Mag-log inHindi maiwasan ni Axellyn nailibot ang mga mata noong tumuntong siya sa Casa La Guardia. Tahimik lalo na dahil napapalibutan ito ng maraming kahoy. Malayo sa siyudad at wala nang masyadong sasakyan ang nakakarating pa rito. Mabuti na lang dahil ang agency ang naghatid sa kaniya. Mayroong high end security, simula sa gate ng manor.
"Magandang araw po, ikaw ba si Aleng Vangie?" nakangiti niyang bati sa matandang babaeng sumalubong sa kaniya sa bukana ng napakalaking mansyon. Pakiramdam niya ay nanliliit siya sa laki ng bahay na nasa harapan niya. Kahit ilang beses pa siyang tumingin, hindi pa rin siya makapaniwala na dito siya magtatrabaho. Para siyang nanliit dahil sa karangyaan na hatid ng mansyon. Marami din ang nakauniporme na bantay. Mayroon na dumaan ngunit hindi siya ponagbigyang pansin. Bukod paron ay bakas sa mga mukha nito ang pagiging seryoso. Sinipat siya ng matanda mula ulo hanggang paa habang inaayos ang makapal nitong salamin. "Ikaw ba ay si Celine?" Bahagya siyang natawa at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang bag. "Axellyn po..." pagtatama niya sa sinabi ng matanda. "Pasensya ka na hindi talaga ako maging sa mga pangalan. Axellyn kung ganoon. Tara dito sa likod ipapakita ko sa'yo ang tutuluyan mo. Mamaya ipapakilala ko yung sayo mga kasamahan natin. Ang sabi sa akin ni Senyorito Josiah ay bukas ka na raw magsimula sa trabaho mo pero magsisimula na ngayon ang sweldo mo." Agad na lumiwanag ang kaniyang mukha. Sweldo agad kahit hindi pa nagsisimula? Sino ba naman ang hindi matutuwa roon. Lahat ng tao ay gusto ng pera. "Halika... Handa na ang tutuluyan mo." Hindi na mawala ang ngiti sa kaniyang labi habang sinusundan si Aleng Vangie patungo sa likod ng mansyon kung saan naroon ang mga tirahan ng mga kasambahay. Lalong lumaki ang mga mata niya nang makita ang kwartong inilaan para sa kaniya. Mag-isa lamang siya rito dahil puno at okupado na ang ibang mga silid. "Ang laki naman po nito, Aleng Vangie! Halatang pinasadya nila na mayroon tulugan ang mga katulong." Napangiti ang matanda bago sumagot. "Strikto ang amu natin lalo na kung sa gabi gumagala ka sa loob ng mansyon ipinagbabawal ni Senyorito iyon." Kaagad siyang tumango. Wala namang problema sa kaniya iyon. Sapat na sapat na ang kwartong ito para maging komportable siya. Isa pa, sanay siyang sumunod sa mga patakaran. "Senyorito ang tawag namin kay Senyorito Josiah. Kung ano ang naka-assign sayo ay iyon lang ang gawin mo." "Opo Manang Vangie tandaan ko ang mga sinabi mo. Wala pong problema. Madali naman po akong makasabay sanay din po ako sa gawaing bahay. Lola at lolo ko lang po kasi ang kasama ko na lumaki." Tumango ang matanda. "Oh kapag may kailangan ka magtanong ka lang sa mga kasama natin dito. Magiging magkasundo rin naman kayo, lahat ng nandito sa bahay magkasundo." Dahil unang araw niya pa lamang, marami siyang kailangang tandaan. Nakilala niya rin ang mga kapuwa kasambahay at mabilis naman siyang nakagaanan ng loob sa mga ito. Mababait sila at masayahin. Nakilala rin niya ang mga amo ng bahay—hindi nga lang personal. Mga litrato lamang ang nakita niya. Wala raw kasi ang mga ito sa mansyon. "Makikita mo naman si Sir Josiah siguro bukas nandito na siya. Pero hindi siya madalas