"Nelia, namumuta ka yata ngayon, may sakit ka ba?" Pagtatakang tanong sa akin ni Mylene. "Wala naman, ayos lang ako." Mahina kong boses.Hindi ko maintindihan, ilang araw ko nang nararamdaman ang ganito. Minsan na susuka na lang ako, pero wala naman lumalabas. Ang sakit nga sa tiyan at lalamunan ko ehh. Tapos, pabalik balik pa ang lagnat ko. Ano na ba ngayon ang gagawin ko. Wala akong masyadong alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nanatili lamang akong tahimik rito sa gilid habang nag-uusap usap sila. By the way, naririto kami sa tambayan namin ngayon. Kanina lang pinaalis ni, David ang ibang mga tao rito. Ewan ko kung bakit, basta napansin ko lang na ayaw niyang may kung sino sino lang ang lumalapit sa amin, lalo na sa akin. Ang daming gustong magpakuha ng litrato, halos madumog na rin ako kanina sa mga ginawa nila. Mabuti na nga lang at agad kaming nakapasok dito sa cafeteria. Nagtataka nga ako, kung bakit ang dali ko naman sumikat, parang ilang araw lang naman namin ginawa ang p
DAVID POV. Masarap ang tulog ngayon ng kaibigan ko. Ang tigas talaga ng ulo niya, ayos lang naman sa amin kung hindi siya makakadalo, dahil ang importante ay ang kalusugan niya, Pero, hayts talaga si Nelia. Pinilit niya pa rin kahit hindi niya kaya. By the way, nandito ako ngayon sa kusina. Nagluluto ng paborito niyang nilaga. Ito rin ang palaging kinakain niya noon kapag nadadapuan din siya ng sakit. Ngunit, nang nawala ako sa tabi niya noon hindi ko alam kung nakakatikim pa din ba siya nito. Pero, ngayon pakakinin ko siya muli nito alam ko rin naman na madali lang siya gagaling."Ano ba 'yan David, matagal pa ba iyan? Ang bango bango ahh, pakain naman diyan. O hindi kaya, ikaw na lang ang kainan ko. Fresh na fresh pa naman ako.""Hahha, kalokohan mo Pengpeng, huwag mo ngang akitin ng ganyan si David. Akala mo naman basta-basta lang siya papatol sayo? Ew, kadiri lang bakla ka.""Ay wow naman Mylene, ang ganda ganda mo talaga noh.""Syempre naman, alam ko na iyan, inuulit mo pa talag
NELIA POV. Hindi pa rin nila akong pinapatayo upang maglakad lakad. Kaya ko naman na ehh, pero hindi sila naniniwala. "Ano ka ba, Nelia huwag ka na nga matigas ang ulo diyan. Yeah, sinasabi mo nga kaya mo, yes sa utak mo kaya mo. Pero ang katawan mo hindi. Kaya, magpahinga ka pa, huwag nang makulit.""Ayan, makinig ka kay Mylene. Kapag iyan magalit, baka mamaya matapon pa niya tayo sa kabilang building.""Ahm, ehh, sige na nga lang. Makikinig na nga."Sa mga oras na ito, nangangamba ako na baka hinahanap na ako ni, Anderson. Pero, hindi naman tumatawag, bakit ko ba siya iniisip imbis na ang sarili ko ang isipin ko ngayon. Ano ba ang gagawin ko, sana lang ay hindi siya magalit sa akin. Napahiga ako sa sofa, masakit pa. talaga ang ulo ko. "Nelia, uminom ka na ng gamot." Tugon ni Pengpeng. Ngunit ilumiling lang ako. Mula kasi pagkabata ko, hindi talaga ako mahilig sa gamot kaya ayaw kong uminom. "Ayan ang tigas na naman ng ulo." Dagdag pa ni Mylene."Psh, hayaan niyo na. Well alread
