تسجيل الدخولNagising si Gideon Isaac Revamonte na parang pinupokpok ang ulo niya sa sakit. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at bumungad sa kaniya ang nagkalat na mga kagamitan niya. Parang pelikulang nagflashback sa utak niya ang lahat ng mga nangyari kagabi.
Umiinom lang si Gideon ng alak tapos bigla na lamang siyang nakatulog. Nagising na lang siyang nakapiring ang kaniyang mga mata at nakatali ang mga kamay niya. May babaeng biglang nagtulak sa kaniya at pinaibabawan siya. Napatakip siya sa pang-ibabang bahagi niya nang biglang kumislot ang parteng iyon. Naalala niya ang bawat sandaling pinagsaluhan nila ng misteryosong babae. Hindi niya mabilang kung ilang beses na may nangyari sa kanila dahil nakatulog na rin siya sa sobrang pagod. Kumunot ang noo ni Gideon nang makita niya ang isang makapal na bugkos ng pera. Kinuha niya iyon at tiningnan. Sa tantsa niya ay nasa mahigit isang daang libong piso iyon. Tumaas ang itaas na bahagi ng kaniyang labi. “What the heck is this?!” inis na tanong ni Gideon kahit alam niyang wala namang sasagot sa kaniya. “Is this her payment? Anong tingin niya sa akin? Pulubi?” Parang kandilang sinindihan ang galit ni Gideon. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganitong klaseng pagpapahiya at pangmamaliit. Matapos siyang gamitin ng babaeng iyon ay basta na lamang siyang iniwan. Ni hindi man lang siya nito kinausap at hindi man lang ito nag-abalang alisin ang takip sa kaniyang mga mata, na para bang wala itong pakialam sa katauhan niya. Ikinuyom ni Gideon ang kaniyang mga kamao. Kailangan niyang malaman kung sino ang nag-utos sa babaeng unang umangkin sa kaniyang pagkalalaki at kung paano ito nakapasok sa kwarto niya. Inabot ni Gideon ang cell phone niyang nakapatong sa bedside drawer. Mabilis niyang idinial ang numero ng assistant niya. Isang ring palang ay agad na sumagot si Drew sa tawag niya. [“Hello, Sir Gideon? Kumusta po ang pahinga niyo? Magpapadeliver po ba ako ng pagkain o susunduin ko na lang kayo?”] Mukhang walang kaalam-alam si Drew sa mga nangyari. “Alamin mo kung sino ang babaeng pumasok sa kuwarto ko kagabi! Hanapin mo siya at alamin mo ang lahat ng mga impormasyong tungkol sa kaniya. Kahit pa bayaran mo ang buong hotel para makakuha ng CCTV footage, I don’t fúcking care. Just do it!” Hindi matanggap ni Gideon na nagmukha siyang gigolo sa mga nangyari kagabi. Sigurado rin siyang may nainom siyang dr0ga dahil hindi naman siya babagsak nang gano’n lang matapos uminom ng isang basong alak. Isa pa, may kakaibang init siyang naramdaman kagabi na siyang lalong nagpalakas sa kaniya. Sigurado siyang may nagtangkang saktan siya o baka ang babaeng pumasok sa silid niya ay kilala siya at balak na guluhin ang buhay niya matapos ang ilang buwan. Hindi siya makakapayag na mangyari iyon. Kailangan niyang maunahan ito sa mga plano nito at kailangan niyang mabawi ang dignidad niyang tinapakan nito. Dalawang buwan ang lumipas, sa mansyon ng mga Alejado… Abalang-abala ang lahat ng mga tauhan ng pamilyang Alejado—may nag-aayos ng mga kurtina, may nagpuputol ng mga bulaklak para sa mesa, at may kaniya-kaniya silang bitbit na pinggan mula sa kusina. Halos magkabungguan na sila sa pagmamadali, para bang bawat isa ay may oras na hinahabol. Pero si Yvee, nanatili lang na nakatayo sa tabi ng malaking pintuan. Hawak niya ang gilid ng kaniyang damit. Pinipigilan niya ang marahang panginginig ng kaniyang mga daliri. Paulit-ulit siyang sumusulyap sa mahabang daanan sa labas ng mansyon na para bang anumang sandali ay may darating. