Narinig ni Aaron ang sinabi ni Lucille at napatingin siya rito nang may gulat. Hindi siya makapaniwala na naglabas ito ng tatlong daang libong para matulungan siya. Halata ring ibinenta nito ang kanyang sasakyan para maibigay ang pera sa kanya.
Alam niyang ang sasakyan ni Lucille ay isang BMW 7 Series—isang kotse na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong, pero ngayon, ibinenta lang ito ng tatlong daang libo?
"’I..I mean…" Napabuntong-hininga si Aaron, hindi alam kung paano ipapahayag ang nararamdaman niya.
Napakunot-noo si Lucille at nagtanong, "Ano pa bang hinihintay mo? Kunin mo na ‘yang pera at dalhin sa ospital."
Alam ni Aaron na hindi libre ang perang ito. "Ibebenta mo ang kotse mo para sa akin... Babalik ko sa’yo ‘to, pangako, papalitan kita ng kotse."
"Oo naman, siguradong-sigurado!" Agad siyang tumango at mabilis na nagsulat ng kasulatan ng pagkakautang.
"Salamat, Lucille. Babalik ko agad ang pera ‘pag nagkapera ako. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, pero tandaan mong may utang na loob ako sa’yo. Kung may kailangan ka sa akin, sabihin mo lang at tutulungan kita. Sandali lang ha, dadalhin ko muna ang pera sa ospital. Pagbalik ko, ako na ang bahala sa hapunan natin."
Hindi man nakatingin si Lucille sa kanya dahil abala ito sa cellphone, napansin niya ang bahagyang pagngiwi nito.
Kinuha ni Aaron ang pera, inilagay ito sa isang bag, at dali-daling nagtungo sa ospital.
Matapos ang halos dalawang oras, bumalik si Aaron sa opisina. Nailagay na sa schedule ang operasyon ng kanyang ina, dalawang araw mula ngayon. Kahit paano, nabawasan ang alalahanin niya dahil may nurse naman na nagbabantay sa ospital.
Pagbalik niya sa opisina, naroon pa rin si Lucille, ngunit may kasama na itong isang lalaki.
Matangkad ito, halos 1.8 metro, at may itsura rin. Isa siyang tipong madaling magustuhan ng mga babae.
Siya si Jalen Pangan—ang matalik niyang kaibigan mula sa kolehiyo. Maganda ang samahan nila at matapos niyang itayo ang kumpanya, sumali si Jalen upang tumulong. Siya rin ngayon ang vice president ng kumpanya.
Siya rin mismo ang nagpakilala kay Mariane sa kanya.
Nang makita siya ni Jalen, agad itong nagtanong, "Aaron, anong nangyari sa inyo ni Mariane? Nakita ko siya sa labas ng kumpanya, mukhang galit na galit at sinasabing makikipaghiwalay siya sa'yo."
Napangisi si Aaron. "May mukha pa siyang mag-ingay? Dapat siya ang tanungin mo kung ano ang ginawa niya. At oo, tuloy na ang divorce. Bukas, pupunta na kami sa City Hall para ayusin ‘yon."
Napailing si Jalen at sinubukang magpaliwanag. "Ang mag-asawa nag-aaway lang, pero nagkakaayos din naman. Hindi ba pwedeng pag-usapan niyo muna? Alam mo namang bihira ang babaeng kasingganda ni Mariane."
"Ganda?" Napangisi si Aaron. "Mas maganda, mas masama ang ugali." Napansin niya ang bahagyang irap ni Lucille kaya agad niyang dinugtungan, "Siyempre, maliban sa’yo."
Napairap lang si Lucille at nagpatuloy sa paggamit ng cellphone.
Hindi pa rin makapaniwala si Jalen. "Ano ba talagang nangyari?"
Mabilis na sagot ni Aaron, "Kinuha ni Mariane ang lahat ng pera sa account ng kumpanya. Ang dahilan niya, pambayad daw sa utang sa sugal ng kapatid niya. At hindi lang ‘yon, gusto niyang ibenta ko ang kumpanya. Siya rin mismo ang nag-file ng divorce kasi sabi niya, wala siyang pakialam sa akin. Ang gusto niya lang, ang bahay, kotse, at kumpanya ko."
Sinabi niya ito nang tila wala lang, pero sa totoo lang, masakit pa rin sa kanya.
Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Jalen. "Hindi... hindi naman siya gano’n dati ah..." Huminga nang malalim si Jalen e at nagtanong muli, "Pero Aaron, wala na sa account ang pera? E paano ‘yong sweldo ng mga empleyado bukas?"
Napagod na si Aaron at hinimas ang noo. "Ipagpaliban muna. Sabihan mo ang lahat na may pinagdadaanan tayo at made-delay ang sweldo ng dalawa o tatlong araw. Kukunin ko na lang ang bayad ng ibang kliyente para may pambayad sa mga empleyado."
