Akala ni Kristal ay magiging maayos ang takbo ng kaniyang internship sa isang malaking kompanya ngunit nagbago ang lahat nang magising siyang katabi na ang boss na si Lorenzo sa tent nito. Dala ng kahihiyan ay dagli-dagli siyang tumakbo palabas ng tent pero nahulog ang kaniyang white pearl bracelet. Balak na niya sanang itago ito sa sarili pero pagdating ng dalawang buwan ay nalaman niyang nagdadalang-tao na pala siya.
Lihat lebih banyakChapter 1
“Hmm…”
Paimpit na umungol si Kristal nang may bigla na lamang siyang naramdaman na mainit na bagay na nakalapat sa kaniyang katawan. Naglalakbay pataas at pababa na tila ba’y may sinusundan itong ritmo ng sayaw. At sa hindi maipaliwanag na kakaibang sensasyong nararamdaman niya ay tila may sariling utak ang kaniyang katawan at sumabay na lamang sa kung saan agos man siya dalhin nito.
Hindi na nabilang ni Kristal kung ilang beses o ilang ulit pa ito nangyari basta ang alam niya lamang na bago ipikit ang mga mata ay may isang brasong humapit sa kaniya para yapusin siya. Isang yakap na puno ng seguridad, isang yakap na nagpapakalma ng buong pagkatao niya. Sa isip-isip niya ay walang sinabi ‘yung mga panahon na natutulog siyang mag-isa kung kaya ay napahiling siya na sana hindi muna dumating ang umaga dahil ayaw niyang matapos ito. Na sana huminto ang oras…
Nagising si Kristal dahil sa sinag ng araw, dahilan para ilagay niya ang kaniyang kaliwang braso sa mukha para gawing pantakip pero hindi ito sapat para hayaan pa siyang matulog. Kung kaya’t tumalikod na lamang siya sa bintana at nilagay ang kaniyang braso sa tabi…
Naguguluhan si Kristal kung bakit matigas ang kaniyang unan ngayon. Ayaw niya ng matigas na unan kasi hindi siya makakatulog nang maayos.
SInubukan niyang kapain ang matigas na bagay nang bigla na lamang may humawak sa kaniyang kamay. Trying to stop her arm from moving. Kristal slowly opens her eyes to see if she’s just imagining na may humawak nga sa kaniya.
Isang mata…dalawa. Her eyes are still adjusting pero naaaninag na niya ang mukha ng tao. Nang tuluyan na itong bumukas ay napasigaw siya nang kaonti. May lalaki siyang kasama sa kama.
“Anong ginagawa mo ri–” Napatigil si Kristal nang makita niya nang maayos ang taong nasa harap niya. She can feel her body freezing because kilalang-kilala niya kung sino iyon. Napalunok siya ng laway nang mapagtantong nasa kama silang dalawa at parehong hubad.
“Boss!” Biglaan na lamang tumayo si Kristal sa hiya, hindi inantala kung ano ang ipapantakip niya sa hubad niyang katawan. Nang makita ang kumot ay dagli-dagli niya itong hinila at ginawang tube dress niya. Napaigik siya dahil sa biglaan pagtayo. Masakit pa rin ang gitnang parte ng kaniyang katawan. Ano bang ginawa na–.
‘Oh my god! OH MY GOD! Hindi naman siguro no? Right? No, no, no. Hindi p’wede ‘to? Boss ko siya.’ Sabi ni Kristal sa kaniyang isip.
Napatingin si Kristal sa lalaking prenteng nakahiga sa kama. Umiwas siya ng tingin nang bigla na lamang nagtama ang mga mata nilang dalawa. Nakakahiya kasi her boss and she had SEX.
Bumaha bigla ‘yung mga nangyari kagabi. Nagsisipasukan ‘yung mga memoryang dapat ng kalimutan. They were wild last night. At wala sila sa sarili niyang tent kung hindi ay nasa parang mas malaking tent pa sila, ang tent ng boss niya na si Lorenzo. Hindi rin alam ni Kristal kung anong ginagawa niya rito.
Pilit na inaalala ang rason at nang mahanap na ay napasapo si Kristal sa kaniyang noo. May team building pala sila at hiking ‘yung napili ng company para rito. Kaya may mga tent at parang mountain-ish vibe ang paligid. May bonfire rin kagabi at uminom silang lahat.