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya, hindi dahil sa gulo sa loob, kung hindi dahil sa inaabangang taong hindi niya alam kung gugustuhin ba niyang makita o dapat na bang iwasan. May magarang limousine na huminto sa tapat ng gate ng mansyon. Bumukas ang pinto noon at bumaba roon ang ama ni Yvee na si Edwin Alejado. Kasunod niya ang pangalawang asawa niyang si Elena at ang bunga ng kataksilan nila– si Ereena, ang kapatid sa ama ni Yvee. Napakagat labi si Yvee. Pinapakalma niya ang kaniyang sarili at hinahanda sa delubyong paparating. Matagal na niyang pinaghandaan ang pagkakataong ito pero hindi niya pa rin maiwasang kabahan. Ang nais niya lang ngayon ay matapos na ang lahat ng ito at makalaya na siya nang tuluyan. May isa pang lalaking lumabas mula sa sasakyan. Halos kaedaran na siya ng ama ni Yvee. Siya ay walang iba kung hindi si Geronimo Ong. Siya ang bagong kasosyo ng ama ni Yvee sa negosyo at ang lalaking pilit na ipinagkakanulo ni Edwin kay Yvee. Nang magsalubong ang mga mata nina Yvee at Geronimo ay awtimatikong ngumiti si Geronimo at awtomatiko namang ngumiwi si Yvee. Hindi talaga masikmura ni Yvee ang makita ang matandang huklubang si Ong. Kahit pa yata mabulag siya ay hindi niya pa rin masisikmurang mahalikan ito o makadikit man lang. “Good morning, my darling…” Akmang lalapit si Geronimo kay Yvee ngunit mabilis itong umatras at itinaas ang kaliwa nitong kamay. “What is wrong? Saka bakit hindi ka pa bihis? Paparating na ang mag-o-officiate ng kasal natin.” Kasal? Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ni Yvee sa kaniyang braso dahil sa kaniyang narinig. Ang maikasal sa matandang si Ong ay isang kaparusahan. Ang magaling niyang ama ay pinipilit siyang ikasal dito kapalit ng malaking investment para sa kumpanya nilang papalubog na. Kahit anong pilit niyang tanggi ay pinipilit pa rin siya ng ama niya. Kaya kinailangan niyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal na sinasabi nito. At ngayong araw ang huling pagkakataon niya para masira ang kasal na itinakdang mangyari ng kaniyang ama. “Ano ka ba naman, anak? Nakakahiya sa mapapangasawa mo. Hindi ka pa pala bihis. Pumayag na nga si Geronimo sa kasunduan mong ikasal dito sa bahay–” “It’s alright. Ayos lang naman sa akin kahit anong isusuot ng mapapangasawa ko. As long as she’s willing to marry me and she’s pure until our honeymoon ay walang—” “Here,” walang pag-aalinlangang inabot ni Yvee ang isang sonogram kay Mr. Ong. Iyon ang huling alas niya para hindi siya maitali ng kaniyang ama sa isang pagsasamang hindi niya kailanman gugustuhin. “What’s this?” kunot-noong tanong ni Geronimo. “Isn’t it obvious? It is a sonogram. Buntis ako, Mr. Geronimo. And you’re not the father. I am not sure if, it was Mr. Yoo or it was Mr. Lee or it was—ugh! Hindi ko na maalala. Matagal na rin kasi. But that is not important, ang importante ngayon ay buntis ako. Are you still willing to marry a wretched woman like me?” may pang-aasar na sambit ni Yvee. “W-What?” Nanigas ang buong katawan ni Geronimo sa narinig. Hawak-hawak pa rin niya ang papel. Gustong matawa ni Yvee, dahil parang mahihimatay na ang matandang groom niya sa nakikita nito. “I can’t believe this! Ang usapan ay magiging puro si Yvangeline. Anong buntis? Tapos hindi