NELIA POV. Panibagong araw, pakiramdam ko ngayon ay maayos na. Magaling na ako at hindi na sumasakit ang ulo ko. Mabuti na lang magaling na ako, pwede na ako nito makapaglakad-lakad, mamasyal at lumabas dito sa bahay. By the way, nagising akong wala sa tabi si, Anderson. Hayts, masanay na nga lang dahil palagi naman talaga ganito. Nakaramdam ako nang gutom, ang hapdi sa tiyan. Parang isang taon ata ako walang kain ngayon. Bakit naman kaya, ganito. Bumangon ako at naisipan na magtungo sa kusina. Nang nakarating ako roon, nadatnan ko si, Anderson. Nakatalikod habang may hinahalong pagkain. Ang bango tiyak akong sobrang masarap ang luto niya ngayon. Napatakham ako at napahawak sa tiyan ko dahil muling humapdi ito."Hm, Nelia, kanina ka pa ba diyan?" "Ahm, hindi naman, kakarating ko lang." Tila'y hindi siya naniwala sa sinabi ko. Lumapit siya sa kin, at malalim ang tingin. Heto na naman, galit na naman ba siya sa akin."Be careful." Akala ko magagalit siya, ngunit malambing na boses a
"Psh! Ang ingay, tumahimik ka na lang diyan, kumain ka na."Ehn ang sungit sungit talaga. Pasalamat ka, at cute ka. Bakit ko nga ba natitiis ang Anderson na ito. Kung sa bagay, mukhang ngayon lang din naman ako nakatagpo ng makakatapat ko. Ilang minuto walang ibang nangyayari kundi ang kumain. HAY NAKU ANG TAMIHIK NAMAN. "Love, pwede po ba akong lumabas ngayon?" sambit ko upang sirain ang katahimikan na may mahinhin ong boses. Subalit, tiningnan niya lang ako ng masama. Dapat pala nag keep quite na lang ako. "You know, na may sakit ka pa, hindi ka pa lubos na magaling. Bakit ba ang kulit kulit mo, Nelia?" sabay hinga niya nang malalim. Napakurap na lamang ako. Sabi ko nga ehh, kasalan ko na naman ngayon. "Huh? makulit ba agad? Parang nagtatanong lang naman ehh." Kunot noo akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya. Paano ba naman kasi, walang emosyon. Ede wow, ede ikaw na ang malamig, duh. Malamig pa kaysa sa yelo, ahh.Agad kong tinapos ang pagkain ko. K
Madali akong nag-ayos sa sarili. Gumamit na rin ng make ups. Tingnan lang natin kung mananalo ang babaeng iyan sa akin. Hm, subukan mo lang mangbabae ng iba, Anderson. Porket, wala ako sa kalingkingan mo gagawa ka na ng kalokohan mo. Well, hindi mo pwedeng gawin iyan sa akin.Dahil, makikita mo ang hindi dapat. Argh! Naiinis ako sa aking sarili, bakit ba ako nagseselos. Kung tutuusin, hindi naman dapat diba? Kainis naman, bakit ba ganito tumibok ang puso ko, ang gulo-gulo. Ayaw maunahan ng iba. Tsk,l! Hindi naman siguro diba dahil ako naman talaga ang nauna kay, Anderson. Ano ang babaeng iyon, seneswerte para agawan ako nang pagmamay-ari ko? Well, no way!Nang nakarating ako sa tapat ng company, tila'y may kung anong kaba ang dumampi sa puso ko. Hindi pa nga ako tuluyan na nakakapasok, pero, grabe talaga ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam, parang ayaw ko na lang yata. Pero, no! Hindi pwedeng hindi, dahil hindi ko makikita at makikilala ang babaeng iyon. Hmp! Kainis naman ehh, sino ba
Karapat-dapat ba akong make-alam sa kanila. Sa pagitan nga nila, tila'y umaapaw ang galit sa isa't isa. Curios tuloy ako kung ano ang nangyayari. Bawal ba nilang ishare sa akin? Napaisip ako sa aking pinunta rito, tama nga, muntik ko na tuloy ngayon makalimutan. Ang tanging sadya ko rito ay ang babaeng iyon. Asan na kaya siya. Napalingon lingon ako dito sa loob, kung sakaling makita ko siyang nagtatago. Paano ba naman kasi, wala na siya rito. Kahit maging masaya dapat ako dahil walang kasamang ibang babae ang asawa ko, parang na balutan tuloy ako nang pagdududa. Hmp, kainis naman kasi, bakit wala na rito. "You may leave." Napukaw ang aking atensiyon ulit sa kanilang dalawa. Ano ba kasi ang mali sa kanila. Mukhang kailangan ko na silang pigilan, baka mamaya ay mag-away pa silang dalawa dito. Huminga muna ako nang malalim at pinalakas ang loob ko. "Tama na nga kayong dalawa diyan." Singit ko na may masungit na boses. Ngunit, sa aking kaloob-looban ay parang ang kapal ng mukha ko. Hind
