LOGINMagkakaroon na rin ng bagong lead.
YslaAkala ko handa na ako.Ilang buwan kong inisip ang araw na ito. Ilang beses kong tinanong ang doktor kung ano ang mararamdaman ko. Ilang beses kong pinanood ang mga videos na ipinadala ni Grace tungkol sa panganganak, na sa totoo lang ay mas lalo lang akong tinakot kaysa tinulungan.Pero ngayon na nandito na ako, wala palang kahit anong makakapaghanda sa akin sa sakit na ito.“Ahh—Nathan!” sigaw ko habang napapahawak sa tiyan ko.Pakiramdam ko ay may kumikirot at humihila sa loob ng katawan ko na parang gustong hatiin ang buong pagkatao ko.“Nandito ako, my Ysla,” agad na sagot ni Nathan habang hinahawakan ang balikat ko.Nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa hospital. Halos hindi na ako makaupo nang maayos dahil sa bawat paghilab ay napapangiwi ako sa sakit.“Ang sabi ng doktor… kapag five minutes apart na ang contractions, pumunta na tayo sa hospital,” sabi niya habang pilit pinananatiling kalmado ang boses.“Five minutes?! Pakiramdam ko every five seconds na ‘to!” reklamo k
NathanMay mga sandali sa buhay ng isang tao na kahit gaano pa niya subukang paghandaan ay hindi pa rin sapat ang lahat ng paghahanda.Ito ang isa sa mga sandaling iyon.Nakatayo ako ngayon sa dulo ng aisle ng hardin ng mansyon ni Lola Andrea. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakita ang harding ito noon, sa mga simpleng family gatherings, sa ilang okasyon na ginanap dito—pero ngayon ay parang ibang lugar ito.Parang isang panaginip.Ang buong garden ay pinalamutian ng mga puting rosas, peonies, at mga maliliit na bulaklak na parang ulap na nakapalibot sa bawat poste ng aisle. May mga translucent na kurtina na marahang sumasayaw sa hangin, habang ang sikat ng araw ay dumadaan sa mga dahon ng matatandang puno na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid.Ang mga upuan ay puno ng mga bisitang pawang mahalaga sa amin—mga kaibigan, ilang business associates, at syempre ang pamilya namin.Sa pinakaharap, nakaupo si Lola Andrea. Kahit pilit niyang pinapanatili ang dignidad ni
YslaHindi naging madali ang desisyon kong puntahan ang tiyuhin ko.Ilang beses akong nagbago ng isip mula pa kaninang umaga. Kahit na sinasabi ni Nathan na hindi ko kailangang gawin iyon, na wala akong obligasyon na harapin si Sandro, may bahagi sa akin na nagsasabing kailangan kong gawin.Hindi para sa kanya, kung hindi para sa sarili ko.Kaya ngayon, nakaupo ako sa loob ng sasakyan habang nakahinto kami sa harap ng detention facility. Tahimik ang paligid, pero pakiramdam ko ay napakalakas ng tibok ng puso ko.“Sigurado ka ba?” mahinang tanong ni Nathan mula sa tabi ko.Napalingon ako sa kanya. Nandoon pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya, kagaya noong sinabi niyang hindi aksidente ang nangyari sa akin.“Hindi mo kailangang gawin ito, Ysla,” dagdag pa niya. “Kung gusto mong hindi siya makita, walang pipilit sa’yo.”Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang kamay niya.“Kailangan kong gawin,” sabi ko nang mahinahon. “Matagal ko na itong kinikimkim.”Bahagya siyang tumango, kahit
YslaNagmulat ako ng mga mata dahil sa liwanag na sumisingit sa pagitan ng kurtina ng bintana. Saglit akong napakurap, inaayos ang paningin ko habang dahan-dahang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi.Ang huli kong naaalala ay ang init ng yakap ni Nathan habang pareho kaming nakahiga sa kama. Ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko, ang mahinang boses niya habang sinasabing nandito na siya.Pero nang igalaw ko ang kamay ko sa kabilang bahagi ng kama, malamig na ang kumot.Wala na siya.Bahagya akong napaupo, napakunot ang noo. Maayos pa rin ang kwarto, tahimik ang buong paligid. Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table at mabilis na sinilip ang oras.8:32 a.m.Napahawak ako sa tiyan ko, awtomatiko na ngayon ang galaw na iyon sa tuwing nagigising ako.“Good morning, baby…” mahina kong bulong, kahit alam kong wala pa namang maririnig ang munting buhay sa loob ko.Naramdaman kong bahagyang gumaan ang pakiramdam ko, pero may maliit na bahagi ng dibdib ko ang nagtataka kung bak
YslaHabang tumatagal ang oras, mas lalo akong kinakabahan. Kahit na pilit akong inaaliw ni Grace kanina, ramdam kong unti-unting bumabalik ang bigat sa dibdib ko sa tuwing napapatingin ako sa orasan. Parang bawat minuto ay mas humahaba, mas bumibigat, mas nakakapagod hintayin.Kaya nang tuluyan nang mag-vibrate ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Nathan sa screen, pakiramdam ko ay bigla akong nakahinga nang maluwag. Para bang may humila sa akin pabalik sa realidad.“My Ysla,” bungad niya agad, bahagyang paos ang boses. “I’m sorry hindi ko nasagot ang tawag mo kanina. I was in a meeting.”“It’s okay,” mabilis kong sagot, kahit ramdam pa rin ang konting kaba sa tono ko. “As long as you’re fine.”“Don’t overthink,” dagdag niya agad, parang nabasa niya ang laman ng isip ko. “Marami lang talaga akong inaasikaso ngayon dito. Gusto kong mag-spend ng mas maraming oras sa’yo kaya aayusin ko lang lahat ng kailangang tapusin. Then uuwi na rin ako.”Napangiti ako kahit mag-isa lang ako sa kw
YslaPatuloy kami sa kwentuhan ni Grace at kahit na nasa opisina si Nathan ay hindi naman niya nakakalimutan na i-text ako mayat-maya. Busy daw siya, pero gusto niya na maramdaman niya na kasama niya ako kahit wala siya through messages.“Love na love ka talaga ni Nathan ha, I’m sure hindi rin siya mapakali at gusto nang umuwi para makita ka.” May halong panunukso ang pagkakasabi ni Grace. Syempre pa, kinilig naman ako.Napahawak ako sa aking tiyan na agad niyang napansin. “Excited ka na ba?”“Oo. Hindi ko na mahintay ang paglabas niya sa mundo.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa biglang pagpasok ni Nathan sa isip ko.“Grabe ang nangyari sa inyo ng baby mo. Talagang sobrang salamat sa Diyos. Siguro yung kaba ni Nathan habang pinagmamasdan ka niya sa hospital na walang malay ay sobrang lakas.”“Kaya nga. Ngayon, hindi lang ang kumpanya niya at ang Cheatime ang kailangan niyang harapin. Pati ang pagsampa ng kaso sa pagkakaaksidente ko ay nadagdag na rin sa dal