‘Tila may magnet na nagsasabing tignan ulit ni Kristal ang kaniyang ang boss kung kaya’t ginawa niya ulit. Nakapikit na ito at nakataas ang isang braso para takpan ang mga mata. Kitang-kitang ni Kristal kung gaano ka kakinis at kaputi ang katawan ng kaniyang boss na si Mr. Lorenzo Yu. Naglakbay pa ang mga titig ni Kristal paibaba na naging dahilan kung bakit bigla na lamang uminit ang kaniyang mga pisngi nang maalala ulit ang nangyari. Buti na lamang na may nakatakip na kumot dito.
Bumalik sa bandang bewang ang mga mata ni Kristal at bahagyang napasinghap nang makita ang maliliit na gasgas at kalmot sa bandang bewang ni Lorenzo. Gumalaw ang lalaki at dumapa kaya kitang-kita ni Kristal ang malalaking kalmot nito sa likod. Napailing nalang si Kristal sa nakita dahil namumula pa ang mga ito at mukhang masakit.
Hindi pa rin makapaniwala si Kristal sa nangyayari dahil siya ay isang hamak lamang na Intern sa isa sa mga pinakamalaking kompanya 2 weeks ago. Dala na rin sa iritasyon ay bahagyang sinasabunutan ni Kristal ang kanyang sarili na naging dahilan kung bakit unti-onting buksan ni Lorenzo ang kaniyang mga mata.
Siguro dahil na rin sa kaba at kahihiyan ay dagli-dagling isinuot ni Kristal ang kaniyang mga damit at lumabas na sa tent. Madilim pa rin sa labas at may naiwan pa ring bakas ang ginawang bonfire kagabi. Malamig pero hindi niya na ‘yon inantala pa at dumiretso na sa kung saan dapat siya natulog kagabi, sa tent na may kulay rosas at puti.
Kakahiga palang ni Kristal nang bigla na lamang gumalaw si Frankie, ang kasama niya sa tent. Hindi siya makahinga sa biglaang takot na kaniyang naramdaman. Natatakot siya na baka magtaka si Frankie kung bakit gising pa ito.
“Saan ka galing?” Simpleng tanong ni Frankie kay Kristal.
“Uhm, banyo lang.” Sagot naman ni Kristal.
Parang nabunutan ng tinik si Kritsal nang hindi na muling nagtanong pa si Frankie sa kaniya. Hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari kagabi. Humahapdi na nga ang kaniyang mga mata at nagmamakaawang matulog na ito subalit dumating na lamang ang umaga na hindi niya pa rin sila pinagpapahinga.
Naririnig na ni Kristal ang mga kaluskos sa paligid, hudyat lamang na gising na ang kaniyang mga kasama sa team building na isinagawa. Ngunit kahit ganoon ay wala siyang gana tumayo. Nararamdaman na niyang magkakasakit siya. Itinaas ni Kristal ang kumot hanggang sa ulo niya lamang ang hindi pa natatakpan.
Naabutan pa siya ni Frankie sa ganoong lagay. Pumasok ito sa loob at sinabi na, “Kristal, bumangon ka na riyan kasi mag-h-hiking na ulit tayo after nating mag-breakfast.”
Napabuntong-hininga na lamang si Kristal habang inaalala na naman ang mga nangyari kagabi. Kasi nga baguhan pa lamang siya sa kompanya ay napasabak na ito sa inuman para makisama. Hindi niya naman intensiyon na malasing pero nakalimutan niyang medyo low tolerance pala siya kaya ayon, kung saan-saan na siya napunta. Napahilot si Kristal ng kaniyang sentido sa sobrang stress. Dahil hindi niya alam kung paano na niya haharapin ‘yung si Lorenzo pagkatapos ng nangyari.
“Kristal, are you okay? Anong nangyayari sa’yo?” Saad ni Frankie, na hindi namalayan ni Kristal na nasa tabi na niya pala ito.
“Okay lang ako, Frankie. P’wede pakisabi sa kanila na hindi muna ako sasama sa hiking? Medyo masama lang pakiramdam ko.” Mahinang sambit ni Kristal habang mas niyayakap pa ang kumot.
“Sige, inom ka muna ng gamot bago ka matulog,” saad ni Frankie sabay abot ng gamot at tubig kay Kristal. Tinanggap naman niya ‘yon at ininom.
Nakahiga na ulit si Kristal at umalis na silang lahat. ‘Tila hudyat ‘yon sa kaniya na time na para ilabas ang disappointment sa sarili.
‘Bakit ko hinayaang mangyari ‘to? Ngayon pa talaga na baguhan palang ako sa kompanya?’ Naiinis na pangaral ni Kristal sa sarili. Subalit sa gitna ng frustrations niya ay bigla na lamang sisingit ang mukha ng kaniyang boss. Hindi rin makakaila na gwapo nga si Lorenzo at mabango rin.