Malambing na napayakap sa akin si, Anderson, at tila'y hindi ito bibitaw. Ang dali naman nilang mag-isa ng kausap niya kanina. Ano naman kaya ang importanteng pinag-usapan nila. "Love, Anong ginagawa mo?" Tanging pagtanong ko. "I'm hugging you, why?" "Ahm, wala naman." "Akala ko nagrereklamo ka sa yakap ko. You don't like it ba?"sambit pa niya na may mahinang boses. "Gusto." Mahinang sagot ko naman. Habang nakayakap siya sa akin, pumasok sa aking isipan ang babaeng iyon. Sabi ko na nga ba at hindi ko malilimutan agad ehh. Tinanggal ko ang pagkayakap niya sa akin. Sabay harap sa kanya at seryosong paningin ang aking ibinigay. "Sino ang babae kanina?" "Babae? Who's babae?" "Wow, ako pa talaga ang tinatanong mo? Ehh, ikaw naman ang may babae kanina ahh, huwag ka ngang mag-ma-angmaangan sa akin, Anderson,"pm pagsusungit ko pa. Saksi ako sa kanyang mata na nabatiran ito ng takot. "Wala naman akong babae, here Nelia. Believe, wala talaga, so, I don't know who you're talking abo
NELIA POV."Doc, kumusta po ang result? Maayos lang naman po siguro ang lagay ko po diba? Doc, wala naman po siguro akong malalang sakit diba? Maayos lang ang lagay ko. Wala akong stomach cancer diba?" Tarantang tanong ko sa doctor. Kahit paano ay natatakot din akong alamin ang totoo. Takot ako na kung ano ang mangyari sa akin. "Wait Mrs. Nelia Montealto. Ahmm, huwag po kayong mag-alala, walang problema. Maayos lang ang lahat. Normal naman ang naging resulta. Hindi din bad news kundi ay isang good news," nakangiting wika nito."Huh? Anong good news? Ilang araw pong naging masakit ang tiyan ko. Tapos, duwal po ako nang duwal. Nahihilo din po ako palagi. Minsan kapag nakakaamoy ako nang mabahong amoy naduduwal din po ako. Tapos, may mga gusto akong gawin at kainin. Yung tipong, atat na atat po ako. Tapos naiinis ako kapag hindi ko 'yon makuha. Doc, anong good news do'n?" Pagtataka ko, subalit nakangiti lamang siya sa akin."Ma'am, you're pregnant." Tila'y huminto ang oras ko nang mari
Sa ngayon wala akong gana makipag-usap. Kaya, hinayaan muna ako ni Anderson. Gusto kong mapag-isa siguro naman ganun din ang nararamdaman niya. Magkaiba kami ng kwarto pero iisa pa rin naman ang tinutuloyan namin' dalawa. Marahan akong napahiga sa kama pilit na natutulog pero hindi ako makatulog dahil ang daming bumabagabag sa utak. "Aray!" Mahinang tugon ko sa sarili ko subalit may malalim itong tuno. Ang sakit ng tiyan ko, sobra ang hapdi. Dapat pala nag-pacheck up na ako. Ilang araw nang ganito ang nararamdaman ko. Pero, hindi ko manlang pinapansin dahil ang dami kong inunang bagay. Bukas na lang siguro. PENGPENG POV. "Bwesit na Menda 'yon, wala na ba siyang ibang magawa kundi saktan ang kaibigan natin? Walang hiya siya, malandi talaga. Halata naman na hindi siya papatulan ni Anderson diba? Kaya bakit si Anderson pa talaga ang naging ama ng anak niya? Tsk! Bwesit!" Pasigaw na bulalas ko rito sa condo ko habang kaharap ko sina Mylene ay David. "Tama na Peng, tama na