pa niya kilala kung sino ang ama ng bata! Ano? P0kp0k ba siya at kung kani-kanino lang siya basta nagpapatira? This is bullshit!” Halos hindi na maintindihan ni Geronimo ang mga salitang lumalabas sa bibig niya na siya namang ikinatuwa ni Yvee. “Paano ba ‘yan? Matutuloy pa ba ang kasal natin, Mr. Geronimo?” pinalungkot pa ni Yvee ang boses niya. “This is unacceptable! Hindi matutuloy ang kasal! Niloko niyo akong lahat—” “Sandali lang kumpadre–” pigil ng ama ni Yvee sa matandang lalaki. “Baka mapapag-usapan pa natin ito.” “I will not marry your daughter anymore! Hindi ako makakapayag na mapunta sa akin ang babaeng pinaglumaan na ng marami,” ani Mr. Ong saka mabilis na nagmartsa palabas ng mansyon ng mga Alejado. Gustong masuka ni Yvee sa pinagsasabi ng matanda. Siya pa talaga itong pinaglumaan? Na kung tutuusin ay mas mukha pa itong luma kaysa sa kaniya. But it doesn’t matter anymore. Ang mahalaga ay nagtagumpay ang plano niya. Naiwan silang apat, si Yvee, ang ama niya, at ang stepmother niya, pati na rin ang half-sibling niya. Humarap ang ama ni Yvee sa kaniya at bago pa siya makaiwas ay isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Ramdam niya ang pamamanhid ng mukha niya at hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ng ama niya sa kaniya. “How dare you ruin our chance, Yvee?! Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang mawawala sa atin dahil sa ginawa mong katàngahan? You sabotaged this marriage! Napaka-selfish mong bata ka. Manang-mana ka sa ina mo!” Pumanting ang tainga ni Yvee sa narinig. Pinaka ayaw niya sa lahat ay idinadamay ang namayapa na niyang ina. Tinuro ni Yvee ang kaniyang sarili. “Ako pa talaga ang selfish, dad? Sino sa atin ang mas selfish? Matapos mamatay ni mommy ay ibinahay mo agad iyang kabit mo at anak mo sa labas! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko… ang mararamdaman ni mommy. Tapos ngayon, ipagkakanulo mo ako sa pangit at mabagong matandang ‘yon para lang sa pera? Gan'yan ba kababa ang halaga ko sa iyo?” “Shut up! Hindi ka mapapakain ng sentimento mo!” Bumuntong hininga si Edwin. “Umalis ka sa pamamahay ko at huwag na huwag ka nang babalik. Simula sa araw na ito, wala na akong anak na Yvangeline. Leave!” Tumawa si Yvee. “Papalayasin mo ako? Ako na sarili mong anak? Gan'yan ka na ba talaga katigas, dad? Sa bagay, nagawa mo ngang lokohin si mommy, eh. Don’t worry, hindi mo na ako kailangang palayasin dahil ako na mismo ang aalis sa bahay na ito. Hindi ko na kayang masikmura na tumira sa iisang bahay kasama ang mga tulad niyong demony0 at walang puso!” Nagmartsa si Yvee paalis ngunit bago pa man siya makarating sa mismong gate ay may narinig siyang sumigaw. “Yvee!” Lumingon si Yvee at nakita niya ang kaniyang kapatid na galit na galit na nakatingin sa kaniya. “Kapag humakbang ka palabas ng mansyon ay tuluyan ka na naming kakalimutan at buburahin sa pamilya,” banta ni Ereena. Pero hindi natinag si Yvee. Humakbang pa siya ulit. Hindi na niya masisikumura pang tumira sa mansyon kasama ang mga taong kinamumuhian niya. Ang mga taong sumira sa pamilya niya. “Fine, lumayas ka. Pero kapag lumayas ka siguraduhin mong ipapalaglag mo ang bastardong nasa tiyan mo. Huwag mo nang dagdagan pa ang kahihiyang ibinigay mo sa pamilya natin. At huwag na huwag ka na ring magpapakita pa!” Kuyom ang kamao ni Yvee. Ang kapal ng mukha ng kapatid niya para tawaging bastardo ang anak niya. Kung