kumakausap ng katulong. Ako nga dalawang taon na nandito tatlong beses lang niya akong kinausap." Napalingon siya kay Leslie. "Tatlong beses. Ganoon ba siya kailap sa mga kasambahay?" Napasimangot ang babae. "Ayaw ko nga na kausapin niya ako dahil sa tatlong beses na iyon ay napagalitan niya ako." Hindi niya mapigilang mapaisip. Anong klaseng tao kaya ang isang Josiah La Guardia? Sa ekspresyon pa lamang ni Leslie habang ikinukuwento ito, halatang-halata ang takot nito sa lalaki. "Sana ay hindi niya ako mapagalitan. Ayaw ko na mag-iwan ng bad impression sa kaniya. Lalo na kailangan ko ang trabaho ko para kila Lolo at Lola." Napabuntong-hininga si Leslie. "Wala ka namang dapat ikatakot kung wala lang ginagawang masama. Pero masaya talaga ako na bata ang binigay na bago ng agency. Puro kasi matanda ang kasama ko rito." Napakamot siya sa batok. "Ako lang raw ang nag-apply kaya tinaggap na nila ako." Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya sa bagay na iyon. Sa laki ng sahod na inaalok ng La Costra, imposible yatang walang ibang nagtangkang mag-apply. Ngumiti si Leslie. "Nakatadhana talaga tayong magkasama dito sa mansyon. Sana lang huwag akong malipat sa iba pang mansyon." Napakunot ang noo niya. "Malipat? Bakit?" "Kapag kailan lang naman, Axellyn. Mas gusto ko pa rin naman na nandito. Palagi kasing wala si Sir Josiah." Tumango na lamang siya. Pakiramdam niya ay marami pa siyang kailangang malaman tungkol sa lugar na ito. Pero sa ngayon, wala siyang ibang iniisip kundi ang malaking tulong na maibibigay ng trabahong ito kina Lola at Lolo. Pagsapit ng gabi, nagprisinta siyang tapusin ang mga naiwang gawain sa kusina. Ayaw niyang maging pabigat sa unang araw pa lamang. Nauna nang natulog ang iba niyang kasamahan dahil malalim na rin ang gabi. Nang matapos siya at paalis na sana, biglang namatay ang ilaw. Natigilan siya. Sa isang iglap, nilamon ng kadiliman ang buong kusina. Hindi siya agad nakagalaw. Wala siyang makita. May narinig siyang mabibigat na yabag mula sa likuran. Kasabay ng pagpatay sindi ng ikaw ang mabigat na yabag at palapit na bulto sa kaniya. Unti-unting lumakas ang tibok ng puso niya. "M-Manang Vangie?" mahina niyang tawag. Ngunit walang sumagot. "Who are you?" Napatalon siya sa gulat. Ang lalim malamig at matalim nitong boses ay nagpatindig sa mga balahibo niya. Parang kulog na bumagsak sa gitna ng katahimikan. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang muling bumukas ang ilaw. At halos mawalan siya ng hininga nang makita ang nakatutok na baril sa kaniyang ulo. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay. Parang suspek na nahuli sa akto at kailangan na sumuko dahil mayroon siyang making nagawa. "Ahm... Si Axellyn po!" Lalong kumunot ang noo ng lalaki. Ang madilim nitong awra ay sapat upang magpadala ng kilabot sa kaniyang buong katawan. "Axellyn? Wala akong kilalang, Axellyn." Napalunok siya. "Ibaba mo muna iyan at maayos tayo na mag-usap. Hindi naman ako magnanakaw, wala akong kinuha," pakikiusap niya. "Naglinis lang talaga ako. Pabalik na rin ako noong namatay ang ilaw." Ngunit hindi man lang gumalaw ang lalaki. "Who are you?" "Bago nyo po akong kasambahay, nagbrown-out lang talaga sir kaya naiwan ako rito." Ilang ulit siyang umiling. "Wala talaga akong ginagawa masama." Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito bago muling bumalik ang malamig na ekspresyon. "Did I tell Vangie you will start tomorrow?" "Nagpumilit kasi ako na tumulong wala rin naman akong ibang ginagawa. Gusto ko talaga na makatulong, ito lang naman ang ginawa ko buong araw." "What's your name again?" "Axellyn Santos from La Costra Agency, Sir Josiah." Para siyang nabunutan ng tinik nang sa wakas ay ibinaba nito ang hawak na baril. Ngunit hindi pa rin nawala ang kaba niya. Tahimik siyang sinuri ng lalaki mula ulo hanggang paa. Para bang hinuhusgahan kung nagsasabi siya ng totoo. "Did Vangie tell you that I'm not allowing anyone in my house in the evening. Maids don't live here." Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Matalim ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. Parang mga talim na diretsong tumatama sa kaniyang pride. Ganito ba talaga ang magiging amo niya? Mataas ang sahod ngunit napakasungit. Hindi niya mapigilang tanong sa kaniyang sarili. Gayunpaman, hindi rin niya maikakaila na may punto ito. Kasalanan din naman niya. Sinabihan na siya ngunit nanatili pa rin siya sa mansyon hanggang gabi. Unang araw pa lamang, hindi na niya nasunod ang isa sa mga patakaran. "Sinabi niya po sa akin. Pabalik na rin talaga ako sa tinutuluyan namin. Hindi na mauulit." Nanatiling malamig ang ekspresyon ng lalaki. "The second this happened again I will fire you."Dalawang linggo. Dalawang linggo na rin pala ang itinagal niya simula noong pumasok siya bilang kasambahay. Sa loob ng dalawang linggo na iyon lahat na yata nagawa niya na.Maging ang mapagalitan lalo na nakabantay palagi si Josiah sa bawat galaw niya. Pero bukod doon mas nasasanay na siya sa mga gawain."Axellyn, hindi ko talaga kayang pumasok ngayon para akong lalagnatin. Ikaw na lang ang sumama kay Sir Josiah sa Rancho."Hindi niya mapigilang maawa kay Leslie habang nakatingin dito na maputlang nakahiga sa kama nito. Mayroong bimpo sa noo."Ayos lang. Sasama lang naman ako hindi sasakay sa kabayo. Mabuti sana kung kalabaw dahil alam ko kung paano."Mahinang natawa si Leslie. "Ikaw talaga. Madalas kasi iyan sila na pumunta sa Rancho para magpalamig ng ulo.""Ano ba ang nangyari bakit nagkasakit ka? Hindi ba day off mo naman kahapon at paalam mo ay magpapahinga ka." Hindi niya maiwasang tanong."Ah... Wala ito! Tao lang din naman ako siguro hindi na nakaya ng katawan ko ang pagod sa
“Did we meet before?”Muling tanong ng lalaki. Kinakabahang mabilis siyang umiling. Kung kahapon ay nasabihan niya si Josiah na hindi niya ito type, ayaw na niyang mas lalo pang sumama ang tingin nito sa kaniya.“She is my new maid. Bago pa lang siya rito, Tyron. How come nakilala mo siya? Ngayon pa lang naman kayo nagkita,” may bahid ng pagtatakang saad ni Josiah.“Baka naman kasi ex siya ni Tyron. Sa dami pa naman ng babae nito, hindi na imposibleng matandaan pa niya,” natatawang sabat ng isang lalaki.“H-Hindi no! No boyfriend since birth ako. Wala pa akong naging boyfriend,” mabilis niyang depensa sa sarili.Ngumisi ang lalaking kanina pa nakaupo sa tabi ni Josiah. “Okay, relax. I’m just joking. Masyado niyong sineseryoso ang sinabi ko.”Kung hindi siya nagkakamali, ang dalawang lalaking ito ang mga kapatid ni Josiah. Ang nakatayo ay ang kambal nito habang ang lalaking nakaupo naman ang bunso nilang kapatid.“Si Josiah naman kasi, galit kaagad,” natatawang saad ni Tyron La Guardia
