แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Katie Alcos
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 17:05:34

"I WANT AN EXPLANATION!"

Iyon ang unang sinabi ni Lucas nang tuluyang makaalis ang lola niya sa hotel suite.

Naiwan silang dalawa ni Che, kasama ang bouquet ng pulang rosas na mukhang mas excited pang magpakasal kaysa sa kanila.

"Good! Ako rin!" mabilis na sagot ni Che. "At kung may nangyari man kagabi, gusto kong malaman kung sino ang may kasalanan!"

Lucas crossed his arms.

"Why are you looking at me?"

"Dahil ikaw ang lalaki!"

"And?"

"At dahil mukha kang sanay sa ganitong sitwasyon!"

Napataas ang kilay niya.

"Are you seriously accusing me of sleeping around?"

"Well, hindi naman kita kilala!"

"Neither do I!"

"Exactly! Pareho tayong walang alam. So stop acting like you're the victim here!"

Lucas let out an exasperated sigh.

Unbelievable.

He was dealing with a woman who could probably win an argument against a brick wall.

"Fine. Let's start from the beginning. Where were you last night?"

"Sa bar."

"Which bar?"

"Velvet Lounge."

"Alone?"

"Of course not. Kasama ko ang best friend ko."

"Name?"

"Why? I-iinterrogate mo ba siya?"

"Just answer the question."

Napairap si Che.

"Angela."

Lucas pulled out his phone.

"I'll have my assistant check the security footage."

"Wait. May assistant ka?"

He looked at her.

"Obviously."

"Wow. Mayaman ka nga pala."

"Can we focus?"

"Okay, Mr. Bossy. Proceed."

Lucas ignored her.

"Now, tell me what you remember."

Napatingala si Che sa kisame.

Kung may natatandaan man siya, sana hindi iyon dahilan para magpakasal siya sa lalaking kaharap niya.

Unfortunately, her memory was about to betray her.

THE PREVIOUS NIGHT

"CHE! ONE MORE ROUND!"

"Angela, pangatlo ko na 'to!"

"So? Birthday mo naman!"

"Birthday ko last week!"

"Belated celebration, girl!"

Napailing si Che habang pinagmamasdan ang kaibigan.

Nasa Velvet Lounge sila, isang sikat na bar sa Makati. Punong-puno ang lugar, malakas ang tugtog, at halos lahat ay abala sa pagsasayaw at pag-inom.

Hindi naman talaga plano ni Che na magpakalasing.

Gusto lang niyang mag-unwind pagkatapos ng isang napakahabang linggo.

Pero mukhang kailangan niya ng higit pa sa isang baso ng cocktail para makalimutan ang mga nangyari.

Una, hindi siya natanggap sa trabahong pinangarap niya.

Pangalawa, nahuli niya ang ex-boyfriend niyang may kasamang ibang babae.

At pangatlo, nalaman niyang ilang buwan na pala siyang ginagawang tanga.

Three problems. One broken heart. Zero patience for men.

"Girl, stop thinking about that loser!" sigaw ni Angela.

"I'm not thinking about him!"

"Then why do you look like you want to murder someone?"

"Because I do!"

Tumawa si Angela at iniabot ang isa pang baso.

"Cheers to being single!"

"Cheers to men being trash!"

Nagbanggaan ang kanilang mga baso.

At doon nagsimula ang gabing magpapabago sa buhay ni Che.

O mas tamang sabihin, gabing halos wala siyang maalala.

Samantala, sa VIP section, nakaupo si Lucas kasama ang kaibigan niyang si Hexel.

"Bro, you're not even enjoying yourself," komento ni Hexel.

Lucas glanced at him.

"Do I need to dance on the table to prove that?"

"At least smile. Para kang nasa burol."

"I should've stayed home."

"Too late. You're already here."

Napailing si Lucas habang kinukuha ang baso niya.

He wasn't really in the mood to party. Pero dahil sa pangungulit ni Hexel, napilitan siyang sumama.

Maya-maya, napatingin siya sa dance floor nang may isang babaeng muntik nang matumba habang sumasayaw.

Nakaikling pulang dress ito, magulo ang buhok, at halatang nakainom na nang sobra.

Bigla itong tumuro sa isang lalaki.

"YOU! YOU LOOK LIKE MY EX!"

Napatawa si Hexel.

"Interesting."

"Not my problem," malamig na sagot ni Lucas.

Pero ilang segundo lang ang lumipas, nakita niyang papalapit sa kanila ang babae.

At bago pa siya makaiwas, huminto ito mismo sa harap niya.

"You!"

Lucas looked up.

"Me?"

"Yes, you!"

"What?"

Sinuri siya ng babae mula ulo hanggang paa.

"Gwapo ka."

