Share

Kabanata 16

ISANG buwan nang lumipas ay hindi pa rin dumarating ang buwanang dalaw ni Jewel. Hindi siya ignorante sa kalakaran kung paano mabuntis ang isang babae. Malakas ang kutob niya. Mixed emotion ang nararamdaman niya. Tuwa, takot at kaba. Kailangan niyang tiyakin kung tama ba ang kanyang hinala.

Kinakabahan ngunit nakangiti siya nang kunin sa loob ng dresser ang kanyang cellphone. Hindi kasi siya pinapayagan ng ina na gumamit ng telepono. At kung may tumawag man sa bahay nila ay wala siyang karapatan na sagutin 'yon.

Tumayo siya mula sa kama na kinauupuan. Tinungo niya ang pinto at ni-lock ito. Hindi siya pwedeng makita ng ina na may hawak na cellphone lalo na’t naroon ito ngayon sa bahay nila kasama ang nobyo nitong si Mr. Delgado.

Napag-alaman niyang isang abogado ang kasintahan ni Mama Sonia. Lihim niya kasing sinundan ang dalawa sa library na dating opisina ng kanyang Papa.

“May I talk to Rochelle Panganiban, please?”

“Sandali lang po, ma’am.”

“Salamat,” aniya. Habang naghihintay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status