INICIAR SESIÓNInaasahan ko na ang gano'ng bagay. Of course, they are the richest family among all the families around the world. May karapatan silang maging mapili pagdating sa aasawahin ng mga anak nila in the future. But I'm not planning to marry one of their sons kung iyon ang inaasahan nila. I just want the money. At alam kong iyon lang ang iisipin nilang habol ko sa anak nila. Well, who wouldn't? Lalo na ngayong malaki ang chance na makakuha ako ng malaking pera sa anak nila.Lalo na sa balak ngayon sa akin ng Jameson na iyon.Matapos naming mag usap ni Astrid nang ilang minuto pa ay bumalik na ako sa mansion dahil nakaramdam ako bigla ng pagkahilo. I was walking towards my room upstairs nang marinig ko ang pag tawag sa akin ni Anika, ang isa sa mga maids nila. Bata pa ito at ang sabi ay anak siya ng mayordoma sa mansion. Tingin ko ay magbebente pa lang ang babaeng ito."Pasensya na, a. Kararating ko lang. Kanina mo pa ba ako hinahanap?" Tanong ko sa kaniya."Hindi naman, Ma'am. Kaya lang kasi
Kinabukasan ay maaga rin akong nagising kahit pa napuyat ako kakaisip sa nangyari kagabi. Plano kong bisitahin si Althea ngayon at puntahan si Astrid sa café dahil ang sabi niya sa akin kahapon ay ngayon ang alis niya roon. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang plano pero ang sabi niya ay gusto niyang magbakasyon. Ewan ko ba sa babaeng 'yon.Matapos akong mag ayos ay lumabas na ako mula sa silid ko. Biglang sumagi sa isip ko si Luke kaya lumiko ako patungo sa kuwarto niya para magpaalam. Kakatok na sana ako ngunit napansin kong nakabukas ang pintuan kaya sumilip na lamang ako roon. Agad na narinig ko ang boses niya sa loob na tila may kausap."You're fucking funny, Brandon. I don't care about her child. Wala akong balak pakasalan ang pokpok na iyon." Dinig kong sambit niya.Bumagal ang tibok ng puso ko. Doon pa lang ay alam kong ako na ang tinutukoy nito. Sino ang kausap niya? At anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?"I just needed a reason. Kung hindi ako magbibigay ng ebiden
Nang dumako ang tingin ko sa mukha niya ay doon ko lang nakita nang maayos ang mukha na mayroon siya. I don't know how to say this but they just looked the same pero may iba sa lalaking ito. Iba ang dating at tangos ng ilong niya. Almond-shaped ang mga mata nito at mahahaba ang pilik. Makakapal at itim na itim ang kilay. Sakto ang kapal ng labi at napakaperpekto ng pagkakahulma ng kaniyang panga. May maliit din siyang nunal sa kaliwang mata niya sa ilalim.I can't believe this good-looking man is kind of weird. Parang may mali sa kaniya na hindi ko mawari.Maya maya pa, habang nakatitig ako sa kaniya ay dumating na si Kuya Dave pero agad ding umalis ito. Naghanap ako ng puwedeng pamalit sa kaniya at napili ko ang puting t-shirt na nasa cabinet niya. Iyon ang unang nakita ng mga mata ko.Habang binibihisan ko siya ay panay pa rin ang ungol nito na tila nananaginip. Nang masuotan ko na siya ng damit ay agad na binalot ko siya ng kumot. Saglit pa akong napatitig sa kaniya bago nagdesisyo
"This will be your room. Naisip ko na baka hindi ka pa kumportable sa set up natin kaya ito ang ginawa ko. But if you're comfortable enough then we can share the same bed room.""Uh, hindi na. Ayos na sa 'kin 'to, Jameson. Parang buong bahay na namin 'to sa sobrang laki," agap na sinabi ko sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa kuwartong para sa akin-sabi niya.Napangiti ako at nilibot ng tingin ang buong silid. Katulad ng inaasahan, malaki talaga ang Montgomery Mansion sa loob at labas. Feeling ko ay maliligaw ako sa loob nito dahil sa sobrang laki! Ni hindi ko nga marinig ang sarili kong boses."Maraming salamat, Jameson-""Just call me Luke. I don't like my first name that much," natatawa niyang putol sa sasabihin ko kaya natawa na rin ako at muli siyang nilapitan."Maraming salamat, Luke. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa ginawa mo pero irerequest ko sana na ipa-DNA 'tong dinadala ko para hindi ka na maghinala. Para na rin sa ikapapanatag ng loob mo," suhestiyon ko sa k
Seeing life from various perspectives-as people who leave or are left-as people who love and as people who never get choices-I can now see where I really belong.Mula nang mag desisyon akong mag trabaho sa bar, ilang beses ko munang nilunok at pilit na tinanggap ang mga masasakit na salita na ibinato sa akin ni mama. Kesyo may iba pa namang disenteng trabaho-bakit mas gugustuhin kong pumasok sa gano'ng klaseng trabaho? Hindi ko nasabi sa kaniya na mas kailangan namin ng pera kaysa sa pride at dignidad ko na matagal naman nang wala. Hindi ko nasabi sa kaniya na mas kailangan kong isipin ang kapakanan at sitwasyon nilang dalawa kaysa sa sarili ko dahil ayokong lumabas na parang sinusumbatan ko pa siya.At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang sabihin sa kaniya ang mga 'yon."Saan ka na naman magtatrabaho? Iiwan mo kami?" Tanong niya sa 'kin nang sandaling makapasok siya sa kuwarto ko."Paano na ang kapatid mo, Tatiana? Pababayaan mo na naman ang-""Ibibigay ko ho nang personal sa
Pareho kaming nakatingala sa malaki at napakataas na building na ito sa harapan namin. Pareho din kaming nakanganga habang manghang mangha sa nakikita. Ngayon lang ako nakakita ng ganito klaseng kalaking building kaya naman hindi ko mapigilang ma-amaze. Hindi lang ako sigurado kay Astrid dahil mayaman naman ang pamilya niya at may ganito rin silang kompanya."Ang laki at ang taas pala talaga ng empire na 'to. Sa TV ko lang 'to nakikita, e," ani Astrid at bumaling na sa akin."Okay lang ba ang itsura ko? Presentable naman?" Biglang tanong niya kaya nangunot ang noo ko.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tumango. "Ayos naman. Bakit?""Tatiana, alam mo? Para kang taga probinsya na ngayon lang lumuwas pa maynila. Mga malalaking negosyante at minsan pa nga'y may mga artista ang nagagawi sa building na ito. Malay mo may biglang mangyari at makita tayo sa TV. Dapat maganda ako 'no!" Sambit niya at humalakhak pa.Nang tuluyan kaming makapasok sa lobby ng empire ay mas lalo lang ang na