—-
Nang makarating na ang ibang empleyado sa meetup point nila para sa hiking ay hindi makakailang kinagigiliwan ng mga ito si Lorenzo Yu, ang kanilang boss. Dahil pagkalabas palang nito sa kaniyang kotse ay nagbubulungan na ang mga kababaihan at hindi ito nakaligtas kay Frankie.
“Ang hot naman ni Sir. Lorenzo! Hindi ko inaakalang mas bagay sa kaniya ‘yung pang-casual na damit!”
“Ate ko, ‘yung laway mo, p’wede mo nang panligo. Mahiya ka naman!”
“Hays, busog na busog na naman mga mata ko nito!”
Napaismid na lamang si Frankie nang marinig ang mga bulungan dahil sanay na rin siya ganiyan.
“Did everyone sleep well last night?” Tanong ni Lorenzo pagkarating niya sa gitna na tinanguan naman ng lahat.
“That’s good because you need a lot of strength for today’s activities.” Dagdag pa ni Lorenzo.
Napunta ang tingin ni Lorenzo kay Richard, ang kaniyang assitant, para umapit ito sa kaniya. Tumango naman si Richard at nagsimula nang humakbang palapit kay Lorenzo.
“May pumasok ba dito sa tent ni Mr. Yu kagabi?” Tanong ni Richard.
Nakita ni Lorenzo ang reaksiyon ng kaniyang mga empleyado. Nadismaya siya rito kung kaya’t makikita ito sa bahagyang nakukunot niyang noo.
“Kanino ‘to?” Segundang tanong ni Lorenzo nang wala marinig na sagot. Hawak niya ang isang white jade beads bracelet. Nakita niya ito sa kaniyang tent at sigurado siyang sa babaeng kasama niya kagabi ito.
“If someone knows the owner of this white jade bracelet, just let me know. And those who will finish the hike first will receive a bonus from me, and it will be doubled.” Sabi nalang ni Lorenzo nang wala pa ring umaako kung sino ang may-ari.
The crowd went wild after hearing it. Malaki-laking pera rin iyon para sa mga taong nangangailangan at kapos sa mga bilihin at bayarin.
“Double?!”
“P100,000 ang bonus ko last year so if times 2, then P200,000 rin ‘yon!” Masayang sabi ng isang empleyado.
Chapter 75Nang makita ang pangalan ni Frankie, pakiramdam ni Kristal ay tila binuhusan siya ng isang balde ng malamig na tubig, at agad siyang natauhan.Ano bang ginagawa niya? Talaga bang gusto niyang sabihin kay Lorenzo ang tungkol sa bata? May fiancee na ito, ano bang iniisip niya?!Nang mapansin ni Lorenzo na hindi tama ang ekspresyon ng babae ay ni-decline nito ang tawag ni Frankie. "Ano bang gusto mong sabihin kanina?""Wala boss...babalik na po ako ng dorm.""Sige." Nakasimangot si Lorenzo habang pinapanood si Kristal na bumaba ng sasakyan at lumakad palayo, pakiramdam niya ay may kung anong kulang sa kaniyang puso. Bumalik sa isipan niya ang ekspresyon ni Kristal kanina, at may pakiramdam siyang tila may gusto itong sabihin sa kaniya…Naputol ang kaniyang pag-iisip nang biglang tumunog muli ang kaniyang telepono. Sinagot naman niya ito."Mr. Yu, gabi na, hindi ka pa rin babalik?" Tanong ni Frankie sa kabilang linya."Ano'ng kailangan mo?" Tanaw ni Lorenzo ang labas ng bintan
Chapter 74Papalabas palang ng banyo si Kristal ay napansin niyang naghihintay pala sa kaniya sa labas ng pintuan si Paul. Inabutan din siya nito ng panyo nang makita na siya nito."Punasan mo."Hindi tinanggap ni Kristal ang panyo at sa halip ay kinompronta ito."Paul, paano mo nagawang magsinungaling sa mama mo nang ganito?""Kris, ginawa ko ito para sa'yo. Alam na ngayon ng lahat na buntis ka. Ano, titiisin mo nalang na mapahiya ka sa iba?" Nakakunot ang noong tanong ng lalaki."Ano bang pakialam mo kung mapahiya man ako o hindi?""Siyempre may pakialam ako!" Sambit nito at humakbang ng dalawa para makapunta sa harapan ni Kristal."Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang ako nagkamali at nalinlang ni Erika, hindi ka sana nasaktan nang ganito, at hindi sana nagkaroon ng pagkakataon si Lorenzo!" Habang sinasabi niya ito ay nagngitngit ang kaniyang ngipin at napakuyom ang kaniyang mga palad sa gilid ng baywang."Nangyari na ang lahat, kahit anong sabihin ko, hindi na nito ma