Hexel nearly choked on his drink.

Lucas blinked.

"Thank you?"

"But you look arrogant."

Napakunot ang noo niya.

"Excuse me?"

"Gwapo ka nga, mukha ka namang masungit. Sayang!"

Tuluyan nang natawa si Hexel.

"Bro, I like her!"

Lucas shot him a warning look.

"Go away," sabi niya sa babae.

Instead of leaving, ngumiti pa ito.

"Wow! Mayabang!"

"You're drunk."

"At least masaya ako!"

Walang paalam na umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"What's your name, handsome?"

"Why?"

"Para alam ko kung anong itatawag ko sa iyo kapag sinampal kita."

Muling humagalpak ng tawa si Hexel.

Lucas shook his head.

"Lucas."

"Lucas..." Inulit niya ang pangalan nito. "Ako si Cherry Lyn. Che for short."

"Nice to meet you, Che."

"Don't be too happy. Hindi pa kita gusto."

For the first time that evening, Lucas actually smiled.

At hindi niya alam kung bakit.

Hindi naman siya ang tipo ng lalaking natutuwa sa mga babaeng masyadong madaldal.

Pero may kakaiba sa babaeng ito.

Annoying, yes.

But undeniably entertaining.

"Do you have a girlfriend?" biglang tanong ni Che.

"No."

"Boyfriend?"

Lucas almost spilled his drink.

"What?"

"Just checking!"

Hexel laughed so hard that he had to excuse himself.

Hindi na alam ni Che kung gaano katagal siyang nakipag-usap kay Lucas. Ang alam lang niya, nakakainis ang lalaki, pero hindi rin naman ito kasing boring ng inaakala niya.

Maya-maya, tumayo siya para hanapin si Angela.

Pero hindi niya ito makita.

Nang matagpuan niya ang kaibigan, abala na ito sa pakikipag-usap sa isang lalaki.

"Angela! Uuwi na ako!"

"Already? Wait, I'll call you a ride."

"Okay!"

Nang kapain niya ang handbag, bigla siyang natigilan.

"Shocks! Nasaan phone ko?"

"Baka naiwan mo sa table!"

Bumalik siya sa VIP section at nakita ang cellphone sa tabi ni Lucas.

"Hey! That's mine!"

Lucas picked it up.

"Your phone?"

"Yes!"

"You're lucky I found it."

Kinuha niya iyon at agad na ngumiti.

"Thank you, handsome!"

"Don't call me that."

"Okay, ugly!"

Hexel, na kararating lang, ay muling napatawa.

Lucas shook his head.

He couldn't believe he was actually entertaining this woman.

Pero nang gabing iyon, nagkaroon sila ng ilang maiikling pag-uusap tungkol sa trabaho, buhay, at mga bagay na hindi nila karaniwang sinasabi sa mga estranghero.

At nang dumating ang oras ng pagsasara ng bar, pareho silang nakainom nang higit sa kanilang inaasahan.

Hindi na rin makita ni Che si Angela.

Si Lucas naman ay nakatanggap ng tawag mula sa driver niya.

May emergency itong kailangang asikasuhin kaya hindi ito makakarating agad.

Nang makita niyang nakatayo si Che sa labas ng bar at pilit na naghahanap ng masasakyan, napabuntong-hininga siya.

"Where are you going?"

"Home."

"Do you have a ride?"

"Of course."

Lucas glanced at the empty street.

"Where is it?"

Napatingin din si Che.

Walang taxi. Walang driver. Wala ring kahit anong sasakyan.

"Okay. Maybe it's still coming."

"Come on. I'll arrange a ride."

"Wow. Gentleman!"

"Don't get used to it."

Ngumiti si Che.

"You're not so bad after all, Lucas."

He shook his head.

"You're definitely drunk."

"Maybe. But I'm still right."

Dumating ang sasakyan ni Lucas makalipas ang ilang minuto. Pero dahil sa biglaang aberya sa parking area at sa hindi inaasahang pagbabago ng plano, nauwi sila sa isang mamahaling hotel kung saan pansamantalang naka-check in ang driver niya.

At dahil pareho silang pagod at hilo, nagpasya silang magpahinga muna.

Ang hindi nila inaasahan?

Hindi na sila nakalabas ng hotel nang gabing iyon.

PRESENT TIME

"WAIT! WAIT! WAIT!"

Naputol ang kuwento ni Lucas nang biglang tumayo si Che.

Lucas looked at her.

"What now?"

"So, ako pala ang unang lumapit sa iyo?"

"Apparently."

Napahawak siya sa dibdib.

"Oh my God! Nakakahiya!"

"That's an understatement."

"Can you stop being sarcastic?"

"Can you stop interrupting?"

Napairap si Che.