tutuusin ay mas bastardo ito. Anak ito ng daddy niya sa ibang babae. Hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy siya sa paglalakad. Lalayo siya at magsisimulang muli, malayo sa mga taong malas sa buhay niya. ~~~ Nakadungaw si Gideon sa bintana ng sasakyan niya. Dalawang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin niya makalimutan ang babaeng nanamantala sa kaniya at hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ito. “Sir,” tawag ni Drew. “What?” “May nakalap na pong impormasyon ang private investigator na ini-hire natin. Ayon sa kaniya ay dalawang buwang buntis na raw ang babae. At kung kakalkulahin ay malaki ang posibilidad na ikaw ang ama ng batang dinadala nito.” Nanlamig ang buong katawan ni Gideon. Biglang bumalik sa kaniyang isipan ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila ng estrangherang babaeng iyon. Hindi niya maalala kung ilang beses nilang narating ang rurok ng kaligayahan nang gabing iyon pero isa lang ang sigurado siya — siya ang ama ng batang dinadala nito. Wala silang proteksyong ginamit noon kaya malaki ang chance na nabuntis niya ito. ‘Magiging ama na ako,’ paulit-ulit na rumehistro iyon sa utak niya habang nakatitig siya sa kawalan.“Mommy, bilisan mo po!” masayang sigaw ni Blake habang tumatakbo siya sa aisle ng private jet. “Blake, no running,” natatawang saway ni Iya habang hinahabol niya ng tingin ang kaniyang anak. “Pero excited na po kami ni Kuya! Makikita na po namin sina Kuya Atticus at Kuya Atlas!” reklamo naman ni Drake. Napailing na lamang si Drew habang pinagmamasdan niya ang dalawang anak nila. Pareho silang mana sa ina nila — makulit, madaldal, at puno ng buhay. “Come here.” Hinila ni Drew si Iya sa bewang dahilan para mapaupo ito sa tabi niya. “Drew...” namumulang bulong ni Iya. “Ano?” kunwari’y inosenteng tanong ni Drew. “Nandito ang mga anak natin.” “So?.” Napailing si Iya bago marahang sinuntok ang dibdib ng asawa niya. “Ikaw talaga.” Ngumiti si Drew saka hinalikan ang noo ni Iya. “Ilang taon na tayong kasal pero nahihiya ka pa rin.” “Dahil ikaw ang dahilan.” “Bakit?” natatawang tanong ni Drew. “Lagi mo akong inaasar.” Napatawa si Drew bago niya niyakap nang
Makalipas ang sampung buwan, sa loob ng delivery room unang beses na naramdaman ni Drew ang isang takot na hindi kayang tapatan ng kahit anong problema sa negosyo. Hindi siya natatakot sa pagkatalo. Hindi siya natatakot sa panganib. Ngunit nang makita niyang nahihirapan si Iya habang iniluluwal nito ang kanilang anak, doon niya napagtanto na may isang bagay pala sa mundo na mas mahalaga kaysa sa lahat—ang kaligtasan ng kanyang pamilya. “Iya...” Mahigpit na hawak ni Drew ang kamay ng kaniyang asawa. “Kasama mo ako.”Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya. “Drew...” “Huwag ka nang magsalita,” nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minah
Hindi halos makatulog si Iya ngayong gabi. Nakatayo siya sa harap ng salamin habang hawak ang maliit na bagay na ilang beses na niyang tinitigan. Isang bagay na kayang magbago sa buhay nila ni Drew.Hindi alam ni Iya kung matatawa ba siya. Iiyak. O matatakot. Dahil kahit ilang beses niyang pinangarap ang sandaling ito... iba pa rin pala kapag nandiyan na mismo sa harapan niya.Dahan-dahang hinaplos ni Iya ang kaniyang tiyan. “Hindi pa rin ako makapaniwala...” mahina niyang bulong.Matagal na hinintay ni Iya ang pagkakataong ito pero bakit ngayong ibinigay na iyon sa kaniya ay parang nilukob siya ng matinding kaba na hindi niya maintindihan kung saan nagmumula?Sa kabilang bahagi ng mansyon, hindi alam ni Drew ang nangyayari. Abala siya sa isang video conference nang gabing iyon. Isa iyong emergency meeting. Kahit nasa harap niya ang mga executives ng kumpanya, hindi niya maiwasang mapansin ang isang bagay. Hindi pa lumalabas si Iya para bigyan siya ng goodnight kiss at hindi iyon no
