로그인A LUNCH TO REMEMBERPaglabas ni Elise ng board room, naabutan niya ang grupo sa lobby. Nandoon na ang iba, nag-uusap habang hinihintay ang elevator papunta sa restaurant.“Come on, everyone,” aya ni Ms. Ellain. “I’m treating you to lunch. You deserve it after that presentation.”“Thank you, ma’am,” sagot ni Elise.Pagdating nila sa restaurant, sinalubong sila ng staff at inihatid sa malaking table na naka-reserve para sa grupo. May ilang upuan sa gitna na may reserved cards, habang sa isang bahagi ay may nakalagay na VIP.Napansin ni Jason na magkakatabi ang mga upuang may reserved cards sa kabilang dulo ng table. Akala niya, para iyon sa team nila. Kaya nang makita niyang may bakanteng upuan sa tabi niya, bahagya siyang tumabi.“Elise, dito ka na,” sabi niya, tinuturo ang upuan sa tabi niya.Pero bago pa makasagot si Elise, narinig niya ang boses ni Ethan mula sa kabilang bahagi ng table.“Elise, dito ka sa tabi ko.”Bahagya nitong hinila ang bakanteng upuan sa tabi niya.Napatingin
THE MOMENT SHE NEEDEDMaaga nagising si Elise kinabukasan.Pagkatapos maligo, matagal siyang pumili ng isusuot. Sa huli, pinili niya ang soft beige blouse na may modest neckline at fitted sleeves, ipinares sa dark brown pencil skirt na hanggang tuhod. Simple pero polished, bagay sa presentation at sa edad niya.Mas pinaglaanan niya ng oras ang makeup niya kaysa sa usual. Light foundation, soft blush, at nude-pink lipstick. Inayos niya ang buhok sa isang medyo mataas na ponytail, kaya mas kita ang mukha niyang hindi na kailangan ng maraming makeup para mapansin ang ganda.Pagkatapos mag-ayos, dumiretso siya sa kuwarto nila kung saan gising na si Hope.“Good morning, baby.”Ngumiti si Hope nang makita siya. Pinakain muna niya ang anak, saka nakipaglaro sandali. Kahit kinakabahan siya sa presentation, gumaan ang pakiramdam niya sa simpleng tawanan nilang dalawa.“Behave ka kay Ate Gina, ha?” sabi niya habang hinahalikan ang noo ni Hope.Nagpaalam siya kay Ate Gina bago tuluyang umalis.“
A SMILE SHE COULDN'T HIDEPagkapasok ni Elise sa bahay, agad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan si Belle.Ilang ring lang, sumagot na ito sa video call.“Finally! I was about to call you,” bungad ni Belle. “How was your day?”“Grabe. Ang daming nangyari.”Nagsimula si Elise sa pagkukuwento tungkol sa report niya, sa mga revisions na kailangan niyang gawin, at sa presentation niya kinabukasan. Kinuwento rin niya ang pagbisita ni Jason kay Hope at ang request nitong magkaroon ng regular na schedule para makabisita sa anak.“I told him I’ll think about it,” dagdag niya.“Reasonable naman. At least, gusto niyang maging present sa buhay ni Hope.”“Yeah.”Pero nang mapunta ang usapan sa dinner kasama si Ethan, mas naging animated ang boses ni Elise. Kinuwento niya ang restaurant, ang tulong ni Ethan sa report, at kung paano siya nito hinatid pauwi.“Wait,” singit ni Belle. “Bakit parang ang saya-saya mo habang kinukuwento mo ’yan?”Napahinto si Elise. “Ha? Hindi ah.”“Girl, nakangiti
THE SONG THAT STAYED WITH HERTahimik ang loob ng sasakyan habang nagmamaneho si Ethan palabas ng restaurant.Nakasandal si Elise sa passenger seat, nakatingin sa mga ilaw ng siyudad na dumaraan sa bintana. Medyo malamig ang air-conditioning, at hindi niya namalayang bahagya na pala siyang naninigas sa pagkakaupo.“Are you cold?” tanong ni Ethan.Napalingon siya. “Hindi naman.”Ngumiti siya rito, pero bago pa niya maibalik ang tingin sa bintana, biglang lumingon si Ethan sa kanya.Nagtagpo ang mga mata nila.Napahinto ang ngiti ni Elise sa labi niya. Ano ba? Bakit ka tumitingin? Nagda-drive ka.Mabilis na bumalik ang tingin ni Ethan sa daan, pero may bahagyang ngiti pa rin sa mukha niya.“Would you like some music?”“Yes,” sagot ni Elise, masyadong mabilis.“I'm not sure if you'll like what's on my playlist.”“It's okay. Anything is fine.”Pinindot ni Ethan ang controls sa dashboard at binuksan ang audio system. Ilang segundo lang, nagsimulang tumugtog ang Young and Beautiful ni Lana
THREE HOURS WITH YOUPagkatapos nilang matapos sa pagkain, inilapit ni Ethan ang folder sa gitna ng mesa.“Let’s go over the presentation one more time.”Agad na inayos ni Elise ang notebook niya. “Yes, Sir.”Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa report, timeline, at presentation. May ilang suggestions si Ethan sa flow ng slides, habang si Elise naman ay nagbigay ng ideas kung paano mas madaling maipapakita ang data.Hindi niya namalayang lumipas ang oras habang magkasama silang nagre-review.Hindi rin niya namalayang mas madali na siyang ngumiti sa mga biro ni Ethan.“Your presentation is getting better,” sabi nito matapos nilang matapos ang huling slide. “You’ve put a lot of effort into this.”“Thank you, Sir. I’m glad you’re satisfied.”“I am.”Isinara ni Ethan ang folder at sumandal sa upuan. Sa unang pagkakataon mula nang dumating sila, hindi na nakatingin sa report ang atensyon niya.“How have you been, Elise?”Napatingin siya rito. “I’m sorry?”“Outside work. How are you doing?
A LITTLE TOO CLOSENang makaupo sila, agad na inilabas ni Elise ang notebook niya.“About the report, Sir Ethan, I’ve already double-checked the figures. May ilang adjustments lang akong ginawa based sa feedback ni Ms. Rivera.”Pero sa halip na buksan ang folder na dala niya, kinuha ni Ethan ang menu at iniabot ang isa kay Elise.“Before we talk about work, what would you like to eat?”Napatingin siya sa menu. “Actually, hindi naman po ako masyadong gutom.”“Still, you should eat something.” Inilapag ni Ethan ang menu sa harap niya. “Choose whatever you like.”“Okay po.”Magkatapat sila sa mesa. Habang binabasa ni Elise ang menu, paminsan-minsan ay napapatingin siya kay Ethan.Ilang araw pa lang naman niya itong nakakasama sa trabaho. Kahit naging classmates sila noon, ibang-iba ang Ethan na nakilala niya ngayon. Mas mature. Mas composed. At, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang mas gumagwapo ito sa paningin niya habang tumatagal.Chinito si Ethan, pero hindi lang iyon ang da