Mahigpit akong hinawakan ni Anderson. Hinila niya ako sa mga kaibigan ko. "Love, ano ba ang ginagawa mo? Bitawan mo ako love, baka kung ano ang isipin ng mga nakatingin sa atin..." Pagpupumiglas ko sa kaniya. Ngunit, tila'y hindi niya 'to naririnig. Nagawa ko pang pumiglas ulit. Subalit, mas humigpit lang ang pagkahawak niya sa akin. "Aaa!" Biglang sigaw na lumabas sa aking bibig, matapos akong matapilok. "Ang sakit..." Dagdag ko pa. Napatigil siya kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin at ibinaba niya ang tingin niya sa mga paa ko. Puno nang pag-aalala ang mga mata niya. Pwede bang alalahanin mo muna ang sarili mo bago ako. "I'm sorry." "Teka, ano ang ginagawa mo?" Bulalas ko nang bigla niya akong binuhat. "I'm sorry, ilang beses na kitang nasaktan." Ramdam na ramdam ko ang bumabalot na pagsisi at kalungkutan sa tinig ng boses niya. Hindi ako naka-sagot, bagkus ay deretso lang ang tingin ko sa mata niya. Kalaunan, nagpatuloy siyang maglakad habang bitbit ako.
Dahan-dahan na nais kumawala ng luha ko. Ngunit, pilit ko 'tong pinigilan. Saksi ako sa magulong iniisip ni Anderson. Sino ang pakikinggan ko ngayon ang puso ko ang puso niya. Marahan kong inayos ang sarili ko sabay hinga ng malalim. Napahawak ako sa kamay niya ramdam ko ang panlalamig niya. Maya-maya pa, pansin ko ang pagtulo ng luha niya. Lubos akong nasasaktan, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ang gagawin ko. Pangarap ni Anderson ang magka-anak, pero hindi ko pa naibigay. Ngayon naman buntis si Menda sa kaniya. Paano na ako nito, natatakot akong mawala siya sa akin. Maya-maya pa, humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Bigla siyang napayakap sa akin. Ngunit, ang kaninang pagluha niya ay napalitan ng galit. Ramdam na ramdam ko 'to kahit hindi niya sa akin sabihin."No, hindi ko matatanggap 'to. Honey, promise me please. You won't leave me. Just stay at my side. I'll promise I will do everything para malaman kung ano ko ba talaga ang pinagbu
"Ohh, anyari do'n? Narinig lang naman niya na bulong bulongan ka ng iba, tapos magtataray siya?" Inis na wika ni Mylene. "Ahm, hayaan niyo na lang. Isa pa, ayaw ko din ng gulo. Iwasan natin ang gulo rito, nakakahiya inimbita niya tayo rito. Kaya, umayos na lang tayo sa galaw natin." Kalmadong aniya ko naman. "Ohh, siya sige. Hayaan na lang natin, total lumabas na rin siya baka mag-announce na siya sa gusto niyang sabihin." Dagdag pa ni Peng. "Oum, baka nga," sabay ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, kahit ano pa ang sabihin niya o gawin niya. Kami ang bahala sayo Nelia," pag-aalala ni Mylene. "Oum," sabay tango ko. "Okay everyone, good evening. Now, mag-uumpisa na tayo. Narito na ang ating birthday girl, na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Nakikita naman sa kaniyang itsura na minana pa sa kaniyang Ina." Mahabang sanaysay ng isang lalaki sa harapan at nakangiti pa. "Sus, anong anghel ang sinasabi niya? Baka nga may sungay pa, tsk!" Pabulong na inis ni Peng. Agad ko naman s
"Hmm, hello po Tita." Mahinhin na wika ko. Ito ang Ina ni Menda. Katulad pa rin nang una, iba pa rin ang pakiramdam ko sakaniya. Sa Oras na ito, tila'y gusto ko siyang yakapin. Ang Gaan nang pakiramdam ko. Tama na nga self, mukhang may mali na sayo! "Nelia, mabuti na lang at naka-dalo ka. Akala ko bibiguin ako ni Anderson. But now, I'm very happy dahil nandito ka." Nakangiti na wika niya. Pakiramdam ko na dadala ako sa mga sinasabi niya. "Ahm, opo. Nag-usap po kami ni Anderson tungkol rito. Maraming salamat din po sa pag-imbita." Nakangiting wika ko rin sa kaniya. Ikinagulat ko ang biglang ginawa niya. Muli niyang ginawa ang paghawak niya sa mukha ko. Ginawa na niya ito sa hospital. Eiii KALMA lang self, wala naman ibang meaning ang pakiramdam na 'to! Please, lang tama na ginugulo mo lang ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas sa paghimas niya sa mukha ko. "Pasensya na po Tita. Ahmm, baka hinahanap na rin po kayo ni Menda. Sige na po, ayos lang po kami rito. Mag-iing