"Fine. Continue."

Lucas was about to speak when his phone suddenly rang.

Adrian.

His personal assistant.

"Sir, I found something."

Lucas straightened.

"What?"

"About last night. I checked the hotel records and security footage."

Napatingin si Che sa kanya.

"Go on."

"Apparently, you and Miss Lacorte entered the presidential suite at around 1:47 AM."

Lucas frowned.

"Why were we in the presidential suite?"

"That's the thing, sir. You personally requested the room."

"What?"

Che's jaw dropped.

"Presidential suite?!"

Lucas covered the microphone.

"Can you stop?"

"YOU BOOKED A PRESIDENTIAL SUITE!"

"Would you let me listen?"

Muling ibinalik ni Lucas ang cellphone sa tenga niya.

"Adrian, anything else?"

"Yes, sir. There's a video clip you might want to see. I'll send it now."

A few seconds later, a video arrived.

Binuksan iyon ni Lucas.

At doon nila nakita ang kanilang mga sarili kagabi.

Nasa elevator sila.

Si Che ay nakasandal sa dibdib ni Lucas habang may sinasabi ito. Si Lucas naman ay nakangiti habang hawak ang kamay niya.

Then Che suddenly faced the camera.

"HELLO! SA LAHAT NG SINGLE! MAGPAKASAL NA KAYO!"

Lucas shook his head.

But the video wasn't over.

Sa sumunod na eksena, huminto si Che sa harap ni Lucas at itinuro ang mukha nito.

"Ikaw! Gusto mo ba akong pakasalan?"

Lucas laughed.

"Are you proposing to me?"

"YES!"

"Then I accept!"

Pareho silang nagtawanan.

Napatakip sa bibig si Che.

Hindi siya makapaniwala sa pinapanood.

Pero may isa pang eksenang nagpahinto sa paghinga niya.

Bago tuluyang magsara ang elevator door, narinig ang boses niya.

"Promise ha! Walang divorce!"

Lucas answered with a laugh.

"Promise!"

Natapos ang video.

Ilang segundo silang parehong natahimik.

Then Che slowly turned toward him.

"Lucas..."

"What?"

"May gusto akong itanong."

"What?"

"Lasenggo ka ba talaga?"

He stared at her.

"Excuse me?"

"Dahil mukhang ikaw ang mas excited magpakasal kagabi!"

Lucas rubbed his forehead.

"This is insane."

"Finally! May sinabi kang tama!"

Bago pa sila makapagsagutan ulit, biglang bumukas ang p***o.

Pumasok si Adrian, may dalang makapal na folder.

"Sir, there's one more thing."

Lucas looked up.

"What?"

Inilapag ni Adrian ang folder sa mesa.

"Your grandmother already contacted the lawyer."

Napakunot ang noo ni Lucas.

"For what?"

Adrian hesitated before answering.

"Apparently, she wants to make sure the marriage happens as soon as possible."

Napatingin si Che sa folder.

May pangalan niya roon.

CHERRY LYN LACORTE.

Kasunod nito ang pangalan ni Lucas.

At sa ibaba, may nakasulat na malalaking letra:

MARRIAGE AGREEMENT

Dahan-dahang napaupo si Che.

"Wait..."

Tumingin siya kay Lucas.

"Please tell me hindi ito totoo."

Lucas stared at the folder, his jaw tightening.

Then he looked at her.

"Unfortunately, Che..."

He paused.

"Your nightmare is just getting started."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Oops! I Married a Stranger   Chapter 5

    "WHO TOLD YOU THAT?"Napakurap si Che nang marinig ang tanong ni Lucas.Sa halip na sumagot, itinaas niya ang cellphone at ipinakita ang natanggap na messages."Someone just sent me this."Kinuha iyon ni Lucas at binasa ang dalawang mensahe.Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya."Do you know this number?""No. That's why I'm asking you."Ibinalik niya ang cellphone."Don't entertain anonymous messages."Napanganga si Che."Excuse me? May nagsabi sa akin na may babaeng pakakasalan ka dapat. Hindi ba dapat malaman ko kung totoo iyon?""It's none of your business.""NONE OF MY BUSINESS?""Yes."Tumayo si Che."Lucas Martinez, pumirma ako ng marriage agreement mo! Hindi ako bumili ng secondhand refrigerator na bawal kong tanungin kung may dating may-ari!"Lucas rubbed his forehead."You're exhausting.""And you're suspicious!"Isinilid niya ang cellphone sa bag."Fine! Kung ayaw mong sabihin, huwag. Pero kapag may babaeng biglang sumulpot sa wedding natin at nagsabing siya ang