"I will be staying here for a month, so I expect everyone to do their jobs properly. I don't want anyone disobeying my orders.” Mariing diin ni Josiah sa huling salitang sinabi nito. Mabilis na yumuko si Axellyn nang magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya kayang salubungin nang matagal ang matalim na titig nito. Pakiramdam niya, siya talaga ang pinatatamaan ng bawat salitang binibitawan nito.“Ako na po ang bahala, Sir Josiah,” agad na sabi ni Manang Vangie.“You're in charge here, Vangie, but I want every one of them to remember my rules.” Bahagya itong huminto bago muling nagsalita. “I'm watching.”Hindi niya namalayang napapapikit siya sa kaba. Nang muli siyang magmulat ng mata, nakatingin pa rin sa kaniya ang lalaki, noo'y bahagyang nakakunot.Ikaw kasi ang pinaparinggan niya, Axellyn, saway niya sa sarili. Hindi mo dapat ginagalit ang boss mo.“Ako na po ang bahala, Sir Josiah. Alam naman nila ang mga patakaran dito sa mansyon. Uulitin ko na lang kung kinakailangan,” sagot n
Hindi maiwasan ni Axellyn nailibot ang mga mata noong tumuntong siya sa Casa La Guardia. Tahimik lalo na dahil napapalibutan ito ng maraming kahoy. Malayo sa siyudad at wala nang masyadong sasakyan ang nakakarating pa rito. Mabuti na lang dahil ang agency ang naghatid sa kaniya. Mayroong high end security, simula sa gate ng manor. "Magandang araw po, ikaw ba si Aleng Vangie?" nakangiti niyang bati sa matandang babaeng sumalubong sa kaniya sa bukana ng napakalaking mansyon.Pakiramdam niya ay nanliliit siya sa laki ng bahay na nasa harapan niya. Kahit ilang beses pa siyang tumingin, hindi pa rin siya makapaniwala na dito siya magtatrabaho. Para siyang nanliit dahil sa karangyaan na hatid ng mansyon. Marami din ang nakauniporme na bantay. Mayroon na dumaan ngunit hindi siya ponagbigyang pansin. Bukod paron ay bakas sa mga mukha nito ang pagiging seryoso. Sinipat siya ng matanda mula ulo hanggang paa habang inaayos ang makapal nitong salamin."Ikaw ba ay si Celine?"Bahagya siyang nat
Napatitig si Axellyn sa kaniyang Lolo Rodolfo noong makita niya ang nanginginig na kamay nito habang nagtitimpla ng kape. Mabilis siyang lumapit upang daluhan ito. "Lolo umupo ka na lang, ako na ang bahalang magtimpla ng kape mo." Kaagad na hinampas ng kanyang lolo ang kanyang kamay. "Ikaw ang umupo roon, Axellyn. Kayang-kaya ko pang magtimpla ng kape." "Lolo nandito ako para alagaan ka." "Bakit naman ako aalagaan. Malakas pa ang lolo mo. Matanda lang ako pero wala akong sakit." Kaagad na sumimangot ang kaniyang mukha. Dahil ayaw talaga nito na inaalagaan. "Lolo hayaan mo na akong gawin ito. Noong bata ako inaalagaan nyo ako ng mabuti." "Bata na ba ako sa tingin mo ngayon, Axellyn?" bwelta nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling. "Lolo Rodolfo naman, andami nyo naman po na rason sa akin. Mas mabuti pa siguro kung magtrabaho na talaga ako." Matagal siyang tinitigan ng kaniyang Lolo. "Mabuti na rin iyon apo para magkaroon ka ng ipon para sa sarili mo." Huminga siya ng malalim. "







