Tinakasan ng dila akong sumunod sa kanila habang maingat na sumusulyap sa paligid matapos kong makaani ng mga kaswal na tinginan.Hindi ko naman masisisi ang empleyado ng mga ito kung nagulat sila nang ipatawag ni Mr. Trevino ang mga ito para mag-anunsyo. Na may namamagitan sa aming dalawa na siya namang dahilan para pintahan ng pagtataka at pagkagulat ng linawin nito na galing lamang sa bulaang propeta ang mga napapanahon sa mga balita.Nang matapos nga iyon ay kaagad akong nagpumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kaniyang kamay. Ramdam ang matinding pagwawala ng puso, marahan kong tinahak ang corridor ng gusali at tumigil ng huminto ang nasa harapan ko.“Leave us, Maureen," Itinapon ko ang tingin rito nang marinig ang kalmado ngunit kapintig-pintig ng balahibo nitong utos sa sekretarya na kaagad namang tumango.Sa hindi malamang dahilan, yumukom ang aking kamay nang subukang pagmasdan ang kaniyang panga hanggang sa umigting ito at iniakyat ang paningin sa kaniyang mga matang
“H-Hindi ko pa kayang lumantad ngayon sa medya pagkatapos ng nangyari kanina. Ayoko, Trevino."Itinukod nito ang mga kamay matapos matamang tuldukin ang natitirang bola papasok sa butas na sinundan naman ng pagdilim ng paningin nito.“You're the one who insisted that we should clear this things up publicly, right?" sarkastikong anito na binigyang diin pa nga ang mga huling salita atsaka ako tinaasan ng kilay.Kasing bilis ng hudyat ng orasan ang pag-iwas ko ng paningin sa kaniya na animo'y may bahong itinatago na ayaw kong mabasa mula sa aking mga mata ngunit ang totoo ay nakaramdam lamang ako ng pagkapahiya.Ibinaling ko ang atensyon sa hawak na baso't hinayaang bumalatay sa lalamunan ang orange juice.Malalim akong humugot ng hininga atsaka mabigat itong inilabas gamit ang ilong ko. “Oo, kasi akala ko ay madali lang ngunit nagkamali ako. Ayokong makita ni Inay ito kaya't mas mabuti muna siguro kung sabihin ko sa kaniya ang lahat ng nangyayari sa akin," sagot ko at hinugot ang natiti
Maingat akong kumislot mula sa kinauupuan nang iayos ang nalilis na damit atsaka matamang pinagmasdan si Mr. Trevino na siyang walang kaimik-imik dahil nakabaling ang buong atensyon sa harapan ng kaniyang laptop.Pinagmasdan ko lamang itong gawin ang mga bagay na alam kong mahalaga dahil nasisiguro kong mayroon itong kinalaman sa kompanya ngunit kusa ang tumigil nang kaswal nitong damputin ang libro mula sa gilid ng mga paplas na kanina pa niya binabalingan ng tingin.Nalukot ang noo ko nang paliitin ang awang ng mga mata, sinisubukang basahin ang pabalat ng libro. “Tips to be a good husband?" bulong ko sa sarili.Ano na namang trip nito? Lakas ng tama, ah!Naibalik ko ang blangkong ekspresyon nang salubungin ang kaniyang mga madidilim na mata. “What?" singhal nito. Nakatitig ito sa akin na animo'y isang tigreng gutom na gutom na nakakita ng karne.Hindi ko alam kung bakit ako nito pinapasok sa opisina at sungitan lamang ng ganito. Kaswal niya akong pinuntahan sa kwarto para papuntahin
Awtomatikong humakbang papaatras ang mga paa ko nang makitang magsimulang mag-martsa si Mr. Trevino papalapit sa kaniyang desk.Sa kabila ng lamig na bumabalot sa silid ay nakuha pang bumuhos ang mga pawis sa mukha ko pababa sa leeg at ang mga kamay na pasmado na hanggang ngayon ay hindi pa nililisan ng panginginig. Na siiya namang mangha ko habang pinagmamasdan ito dahil base sa reaksyon nito ay hindi manlang bumahag ang kaniyang angking katapangan sa baril na itinutok pa mismo sa ulo niya.“No, it's not like that," nahinto ako sa pag-atras nang marinig na kumibo ang matanda, halatang-halata ang panginginig ng boses. “I've changed my mind, sorry." dagdag pa nito.Pasimpleng ngumisi patagilid si Mr. Trevino nang magtama ang paningin namin. Hindi ito nag-atubiling maglakad papalapit sa kaniya.“I'm doing my best to save our partnership, Mr. Vérmudez. Your business will not be that huge without my help, take note of that," Nangunot naman ang noo ko sa sinambit nito. Pinagmasdan ko lama
