LOGIN
Napatitig si Axellyn sa kaniyang Lolo Rodolfo noong makita niya ang nanginginig na kamay nito habang nagtitimpla ng kape.
Mabilis siyang lumapit upang daluhan ito. "Lolo umupo ka na lang, ako na ang bahalang magtimpla ng kape mo." Kaagad na hinampas ng kanyang lolo ang kanyang kamay. "Ikaw ang umupo roon, Axellyn. Kayang-kaya ko pang magtimpla ng kape." "Lolo nandito ako para alagaan ka." "Bakit naman ako aalagaan. Malakas pa ang lolo mo. Matanda lang ako pero wala akong sakit." Kaagad na sumimangot ang kaniyang mukha. Dahil ayaw talaga nito na inaalagaan. "Lolo hayaan mo na akong gawin ito. Noong bata ako inaalagaan nyo ako ng mabuti." "Bata na ba ako sa tingin mo ngayon, Axellyn?" bwelta nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling. "Lolo Rodolfo naman, andami nyo naman po na rason sa akin. Mas mabuti pa siguro kung magtrabaho na talaga ako." Matagal siyang tinitigan ng kaniyang Lolo. "Mabuti na rin iyon apo para magkaroon ka ng ipon para sa sarili mo." Huminga siya ng malalim. "Para po sainyo ni Lola!" Kailangan niyang magkaroon ng trabaho para sa Lola at Lolo niya. Gusto niyang makatulong sa mga ito. Gusto niyang bigyan ng maginhawang buhay kung saan di na sila mahihirapan na magtrabaho pa. "Kailangan mo ba talaga ng trabaho, Axellyn Santos?" Kaagad na sumimangot ang mukha ko noong marinig na tawagin siya ng kaibigang si Mirabel. Hindi ako sa ayaw ko marinig ang pangalan ko, pero kapag siya ang nagbanggit noon, parang nilalaro lamang ako. Nasabi niya kasi sa kaibigan niya na gusto niyang maghanap ng trabaho. Marami kasi itong kilalang tao at baka matulungan siya. "Oo na, kailangan ko ng trabaho. Matanda na si Lolo at Lola, kaya kailangan ko na rin na kumayod para sa kanilang dalawa. Alam mo naman ang buhay ngayon, mas lalo tayong naghihirap dito sa Pilipinas. Kada galaw kailangan may bayad." Tumango ng ilang ulit si Mirabel na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. "May balak sana akong i-recommend na trabaho pero stay in. Malaki ang sahod, pero hindi naman ako pwedeng mag-resign sa trabaho ko." Saglit akong nag-isip. Malaki ang sahod ang unang salitang prinoseso ng utak ko. Kailangan ko ng malaking pera para kay Lola at Lolo. Ayaw ko na silang mapagod para kumayod. Kung kailan naman kasi matanda na sila, Lola, saka pa ako nawalan ng trabaho. Hindi naman pwedeng umupo lang ako dito na parang isang prinsesa. "Anong trabaho at saan?" "Katulong sa Maynila. Mayaman at malaki ang pamilya nila doon kaya kailangan na magdagdag ng katulong. Mga tatlong barangay ang lupa nila, may kanya kanyang mansyon bawat isa." Hindi ko mapigilan ang panlalaki ng kaniyang mga mata noong marinig kung gaano kalaki ang ari-arian nila. Sigurado na hindi lang iyon ang ari-arian nila. "Magkano ang sahod?" "Forty thousand a month." Mas lalo lamang na nanlaki ang mga mata ko at halos lumuwa na sa gulat. Kapag teacher ka mas malaki pa ang sasahurin ko sa kanila. "Sigurado ka bang 40k ang sahod? Hindi ba illegal iyan dahil katulong ganyan kalaki!" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Axellyn, kung wala lang akong tatlong taon na kontrata sa pinagtra-trabahohan ko, lumipat na ako. Minsan lang ang ganoong opportunities na dumating sa atin," saad ni Mirabel. "Paano ba mag-apply diyan. Kailangan ko talagang makatulong kila lola at lolo." "Iyong agency kasi ng dati kong katrabaho yung nagbalita sa akin. Nung naalala kita sinabi ko sa kanya na irerekomenda kita." Kaagad na niyakap niya ng mahigpit ang kanyang kaibigan. Palagi niyang kasama si Mirabel sa kagipitan man o kagingawahan. "Thank you talaga, Mirabel. Susubukan ko na mag-apply baka sakali na matangap ako. Kapag natangap ako ililibre kita." Umirap si Mirabel, pero maitago ang ngiti sa labi nito. "Syempre naman ililibre mo talaga ako. Malaki ang sweldo doon kaya makakaipon ka." "Sana nga makaipon ako para maging maluwag na ang buhay nila Lola at Lolo. Kailangan ko rin na makaipon para sa sarili ko." Pagkatapos nilang maghiwalay ni Mirabel kaagad niyang inayos ang mga dokumentong ipapasa niya. Nag-send na rin siya ng email sa agency. Lumipas ang isang linggo medyo nawalan na siya ng pag-asa dahil hanggang ngayon wala siyang natatanggap na email mula sa agency. Ang sabi ng kaibigan niya na inaabot lang daw ng tattoo o limang araw bago malaman ang resulta. "Apo, kaya aga-aga bakit ganyan ang mukha mo. Hindi ba sinabi ko sayo namalas ang nakabusangot ng maaga pa lang," puna ng kanyang Lola Olive. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Eh, Lola Olive, hanggang ngayon kasi wala pa akong natatanggap na email galing sa pinag-applyan ko. Baka hindi na talaga ako natanggap. Ang sabi kasi ni Mirabell ay inaabot lang daw ng tatlo o limang linggo bago sila mag-email kung tanggap ba ako." "Eh hangga't hindi nila sinasabi na hindi ka tanggap, meron pang pag-asa. Isa pa baka mamaya lang yun," pagpapanatag nito sa isipan niya. "Habang tumatagal kasi magiging dismayado ako. Pero tama ka Lola Olive, hanggang hindi pa natatapos ang araw na ito o hindi pa ako nakakatanggap ng email galing sa kanila. May pag-asa pa." "Kahit naman ayaw namin, Lolo Rodolfo, mo na umalis ka, pero suportado ka namin." Maingat nitong hinuplos ang kanyang pisngi. "Napakaganda ng apo ko para maging malungkot. Kaya ngumiti ka dahil nakakapangit ang nakabusangot." Hindi niya mapigilan ng mapangiti. Alam na alam at kilala talaga siya ng kanyang Lola Olive. Nung tumunog ang kanyang cellphone pareho silang dalawa na tumingin. Nakaramdam siya nakaunting ka ba habang binubuksan ang kanyang cellphone. Ganun na lamang ang gulat at panglalaki ng kanyang mga mata, noong makitang acceptance letter iyon. Napaiyak siya sa tuwa at mahigpit na niyakap ang kaniyang Lola. "Lola matanggap raw po ako!" Umiiyak niyang saad. "Congrats apo!" Maging ang lola niya ay umiiyak na rin katulad niya. "Sabi ko naman sayo na matatanggap ka." "Para sa iyong dalawa ito ni Lolo Rodolfo."Bakit naman ako aasa na baka sakali na may espesyal na tawag ang tungkol sa kanilang dalawa. Bakit nga ba umasa pa rin siya kahit alam niyang wala. May girlfriend na siya. Hindi ka dapat lumalandi ng may girlfriend na Axellyn. Hindi ka dapat naging dahilan ng ikakasakit ng ibang babae. Ilang taon na siya, alam niya na dapat ang tama at mali. Napahilamos siya ng kaniyang mukha. Dinudurog ang puso niya. Hindi niya kaya. Hinayaan niya ang masagang mga luha niya. Simula noong bumalik sila sa Casa La Guardia hindi na siya bumalik sa trabaho. Naghihina ang buong katawan niya. Natigilan siya noong mayroong yumakap sa kaniya mula sa likuran. Ilang beses nitong hinalikan ang kaniyang leeg. "Bakit nandito ka?" Sinubukan niyang tangalin ang pagkakayakap ni Josiah sa kaniya ngunit dahil mas malakas ito sa kaniya ay hindi siya nagtagumapay. "Sir Josiah..." Nagtitimpi niyang tawag sa lalaki. Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ni Tyron, hindi sana siya maniniwala pero maging si L
Maigi ang pagpunas niya sa bawat sulok mesa sa sala. Sinisiguro niyang walang natitirang alikabok at makintab. Umalis na si Josiah pumasok na ito sa opisina dahil marami ang kailangan nitong tapusin. Kaya naman sinigurado niya na malinis ang buong mansyon para malinis ang madatnan nito mamaya pag-uwi. Mamayang tanghalian ay balak niyang surpresahin ang lalaki. Magluluto siya ng paborito nitong kaldereta at dadalhin niya sa opisina. Naisip niya na sa ganoong paraan ay makakabawi siya sa lalaki. Katulad ng sinabi nito na siya ang kaniyang pahinga, gusto niyang makapagpahinga ito kahit saglit. "Hija, mag-ingat kayo roon, magpasama kayo sa mga bantay, si Enrico na ang isama nyo. Alam niya kung nasaan ang opisina ni Sir Josiah." "Salamat Manang, sana matuwa si Sir Josiah. Medyo kinakabahan nga po ako." "Matutuwa iyon baka nga ikaw ang kainin hindi ang kaldereta mo." Nanlaki ang mga mata niya namula bigla ang pisngi dahil sa sinabi ni Leslie. "Sus maryosep!" bayolenteng reaksyon