Chapter 73Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Kristal nang magtagpo ang mga mata nila ni Lorenzo. Kailan pa ito nandito? natigilan. Nakita rin ito nina Jade at ng iba pa kaya sumigaw sila ng "Mr. Yu" bago nagpulasan.Habang si Lorenzo naman ay walang kahit na anong sinabi at sa halip ay tumalikod lang ito para pumasok sa kaniyang opisina. Isinara rin nito ang pinto.Nakaramdaman si Kristal nang kakaiba nang makita iyon. Iniisip ng babae na baka narinig ng boss niya ang mga pinagsasabi kanina nila Jade. Pero hindi ba 'yon ang gusto niya? Mayroon nang Frankie si Lorenzo, at wala siyang karapatang sirain ang relasyon ng dalawa. Wala rin naman siyang balak na sabihin sa lalaki na siya ang ama ng dinadala niya. At kung iniisip ngayon ni Lorenzo na si Paul ang ama ng bata ay hindi ba dapat masiyahan siya? Dahil ibig sabihin lang nito na hindi na lalapit pa ang boss niya sa kaniya. Pero sa kabila ng lahat, bakit parang nalulungkot pa rin siya?Katulad ni Kristal ay hindi rin maay
Chapter 72Nang nasa cafeteria na sila ng kompanya ay nagtungo si Richard upang kumuha ng pagkain habang si Lorenzo naman ay nag-abot ng panyo kay Alyssa."Sabihin mo nga sa akin, bakit mo nasabing nakakaawa si Kristal?""Sinabi kasi ni Kristal sa'kin kanina na may mga lugar sa mundong ito na hindi naaabot ng liwanag. Kung wala kang malakas na tagasuporta, kahit lumaban ka, ikaw pa rin ang madedehado. Kuya, pakiramdam ko talaga ang kawawa niya!" Sumbong naman ng isa habang pinapahiran ang mga luha sa mukha."Ano pang sinabi niya?" Kunot ang noong dagdag na tanong ni Lorenzo, na ngayo'y biglang nakaramdam ng lungkot para kay Kristal."Sinabi niya...sinabi niyang wala siyang mga magulang, tanging kapatid lang niya ang meron siya, at palagi siyang inaapi noong bata pa siya." Naluluha pa ring sabi ng babae."Sinabi niya ito nang parang wala lang pero sobrang naantig ako. Isipin mo, ako nga may mga magulang na nagmamahal sa akin at spoiled pa ako sa kuya ko, na kahit ang buwan sa kalangita
Chapter 71Naligo nang malamig na tubig si Lorenzo para pahupain ang nag-iinit nitong katawan. Ngunit nang humiga na siya sa kama ay tila naaamoy pa rin niya ang banayad na halimuyak ng bulaklak, at biglang lumitaw sa kaniyang isipan ang mukha ni Kristal.Maganda ang babae—may makinis na mukha at pisnging kasya lang sa isang palad. May taas lamang itong 175 cm, ngunit sobrang payat, na parang banf kaya niyang baliin ito gamit ang isang kamay...Kinabukasan ay biglang iminulat ni Lorenzo ang kanyang mga mata, bumangon, at inangat ang kumot. Tulad ng inaasahan ay may malaking basang parte na naman sa kutson!Nakakunot ang noong tinitigan ni Lorenzo ang basang bahagi ng kama. Hindi pa siya kailanman nagkaroon ng ganitong kasabikan noon. At ang pagnanasang ito, na hindi naibigay sa kanya ni Frankie, ay nagmula pa sa isang inosenteng empleyado niya.Napakatotoo ng pakiramdam niya sa kanyang panaginip—na parang nangyari talaga ito sa totoong buhay...-----------Umagang-umaga palang ay nags