Napabuntong-hininga si Jalen. "Sige, kakausapin ko sila. Pero Aaron, kung may paraan pa para maibalik ang pera mula kay Mariane, subukan mong kausapin siya. Para hindi ka na mahirapan nang ganito."
Tumango ito bago umalis.
Pagkaalis ni Jalen, napatingin muli si Aaron kay Lucille.
Napakunot-noo si Lucille at napataas ang kilay. "Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan? Kita mo naman, ‘di ba? Naibenta ko na ang kotse ko. Wala na akong perang maipapahiram sa’yo."
Umiling si Aaron at sinabing, "Hindi naman ‘yon ang iniisip ko. Sapat na ang natulong mo sa akin. May paraan pa ako para may pambayad sa mga empleyado—may ilang kliyente akong may utang pa sa akin, kukunin ko na lang ‘yon. Gusto ko lang sabihin na baka matagalan pa bago ko maibalik ang perang hiniram ko sa iyo.”
Bahagyang kumibot ang balikat ni Lucille. “Walang problema. Pero ngayong naibenta ko na ang kotse ko, mahihirapan akong pumunta kung saan-saan. Hindi ko na kailangang maningil ng interes, pero kapag kailangan kong pumunta sa isang lugar, ikaw ang magiging driver ko.”
"Oo naman," sagot niya nang nakangiti.
Saglit siyang nag-alinlangan bago nagtanong, “Pero... gusto ko lang malaman, hindi ba dati mo akong kinaiinisan? Bakit mo ako tinulungan?”
Tinitigan siya ni Lucille nang malalim bago sumagot nang may bahagyang pang-aasar, “Siguro may topak lang ako?”
“H-ha?” naguluhan siya sa sagot nito.
Malamig na sagot ni Lucille, “Hindi mo ba ako tinawag na walang modo dati?”
“Hindi... hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko lang alam ang buong sitwasyon noon. Pasensya ka na. Alam kong malawak ang pang-unawa mo, huwag mo nang intindihin iyon. Kaya nga iimbitahan kitang kumain mamayang gabi bilang paghingi ng paumanhin.”
Namula siya habang nagpapaliwanag.
Kinuha ni Lucille ang kanyang bag at mukhang aalis na. Inakala niyang nagalit ito kaya mabilis niyang hinabol. “Uy, huwag kang umalis! Nagso-sorry na nga ako, huwag mo nang dibdibin.”
Tumigil si Lucille at tiningnan siya nang may pagkainip. “Mukha ba akong taong madaling magtampo?”
Umiling siya.
“Tingnan mo ang oras, hindi ba dapat mo na akong ilibre? Kanina pa akong hindi kumakain mula nang lumabas ako ng hotel.”
Napakunot ang noo niya sa narinig at saglit na bumalik sa isipan niya ang tungkol sa hotel, pero agad niyang iniwasan ang kung anumang emosyon at sinabing, “Sige, tara na. Ikaw ang pumili ng kainan.”
Gamit ang direksyong ibinigay ni Lucille, nagmaneho siya patungo sa isang restaurant.
Nang makarating sila, puno ang parking at maraming tao sa loob. Ang natitirang bakanteng pwesto ay nasa isang sulok, pero hindi ito inalintana ni Lucille. Sabi pa nga nito, mas mabuti nang makakain agad.
Habang dumarating ang mga pagkain, kumuha siya ng ilang subo at napahanga. “Masarap dito! Paano mo nalaman ang lugar na ‘to?”
“Sama-sama kaming kumain dito ni Mariane dati,” sagot ni Lucille na walang emosyon.
Nakita siguro nitong medyo nag-iba ang kanyang ekspresyon kaya dinugtungan nito, “Binigyan mo si Mariane ng kalayaan, kaya bilang matalik niyang kaibigan, normal lang na sabay kaming lumabas. Pero seryoso ka bang makikipaghiwalay ka na talaga sa kanya?”
Tumingin siya kay Lucille at tumango. “Ganito na ang nangyari, ano pang magagawa ko? Hindi ko inakala na ganoon pala siya. Tinuring siyang anak ng nanay ko, pero hinayaan niyang mahirapan kami. Ikaw pa nga ang mas may malasakit kaysa sa kanya…”
Napahinto siya nang mapansin niyang mali ang kanyang sinabi.
Matalim ang tingin ni Lucille at may bahagyang panunukso. “Mas may malasakit ako?”
Napakamot siya ng ulo. “Aminado akong nagkamali ako sa'yo dati. Lagi kasing parang ayaw mo sa akin, akala ko hindi mo ako gusto at baka pa nga may gawin kang masama sa akin. Pero hindi ko inasahan na ikaw pa ang tutulong sa akin. Mahirap talagang malaman kung sino ang tunay na maaasahan.”
Hindi sumagot si Lucille. Sa halip, tahimik itong kumain bago biglang nagtanong, “Paano kung may nangyari?”
“H-ha?” Hindi siya agad nakasagot.
"Huwag kang mag-alala. Sinubukan lang kitang tuksuhin. Bumili ako ng gamot at ininom ko na," sagot ni Lucille na tila walang pakialam.