“Nasaan tayo?"Kasabay nang palakpak ko ang banayad na simoy ng hangin na talaga namang nagpakalma sa nagwawala kong puso. Hindi ko inaasahan na pagbibigyan niya ang kanina ko pang ibinubugnot sa kaniya magmula sa mansyon pa lang.Hindi hinggil sa aking kaalaman na katapangan ng hiya ang pangungulit sa isang lalaking nakaayos na ang mga dapat gawin sa araw na walang ginawa kundi trabaho ang isipin. Ngunit maisasantabi ko ang hiya lalo na't para sa isang bata. Hindi rin naman siguro malaking bagay ang hinihingi ko? Na pagbigyan si Alliyah sa kaniyang gusto para sa kahit isang beses lamang ay maramdaman at maranasan niya ang saya ng pagkakaroon ng isang pamilya. Abot tenga ang ngiting sumilay sa aking labi nang simulan naming tahakin ang malawak na espasyo ng skwelahang ito. Iwinaglit ko muna sa isipan ang kaba nang makaramdam ng iilang mga tinginan ng mga tao sa amin at mga bulungan nito.“Good day, Mr. Sebastian. In behalf of the school employees and board of directors, we want to th
Wala akong nagawa nang hablutin nito ang telepono mula sa mahigpit na pagkakahawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang sinundan niya ako.Pailalim niya akong tiningnan matapos niyang tipanin ang telepono. “Who called you? Besides, this is Alliyah's," anito na sinundan ng kaniyang pag-igting ng panga.Humugot ako ng malalim na paghinga nang tibayan ko ang loob para tapatan ang mga tinging iyon. “W-Wala ‘yan, hindi ko nga alam ku–" naputol ang pagsasalita ko nang ibato nito ang telepono sa fountain na nasa harapan namin.Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mabilis na paglubog ng bagay na iyon sa tubig. Ipinagkrus ko ang aking mga braso nang maibalik ang tingin sa kaniya.Ang kaninang takot na bumabagabag sa aking kalooban ay napalitan ng pagkamuhi sa ginawa niya. “Bakit mo naman ginawa ‘yon? Trevino, ‘yong cellphone! Ang mahal no'n tapos ibabato mo lang?" kompronta ko habang itinuturo pa kung saan niya itinapon ang bagay na nagmistulang basura sa kaniya.Hindi naman talaga
Parehas na kaming nakabagsak sa sahig nang pasadahan ko ito ng tingin. “Tama na!" bulyaw ko atsaka ito nilapitan. Mabibigat na paghinga ang ibinubuga ng bibig ko kasabay ng mga luhang pumapaligo sa buong mukha ko. “Please, no!" huling bulyaw ko nang makarinig pa ng iilang putok ng baril. Pinagmasdan ko lamang ito habang nakaratay sa harapan ko, naliligo ng dugo at magmistulang lantang gulay ang katawan. “H-Hindi ka pwedeng mamatay, hindi!" bulalas ko habamg tinatapik-tapik ang mukha nito.“G-go ka. . ." saad nito habang pilit na humuhugot ng hininga. Mahigpit ang pagkakapit nito sa aking braso na animo'y punong-puno ng galit at pighati. Wala akong nagawa kundi bigyan ng sampal ang mukhang kanina pa bugbog sa mga pananakit. “S-Sabihin mo kung sino ang mga magulang ko, please! T-Tulungan mo naman ako," pagmamakaawa ko. Napansin kong umiling-iling ito nang bahagya atsaka ngumiti nang patagilid bago pa siya tuluyang malagutan ng hininga.
“Sir, the event has been started, your guests are waiting. Huge investors are also attending. We only have ten minutes left," bukambibig ni Ms. Maureen nang makalapit sa amin at sumulyap sa kaniyang relo bago tuluyang yumuko. Halos kapusin na ito ng hangin dahil sa labis na paghahabol ng hininga. Nakarinig ako nang mabigat na pagbuha ng hangin mula kay Mr. Trevino dahilan para maibalik ko ang atensyon dito. Nakahihiwa ang ibinato niyang tingin mula sa sekretarya na siyang labis na ikinabahala ko. “Prepare the chopper," tipid na litanya nito na siya namang itinango ni Maureen at mabilis na nag-martsa papalayo sa kinatatayuan namin. Mariin akong napalunok nang masalo ang titig nito. “Ano ba kasing nangyari? Baka makatulong ako," tanong sa gitna ng labis na pagtataka.Hindi ko na rin kayang pigilan pa ang sarili kong alamin ang nangyayari dahil kanina ko pa napapansin ang pagiging abala ng lahat, pati siya ay kanina pa mainit ang ulo dahil wala na siyang ibang ginawa kundi sermonan ang