Na una si Anderson sa birthday ni Menda. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong araw. Hindi ko naiintindihan ang tibok ng puso ko. Sobrang gulo, nag-aalangan tumuloy. Kaso nga lang naka-bihis na ako ngayon at nasa loob ng sasakyan. Naka-sandal lang ang ulo ko ngayon bandasa bintana, habang iniisip ang lahat. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. "Sana maging maayos lang talaga ang gbing ito." Mahinang sambit ko sa sarili ko. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Wala akong gana ngayon na makipag-usap sa iba. Hayts, kami lang din naman ng driver ni Anderson ang nandito ehh. Sino pa ba ang iniisip ko. Hays, mukha na talaga akong tanga sa mga ginagawa ko ngayon. "Bakit kasi ganun..." sabay buntong hininga ko. "Ang alin po ba ma'am? May problema po ba ma'am?" Umaatras ang dila ko kasi hindi ko rin naman alam kung ano ag isasagot ko. Hindi naman sa snober, sadyang ewan. Nanatili na lang akong tahimik habang nasa malayo pa rin ang tingi
Maya-maya lang lumabas si Anderson. Bagong ligo siya pero hindi ko 'to pinansin pa. Syempre umarte pa rin akong hindi nasasaktan. Nakaka-pagod din ang magpanggap pero wala akong ibang pagpipilian. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay na may sasabihin siya. Nang kinapa niya ang kama, agad kong napansin ang invitation card. Hindi ko pala 'yon na-itago. Akmang kukunin ko na 'to, subalit inunahan niya ako kaya hindi na lang ako umimik pa. Unang tingin pa lang niya alam na alam na niya. "Invitation card? Sino nagbigay? Si Menda? Nagkita kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ahmm, oum, pumunta siya rito kanina. Tapos sabi niya, may malaking importanteng bagay daw siyang i-announce sa birthday niya. Kailangan ko raw pumunta para malaman ko." Mahinahon na sagot ko. Nasa kumot lang ang tingin ng mga mata ko. "Okay...." Pansin ko ang malalim niyang paghinga. "May problema ba love?" "Ahmm, nag-aalala lang ako. Baka kung ano ang gawin niya b
BACK TO NELIA POV.Napa-kapa ako sa kama dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Kahit inaantok pa ako, agad ko pa rin itong binuksan dahil iniisip kong si Anderson ang nag massage. Napangiti naman ako. Ngunit, nang tuluyan ko itong buksan. Laking gulat ko na lang ang nakita ko. Tila'y dinurog ang puso ko. Mga malamig na patalim ang tumarak sa dibdib ko. "Love, bakit ganun...." Mahinang sambit ko sa sarili ko. Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na siya uulit, pero bakit sa litratong 'to makikita ko kung paano sila naghahalikan ni Menda. Hindi ko napigilan ang aking puso. Dahil sa sobrang sakit napa-iyak nang napa-iyak. Sana umuwi ka na lang, kailangan pa bang makipaghalikan sa iba bago ka umuwi. Masyado akong emosyonal ngayon. Sobrang sakit, sobra pa sa sobra.Mahigpit akong napayakap sa unan ko. Damang dama ang lamig na 'to. "Bakit ba ganun, bakit ganun. Anderson, siguro naman hindi totoo ang litratong 'to. Nilalandi ka lang ni Menda diba?" Kahit anong deny ko sa nak