LOGINSa gilid ay hawak-hawak ni Ereena ang cellphone niya habang naghihintay siya ng sagot mula sa mga kaibigan niya. Ilang segundo ang lumipas.
Pagkatapos ay tumango si Edwin. “Sige.” Handa siyang ibaba ang pride niya, ‘wag lang magmukhang katawa-tawa ang pamilya nila sa alta socialidad. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa mesa. “Susubukan kong tawagan si Yvangeline.”Sa kabilang bahagi ng sala ay tahimik na napangiti si Ereena. ‘Hindi ako papayag na wala ako sa ball na iyon.Nakabalik na si Yvee sa hall at napalunok siya sa dami ng tao roon. Agad na hinanap ng mga mata niya si Gideon, ngunit hindi niya mahanap ang lalaki. Kaya ang sunod niyang hinanap ay ang mga anak niya. Nagbabakasakali siyang nasa hall na ang mga ito. Ngunit hindi niya rin nahanap ang mga anak niya. Ang nahanap niya tuloy ay ang matatalim na titig ni Ereena sa kaniya. May katabi si Ereena na lalaki, nagsasalita ito pero wala ang atensyon ni Ereena rito. Ang atensyon nito ay nasa kaniya. Kung nakamamatay ang tingin malamang ay bumulagta na si Yvee.Sa huli ay nag-iwas ng tingin si Yvee at patuloy na hinanap si Gideon sa dagat ng mga tao. “Nasaan ka, Gideon…” bulong ni Yvee sa kaniyang sarili.Nabigo si Yvee. Hindi pa rin niya mahagilap si Gideon. Mas bumilis ang tibok ng puso niya. Nagpapanic na siya. Baka kung sino-sino na naman ang lumapit sa kaniya. Wala na siya sa mood para makipag-usap pa sa mga tao. Ubos na ang social battery niya para ro’n.Kung wala si Gideon ay ang mga bata na
“Hindi mo maintindihan,” ulit ni Yvee. “Kasi sanay ka na umiikot sa iyo lahat. But new flash, Ereena. Hindi lang sa iyo umiikot ang mundo. At hindi ikaw ang palaging magaling at karapat dapat sa lahat ng pagkakataon.” Bahagya siyang tumingin sa sarili niya sa salamin. “Kung cheap ako, eh ano ka pa? Anak ka ng cheater at ng isang homewrecker. Kahit gaano pa karaming pera ang nasa bulsa o bag o bank accounts mo, hindi noon mababago na sinira ng nanay niyo ang pamilya namin. At ikaw ang bunga ng pagktataksil na ‘yon.”Umasim ang ekspresyon ni Ereena. “Shut up! Tingnan mo ang sarili mo,” may gigil na sabi niya. “Akala mo ba porque fiancee ka na ngayon ng isang Revamonte ay luluhod ako sa iyo?”Bahagyang ngumiti si Yvee. “Hindi,” sagot niya. “Pero sapat na ‘yon para hindi ako matakot sa’yo. At isa pa,” dagdag niya, “kung may problema ka sa kung anuman ang mayroon kami ni Gideon…” Bahagya siyang tumingin sa may pintuan. “Hindi ako ang dapat mong kausapin.”Napai
Sumeryoso ang mukha ni Yvee nang makilala niya ang babae. “Ereena…”Hindi sumagot si Ereena sa kaniyang kapatid. Nanatili lang siyang nakatingin dito na tila ba nag-iisip siya kung paano niya sasaktan si Yvee.Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ni Yvee. Kilalang-kilala niya si Ereena at alam niyang galit na galit ito sa kaniya. Alam niyang nag-iisip ito kung paano siya nito bibwisitin. Ganito ang madalas nilang eksena noon at sa huli ay siya ang nagmumukhang masama sa harap ng ama nila.Unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Ereena. Humalakhak siya na animo’y nasisiraan na ng bait. “Fiancée?” sarkastikong turan ni Ereena, parang hindi siya makapaniwala. “Narinig ko ba ng tama ang sinabi ng host kanina? Or mali lang ako ng dinig?” dagdag pa niya habang bahagya siyang lumalapit kay Yvee.“Hindi. Hindi ka nagkamali,” sagot ni Yvee. “Narinig mo iyon ng tama.”Mas lalo pang sumikip ang ekspresyon ni Ereena. “Wow,” sabi niya, sabay iling. “Sobrang bilis mo talagang kumilos, Yvee.”Baha