Nanlaki ang inaantok niyang mga mata nang makita si Josiah na nakahiga na sa tabi niya. Nakatukod ang siko nito at nakapatong ang ulo sa palad habang pinapanood siya."Bakit nandito ka na? Akala ko ba isang linggo ka pa bago umuwi?"Gulat siyang napabangon. Tila nawala ang antok niya habang kaharap ang lalaki. Kanina lang ay binabaan siya nito ng tawag, pero ngayon ay nasa harapan na niya ito."Umuwi ako para itanong mismo sa iyo." He looked miserable. His shirt sleeves were unbuttoned, just as they had been during the video call. His hair was messy and his eyes looked tired."Ang alin?""Did you really not miss me? Kahit kaunti lang, hindi mo ba ako naisip?" Mahina ang boses nito at parang nakikiusap na sabihin niyang na-miss niya ito. At kung hindi, tila iiyak na ito."Umuwi ka para itanong sa akin kung na-miss kita?"Hinawakan niya ang mukha ng lalaki at marahang sinuklay ang magulo nitong buhok."Because you didn't miss me, Axellyn. It's unfair that I'm the only one feeling this
"Maganda ba ako, Axellyn?" Her brows furrowed as she answer Leslie's questions. "Ha? Oo naman. Bakit mo naman tinatanong? Gulat na gulat nga ako noong makita ka kasi akala ko ay parte ka ng mga La Guardia." She pouted and leaned closer to the island counter. "Hindi ko kasi alam kung gaano ba ako ka ganda. Hindi ko naman makita iyon. Dahil kung oo magreresign na talaga ako at gagamitin ko lang ang ganda ko para mabuhay. Mas madali siguro iyon." Ngumiwi siya sa naging sagot nito. Marami kaagad na senaryo ang naglalaro sa isipan niya dahil sa sinabi ng babae. "Paanong gagamitin mo ang ganda mo?" Malakas nitong hinampas ang aking balikat dahilan para mapigik ako ng pagtama ng kamay niya. "Siraulo hindi ako magpopokpok. Ang ibig kong sabihin ay baka pwede akong maging model, makinis ang katawan ko, maganda ang kutis ko. Ikaw ang dumi talaga ng utak mo. Kung hindi naman ay pwede akong maging artista. Kung hindi pa rin papalarin ay mag-aasawa na lang ako ng mayaman." "Paano si Sir Lucie
"Kailangan ko ng pera. Kahit ano gagawin ko basta bigyan mo ako ng pera," She broke down completely, her shoulders shaking violently.He held both of the woman's shoulders and lowered his face to meet hers. Gently, using the backs of his hands, he wiped away her abundant tears. Every sob that ripped from her throat felt like a physical blow to his chest, causing his heart to clench painfully. She is too precious for this, his chest tightening as he reached out to sooth her. He hated this sight of her ceying. He wanted nothing more than to erase her sorrow, to bring back the beautiful smile he fell in love with. He wanted to give her the world just to ensure she would never have to shed another tears."Stop crying. Calm down first." He calmed her down from crying. He whispered a lot of comforting words, brushing his hands on her back. "I will give you money." He guided her do inhale and exhale. Kumuha siya ng tubig at binigay sa dalaga. Noong medyo kumalma na ito ay saka siya nagta
"What the f*ck! Why are you looking at me like that?""Can you just shut your mouth for a second," iritang saad niya."It's not my fault, brother. Mag-isip ka naman ng ibang dahilan mo kung gusto mo ba matulog sa kwarto ni Axellyn. Bakit parang kasalanan ko?""You should not say that so loud," he hissed. "You f*cker. Narinig niya ang sinabi mo. That was one of the most idiotic things you've said.""Pero noong ginawa mo iyon, hindi mo naisip. Axellyn is smart; I know she will get it."Kanina pa silang dalawa nagbabangayan na magkapatid. Simula noong sabihin ni Tyron na maayos naman ang aircon sa loob ng kwarto niya. Ang kasinungalingan niya para lang makasama ang dalaga."Hindi ko nga kasalanan. You should learn how to tame your woman. Do not use that tactic of yours. Nasiraan ng aircon? Hindi tayo naghihirap para hindi mo mapalaitan kaagad. Ang baduy!" Tyron groaned as he said his sentiments."What is baduy?" Mas lalong hindi magpinta ang mukha niya. Hindi niya maintindihan ang sinab