  • Oops! I Married a Stranger   Chapter 4

    "HINDI AKO PAPAYAG!"Iyon ang pang-ilang beses nang sigaw ni Che habang paikot-ikot sa loob ng hotel suite."Che, can you please sit down?""Can you please shut up?"Lucas leaned back on the sofa, watching her as if she were an entertaining television show."You're getting annoying.""At ikaw, nakakairita!"Napailing siya.Wala pang isang araw silang magkakilala pero pakiramdam niya, sampung taon na silang mag-asawang araw-araw nag-aaway."Let's be practical," sabi niya."Practical? Ang practical kong gagawin ay umuwi at kalimutan na nakilala kita!""Then go ahead."Napahinto si Che."Ha?""I said, you can leave.""Talaga?""Do I need to repeat myself?""Okay!"Mabilis niyang kinuha ang handbag at nagtungo sa pinto.Pero bago pa niya mahawakan ang doorknob, tumunog ang cellphone niya.Angela calling."Hello?""CHE! NASAAN KA NA?!""Uuwi na ako!""WAIT! MAY PROBLEMA!"Napapikit siya."Ano na naman? Huwag mong sabihing may video ka na namang naalala!""Mas malala!""Angela, huwag mo ako

  • Oops! I Married a Stranger   Chapter 3

    "YOUR NIGHTMARE IS JUST GETTING STARTED."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Che ang sinabi ni Lucas.Nakatitig siya sa makapal na folder sa ibabaw ng mesa. Para bang isang bomba iyon na anumang oras ay puwedeng sumabog.MARRIAGE AGREEMENT.May pangalan niya. May pangalan ni Lucas. At ang mas nakakainis, mukhang mas handa pa ang mga dokumentong iyon kaysa sa kanilang dalawa."Excuse me!"Napatingin si Lucas."Bakit may marriage agreement na? Hindi pa nga ako pumapayag!""Do you think I asked for this?""Well, hindi ko alam! Baka may hobby kang magpakasal sa mga babaeng hindi mo kilala!"Lucas stared at her."Do I look that desperate?""Honestly? With that attitude? Yes."Napapikit siya.Lord, give me patience.Kinuha niya ang folder at mabilis na binuklat ang mga pahina."Adrian, who prepared this?""Your grandmother's lawyer, sir.""Of course.""Your grandmother also requested that the agreement be reviewed today."Lucas looked up."Tell her to stop.""Sir, I don't think that's

  • Oops! I Married a Stranger   Chapter 2

    "I WANT AN EXPLANATION!"Iyon ang unang sinabi ni Lucas nang tuluyang makaalis ang lola niya sa hotel suite.Naiwan silang dalawa ni Che, kasama ang bouquet ng pulang rosas na mukhang mas excited pang magpakasal kaysa sa kanila."Good! Ako rin!" mabilis na sagot ni Che. "At kung may nangyari man kagabi, gusto kong malaman kung sino ang may kasalanan!"Lucas crossed his arms."Why are you looking at me?""Dahil ikaw ang lalaki!""And?""At dahil mukha kang sanay sa ganitong sitwasyon!"Napataas ang kilay niya."Are you seriously accusing me of sleeping around?""Well, hindi naman kita kilala!""Neither do I!""Exactly! Pareho tayong walang alam. So stop acting like you're the victim here!"Lucas let out an exasperated sigh.Unbelievable.He was dealing with a woman who could probably win an argument against a brick wall."Fine. Let's start from the beginning. Where were you last night?""Sa bar.""Which bar?""Velvet Lounge.""Alone?""Of course not. Kasama ko ang best friend ko.""Nam

  • Oops! I Married a Stranger   Chapter 1

    "OH. MY. GOD!"Iyon ang unang tatlong salitang lumabas sa bibig ni Cherry Lyn Lacorte nang imulat niya ang mga mata.Hindi dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Hindi rin dahil sa pakiramdam na may nagra-rally na mga tambolero sa loob ng utak niya.Kundi dahil sa lalaking nakahiga sa tabi niya.A stranger.A ridiculously handsome stranger.And the worst part?Wala itong suot na pang-itaas!"AAAAAAAAH!"Napabalikwas siya ng bangon at agad na hinila ang kumot para takpan ang katawan.Nagising naman ang lalaki sa lakas ng sigaw niya. Napangiwi ito habang dahan-dahang iminulat ang mga mata."What the hell?"Napatingin ito sa kanya.Napatingin din siya rito.Three seconds.Five seconds.Then..."WHO ARE YOU?!""WHO ARE YOU?!"Sabay silang napasigaw.Napahawak si Che sa noo. Diyos ko, pati ba naman ang boses niya, parang may hangover?"Wait! Nasaan ako?" tanong niya habang panay ang tingin sa paligid.The man glanced around the luxurious hotel suite."That's exactly what I'm try

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status