ng pandilig.
Napangiti ako. “Siguro… puwede naman akong makatulong kahit papaano.”
Binuhat ko ang lata at sinimulang diligan ang mga halaman. Sa bawat buhos ng tubig, ramdam ko ang lamig na dumadampi sa aking mga kamay, at ang amoy ng basang lupa ay tila nagpapaalala ng mga panahong wala pa akong iniintindihan sa mundo—noong bata pa ako, at ang tanging iniiyakan ko lang ay kapag nasisira ang mga laruan ko.
“Ang ganda n’yo,” bulong ko sa mga bulaklak habang isa-isang dinidiligan. “Alam n’yo ba, naiinggit ako sa inyo minsan… kasi kahit anong mangyari, patuloy pa rin kayong namumukadkad.”
Natawa ako sa sarili kong kausap ang mga bulaklak. Pero sa katahimikan ng hardin, parang sila lang ang marunong makinig.
“Alam n’yo ba,” patuloy ko, “hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili dito. Pero habang nandito pa ako…”
Huminto ako sandali, itinuwid ang likod, at nginitian ang mga ito.
“…araw-araw ko kayong didiligan. Promise yan.”
Muling bumuhos ang tubig sa pagitan ng aking mga daliri, at bago ko namalayan, basa na ang laylayan ng suot kong bestida. Natawa ako nang mapansin kong pati ang mga paa ko ay nababalot na ng putik.
“Ang gulo mo talaga, Laura,” sabi ko sa sarili, pero imbes na tumigil, mas lalo kong nilakasan ang pagdidilig. Hanggang sa nagmistulang laro na ito—umiikot ako sa gitna ng hardin, pinaiikot ang lata, pinapabagsak ang tubig na parang ulan.
Ang tawa ko’y humalo sa tunog ng tubig at sa ihip ng hangin. Sa unang pagkakataon simula nang dumating ako sa bahay na iyon, nakaramdam ako ng konting kalayaan—kahit panandalian lang.
Puno ng tawa at ngiti ang mga labi ko habang umiikot sa gitna ng hardin. Sa bawat buhos ng tubig mula sa hose, kumikislap ang mga patak sa ilalim ng araw, at parang saglit akong nakalimot sa bigat ng lahat. Parang bata lang ulit—malaya, walang iniisip.
Hindi ko alam, may mga matang nakamasid pala sa’kin.
Nakatingin si Nikolas mula sa may gate ng hardin—tahimik, nakasandal, pinagmamasdan ako sa gitna ng mga bulaklak. Ang suot niyang puting long sleeve ay bahagyang nakabukas sa leeg, at sa ilalim ng anino ng mga puno, ang mga mata niya’y tila mas lalong naging mapanganib.
Isang kalabog mula sa may driveway ang biglang gumulat sa akin—tunog ng pinto ng kotse na isinara nang malakas. Napaharap ako, dala-dala pa rin ang hose.
At bago ko pa man maibaba, isang malamig na haligi ng tubig ang tumama diretso kay Nikolas.
Nanlaki ang mga mata ko. “Oh my God!”
Napatigil ako, at doon ko lang napansin—basang-basa siya, mula ulo hanggang dibdib. Ang puting long sleeve niya’y dumikit sa balat, at ang titig niya… mabigat. Tahimik. Mapanganib.
At doon nagsimulang bumalik ang takot.
Napatingin ako sa sarili kong suot—ang bestidang puti kong manipis na ngayon ay halos dumikit sa balat. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang mapagtanto kong bakat na ang lahat. Agad akong napalunok at lumapit sa kanya, halos di na makapag-isip.
“Nikolas, I– I’m so sorry,” nauutal kong sabi habang iniluhod ang sarili ko sa harap niya, sabay agaw nang hawak nitong panyo . “Hindi ko po sinasadya.”
Agad kong pinunasan ang tubig sa kanyang manggas, pataas sa kanyang dibdib, hanggang sa maramdaman ko ang init ng balat niya sa ilalim ng basang tela.
Pero bago ko pa maituloy, marahan niyang hinawakan ang kamay ko—mahigpit, mainit, at puno ng kontrol.
Nag-angat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin.
Nakita ko ang mabilis na paglunok niya, ang bahagyang pag-igting ng panga. Ako naman, halos hindi makahinga—basang-basa, nanginginig, at nalulusaw sa bigat ng titig niya.
“Next time…” mababa at kalmado ang boses niya, pero may diin sa bawat salita. “…don’t play around. Dry yourself up.”
Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko at tinalikuran ako. Naiwan akong nakaluhod sa damuhan, humahabol ng hininga, habang pinagmamasdan ang bawat hakbang niyang papalayo—ang bawat patak ng tubig mula sa kanyang balikat ay parang musika ng babalang hindi ko pa kayang intindihin.