Maliwanag ang buong ballroom. Kumikislap ang mga ilaw mula sa malalaking chandelier sa kisame, habang ang mga bisita ay nakaayos sa kani-kanilang pwesto—may mga nag-uusap, may mga tumatawa, at may mga tahimik lang na nagmamasid. Sa harap ng hall, nakatayo ang host na may hawak na mic. “Ladies and gentlemen…” Unti-unting humina ang ingay sa paligid. “Please direct your attention to the entrance.” Napatingin ang lahat sa malaking pinto sa dulo ng hall. Nakasirado pa ang pinto pero alam na ng lahat kung sino ang nasa likod ng pintuang iyon. Pero kahit alam na ng lahat iyon ay puno pa rin sila ng kuryusidad. May usap-usapan kasing kumalat na ipapakilala ngayong gabi ang fiancee ni Gideon Revamonte. Lahat ay nag-aabang sa balitang iyon. “Let us welcome… Mr. Gideon Revamonte-the CEO of Revamonte Group.” Dahan-dahang bumukas ang pinto. Kasabay noon ang paghakbang ni Gideon Revamonte. Kahit pa madalas na makita ng madla ang hitsura ni Gideon ay manghang-mangha pa rin ang mga kababaihan
Marahang umandar ang limousine matapos isara ng driver ang pinto. Tahimik ang loob ng sasakyan. Malambot ang upuan at may mahina pang ilaw sa gilid na parang sinadya para maging elegante ang dating.Napatingin si Yvee sa bintana habang umaandar sila. Dumadaan ang mga ilaw ng lungsod sa salamin, nagiging parang guhit ng liwanag habang tumatakbo ang sasakyan. Sa tabi niya, nakaupo si Atlas. Nakaayos din ito. May maliit na suit at mask na tinatakpan ang kalahati ng mukha nito. Tahimik lang itong nakatingin sa labas, pero halata sa galaw ng mga daliri nito na excited na ito sa event.Napangiti si Yvee. “Excited ka?” tanong niya.Bahagyang tumango si Atlas. “Opo.” Saglit siyang tumahimik bago siya muling nagsalita. “Marami pong tao roon, ‘no?”“Oo,” sagot ni Yvee. “Pero sandali lang naman tayo. Tapos uuwi na rin tayo.”“Marami rin po bang pagkain?”Napatawa si Yvee. “Atlas naman. ‘Yon talaga ang iniisip mo?”“Siyempre po,” sagot ni Atlas na parang napaka-seryoso ng usapan nilang mag-ina.N
Maayos na ang unit ni Yvee. Iba na ang hitsura nito kumpara kaninang umaga na puno ng maleta at mga bote. Ngayon, maayos na ang lahat. Nakaayos na ang mga gamit, nakasara na ang makeup cases, at ang glam team ay nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan ang huling ayos.Sa harap ng malaking salamin, nakatayo si Yvee. Halos hindi niya makilala ang sarili. Suot niya ang mahabang gown na maayos ang hulma sa katawan niya. Malambot ang tela at kumikislap kapag tinatamaan ng ilaw. Maingat na nakapatong ang alahas sa leeg at tainga niya—simple pero elegante ang dating, mas nagmumukha tuloy siyang sopistikada. Ang makeup niya ay hindi makapal, pero sapat para mas luminaw ang features niya. Hindi niya tuloy aakalain na mas may igaganda pa pala siya. Dahan-dahan siyang umikot sa harap ng salamin.“Grabe…” mahinang bulong ni Yvee. Parang hindi siya ‘to.Lumapit si Annie at inayos nang kaunti ang buhok ni Yvee. “Perfect,” sabi niya, nakangiti. “Bagay na bagay po sa inyo.”“Talaga ba?” tanong ni Yve
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni A
Prenteng nakaupo sa sofa sina Gideon at ang doktor. Nag-uusap sila ng seryoso. “Sa mga ganitong kaso,” paliwanag ng doktor. “May mga batang mas mabilis ang progress kapag ang nag-aalaga o nagtuturo sa kanila ay biologically related. Halimbawa, birthmother nila. Emotional connection lang ‘yon pero
Pagharap ni Yvee sa pinto, wala siyang nadatnan — sarado na ito, tahimik, at tila walang kahit sinong dumaan doon. Napasinghap siya nang bahagya, saka muling tumingin kay Atticus. “See?” mahinahong sabi ni Yvee, pilit na ngumingiti. “Baka gutom ka lang, anak. Kapag gutom tayo, kung anu-ano ang na
Nasa sulok sina Gideon at Drew. Napansin nila ang kakaibang ikinikilos ni Atlas kanina pero nanatili silang nakaupo sa sofa. Tahimik nilang pinagmamasdan ang unit at ang hallway kung saan lumabas si Atlas. “Sir,” bulong ni Drew, halatang nag-aalala. “Kailangan natin siyang pigilan. Hindi natin al