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Pero bigla niyang napansin na may ibang tinitingnan si Lucille, hindi siya—kundi ang isang tao sa may pintuan.
Lumingon si Aaroon at nagulat nang makita si Jalen at Mariane na kakapasok lang sa restaurant.
Narinig ni Aaron ang sinabi ni Lucille at napatingin siya rito nang may gulat. Hindi siya makapaniwala na naglabas ito ng tatlong daang libong para matulungan siya. Halata ring ibinenta nito ang kanyang sasakyan para maibigay ang pera sa kanya.Alam niyang ang sasakyan ni Lucille ay isang BMW 7 Series—isang kotse na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong, pero ngayon, ibinenta lang ito ng tatlong daang libo?"’I..I mean…" Napabuntong-hininga si Aaron, hindi alam kung paano ipapahayag ang nararamdaman niya.Napakunot-noo si Lucille at nagtanong, "Ano pa bang hinihintay mo? Kunin mo na ‘yang pera at dalhin sa ospital."Alam ni Aaron na hindi libre ang perang ito. "Ibebenta mo ang kotse mo para sa akin... Babalik ko sa’yo ‘to, pangako, papalitan kita ng kotse.""Oo naman, siguradong-sigurado!" Agad siyang tumango at mabilis na nagsulat ng kasulatan ng pagkakautang."Salamat, Lucille. Babalik ko agad ang pera ‘pag nagkapera ako. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, pero tandaan mo
Ebidensya.Nagulat si Aaron. Posible kayang ito na ang sagot sa mga nangyari kagabi?Naisip niya kung paano siya nalasing nang hindi inaasahan at nawalan ng malay. At ngayon, tila ginagamit ito ni Mariane upang palabasin na nagtaksil siya. Malinaw na ito ay isang plano—inalok siya ni Mariane kay Lucille.Alam niyang matagal na siyang kinamumuhian ni Lucille, kaya hindi na nakapagtataka kung tinulungan nito si Mariane. Kung aaminin lang ni Lucille na may nangyari sa kanila, lalabas na siya ang unang nagtaksil. At ayon sa kasunduan nila sa kasal, siya ang kailangang lumayas nang walang-wala.Lumipas ang ilang sandali, at narinig niya ang papalapit na mga yabag. Nang tumingala siya, nakita niyang nakatayo si Lucille sa may pintuan ng opisina, may malamig na ekspresyon sa mukha.Pagkakita kay Lucille, agad na lumapit si Mariane at hinawakan ang kamay nito, nakangiti ngunit may bahid ng pag-aalala."Lucille, pasensya ka na sa nangyari kagabi. Ayos ka lang ba ngayon?"Tumango si Lucille, ng
Nakatitig si Aaron kay Mariane nang walang imik. Hindi nito alintana ang kumpanya, ni ang buhay ng kanyang ina. Pero nagawa pa siyang pagsuspetsahan ng pagtataksil.Sa tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa, inakala niyang sapat na ang ipinakita niyang katapatan para hindi ito magduda. Kung hindi lang dahil sa nangyari kagabi, hindi niya kailanman magagawa ang isang bagay na labag sa kanyang paninindigan. At ngayon, iniisip nitong maglalayas siya ng bahay dahil lang sa isang kasalanan?Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lucille—na naisip na ba niya kung sakaling si Mariane mismo ang may pakana ng lahat ng ito?Parang sasabog ang ulo niya sa dami ng tumatakbo sa isipan niya. Puwede kayang si Mariane talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito?Nang una niyang makilala si Mariane, noon pa lamang ay nagsisimula nang maging matatag ang kanyang kumpanya. Kailangan niya noon ng isang sekretarya, kaya ipinakilala siya ng kanyang kaibigan sa negosyo na si Larkin. Bukod sa maganda si Maria
Nararamdaman ni Aaron ang sakit ng matinding pagkalasing habang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Napansin niyang nasa isang hindi pamilyar na silid siya—isang hotel room. Pilit niyang inalala ang nangyari, at naisip na marahil pagkatapos ng inuman sa team building ng kumpanya kagabi, may nagdala sa kanya rito.Ngunit biglang may narinig siyang mahina at hindi pamilyar na pag-ungol sa tabi niya. Nanginig ang kanyang katawan sa kaba. Dahan-dahan niyang inilipat ang kanyang paningin at nakita ang isang babae na nakahiga sa tabi niya. Nakatagilid ito, mahaba ang buhok na bumalot sa kanyang likod, at ang makinis nitong balikat ay bahagyang nakalantad sa kumot. Napansin din niyang nagkalat ang kanilang mga damit sa sahig.Nabigla siya—natulog ba siya kasama ang babaeng ito? Sino siya? Pilit niyang inalala ang mga pangyayari kagabi, ngunit tanging malalabong alaala lamang ang bumabalik sa kanyang isipan—isang malabong imahe ng babaeng nakapatong sa kanya.Gusto niyang gisingin ito