Chapter 70Naguluhan man saglit sa asal ni Paul ay natauhan naman agad sa isang iglap si Kristal. Pinakawalan niya ang kanyang sarili mula sa hawak ng lalaki."Bakit?" Tanong niya kay Paul."Dahil sisirain ka ng batang ito!" Mariing sagot naman ng lalaki, nagngangalit ang mga ngipin nito."Kapag nalaman ito ni Lorenzo, hinding-hindi ka niya papayagang manatili!""Hindi ko papayagang malaman niya ang tungkol dito!" Pasigaw na sagot ni Kristal dito."Ang batang ito ay nasa sinapupunan ko. Akin siya, at walang sinuman ang may karapatang magdesisyon kung dapat siyang manatili o hindi, maliban sa akin!""Nasisiraan ka na ba ng bait?" Napatingin si Paul sa kanya na puno ng pagtataka."May nararamdaman ka ba para kay Lorenzo?"Napakislot si Kristal, at mahigpit na hinawakan ang basong nasa kamay niya.Sa mga oras na iyon ay nagkaroon siya ng ilusyon na mabait, mahinahon, at madaling lapitan si Lorenzo. Mabuti rin ito sa kanya, ngunit alam din ni Kristal kung saan siya dapat lumugar. May fian
Chapter 69Dahil sa sinabi ng doktor ay nagkaroon ng kaonting katahimikan sa loob ng opisina. Si Lorenzo ay tahimik lamang na nakamasid sa gulat na gulat na ngayon na si Kristal."Anong sinabi mo, doc?" Pagbasag ni Kristal sa tahimik na silid."Kung pagbabasehan lamang ang pagtibok ng pulso mo, masasabi kong buntis ka," sagot naman ni Arthur."..."Hindi makapaniwala si Kristal sa narinig at ang tanging nasa isip niya ngayon ay buntis siya! At alam na alam niyang dahil ito noong gabing 'yon!"Imposible!" Bulalas ni Kristal."Bakit imposible?" Tanong naman ni Arthur na ngayo'y napapansin na parang may mali sa dalaga."Dahil ako..." Biglang natigilan sa pagsasalita si Kristal. Uminom siya ng emergency contraceptive pills! Hindi pa lumilipas ang 72 oras, kaya dapat ay epektibo ito! Papaano siya nabuntis?Napatingin muna si Arthur kay Lorenzo bago malamang nagsalita."Kahit mag-ingat ka, may posibilidad pa ring mabuntis ka. Walang kasiguraduhan ang mga pag-iingat na ginagawa kapag o bago
Chapter 68"Kuya, bakit soy milk ito?" Binuksan ni Alyssa ang bag at tiningnan ang laman nito, bakas sa mukha niya ang pagkainis."Alam mo namang pinaka-ayaw kong inumin ang soy milk!" "Talaga?" Bumalik si Lorenzo at kinuha ang almusal."Kung ayaw mo, huwag mong pilitin ang sarili mo." Nakita ni Alyssa na inalis ang almusal, kaya napasimangot siya."Kuya Lorenzo, para ba ito kay Kristal?" Hindi sinagot ni Lorenzo ang tanong niya. Inilapag niya ang almusal sa mesa at lumakad papunta sa coat rack para isabit ang kanyang amerikana. "Sabi nila, kakaiba ang trato mo kay Kristal. Dati hindi ako naniniwala, pero ngayon naniniwala na ako." Itinaas ni Alyssa ang baba niya at tinitigan si Lorenzo."Interesado ka ba talaga kay Kristal?" "Unang patakaran sa trabaho, huwag pag-usapan ang mga bagay na hindi konektado sa trabaho kapag kausap ang boss! Maliban na lang kung siya mismo ang magbubukas ng usapan!" Babala ni Lorenzo bago pinindot ang internal phone. Si Jade ang sumagot."Mr. Y
Chapter 67Makalipas ang kalahating oras ay dumating na si Frankie sa dorm nila Kristal. Pinagbuksan naman ni Erika ng pinto ang isa at hindi na nag-abala pang maging magalang."Wala na ako sa mga Yu at wala na rin akong silbi sa'yo. Ano bang pakay mo, Miss Frankie?" Diretsahang tanong ni Erika sa babae.Sa isang banda ay pakiramdam ni Erika na pareho lang sila ni Frankie...pareho silang taong handang itapon ang lahat ng sisi sa iba kapag may nangyaring masama na maiipit sila. Hindi siya tanga para isipin na dumating si Frankie para taimtim na humingi ng tawad.Tuluyan nang pumasok si Frankie at isinara ang pinto. Pinaikot muna nito ang tingin sa maliit na kuwarto nina Erika at saka ngumiti sa babae."Maliit man ang kuwarto mo pero malinis at maaliwalas ito."Napakunot-noo naman si Erika sa sinabi nito. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Wala akong gana sa mga paligoy-ligoy ngayon!"Kung dati ay magalang pa si Erika kay Frankie dahil empleyado siya ng kompanya ni Yu, hindi na nga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen