Share

kabanata 11

Author: Bluemoon22
last update Huling Na-update: 2025-06-14 18:29:39

Kabanata 11 – Ang Lihim na Katauhan

Tahimik ang buong kabahayan nang bumalik si Celestine sa kanyang silid matapos kumain kasama ang mga kasambahay. Hindi niya inaasahan ang simpleng hapunan ay magiging isa sa mga pinakamasayang sandali niya sa loob ng bahay na matagal na ring walang emosyon sa kanya. Ang dating malamig at tahimik na tahanan ay tila napuno ng konting init at kasiyahan. Kahit panandalian lang, masarap sa pakiramdam.

Ngunit hindi pa man lumalampas ang dalawang oras ng mahimbing niyang tulog, isang bahagyang pag-ugong mula sa hikaw na nasa kanyang tainga ang gumising sa kanya.

"Alert: Incoming transmission..."

Ang hikaw ay mistulang ordinaryong aksesorya lamang sa paningin ng karamihan, ngunit sa mga miyembro ng organisasyon, ito ay isang makapangyarihang gadget—isang two-way encrypted communication device na tanging miyembro ng Black Iris lang ang may pag-aari.

"I need help," anang pamilyar na boses ng lider nilang si Butterfly. Mahina, ngunit ramdam ang tensyon sa tini
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Owned by His name   kabanata 13

    KABANATA 13– Sa Likod ng Tagumpay“Akala ko di ka makakarating?” ani Celestine habang inaabot ang bouquet ng mga puting lilies at pulang tulips mula sa kanyang asawa. Pawisan at pagod siya, ngunit bakas sa mukha niya ang tuwa at hindi mapigilang kilig.Ngumiti lamang si Lucas, 'yung pamilyar na ngiting parang sinasabing, "Kahit saan ka man naroroon, susundan kita."Tahimik siyang pinagmasdan ni Lucas. Sa gitna ng court, kahit basang-basa ng pawis at may gasgas sa tuhod, si Celestine pa rin ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin—hindi dahil sa pisikal na anyo kundi sa tapang at determinasyong taglay nito.“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong ni Lucas.“Hmm? Ano?” tugon ni Celestine, bahagyang nakakunot ang noo.Lumapit si Lucas at bumulong, “Halos lagnatin ako sa kaba kanina habang pinapanood kang gumulong sa court. Kung hindi lang magugulo ang laban, pupuntahan na kita sa gitna para buhatin pauwi.”Napatawa si Celestine. “Finals namin 'to, Lucas. Wala sa bokabularyo ko ang su

  • Owned by His name   kabanata 12

    KABANATA 12 – Sa Gitna ng Laban at Tibok ng PusoMainit ang simoy ng hangin sa loob ng arena. Ilang minuto bago magsimula ang finals match ng kupunan ni Celestine, punô na ng mga tagasuporta ang bawat upuan. May hawak na placards, may mga may suot na t-shirt na may pangalan ng mga manlalaro. Ngunit sa gitna ng ingay at sigawan, kalmado si Celestine. Nakaupo siya sa bench ng kanilang team, nakatingin sa court na tila ba minamapa na ang magiging galaw ng laban."Tin! Warm-up na," sigaw ng coach nila.Tumayo siya, sinigurong maayos ang tali ng sapatos, at saka tumakbo patungo sa gitna ng court kasama ang buong team. Ramdam niya ang tensyon—hindi dahil sa pressure kundi dahil sa kagustuhang manalo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga taong naniniwala sa kaniya.Samantala, ilang minuto bago ang pagsisimula ng laro, dumating si Lucas sa arena. Kasama niya ang dalawa sa mga pinakamatagal na kaibigan at business partners—sina Gian at Roel. Kapwa naka-formal attire pa ang mga ito, ha

  • Owned by His name   kabanata 11

    Kabanata 11 – Ang Lihim na KatauhanTahimik ang buong kabahayan nang bumalik si Celestine sa kanyang silid matapos kumain kasama ang mga kasambahay. Hindi niya inaasahan ang simpleng hapunan ay magiging isa sa mga pinakamasayang sandali niya sa loob ng bahay na matagal na ring walang emosyon sa kanya. Ang dating malamig at tahimik na tahanan ay tila napuno ng konting init at kasiyahan. Kahit panandalian lang, masarap sa pakiramdam.Ngunit hindi pa man lumalampas ang dalawang oras ng mahimbing niyang tulog, isang bahagyang pag-ugong mula sa hikaw na nasa kanyang tainga ang gumising sa kanya."Alert: Incoming transmission..."Ang hikaw ay mistulang ordinaryong aksesorya lamang sa paningin ng karamihan, ngunit sa mga miyembro ng organisasyon, ito ay isang makapangyarihang gadget—isang two-way encrypted communication device na tanging miyembro ng Black Iris lang ang may pag-aari."I need help," anang pamilyar na boses ng lider nilang si Butterfly. Mahina, ngunit ramdam ang tensyon sa tini

  • Owned by His name   kabanata 10

    Kabanata 10 – Mga Mata sa Likod ng LenteMabilis lumipas ang mga araw matapos ang hindi inaasahang eksenang halos dagsain sila ng tao sa grocery. Mula noon, parang may bagong ningning ang mga mata ni Celestine—hindi niya maipaliwanag, pero pakiramdam niya ay tila unti-unting may nagbabago sa pagitan nila ni Lucas. Hindi man niya inaamin nang buo, unti-unting nagkakaroon ng espasyo ang lalaki sa puso niya. Tahimik. Maingat. Pero totoo.Ngunit sa pagbabalik niya sa court para sa regular na training ng volleyball team, isang tanong ang paulit-ulit na naririnig niya mula sa mga kakampi at pati na rin sa mga kasamahang atleta sa ibang team.“Sino ‘yung lalaking kasama mo nung isang araw sa grocery?” tanong ng isa niyang teammate habang nagpupunas ng pawis.“Ang gwapo nun, ha. Para siyang artista—mukhang mabango, mukhang mayaman,” dagdag pa ng isa na halatang kinikilig.Tahimik lang si Celestine. Nginitian niya lang ang mga ito pero hindi nagbigay ng malinaw na sagot. Wala naman siyang dapa

  • Owned by His name   kabanata 9

    ---Kabanata 9Habang nasa loob na sila ng mall kung saan sila mag grocery mag-asawa. tulak ni Lucas ang isang push cart.“May mga gusto ka bang bilhin?” Tanong nito sa kaniya.Bahagya napatingin siya sa asawa, “Oo meron, mga personal na gamit lang,” sagot niya ritoHindi pa man sila nakakapasok sa loob ng grocery ay may ilang mata nang tila kumislap pagkakita sa kanya.“Siya ba ‘yun?”“Parang siya nga, si Celestine Ramirez!”“OMG, volleyball queen!”Isa, dalawa, lima… hanggang sa unti-unting dumami ang mga lumalapit. Pawang mga kabataan, may hawak na cellphone, iba’y may dala pang bolpen at notebook, habang ang iba’y nanginginig pa ang kamay sa tuwa.“Miss Celestine! Pwede pong magpa-picture?” natigilan silang dalawa ni Lucas at nilingon ang mga kabataan na bakas sa mukha ang katuwaan ng makilala siya.Nagulat naman siya sa maaaring mangyari. “Idol! Grabe po ang galing n’yo sa SEA Games, grabe ‘yung spike mo!” tuwang-tuwang saan ng mga ito ng makalapit sa kaniya.“Grabe ang lucky ni

  • Owned by His name   kabanata 8

    ---KABANATA 8 – Tahimik na Linggo, Maingay ang PusoPagkatapos ng almusal, bahagyang tumahimik ang paligid. Umuugong lang ang tunog ng aircon sa sala, habang si Celestine ay tahimik na nakaupo sa sofa, may hawak na mainit na tasa ng kape. Kasalukuyang binabasa ni Lucas ang balita mula sa tablet habang naka-relax lang sa kabilang dulo ng sofa, ngunit ramdam ni Celestine na panay ang sulyap nito sa kaniya.Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat titig ng lalaki, pakiramdam niya ay natutunaw siya. Hindi naman ito bastos tumingin, ngunit may kung anong lalim—parang sinusuri siya, parang sinusubukang unawain ang mga iniisip niya.Habang tumatagal, mas lalo siyang nagtataka.Tahimik ang bahay.Walang maririnig na yabag ng ibang tao. Walang ingay ng kasambahay na naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng sahig, o nag-aayos sa paligid. Nakasanayan na kasi niya noon na kahit Linggo, may isa o dalawang kasambahay ang nasa paligid. Pero ngayon, tanging sila lang dalawa ni Lucas ang nasa loob ng ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status