Pagbalik nina Drew at Iya mula sa kanilang honeymoon sa Europe, tila ibang bersyon na sila ng kanilang mga sarili. Saglit lang silang nakausap ni Ahma kagabi dahil pagod na pagod sila at pagbaba nila mula sa kanilang silid ay muli silang sinalubong ng matriyarka.“Sa wakas, nagising na rin kayo.”Napangiti si Iya. “Namiss po ba ninyo kami, Ahma?” “Hindi,” agad na sagot ng matanda.Nagulat si Iya at bago pa siyamakapagsalita, ngumiti si Ahma sa kaniya.“Namiss ko kayo nang sobra.”Napatawa ang lahat. Maging si Drew ay hindi napigilang ngumiti. Matagal na niyang hindi nakikita ang lola niya ng ganoon kasaya.“Drew.” Lumapit si Ahma at inayos ang kuwelyo ng kaniyang apo. “Ngayon kita mas nakikilala.”Napakunot ang noo ni Drew. “Ano pong ibig sabihin?” “Dati, akala ko magiging tulad ka ng mga nauna sa atin. Isang lalaking puro responsibilidad at nakakalimutan ng mabuhay.”Natahimik si Drew. “Pero nagkamali ako.”Tumingin si Ahma kay Iya. “Dahil dumating ang taong nagpaalala sa’yo n
Sa Paris, ginugol nina Iya at Drew ang mga araw na parang ordinaryong magkasintahan. Hindi bilang tagapagmana ng malaking kumpanya. Hindi bilang kilalang personalidad. Kung hindi bilang dalawang taong gustong mas makilala pa ang isa’t isa. Naglakad sila sa mga kalsada ng walang bodyguard sa tabi. Kumain sila sa maliliit na restaurant. Namasyal sa mga lugar na dati ay pinapangarap lamang ni Iya.At sa bawat pagkakataon, hindi maiwasan ni Drew na pagmasdan ang kaniyang asawa. “Bakit mo ako tinitingnan?” tanong ni Iya habang naglalakad sila sa tabi ng ilog.Umiling si Drew. “Wala.” “Drew.” Napangiti Iya. “Tumigil ka. Tama si Ahma, hindi ka marunong magsinungaling.” Tumigil si Drew. “At ikaw naman, hindi ka marunong maniwala kapag sinasabihan ka ng totoo.”Natahimik si Iya. “Ano’ng totoo?” Tumingin si Drew sa kaniyang asawa. “Masaya ako…”Simple lamang ang sinabi ni Drew. Ngunit alam ni Iya kung gaano kalalim ang kahulugan noon. Dahil kilala niya ang lalaking nasa harapan niya
Isang linggo matapos ang kasal, naramdaman nina Drew at Iya ang katahimikan. Walang gulo, walang takot at walang kailangang patunayan. Sa pagkakataong ito, hindi sila tumatakbo palayo sa problema. Sa halip, naglalakad sila patungo sa bagong yugto ng buhay nila…bilang mag-asawa.Sa unang araw ng kanilang honeymoon sa Europe, hindi muna nagplano si Drew ng kahit anong business related things. Isang bagay iyon na ikinagulat ni Iya dahil kilala siya nito bilang isang lalaking halos hindi na humihiwalay sa trabaho.Ngayon, ang CEO ng Revamonte Group ay nakatayo sa harap ni Iya habang hawak ang dalawang tasa ng kape. “Para sa’yo.”Napatingin si Iya sa hawak ni Drew. “Hindi ako makapaniwala.” “Bakit naman?” natatawang tanong ni Drew.“Dahil ikaw mismo ang gumawa ng kape ko. Trabaho ko kasi ‘yan, SIR DREW,” turan ni Iya, medyo nang-aasar.Bahagyang ngumiti si Drew. “Problema ba iyon? Isa pa, you're not my secretary anymore. You are my wife now.”Napangiti si Iya. “Hindi naman ‘yan proble







